Naghahalo ang kaba at excitement ko habang nakamasid sa mga taong paroo't parito. Nakikihalo ako sa ilang mga pasahero na naghihintay ng bus. Karugtong kasi ng pier na dinaungan ng sinakyan kong lantsa ang bus terminal. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil unang beses kong magpunta sa siyudad nang hindi kasama sina Mama at Papa. Wala akong kakilala na taga-rito at tanging lakas ng loob lang iyong nag-udyok sa'kin na rito magpunta matapos maglayas. Nasisiguro ko kasi na hihirapan sina Mama at Papa na mahanap ako sa ganito katao na lugar. Ito iyong pinakasentro na siyudad ng bansa at maraming mga tao mula sa iba't ibang lugar ang gustong makipagsapalaran dito. Nandito raw kasi iyong pinakamaraming oportunidad. Noon ay hindi ko naisip na matatagpuan ko ang sarili na