Chapter 33: Hickeys

2212 Words

Matt’s POV Tumatama ang liwanag na tumatakas sa bintana sa aking mukha nang magising ako. Kinapa ko ang aking tabi at napunang hindi katawan ni Noemie sa giliran ko kung hindi unan. Minulat ko ang aking mga mata at napatingin sa aking giliran. Ang tanging ngumingiti sa akin ngayon ay guhit ng mata at labi sa papel na ipinatong sa itaas ng papel. Bumangon ako at kumunot ang aking noo, “Noemie?” sigaw ko at napalinga linga sa kapaligiran. Bumangon ako at sumilip sa banyo, pero wala siya roon. “Noemie?” sigaw ko ulit pero ni katok ay walang tumutugon. My heart skips a beat, kinabahan ako bigla. Ginulo ko ang buhok ko at kinuha ang aking phone. Binuksan ko ang agad nang makita ang mensahe niya doon. “Bebeloves na tulog mantika, hindi na kita nagising dahil alam kong mahimbing ang tulog mo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD