Chapter 12

3317 Words
Chapter 12 Paula “Sige na, sumakay ka na,” pigil na pigil na akong mangiti dahil sa pagtulak sa kan’yang umuwi na. It’s late. Ang tagal naming nag-stay sa bahay n’ya, pagkatapos kumain ay inaya n’ya akong manood ng DVD sa entertainment room pero, wala naman akong naintindihan sa istorya dahil mas napo-focus ako sa yakap at panakaw na halik sa akin. Mas lalala pa iyon kung hindi kami sa recliner chair nakaupo. Damn. I still feel the soreness down there. Baka himatayin ako ’pag..humirit pa ng isa. Nag-iinit ang mukha ko pero ang sarap ng yakap n’ya sa akin. Pinapatulog na nga n’ya ako sa bahay n’ya, hindi ako pumayag dahil baka i-chika ako ng mga kasambahay nina ate at kuya. Ayokong pumangit ang imahe n’ya kanila. Tapos ngayon, nakalabing naglalambing na sa akin at ayaw akong pakawalan. He’s leaning at his car’s bumper, crossed-legs, holding my hands, and stopping me to get inside the house. Tanging mga kuliglig lang ang musika namin sa paligid. Magulo pa ang buhok n’ya at hindi nag-ayos dahil pinabangon ko lang s’ya para ihatid na ako. He really don’t like to bring me home. He pulled me againts him. My hand landed on his shoulder, ang isang kamay n’ya humawak na sa baywang ko. In this position, I towered him. I like it when he’s looking up at me, katulad kanina sa boxing ring, I felt the power I have for him. It’s kinda funny but, those things made my heart flutter when he’s looking up at me. “Five minutes,” he sighed. Staring at me and palm made a little caress on my waist. Tinaasan ko s’ya ng kilay. “Nakaka-15 minutes ka na nga e,” biro ko. Tumingin ako sa dereksyong dadaanan n’ya. “Baka masyado kang gabihin, babe.” pag-aalala ko. Nilingon ko rin ang dalawang security ni Kuya Oliver na nagbabantay sa front door, alam kong ako lang ang hinihintay nila bago magpahinga. Kaya nagi-guilty na ko at masyado ko na silang pinaghihintay. He groaned, napatingin ako sa kan’ya pero mas hinapit ako at bahagyang nilubog ang mukha sa ibaba ng didbib ko. I tickled and cleared my throat. This is him showing some public display of affection. “I really can’t go..can I just sleep here? Hmm, babe?” he muffled at tiningala ako. I bit my lip. I softly combed his unruled stands of hair just so I can covered up my crazy feelings his throwing at me. This is insane. I am starting to feel that. Bit by bit. “Hindi nga pwede, magsusumbong sila kina ate n’yan, bahala ka.” Nilingon n’ya ang mga tauhan at binalingan ulit ako. Pumikit s’ya, parang nagugustuhan ang pagsuklay ko kan’ya. “This is gonna be a tough night,” bulong n’ya. He made it hard to recognize. “May pasok pa ako bukas,” dagdag hirap ko sa kan’ya. Ngumiti ako nang dumilat s’ya at nagsalubong ang mga kilay sa inis. He planted a kiss on my abdomen. “Kita mo na? I can’t sneak around because you’re a good girl. You knew what to prioritize, I’m just so f*****g jealous.” I licked my lips and bit it. Bakit ang cute n’ya do’n? Naghuhumerantado na naman ang puso ko at natatakot na maramdaman n’ya iyon. Kaya lumayo ako ng kaunti para hindi n’ya maramdaman o marinig ang kalabog sa dibdib ko. He opened his eyes the moment I stop combing his hair. “Sige na, alis ka na. Magkikita pa naman tayo ulit.” my cheeks flared. He stared at me. “Date tayo bukas?” medyo na-excite ang boses n’ya sa tinanong. “May pasok nga ako,” “Pagkatapos ng klase mo, susunduin kita.” “Sa’n tayo pupunta?” He pouted his luscious lips. “Mag-sine tayo tapos kakain. Or shopping, anything that you like.” Ngumiwi ako. Pagkatapos n’ya akong bigyan ng diamond necklace aayain pa n’ya akong mag-shopping? No way. “Hindi ka naman nanonood kanina e, hmm..” nginisihan n’ya ako at pinanood habang nag-iisip. “Puntahan na lang natin ’yung townhouse na sinasabi mo tapos kukunan ko ng picture, ipapakita ko rin kina ate! Pwede ba?” “Of course. I like it too.” he grinned. Mahina ko s’yang tinadyak nang mahuli ko ang malaro n’yang mukha, he chuckled and kissed me after. Sobra na akong nahihiya kaya tinulak ko na s’yang sumakay sa sasakyan. But I got a hard time para paandarin ang sinasakyan. Parang batang nakalabi at humahabol ng hawak sa akin, I’d laughed but he he’d pouted more. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakatanggap pa ako ng text sa kan’ya. William: Sarap mong lambingin, babe. Miss na kita agad. I smiled. Nagta-type akong umupo sa gilid ng kama. Me: I miss you too. Ngumisi ako. Iyong ngiti sana pero pigil dahil sa isip ko ay para na akong baliw. May ganito pa lang feeling? Iyong para bang, ang perfect ng mundo, iyong tipong ang gaan-gaan ng mga problema at excited sa darating na bukas. I even anticipated it to come, whatever it may brings. **** I caught off guard when someone bumped from my back. Masakit ang pagtama ng balikat n’ya sa akin at ramdam kong sinadya ang bunggo. Agad ko iyong nilingon at nangingiming buweltahan--but I calmed myself when I saw, Iah. Bumuntong hininga ako at parang usok na nalusaw ang inis ko. Hangover pa ba ’to? Gumilid ako at bahagyang napadikit ang likuran sa bulletin board. “Sorry, ’di kasi kita napansin, Paula.” pinasadahan n’ya ako ng tingin. “So..what’s up? Peyton never been the same without you, girl.” I saw the apologetic smile from the girl at her behind. Ngayon ko lang nakitang kasama s’ya nina Iah with her friends. Bukod sa s’ya lang ang tahimik, nagmumukha s’yang out of place sa kanila. I sighed. I cleared my throat and smiled. “Okay lang--” biglang hinatak ni Iah ang wrist ko. “Is that a Parmigiani Fleurier watch?” tinaas n’ya ang kamay ko para mas lalong makita ang relos ko. Gulat akong nakatingin sa kan’ya nang namilog din ang mga n’ya, her lips forming an ‘O’ as she look stunned at me. “Oh my goodness! This is an authentic Parmigiani Tonda Metropolitaine watch! How did you get that? That’s so freaking expensive at sa Europe pa ’yan makakabili! Pa’no mo na-afford ’yan, Paula?” pabalang n’yang binitawan ang kamay ko, I sighed at his attitude. Pakutya n’ya akong tinitigan, nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib at may ilang mga estudyante na ring unti-unting pinagtitinginan kami. Nag-init ang mukha ko. The way Iah threw a sarcastic tone at me, pinaparamdam n’ya sa akin na kakatwang makitaan ako ng ganitong bagay. I didn’t know what she said about this watch that William gave me. Hindi ko sigurado kung gaano kalaki ang halaga nito pero alam kong mahal dahil kay William Drei Sullivan nanggaling. But her tone, she’s degrading me. Tumabi sa akin ang isang kaklase. I cleared my throat but I can still feel the embarassment heat on my face. “M-May nagregalo lang sa akin,” it was true, pero dahil sa kaba ay nautal pa ako. She smirked at me, tinaasan pa ako ng kilay. “Really? A very expensive gift--oh wait!” Nilayo ko ang mukha nang lapitan na naman n’ya ako at nilabas mula sa kwelyo ko ang kwintas na suot. And her reaction was an epic! “s**t! This is a Tiffany and company diamond necklace! Hindi ako pwedeng magkamali,” nilingon n’ya ang kaibigan na nakitingin sa kwintas ko at nagpalitan ng makahulugang tingin. Umatras s’ya nakipagbulungan sa mga kaibigan, they all look at me, they scanned my figure, at tinaasan ako ng mga kilay. The boys at their back na nakarinig ng binulong ay sumipol pa. “Tell me, Paula, regalo rin ba sa’yo ’yang diamond necklace mo? Muk’ang nakabingwit ka ng maperang ka..ibigan!” sinabayan n’ya iyon ng insultong tawa. “Ipakilala mo naman kami sa ka..ibigan mong galante, Pau Pau!” Her friend with a pink lipstick told me, she laughed too. “Ang tanong, may kaibigan bang nagreregalo ng libo-libong presyo ng relos at diamond necklace? not unless..” Iah trailed off at pinasadahan ulit ako ng tingin. “I have been hearing about higher batch’s secret business, pero ’di ko akalaing may maglalantad ng ganito. I mean, Paula, be discreet naman oh? We may never know kaya pala hindi ka na nakikisama sa amin kasi nakabingwit ka na ng mayaman. Eww!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi sa akin ni Iah, with her friends and my shoolmates. Natahimik ang lahat at nagkanya-kanyang bulungan ang bawat grupo. Lahat ay narinig ang boses ni Iah. Umiling kaagad ako, wearing the little brave I have right now. “B-Boyfriend ko ang nagbigay nito sa akin, Iah.” gusto kong ipagsigawan iyon na hindi sa maruming gawain ko nakuha ito at mas lalong hindi sa kung sino lang. William is my boyfriend. Hindi man ako pabor sa mga binibigay n’ya--hindi ko rin naman ito hiningi. He said it’s a gift. But part of me, wanted to give it back to him. These are my treasures, hindi dahil sa halaga, kundi dahil sa galing ito sa kan’ya. That’s the sentiments I have--na malamang ay pagtatawanan ng iba. They laughed with a mocking tone. “Yeah, I’ve heard about that too. Poor old man!” hindi natatapos ang insulto nila at tawanan. Naramdaman ko na lang ang paghatak sa akin ng kaklase ko. “Paula, tara na.” bulong n’ya. But I couldn’t move, as I staring at their mocking faces that humiliates me infront of my school. I couldn’t bare that. Whatever that comes from my lips, they’d laughed and make fun of me. Showing their disgusted eyes and insults filled their brains. I have never been degraded all my life. Hindi ko kayang palagpasin ang hiyang pinupukol nila sa akin. I puckered my lips. “He’s not old. He’s my boyfriend and I didn’t do anything to earn these gifts. I didn’t ask either.” mariin kong sabi. But even I said the truth, I can sense that it’s nothing for them. My explanation--why would I even explained myself? So what if they thought I am some kind of a dirty woman? I am not. * Am I? * Napalunok ako. My subsconcious contradicting myself. I..I even thought it twice! Nag-flash back ang memories ko no’ng ialok iyon sa akin ni William. He’s my boyfriend because he likes me, he wanted me--and we just did it last night. We did it and he gave me a gift. A presents after he took myself. A gift..or was I just misnamed it? That it should be something that covered by his sweet words but it actually a p*****t. A p*****t for s*x. It was s*x! Dammit! Iah smirked while staring at me like a trash. She sighed. “Don’t talk to me like that like I doesn’t know you. Gustong-gusto mong sumama sa amin sa Peyton dahil may hinahabol kang lalaki, none other than, Oliver Montejo from a well-known clan. The famous brother of Dale Jonas Montejo who owned a chains of hotel in the Philippines. So, now, ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo habol ang mayayamang lalaki, Paula? Tell us!” usig n’ya sa akin. Para akong pinainom ng tubig na sinimentuhan ng mga bato at bumara sa lalamunan ko habang namumuo ang maiinit na likido sa mga mata ko. Ang tawanan nila ay parang sibat na sumasaksak sa akin. Ang kaibigan n’yang lalaki ay pinasadahan ako ng malaswang tingin at nagtagal ang titig sa dibdib ko. I fisted on my books as I looking at them. At my schoolmates. At my classmates. They all knew my fantasy to Kuya Oliver? Of course! Nahalata nga ni Kuya Oliver e, sila pa kaya? Pero bakit ngayon pa ako nangangamba kung kailan wala na ang nararamdaman kong iyon? He’s now my brother-in-law! They didn’t know it yet, but why the hell I was hurting now? Iyon ba ang labas ko nang pumayag ako sa deal ni William? Pero hindi ko iyon ginawa dahil sa wala akong pero o para bigyan n’ya ako ng mga materyal na bagay--kundi dahil gusto ko rin. Gusto ko. Gusto ko s’ya. Gusto ko si William, ang boyfriend ko. Gusto ko ang boyfriend ko. Isang matalim na tingin ang iniwan sa akin ni Iah bago umalis. Naiwang tahimik sa kinatatayuan ko dahil pinapanood pa rin nila ako. She just shades me. I was accused, I tried to defend myself but I failed. Tinawag ako ng kaklase ko, malalaking hakbang na naglakad ako pinakamalapit na comfort room at nagkulong sa cubicle. I locked the door immediately. Nanginginig ang mga kamay kong tinakpan ang bibig para hindi pigilan ang paghikbi. Sunod-sunod at umagos ang luha ko. Ang sakit sa lalamunan ay umabot na hanggang sa dibdib. Bigla kong naalala ang sarili, nasa ilalim ni William habang inaangkin ako at ilang beses na dumaing. Those memories suddenly ripped my heart apart like a lightning strike a cliff. I covered my mouth much harder to restrain my sobs. Nagduda ako sa sarili. Kay William. Hinubad ko ang kwintas at relos na binigay n’ya sa akin at walang ingat na tinabi sa bag. Ayokong matagalan dito at may ilang minuto na lang ay magsisimula na ang susunod kong klase. Tumikhim ako at pinihit ang flush ng bowl bago ako lumabas ng cubicle. There were a few students retouching at the mirror, ang isa ay tiningnan ako galing sa salamin. But I chose to get out immediately. **** Nasa classroom na ang professor namin nang nakabalik ako. My friends look at me but they still spared me a chair beside them. Nginitian nila ako na parang walang nangyari kanina. Tahimik akong nakinig pero lutang pa rin ang isip. Kaya sa sumunod na klase ay hindi ko na pinasukan at umuwi na lang sa bahay. Hindi na ako inusisa pa ng mga kaibigan ko at tipid ang labing nagpaalam ako. Pasado alas-tres ng hapon nang makauwi ako. I just lifelessly changed my uniform into comfortable white shorts and a pink t-shirt. Umupo ako sa gilid ng kama pero nauwi iyon sa paghiga. Hindi na ako naiiyak, pero hindi rin ako makakibo. I was just going to stare at the window ’till I drifted myself to sleep. Naalimpungatan ako sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto. Ginusot ko ang mga mata, tiningnan ko ang pintuan, sa tingin ko ay para na iyong magigiba sa lakas ng pagkatok. Napaupo at tiningnan ang oras sa night stand-it’s 5:34 in the afternoon. Bumangon na ako at binuksan ang pinto-- “What the f**k were you doing, Paula?” I was taken aback as I received his mad face and hard angry tone of voice. Bigla akong natakot lalo na nang tinulak n’ya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ko. Sa labas ay nakita ko pa ang dalawang katulong na may pag-aalala sa mga mukha, tipid ko silang nginitian at sinara ang pinto. Pagharap ko naman ay sinalubong ako ni William ng matiim na titig, matiim na pagkakalapat ng labi at salubong na mga kilay. Ang mga guhit sa pagitan ng mga kilay ay nagpapakita sa akin kung gaano s’ya kagalit ngayon. “Answer me.” mariin n’yang utos. My lips parted a bit before I regained myself. Napahawak ako sa kaliwang braso ko at umiwas ng tingin sa kan’ya. Napipilihan ako sa harap n’ya. “Paula.” another terror call. I look at him. Titig na titig sa akin. I cleared my throat as I was looking for an answer at the same time. “Nakatulog lang ako,” nakayanan kong isagot. “You left early?” matigas pa rin n’yang tanong. Bumuntong hininga ako at naghihinang yumuko, tumango ako. Narining ko ang marahas n’yang paghinga at paglapit sa akin kaya ako nag-angat ng tingin sa kan’ya. “Tinext mo dapat ako na maaga kang uuwi. May sakit ka ba? Hmm?” Hindi ko na natanggal pa ang tingin sa kan’ya nang lumambot ang boses n’ya at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. He crouched to see my face and my eyes, I saw the glint of worries on it. Pero na imbes na sagutin s’ya ay hinawi ko ang mga kamay n’ya at kinuha ang mga regalong binigay n’ya sa akin. He’s watching me but I am willing to give back his luxurous gifts. Dito yata ako nakaramdam ng sobrang lungkot mula kanina. Walang buhay ko s’yang tiningnan, nilapag ko iyon sa ibabaw ng kamay at binaba ang bag sa sahig. “Take it back, William.” Mas dumami ang guhit sa pagitan ng mga kilay n’ya, saglit n’ya lang iyon sinulyapan bago binalik sa akin ang atensyon. “Ano’ng problema?” seryoso n’yang tanong. Nag-iwas ako ng tingin at humalukipkip. “A-Ayoko nang suotin ’yan!” s**t! pumiyok na ako dahil sa tinatagong hikbi. Kaya para s’yang naalarma at lumapit ulit sa akin. Hinawakan n’ya ako sa baywang at pilit na hinahanap ang paningin ko. “Babe, what’s wrong? what happened? Tell me..” malambing n’yang bulong sa akin. I knew then, hindi ko na kayang itago sa kan’ya ang nararamdaman ko. Umiling ako. “W-Wala!” pagalit ko sagot sa kan’ya. Hindi kaagad na sumagot at tinitigan lang ako. Tumingin ako sa ibang direksyon habang nilulusaw ang sama ng loob sa dibdib. I can’t even blame him. This, is my choice. “Babe,” I swallowed. Pinilit kong tanggalin ang hawak n’ya sa akin, nang maramdaman n’ya iyon ay humigpit pa ang yakap sa akin. “Babe, sabihin mo sa akin ang problema,” Napalitan ng inis ang pagpupumilit kong kumawala sa kan’ya pero mas lalong humihigpit ang ma braso n’ya. “Bitiwan mo ko!” He look stunned when I raised my voice and lips parted a bit. He stared at me unbelievably. But my defenses suddenly broke as I gradually looking at his beautiful eyes. Mas nanghina ako sa titig n’ya sa akin at para akong kinukulong sa mundo n’ya. I once urged myself to push him away but..I can’t. “What’s wrong?” Uminit ang magkabila kong pisngi ko. Nararamdaman ko na ang pagtitipon ng luha sa mga mata ko. “P-Pakiramdam ko..m-masama akong b-babae!” tuluyan akong napahikbi. Sa hiya ay agad kong tinakpan ang mukha ko para hindi n’ya makita ang pag-iyak ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Umiling ako, hindi tinatanggal ang takip sa mukha ko. “Gano’n ang tingin nila sa akin dahil sa mga binigay mo. B-Bayarang babae.” hikbi ko. “That’s not true. Sino’ng nagsabi sa’yon n’yan?” matigas na n’yang tono. Hinawakan n’ya ang palapulsuhan ko at tinanggal ang takip sa mukha ko. I bowed down so he could’nt get the chance to see my drenched face--but it’s too late. Hinaplos n’ya ang pisngi ko at pinunasahan ang luha. “Sino’ng nagsabi sa’yo?” Umiling ulit ako. Yumuko s’ya para hanapin ang mga mata ko pero umiiwas ako. Bumuntong hininga s’ya at hinatak ako sa kama. He sat on the edge and pulled me on his lap. Nagpaubaya ako hanggang sa lumapat ang puwitan ko sa kandungan n’ya. He snaked in his arm on my waist and held my chin, para hulihin ang paningin ko. I fell. I felt safe on his arms. “That’s not true. Hindi ka dapat nakikinig sa sinasabi nila sa’yo dahil alam mo at alam kong hindi ka gano’ng klase ng babae. You’re pure, goddess, natural..beautiful, confident, brave, why are you doubting in your self-esteem?” Yumuko ako, parang batang nagpapaliwanag. “Dahil sa suot ko ang mga binigay mo sa akin. Akala nila..pumapatol ako sa matandang-mayaman.” bulong ko. Hinaplos n’ya ang pisngi. “And it’s not true either. I’m not old, just abit older from you and I’m your boyfriend. Bawal ko bang bigyan ng regalo ang girlfriend ko?” Tiningnan ko s’ya. “Sinabi ko ’yon, pinagtawanan lang nila ako!” Pinagmasdan n’ya ako. I did the same. Pero habang tumatagal ay ako ang napapaso sa tindi n’yang makatitig sa akin. “Tell me who they are and I will introduce myself.” “Ha? ’W-Wag na,” “I’m serious. I won’t let anyone down my girl or I will make a f*****g way to do the same for them.” My jaw fell. And he’s really serious! “William..” Dumilim ang mga mata n’ya. “Drop the names.” giit n’ya. I gasped mentally. He’s showing me his side that I can’t control. I shook my head. He sighed. “Lalabas lang ako sandali, dito ka lang.” marahan n’ya akong tinayo at agad na lumabas ng kwarto ko. Napatitig na lang ako sa pintuan at napaupo sa gilid ng kama. The pain in my chest vanished just because of him. Ilang minuto lang nawala at bumalik sa kwarto. This time, salubong ang mga kilay at seryoso ang mukha. Pinasok sa bulsa ng pantalon ang cellphone n’ya. “We’re going to Peyton later.” malamig n’yang sabi sa akin. “May pasok ako bukas,” Kumibot ang kilay n’ya. “2pm pa ang klase mo bukas, iuuwi rin naman kita agad. My friends will be there too.” Hindi pa ako nakakasagot sa kan’ya ay tinalikuran na n’ya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD