Chapter 13

3329 Words
Chapter 13 Paula My heart pounded so fast because of the way William is treating me. Bukod sa ang tahimik n’ya, hindi ko na magawang ibangon ang inis na lumukob sa akin kanina lang. Mas natatalo ako kapag siya na ang ganito, nai-intimidate ako. Tuwing titingnan ko ang pagitan ng mga kilay n’yang may lukot, naiinis na ito o may malalim na iniisip. His eyes, it didn’t send any reflection of his contentment and happiness. Ayoko ’pag ganito siya. Ayoko at nalulungkot din ako. Para na akong nagsisisi kung bakit sinabi ko pa saa kan’ya ang nangyari sa school kanina. Hindi ko sinabi ang pangalang hinihingi n’ya. He just let me eat and change my clothes too. Inalalayan n’ya ako pababa sa sasakyan n’ya, I tried to look at his eyes but he was just looking at my dress. I swallowed. Wala naman akong ibang magandang damit na pang bar, maliban sa lagpas tuhod kong bestida. Iyon nga ang sinuot ko, it was a pink sleeveless plain dress below the knee and I paired with a flat shoes. Dala ko rin ang kulay itim kong sling bag. And I finally came back here in Peyton, napagmasdan ko nang maigi ang ibang tao-lalo na ang mga babaeng may pasulyap-sulyap kay William, sana pala pumili ako ng ibang damit. Mukha akong highschool na first time magpa-party nito. Bakit ba hindi ko ito nararamdaman dati? Before, para akong sanay na sanay sa pagpunta rito dahil kay Kuya Oliver. I didn’t mind my clothes too at wala ako pala akong problema doon dahil pinapahiram ako ni Iah. Ayoko namang suotin ’yung damit na huling sinuot ko rito, iyon ang suot ko na ayaw ni William. Bumuntong hininga ako nang hilahin ni William papasok at salubungin ng mga nagkikislapang ilaw. Ang tugtog at kasiyahan ay nakakabingi. I fit my eyesight to scan the dance floor, sa ganitong oras ay halos hindi mahulugang karayom ang mga tao. Careless and free, swaying their hips and waving their hands up in the air. Ang mga lalaki ay malayang nakakahawak sa bawat baywang ng mga babaeng kasayaw. These people obviously knew how to live life freely and wildly. Napatingin ako sa lalaking tumapik sa balikat ni William at may binulong dito. He nodded and follows the cursory nod. May tinuro itong direksyon at sinulyapan, akala ko nga ay naroon na ang mga kaibigang sinasabi n’ya pero sa opposite na direksyon kami pumunta. Sa isang pabilog na asul na sofa at lamensa kami pumunta. “William’s here! Finally,” a tall man stood up, handling a glass of whisky at tinaas sa kan’ya. He has a soft features pero gwapo rin at halatang may kaya. Tiningnan n’ya ang mga kamay namin ni William at ngumisi. He smiled at me. “Hi,” mas lumamyos ang boses sa akin. No’ng una ay nahiya ako sa bigla n’yang pagbati sa akin. Nagsitinginan na rin sa akin ang dalawa pang lalaking nasa area nila. William look down at me, hinatak ako at hinawakan sa baywang. Umayos ng upo ang isa at binaba ang hawak na baso, pinagmasdan kaming dalawa. “Babe, these are my friends, Quinn,” turo n’ya sa lalaking unang bumati sa akin. “Dale and Lennox, guys, this is Paula, my girlfriend.” pakilala n’ya sa akin sa kanila. Napa-O ang bibig ni Quinn at ngumisi-ngisi pero sa hali ay tinadyakan lang ito ni Lennox. Dale stood up first. Nakangiti s’ya sa akin, he knew dahil kay ate at Kuya Oliver. Kinamayan n’ya ako. “Nice to meet you, alam ba ng Kuya Oliver mo kasama mo si William?” he asked playfully. William sighed. “We’re legal.” Dale chuckled. “Should be.” Lennox was the tallest among the three. “Finally met you. Lennox,” he offered his hand. Nginitian ko s’ya, nahiya na akong ipakilala ang sarili dahil parang walang kwenta ang sasabihin ko. “Quinn by the way! Ang cute mo pala,” buhay na buhay n’yang sabi sa akin. Nag-init ang mukha ko at nahihiyang ngumiti na lang. I felt so awkward. They are my boyfriend’s friends. And I was as introduced as his girlfriend. Legal and official..ang sarap pala sa pakiramdam nito. Umupo kami sa gitna, Dale ordered drinks pero juice yata ang hiningi ni William para sa akin. He told me if it was okay, pati sina Quinn ay nakatingin din sa akin, makakatanggi pa ba ako? I nodded eventually. He snaked in his arms on my waist, hindi n’ya ako tinitingnan pero gumagalaw ang mga kamay n’ya para ikulong ako sa kan’ya. I bit my lip. Kuya Dale asked about his brother. Siya lang naman ang makakausap ko sa kanilang tatlo patungkol sa pamilya, tahimik si Lennox, si Quinn naman ang maingay at panay tawa, marami siyang kinakausap at binabati. Panay ang tanong n’ya sa akin, kung sasagot man ako ay dudugtungan agad ni William, making me shut my lips and just listen to him. Para ba s’yang naiinis ’pag kinakausap ng kaibigan. Binaba ko ang baso ng juice sa mesa, pinunasan ko ang gilid ng labi, galing sa tawa dahil sa isang biro ni Quinn kay Lennox. Medyo naka-relate kasi ako sa puntong edad at paggpapansin sa crush. I love the girl he was talking about. Naramdaman ko ang paghigpit ng palad ni William sa baywang ko, I look up at him. He leaned in and whispered, “Babe,” ang amoy ng alak ay humalo na sa hininga n’ya. Kumunot ang noo ko. Lasing na ba s’ya agad? He leaned closer touching the tip of his lips on my ear. “Tell me if you’re tired, uuwi na tayo,” malambing n’yang bulong sa akin. Bumaba ang tingin ko basa n’yang labi, it was moistened by the whisky. Wala sa sariling tinaas ko ang kamay at pinunasan ang gilid ng labi n’ya. I knew he’s staring at me but I was brave enough to touch him like this. This intimate. This moment. “Pwede pa naman tayo mag-stay ng ilang sandali pa,” I whispered back. He pouted a little, making me feel his lips more. “Akala ko gusto mo pang tingnan ang townhouse..” Napatingin ako sa kan’ya. Yes! Iyon nga pala ang plano namin ngayong araw. Date at bisitahin ang bahay kung hindi lang ako umiyak kanina. Our plans was ruined becasue of me. My lips parted a bit. Tinitigan n’ya iyon at kumislap ang mga mata. Despite the loud music and chattings, I can still feel the heat in between us. There’s no doubt that he’s willing to kiss me and I was just..waiting. Submissive. Bahagyang bumaba ang mukha n’ya at tinutungo ang labi ko nang biglang may tumawag sa akin. “P-Paula!” isang matining na boses mula sa ’di kalayuan. Pareho kaming natigilan at nilingon iyon ni William. Uminit ang mukha ko nang makita si Iah sa harap na nakatayo sa likuran ni Lennox. Shocked etched on her pretty face while surprisingly staring at us. Ang mga kaibigan n’yang lalaki at manghang nakatingin na rin sa grupong kasama ko sa mesa. Umayos ako ng upo at bahagyang lumayo kay William. He got my message but refused to let me free from his hands. Hindi pa nakuntento at hinila ako para akbayan n’ya. I was stunned and halted from his brave attitude, siguro dahil nakainom. Dinikit n’ya ang bibig sa ulo ko at bumulong. “Sino sila, babe?” I watched how Iah dropped her mouth and William did that to me. I cleared my throat. Maging ang mga kaibigan n’ya ay napatingin na rin kina Iah. Making her look like she’s conscious or something. “A-Akala ko hindi ka na babalik dito ah. I’m surprised! So, alam ba ’yan ng tanders mong boyfriend?” pinilit n’yang tumawa at tiningnan ang mga kaibigan sa likuran para anyayahang tumawa rin. Kung kanina ay nakaramdam ako ng init, ngayon ay parang pinagpawisan ako ng malapot dahil sa sinigaw ni Iah. They all laughed aside from William’s friends and him. Parang elite group na hindi tumatawa sa kababawan at pagmamasdan ka lang. Nahiya ako. She’s building a dirty wall for me. Bumigat ang paghinga ni William. Kumuha ng baso si Lennox at tahimik na uminom. Dale and Quinn was looking at Iah’s group and I saw how they all faded their nervous happy faces. Hinawakan ni William ang tainga at saka tumayo, dumagundong ang dibdib ko. Sumandal sa upuan si Quinn at ngumingising pinapanood ang kaibigan. Hinila ko ang kamay n’ya pero hindi ako pinansin. “Are you all her shoolmates? I’m the boyfriend, William Sullivan.” I gasped and my jaw fell when he introduced himself. I heard the O sound from her friends. Hindi ko na nakita ang naging reaksyon ni Iah. “R-Really, William? She didn’t tell us you are the boyfriend kasi. Not until I saw her wearing a diamond necklace and parmigiani watch in school, ang narinig kasi namin ay may pumapatol sa matandang mayaman na estudyante sa mga irreg namin, I just wanna inform you, William.” From her words, gusto ko na lang na umalis at maglaho sa kinauupuan ko. Alam kong hindi ako iyon-pero hindi maiwasang makaramdam ng panliliit sa paligid ko. Hindi ako pumapatol sa matandang mayaman. Hindi ako nanghihingi pero parang patalim ang mga salita n’ya sa akin. Nag-iinit ang mukha ko sa hiya. Hindi naman nila ako lubos na kilala pero ang bilis bilis nilang manghusga. Things can covers someone’s eyes just to justify ownselves. To tower those they think are the enemy. Pero ano ba ang pinaglalaban? Para saan ang pinaglalaban? What can you feel after humiliating that person? Powerful? Nag-angat ako ng tingin kay William ng bitawan n’ya ang kamay ko. Umalis s’ya sa tabi ko at nilapitan sina Iah. Tinawag ni Lennox ang isa sa mga male bouncer at pinalapit sa kanila. Hindi ko alam kung ano’ng sinabi ni William, pagkatapos ay sumunod sa kan’ya ang grupo nina William. Naiwan akong nahihiya kasama ang mga kaibigan n’ya. “Drinks?” untag sa akin ni Kuya Dale. Nilingon ko s’ya at umiling na lang. I couldn’t speak more after that humiliation. Baka nga iba na rin ang tingin nila sa akin ngayon. Siniko naman ako ni Quinn at bahagyang lumapit para bumulong. “Baka nahihiya ka lang humingi ng maiinom ah? Ikaw din, baka mainip ka.” sabay kindat sa akin. I know, they’re making me feel comfortable with them because William suddenly left me. Nagbibiruan pa sila at nagmumurahan kahit sinasaway ni Kuya Dale na marinig ko. I yanked out my phone from my sling bag para malaman kung ano’ng oras na. Hindi ko alam kung babalikan pa ako ni William kaya uuwi na lang ako mag-isa kung gano’n. Pagkatapos kung itabi ang phone sa bag ko ay nagulat na lang ako nang sabay-sabay nagsitayuan sina Kuya Dale, tiningnan nila ako at inaya na ring sumama sa kanila. “S-Saan kayo pupunta?” kinabahan ako biglang pagkilos. Sinuksok ni Quinn ang susi sa bulsa ng pantalon, “Kay William mo. Pinapahatid ka na sa kan’ya, tara!” Napaawang ang labi ko. Akala ko ay iniwan na n’ya ako dahil kina Iah pero ngayon ay para akong nabuhayan sa sinabi ni Quinn. Pinapahatid na ko sa kan’ya? So, talagang iniwan na n’ya ako rito at hindi binalikan? **** Sumunod ako sa tatlo paalis ng mesa namin. Nagtaka ako dahil hindi ko sila nakitang nag-iwan ng bayad sa mga ininom. Wala rin namang humabol, kaya nagkibit-balikat na lang ako. Marami ang tumatango at bumabati sa kanilang tatlo. Naririnig ko pa rin ang pagbibiro ni Quinn tungkol sa buhay may-asawa ni Dale. Pahapyaw n’yang naikwento sa akin ang pag i-stalk nito sa asawa dati na parang kahawig lang daw ng ginawa ni Kuya Oliver kay ate. I smiled. Natigilan ako nang hindi kami lumabas ng bar. Sa isang madilim na pasilyo kami dumaan at unti-unting nawawala ang maingay na sigawan at tugtog sa dancefloor. Lumiwanag lang ng buksan ni Lennox ang isang pinto at unang pumasok doon. Sumunod si Kuya Dale, huminto naman si Quinn at ako ang sinunod. All my speculations halted when I saw William in this room. Crossed-arms on his hard chest while leaning on the office’s table edges. Hindi lang s’ya ang naroon, nandoon din si Iah at ang grupo n’ya! Lahat ay may kaba at takot sa mga mukha-what the hell? Tumaas ang mga mata sa akin ni William. Quinn closes the door and I flinched when I heard someone’s crying. Hinanap ko iyon-umiiyak si Iah habang nakatingin sa akin! “Iah..” Malalaking hakbang na nilapitan ako ni Iah at hinawakan sa mga kamay. “I apologized for what I had said a while ago, Paula. I didn’t mean to accuse you, I swear! Hindi lang talaga ko makapaniwala kanina..please accept my apology..” umiiyak na pakiusap n’ya sa akin. “Sorry, Paula. Nagkamali k-kami..” Nilingon ko sa gilid ko ang isang kaibigan n’yang lalaki na humingi din ng patawad sa akin. Siya iyong lalaking halos binabastos ako sa tingin sa school, pero ngayon ay daig pa ang maamong tupa sa sobrang bait ng mukha. But, eventhough they’re saying sorry, him, I’m still uncomfortable with his stares. Creepy. Inagaw ulit ni Iah ang atensyon ko. “Please accept my apology, Paula.” bulong n’ya. At dahil nagugulat pa rin ako at kinakabahan sa mga matang nakatunghay sa amin-I nodded without realizing their apologies. Marami silang nagsasalita at sabay-sabay na parang nagmamadaling umalis. Ang mga mukha ay nabunutan ng tinik nang binalik ang mga tingin kay William, mataman kaming pinagmamasdan. Tiningnan ko s’ya, hoping he’d tell me what to say. Pero tumango lang s’ya at walang salitang nagsialis sina Iah. Sumisipol si Quinn habang hinihintay na makaalis ang pinakahuli at sinarado ulit ang pinto. Pinagpag ni Kuya Dale ang couch at umupo. “’Yun na ’yon? Hindi man lang nag-init ang mga mata ko,” he chuckled. Ngayon ko lang din naramdaman ang matinding lamig ng aircon nitong opisina. I was still speechless. Lennox shifted on his feet while leaning on the wall. Lumapit sa cabinet si Quinn at nagbukas ng bote ng alak. “Mga rich kid ’yon ah, hindi ako naniniwalang hanggang doon lang sila kanina. I don’t like them, ipapa-ban ko sila rito.” Napahawak ako nang mahigpit sa sling bag ko. Common sense, common sense where are you? “Sa susunod na ipahiya ka ulit ng mga ’yon, Paula, isumbong mo sa akin, ako’ng bahala sa’yo, mga dumi sa lipunan lang ang mga ’yon.” biro ni Quinn. As far as I wanted to act normal, hilaw na ngiti ang sinagot ko kay Quinn. Akala ko talaga pinaniwalaan nila ang sinabi ni Iah. Hindi ko alam na may ganitong nangyayari sa isang silid ng Peyton. This must be the office of the owner..pero sino? Napaigtad na lang ako sa gulat nang masuyong hawakan ni William ang siko ko at bahagyang hinila. “Alis na tayo.” bulong n’ya. “Agad-agad?” bigla kong nasabi ng wala sa sarili. Tinitigan n’ya ako. “Ayokong ma-late ka bukas..” I stared at him. Ayoko rin, pero gusto ko pa s’yang makasama at makausap, ng kaming dalawa lang. “Pwede ba nating daanan muna ’yung townhouse?” sa pinakamahina kong boses. Dahil bukod sa tunog ng bote at baso ni Quinn, wala nang ibang ingay kaming naririnig. Nakaka-conscious ng sobra. He swallowed and nodded. Dumausdos ang kamay mula sa siko pababa sa kamay ko at pinasalikop ang mga kamy namin. “We’re going.” paalam n’ya sa tatlong nagpapakiramdaman. Naglakad naman si Lennox at umupo sa swivel chair ng mesa. “Nice meeting you again, Paula.” pormal lang n’yang sabi sa akin at tinanguan si William bago naging busy sa pagtingin sa laptop. Siya kaya ang may-ari ng Peyton? Dale just waved his hand to us. While Quinn smirking, “Uy, sa’n ang punta ninyo? Gabi na ah, Dale oh-hipag ’to ni Oliver,” Hinila ako ni William palabas ng kwarto. “f**k you.” sagot sa kan’ya ni William. The boys chuckled. Nilingon ko na lang sila nagpaalam ng maayos habang hila-hila n’ya. **** Excitement ang nararamadaman ko habang binubuksan ni William ang double front door ng townhouse na sinasabi n’ya. Papataas iyon papasok dahil may hagdanan sa labas, at veranda, tanaw ang garahe at kalsada. Ang silver na gate ay katamtaman ang laki. Ang sabi n’ya ay pinauupahan din ang katabing bahay pero iba na ang disenyo n’yon. He occupied the third one. “Here we go,“. he said huskily at binuhay ang ilaw He let me in and I advanced to see the living room. The floor was made of white tiles, sa aking kanan ay bumungad agad and island counter na may marmol na lamesa. Wide space for the kitchen. I look at him when I noticed the appliances; microwave, fridge and some kitchen knives’ handle. He only gave me a cursory nod kaya nalipat ang tingin ko sa tapat nito, ang sala. White couches paired with center table. Mayroon na ring flat screen TV na pagkalaki-laki tulad ng nasa bahay nina Kuya Oliver. I look around, this is already fully furnished! May mga gamit na nga! “William..this is too much..” I murmured out of surprise. He chuckled at my back. Pinulupot ang mga braso sa baywang ko at niyakap. Kinabahan ako sa yakap n’ya pero namamangha pa rin ako sa ginawa n’ya. Kung hindi lang s’ya masyadong matanda ay iisipin kong totoo na ang bintang sa akin nina Iah. “Ikaw na nga lang ang kulang.” bulong n’ya at isang beses hinalikan ang leeg. I smelled the liquor from his breath. Nilagay ko ang mga kamay sa ibabaw ng braso n’ya. “Maganda rito.” He kissed me again, much longer. “Anytime, pwede ka nang lumipat. Just tell when and I help you.” Napanguso ako. “Sana payagan ako ni ate-teka kukunan ko ng pictures!” Bahagya s’yang bumitaw sa akin at hinayaan akong kunin ang cellphone ko sa sling bag. Sinimulan kong kunan ng litrato ang sala. Isa pang anggulo sa kusina, tapos unang beses kong tiningnan ang magiging kwarto ko raw. I took the pictures at the window. The last shot made me startled nang haplusin ni William ang baywang ko at pinaharap ako sa kan’ya. “Bakit?” the term huskiy can’t define the tone of my affected voice. Hindi ko makita kung ano ang gusto ni William pero ramdam na ramdam ko iyon! Kinuha n’ya ang cellphone ko at binaba sa night stand. “I missed you,” he hoarsely whispered. Ginapangan ako ng kaba at sabog na pintig ng puso. He advanced-and leaned too closer at me. Sinulyapan ko ang kurtina ng bintana nang binaba n’ya iyon para matakpan kami. I cleared my throat to change the heat of the ambiance. “A-Ano nga palang sinabi mo kina Iah?” that’s it. He pulled me and slightly bumped my body into him. “’Yung ayaw nilang marinig,” Kumunot ang noo ko. “Tulad ng?” his voice was a torture for me! This conversation won’t stay long. His lips flung opened, “I’m the only boyfriend of yours and I gave you gifts because you’re mine.” I swalllowed and landed my hands on his broad angry chest. “Pa’no mo sila napaniwala?” Pinagbunggo n’ya ang tungki ng ilong sa akin. Naririnig ko ang pagtama ng tunog ng labi n’ya sa bibig. “I didn’t force them to believe me. I just tell them simply, that I can dominate businesses..” sabay kibit-balikat at hapit sa baywang ko. Saglit akong napatitig sa kan’ya. I was aiming to get a deeper answer and it took me a seconds to finally get the meaning of his words. “You, scared them?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kan’ya. Bahagyang s’yang tumawa. “Were you?” An abrupt halt attacks me. Inisip ang nagdaang maghapon. Umiling ako. “I’m not scared. I was hurt.” Halos hindi ko na marinig pa ang lumabas sa bibig ko. He gasped and stared at me. Nakita ko na naman ulit ang malalim na guhit sa pagitan ng mga kilay n’ya, indikasyon na kung hindi s’ya ay galit, o may malalim itong iniisip. I stared at the lines for awhile. “Hindi ka na ulit nila masasaktan, I promise. But..” he trailed off. Yumuko at binalik ulit ang tingin sa akin. “Are you physically hurt?” mas bumaba pa ang boses. Napaawang ang labi ko. “Hindi naman nila ako sinaktan ng physical so-” “I mean if you’re still sore from last night,” putol n’ya sa akin. Rumagasa ang init sa mukha ko. Tinatanong n’yaa ko kung masakit pa ang akin! s**t! “Ahmm..” I lost words. This is the most shameful question I will ever answered! What the F, William! Tinagilid n’ya ang mukha at nagingiting pinagmamasdan ako. “Kailan ko malalaman ang sagot mo?” at dahan-dahan na inangat ako at hiniga sa malapad na kama. “William! Ano’ng ginagawa mo?” tumatalon na ang puso ko sa kaba. He held the hem of my dress, bahagyang tinaas para mahanap ang garter ng panty ko. Maingay akong suminghap nang binaba n’ya iyon at malayang inangkin ng mga mata ang akin. “Gusto mo talagang malaman kung ano’ng gagawin ko?” That struck me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD