Chapter 16
Paula
Walang kibong lumabas ng kwarto si Art, siguro ay hinintay niya muna akong magkamalay bago hinayaang mag-isa sa silid. Hindi ko na maramdaman ang sarili mula no’n, nanginginig ang kalamnan ko at nanlalamig ang buong mukha ko na para bang binabad ako sa isang balde ng yelo.
I eyed myself. I rummaged my feelings. Most especially, my private parts. Bumangon ako at kumuha ng malinis na tuwalya saka pumasok sa banyo.
With a shaking mind and body, I scanned myself at the mirror. I was only wearing my panties and brassiere—dammit! Hinubaran nila ako! Hinawakan nila ako! Pero paano ako nawalan ng malay? Hindi ako uminom—tumanggi akong uminom kaya bakit—putangina, iyong juice! s**t! s**t! Pinalano nila ito sa akin. Si Iah at Vergel. They planned this. Ano pang ginawa nila sa akin?
I scanned myself again, over and over again. I even checked the most delicate part of my body. Pero hindi ako alam. Hindi ako sigurado kung..nagawa nilang..o kung nakuhaan ba akong nakahubad. Tears suddenly flowed on my face. Paano ko malalaman? Pupunta ba ako sa ospital?
That horrible thought, frustrates me—big time! Pero kung, pagbabasehan ko ang pakiramdam tuwing pagkatapos akong angkinin ni William, wala akong maramdamang masakit o discomfort. Iyon na lang nagpapahinahon sa akin but still, this alarmed me.
I was lifelessly took a shower but while I was cleaning myself—I broke down silently. Tinakpan ko ang sariling bibig sa ilalim ng dutsa para itago ang kakawalang malakas na hikbi. Iniisip ko ang nangyari kagabi. What if..hindi iyon narinig ni Art. What if..nagsawa sila sa akin na magbabarkada. What if..or maybe, there’s a possiblity that I was..raped!
Natigil ako sa pag-iyak at natulala habang hinayaang dumaloy ang tubig sa hubad kong katawan. Namamanhid ang buong katawan ko at mukha. I roamed the huge bathroom and shook my head repeatedly—and I broke down again. Ilang ulit kong sinabon ang sarili at hindi mabilang na pagkiskis ng bimpo sa balat ko hanggang sa humapdi ito. Ayokong tumigil. Ayokong tantanan. Gusto kong maglaho ang lahat ng nadatnan ko paggising hanggang sa pakiramdam ko ay luminis ulit ako. But I knew then, it was useless.
Maybe I took my time in the bathroom, dahil pagkalabas ko ay nakita ko ulit si Art na naghihintay sa tabi ng bintana. Nang makita ko ay pinasadahan niya ako tingin. I was on my uniform when I got out. Basang-basa pa ang buhok ko, pero hindi ko rin magawang tingnan siya sa mga mata.
Until he clears his throat again. “Pasensya na. Pumasok ako ulit dito kasi narinig kitang..umiiyak.” mahina niyang sabi sa akin at nag-iwas ng tingin pagkatapos akong titigan.
My lips shook again and I bit it just so I can managed to say a word. But I only nodded and took a walk towards to the vanity mirror.
“Sa labas na lang ulit ako maghihintay.” sabi niya at saka lumabas ng kwarto ko.
Nang makalabas siya nanatili pa rin akong nakatitig sa salamin. My body was refreshed but my mind was broken. Kahit ang pagsusuklay sa sarili, kinahihinaan ko. The verge of crying was just around the corner and if I trigger, it will burst once more. So, I took a deep breath..I’m gonna be okay..
Agad na tumayo si Art nang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ako. Tinitigan niya ako, tipid ko siyang nginitian at lumapit sa island counter. Kumuha ako ng baso at binuksan ang fridge para kumuha ng tubig, pero natigil ako nang makita ang isang pitsel ng tubig, kaparehong pitsel iyon na pinagtimplahan ko ng juice kagabi.
Humigpit ang hawak ko sa handle ng pinto, the scenes from last night crashed into head. I swallowed and closed the fridge again.
“Ma’am Paula..”
Napalingon ako kay Art na hinihintay ako. I can’t smile anymore. Iniwan ko ang kinuhang baso nilapitan siya. “A-Ano’ng nangyari kagabi—ano’ng naabutan mo?” magkasunod ko kaagad na tanong sa kanya.
Nanginig na naman ang kalamnan ko.
Hindi niya ako agad na sinagot at pinakatitigan muna.
He sighed, I can see the hesitation in his eyes. “Naabutan kitang halos wala nang suot. Nasa ibabaw mo ’yong lalaking nakatali ang buhok at hinaha..likan ka sa leeg habang kinukunan ka nila ng camera..” huminto siya sa pagsasalita at pinagmasdan ako.
I pursed my lips in a most hardest way to press it. Nanigas ang lalamunan ko at ilang imahe ang bumubuo sa isip ko. I didn’t say anything until he was provoked to continue.
“Hindi ko nakuha ang mga cellphone nila, iyong iba ay nagtakbuhan na. Hinuli ko ’yong lalaki, I got his name but he run away after, sorry.”
I tried to swallow again. I forced myself to atleast nod at him. Alam kong hindi rin malinaw sa kanya kung nagalaw ba ako ni Vergel o hindi. He didn’t touch me, but I was till wearing my panties and brassiere..were that enough evidence?
Sinuklay ko ang buhok gamit ang sariling daliri. Tumango-tango ako sa kanya na para bang na-resolba ko ang problema. “S-salamat sa tulong, Art. Kilala ko naman sila at nakikita sa eskwela,”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Pwede kitang samahan sa ospital para makapagpa-check up ka. You have to know if you were..” he even didn’t like to slay that grosed word.
Nagtitimpi na akong napapikit at pilit pinipigilan ang sariling taasan siya ng boses. He’s just concerned kaya nasabi niya iyon. I have to remain calmed. Dahil nararamdaman ko sa kalaliman at himaymay ng katawan ko ang tensyon.
The stressed on my throat could make me numb for awhile. “H-Hindi pa ako sigurado. W-Wala rin naman akong maramdamang pagbabago sa akin kaya..g-gusto ko munang makausap..” s**t. Hindi ko sila kayang makita!
“I’m sorry but I think, you need a check up. You could use the results as your evidence if he even..” I can almost here his frustration.
Napasuklay ulit ako sa sariling buhok. “Katawan ko ’to, maniwala ka man o hindi, kabisado ko ang katawan ko.” pagtatapos ko sa pinag-uusapan namin. I wanted it to stop, kahit damang-dama ko pa ang pangamba at sobrang takot.
Ilang segundo niya akong tinitigan lang bago unti-unting tumango. “Naiintindihan ko. Pero kung kailangan mo ng testigo, handa ako.” may niyang garantiya sa akin.
Nagpaalam na siya pagkatapos kong sabihin na may pasok pa ako sa eskwela.
Ate: Sorry, umaga ko na nabasa ang text mo. Ano’ng oras na kayo natapos kagabi? Nakauwi ba sila ng safe?
Halos isang oras ang lumipas bago ko sinagot ang text na iyon ni ate Melody. Dinahilan kong may klase ako kaya hindi tumitingin sa cellphone ko. Nangingimi akong sabihin sa kanya ang nangyari kagabi. Natatakot ako. Natatakot akong lumaki iyon at maging balita. Natatakot akong mapag-usapan at magdagdagan ang istorya. Hindi ko pa alam ang lahat. Hindi rin ako sigurado at natatakot akong magkatotoo ang hinala ko. Hangga’t maaari ay gusto kong sarilinin ang nangyari kung pwede kong idaan sa matiwasay na pag-uusap sina Iah, gagawin ko.
Pagkatapos ng klase ay hinintay ko malapit sa main gate ang grupo nila. Hindi na ako sumabay kina Jessa at Keira pauwi at sinabi kong may hihintayin. They teased me but I just smiled at them untill they walk away. Pero halos tumahimik na buong campus ay walang Iah o Vergel akong nakitang lumabas galing sa building. Ang ilang professors ko ay naabutan na ako dito sa labas at tinanong din, I said the same reason. Hanggang sa lapitan na ako ng guard namin at pauwiin na.
Nanghihina at naguguluhan akong lumabas ng premise ng eskwela. Hindi ba sila pumasok lahat? Lahat, dahil ni isang kagrupo nila ay hindi ko nakita man lang.
They were drunk last night, kaya ba hindi nakapasok ngayon?
Nasa malalim akong pag-iisip nang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Tumingala ako, nagtakbuhan ang ilang mga estudyante at nakisilong sa tolda ng mga tindahan ng lugaw. Parang wala akong pakielam kahit unti-unti nang nababasa ang blouse ko. Walang buhay akong lumapit sa gilid ng tindahan ay nakisilong na rin.
Mas lumakas pa ang ulan at nagtatalsikan ang putik sa pwesto namin. May naipong tubig sa gilid ng gutter at may umaagos pa sa kalsada. Wala akong dalang payong kaya kailangan kong hintayin na tumila ang ulan bago sumakay ng jeepney.
Halos limang minuto nang umuulan ng malakas. Nagtilian ang ilang babae nang umanggi sa tindahan ay bahagyang nabasa. Hindi ako kumibo at kinuha na lang panyo sa bulsa ng palda ko. I was too lifeless to care about myself being drench by the rain. Iyong iba ay sumasakay na ng tricycle para makauwi. Napatitig na lang ako sa mga batang lansangan na nagtatampisaw sa ulan at putik sa kalsada. Hindi nila alintana kung marumi man ang tubig o hindi. They were just happy with the rain falling hard.
I guess, there were just taking the chance , the moment. Dahil lilipas din ang oras at titila ang ulan. Mawawala ang baha ay magiging masikip na ulit ang kalsada. Hangga’t nand’yan ay sinasamantala nila.
Napalingon ako sa likuran at gumilid nang mag-excuse dalawang estudyante para makalabas ng tindahan. Dahil sa humihina na ang ulan, isa-isa na ring nagsisialisan ang mga nakisilong.
“Sabi sa Dean, nag-drop na raw si Vergel at Iah..”
Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi nu’ng isang estudyanteng nasa harapan ko. Pinapagpag niya ang palda at hinahanda ang payong nang mapunta sa grupo nina Iah ang pinag-uusapan nila.
I was stunned when I heard his name. Bumilis ang t***k ng puso ko at natakot.
“Oh, bakit daw? Narinig ko nga ’yan kanina na pinag-uusapan sa faculty..” sagot ng kausap. Hindi alintana kung may nakakarinig man o wala.
But I was so attentive to hear news about them.
Nagkibit balikat ang babae. “Hindi ko alam. Biglaan nga e.”
Halos habulin ko ang dalawang babae para lang magtanong sa kanila pero para akong tinatali sa kinatatayuan ko at pinanonood na lang sila hanggang sa makaalis.
Ginugol ko ang byahe pauwi sa pag-iisip sa narinig. Nag-drop out na sa school sina Iah at Vergel? Pero hindi pa ako sigurado, para akong nangangating makapasok agad sa school bukas at alamin sa registrar kung totoo nga ang balita. Maimpluwensya ang pamilya ni Vergel. Kung tutuusin, hindi siya nagagalaw sa eskwela kahit pa palagi siyang nagka-cutting classes. Pareho sila ng lifestyle ni Iah.
Dahil kaya sa nangyari kagabi kaya sila nag-drop?
Damn. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon o ipangamba. Mayroon akong nararamdaman na kaluwagan sa dibdib pero may blangko ring parte sa isip ko.
But for the mean time, kung hindi ko man sila makikita na sa school at normal pa rin ang pakikitungo sa akin doon, that would fine with me. I could even forget easily that incident.
***
Pinatay ko na ang ilaw sa sala at pumasok sa kwarto. I only left the lampshade on and lay myself on the bed. Kanina ay pinuntahan ako ni ate at nakikwento kung anong oras nakauwi ang mga kaklase ko. Nang hinatid ko siya sa labas ay nakita ko ulit si Art na nakaistambay sa tabi ng sasakyan niya at tinatanaw ako.
Wala naman siyang reaksyon sa mukha, pero tipid ko siyang nginitian. Sinulyapan niya rin ang ate ko at nilipat sa akin. Pakiramdam ko ay nagtatanong siya kung alam na ng kapatid ko ang nangyari pero hindi lang makapagsalita.
Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Hindi pa ako dalawin ng antok dahil sa bagabag. I am worried but I can’t do anything but to wait. Sana lumipas na lang araw na normal pa rin ang lahat. Walang magbabago.
Nag-angat ako ng tingin sa bintana. And I drifted myself to sleep.
***
Naalimpungatan ako nang maramdaman na may sumiksik sa dibdib ko at pilit akong niyayakap. Agad akong napadilat at kumalabog ang dibdib sa dilim. Bahagya akong lumayo para makita ang imaheng yumayapos sa akin sa ilalim ng comforter. He groaned when he didn’t feel my chest.
I can’t believe—he’s here with me now. Pinaikot niya ang mahabang braso sa baywang ko at inusod ako palapit sa kanya. Mas mataas pa rin ang ulunan ko dahil nilulubog niya ang mukha sa dibdib ko.
Dahan-dahan kong dinikit ang palad sa pisngi niya. He’s still wearing a white longsleeves but he smells so freaking good. “W-William..” bulong kong tawag sa kanya.
Nakapikit na siya pero nang marinig ako ay ngumisi siya at hinalikan ang palad ko. “My baby..” he huskily groaned over my chest. Ang suot kong spaghetti strap ay halos iluwa na ang dibdib dahil sa mukha niya.
My chest tightened when he called me by that endearment. Para bang ang tagal niyang nangulila sa akin at ngayon ay sabik na sabik.
I missed him so much too. Binalot ng amoy niya ang buong kwarto. Pinaghalong mamahaling pabango at natural niyang amoy. I love it. Nawala yata ang antok ko kahit madaling araw pa lang.
Mas siniksik niya ang mukha na parang inaamoy ako. Mukha siyang pagod na pinagpapahinga lang ang katawan sa akin. Hinaplos-haplos ko ang mukha niya at banayad na hinagod ang magulo niyang buhok. “B-Bakit nandito ka?” kabado kong tanong. Kumunot ang noo niya at gumawa ng guhit sa pagitan ng mga kilay niya. He opened his eyes halfly, I didn’t want to disturb him because he look so exhausted but I can’t stop myself.
I misses his voice too. Para akong maiiyak ngayong nakita ko na siya ulit.
Lumabi siya sa akin. Ang depina ng mukha ay nakakatuwang pagmasdan sa ibaba ko. “Sobrang miss ko na ang babe ko.” ganting bulong niya sa akin. Banayad niyang hinaplos ang baywang ko at isang beses na dinampian ng halik ang dibdib ko.
My heart is crying. It’s screaming his name.
I gave him a tiredly smile and combed his hair using my fingers. Niyakap niya ako ng mahigpit. I did the same. Hindi ako sumagot pa dahil mas gusto ko na lang ang yakapin niya ako. I hugged him so wantingly. I closed my eyes and tears escaped from me silently.