chapter 18

1546 Words

"Basta iyong usapan natin ha," paalala ulit sa'kin ni Ate Ving habang papasok kami sa isang napakalaking bahay. Mayaman naman kami pero ibang level ang karangyaang nakikita ko ngayon. "Ako ang magpapaliwanag kay Ma'am. Basta kapag tatanungin ka niya ay sabihin mo lang iyong totoo." Panay ang tango ko sa mga bilin niya. Wala naman akong balak na magsinungaling. "Ang pinakaimportante, foreigner ang mga amo natin at kahit anong makikita at maririnig mo sa loob ng pamamahay na ito ay maiiwan dito at hindi mo pwedeng ipagsasabi sa iba." "Oo, Ate Ving, naintindihan ko po," seryoso kong sabi sa kanya. Kinakabahan ako kapag naririnig ko iyong pinakaimportante niyang bilin. Para kasing may malaking sekreto na tinatago ang magiging mga amo namin na 'pag ipagsabi ko ay buhay ko iyong kapalit!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD