Matapang kong sinalubong ang mga mata ni Rusca. Gusto kong iparating sa kanya na seryoso ako sa pagkakataong ito. Bahagyang lumambot ang mukha niya bago siya napabuga ng hangin. "We have to talk about us," mahinahon niyang wika habang maingat akong pinakawalan. Parang may kumurot sa puso ko pero hindi ko alam kung dahil ba sa tono niya o dahil sa nararamdaman kong kahugkangan sa pagkakalayo ng mga katawan namin. "Walang us, Kuya Rusca," mariin kong wika. Pilit kong pinagtatakpan ng pagtatapang-tapangan ang pait na kasama ng katotohanang iyon. "Please lang po huwag mo na akong guluhin at bumalik ka na kay Ate Ellie." Bago pa ako ipagkanulo ng sarili kong damdamin ay mabilis na akong lumabas ng cubicle. Hanggang kaya pa akong dalhin ng nanginginig kong mga binti ay binilisan ko ang pa