Chapter 17
Paula
He took his fork and ate like a monster. A hungry monster. Ang sarap niyang titigan kahit buong maghapon ay kaya kong gawin iyon sa kanya. Siya ang nagluto ng agahan namin, nang gumising ako ay nakahain na sa lamensa. He only took off his sleeves and wore only his white t-shirt plus his slacks. Ang magulo niyang buhok ay nakabalandra sa mga mata ko.
I made it. I guess so.
Halos hindi ko makain nang maayos ang nasa plato dahil sa katitingin sa kanya. Iyong mga araw na hindi kami nagkita, ngayon ko na pagtanto ang pangungulila.
Hinigop niya ang umuusok pang tasa ng kape at nakakunot ang noong nag-angat ng tingin sa akin. He smirked after. “Parang nagtatampo sa’kin ang girlfriend ko ah? ’di mo na nagagalaw ang kinakain mo—hindi ba masarap?” pansin niya sa akin.
Bumuntong hininga ako at ginalaw ang tinidor sa plato. Nangiti ako. May isasarap pa ba ang pritong hotdog, spam at itlog? Magkakatalo lang kung hindi sunog. So, I made a faked chuckle.
Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Hindi maganda ’to,”
Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. His voice kinda alarmed me. I was stiffened on my chair and stared at him nervously. “B-Bakit?” tinambol ang dibdib ko sa tono at tiim ng tingin niya sa akin.
Malalim siyang bumuntong hininga at sumandal sa upuan. His gestures sends shiver in my system. “Ilang araw lang ako nawala, hindi mo na ako nilalambing.” pabiro pa niya akong inirapan.
Hindi ko alam kung bakit ninerbyos sa naging tono niya kanina, pero nang irapan niya ako at magsalita ay agad naglaho ang kabang iyon. He sometimes very unpredictable. May iniisip pero hindi ko maarok, minsan ay magugulat na lang ako na ganoon lang pala ang iniisip niya.
Pagod akong bumuntong hininga at tinusok-tusok ang hotdog sa plato ko. Pinunit ko ang tinapay at sinubo. A little wouldn’t be bad at all. “Walang text. Walang tawag. Walang kamustahan. Wala akong balita kung nasaan ka. Panay ang tanong sa’yo ni ate pero wala akong maisagot.” hindi ko na siya tiningnan ulit pagkasabi ko no’n. Though, it was just a plained concern as his so called girlfriend.
But I truly missed him.
Walang kibo niya akong tinitigan habang pilit kong kinakain ang agahan. I found his breath too softly in my senses. Ang panonood niya sa akin ay nagdadala ng libo-libong consciousness sa sistema ko. I remained calmed and feeling naive—pero wala akong ideya kung hanggang kailan ko iyon kakayaning matagalan.
Natigilan na lang ako nang tumayo siya at lumapit sa gilid ko. Napasinghap ako nang iusod niya ang upuan ko para sapilitan akong humarap sa kanya. He’s kneeling and his defined hard face is looking up at me. Para akong prinsesang niluluguran ng kanyang prinsipe.
Hinawakan niya ang upuan ko at ang isang kamay ay nasa ibabaw ng kandungan ko. “You don’t have any idea how much I longed for you, babe. Hindi ko kayang tawagan o i-text ka kasi alam kong wala akong trabahong masasara. If only..” he trailed off hanging. But his beautiful dreamy eyes caged me into his sight. Like I was dragging to stare at him without realizing what he’s saying. Valid man o hindi.
So, I unconsciously comb his soft hair. Mahina siyang bumuntong hininga at hindi inaalis ang titig sa akin. “Sabihin mo sa’kin kung ano’ng ginagawa mo. Kung nasaan ka. Kahit isang text lang sa isang araw, William.” Suddenly, I felt my heart broke. Bumigkis ang sakit hanggang sa lalamunan ko at bigla ay nahirapan akong magsalita.
The train of pain were too fresh. I’m scared. I can’t speak. I don’t want him to get mad at me. I can’t bear to lose this right man.
He held my hand, kaya huminto ako sa pagsuklay sa buhok niya. “I’m sorry, I’m deeply sorry, my baby. I thought you were busy at school and I didn’t tell you anything, where I was—f**k, I’m sorry, sorry.” Kinuha niya ang mga kamay ko at pinugpog ng halik. Paulit-ulit na para bang mauubusan o huling beses na niyang gagawin. His sorrys were the only word I heard he’s murmuring repeatedly.
Umiinit ang puso ko habang pinapanood ko siya. He looked tensed. Umusod pa siya padikit sa akin, inipit ang mga hita ko at pinulupot ang mga braso sa baywang ko. Ang mga kamay ay lumagpas na sa butas ng sandalan ng upuan.
Tiningala niya ako na para bang inaabot ang mukha ko. “Pangako, umaga, tanghali, meryenda, gabi at gabing-gabi ay tatawag ako sa’yo para malaman mo kung ano’ng ginagawa ko. There will be unlimited texting every hour too.” Exxage niyang pangako sa akin.
“Sobra-sobra na ’yan, alam kong mas busy ka pa sa akin. Isang tawag o text lang sa’kin, okay na ako.” That’s more than enough for me, babe. Pinatong ko ang mga braso sa balikat niya at inikot sa leeg niya.
Nagwo-worry siyang umiling sa akin. “I will send you all my activities starting today. If I don’t have a time, I’ll tell my secretary to send you my schedules too. I’ll give you no reason to miss me. f**k, housing you was not even enough for me.” inabot niya ang labi ko at siniil ng halik.
And I felt like that kiss were meant for days we hadn’t see each other. It was deep, sad, hard, missing and fulfilling in my chest. The corner of my eyes triggered feels like there will be an eruption if I don’t suppress them to stop from pooling. I got emotional at times. But I don’t want him to feel how the vulnerability hit me like s**t. I kissed him back. I kissed him the way he deserves to be kissed. Like a crown prince just received his reward.
We got carried away. The blossoms of heat arises. Bumaba ang labi niya sa panga ko. Nagtagal doon ng ilang minuto at pinagsawa ang labi at dila sa mukha hanggang sa binaba pa niya ang halik sa leeg ko. Awtomatikong tinagilid ko ang ulo para bigyan siya ng puwang. Ang tunog ng bawat halik ay pumupugpog ng init sa mukha at buong katawan ko. I closed my eyes and feel him more.
He groaned on my skin and bit it. I bit my lower lip and gripped onto his soft hair unconsciously. Nadarang ako sa ginagawa niyang pagpapainit sa akin, nang pinasok niya ang mga kamay sa loob ng suot kong spaghetti strap blouse ay napasinghap ako nang agad niyang hinawakan ang dibdib ko. I didn’t wear brassiere that’s why he got an early access. Pakiramdam ko ay ramdam na ramdam na niya kahit pa ang kasuluksulakan ng akin nang dahil sa maiinit niyang mga palad.
He kneaded me and fingers teasing my twin pink peaks so sensually. Nilipat niya ng halik sa lalamunan ko, tumingala ako at naapawang ang labi. My heart was pounding so fast too. Slowly, I found my thighs parting from each other and he’s making his way to feel me more.
Bumaba ang labi niya at masuyong hinalikan ang ibabaw ng dibdib. I felt his tongue kissing me too. He looks so hungry when he lifted up my blouse and immediately claims my boob into his mouth. Malakas akong nakasinghap nang maramdaman ang init sa loob ng bibig niya. I’m going insane. I clung my arms around his neck and gripped onto his hair deeper and heat in between my thighs lured me. Kung nasasakal ko siya ay hindi ko sinsadya. But the fire was too impossible not to be felt.
Ang ginawa sa isa ay inulit niya sa isa pa. Nahihilo ako sa sensasyon at hinihingal na para bang nauubusan kami ng hangin sa dining area. I was arching my back, when I closed my eyes firmly—a sorrowful images flashed in my head like waves from the ocean holding on the shore. The thought of unnamed face kissing me while laughing broke the heat in me.
Nanlamig ako at agad na tinulak si William palayo sa akin. He’s surprised, but resumed like as if I didn’t push him away. Sa ginawa niya mas lalo ko siyang tinulak, mas napalakas kaysa sa kanina. Nagtaas-baba ang dibdib niya at hindi makapaniwalang tiningnan ko, halos nawalan siya ng balanse kung hindi lang napahawak kaagad sa inuupuan ko.
Nanginig ang labi ko, ang buong kalamnan ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Binaba ko ang damit para takpan ang dibdib at mabilis na tumayo at niligpit ang pinagkainan namin. Hindi rin siya agad na nakatayo at tinitigan ako.
There was a panic in my chest when images broke me. Hindi ko kayang ituloy. And to remain fine, I nervously cleared my throat. Pinagpatong-patong ko ang mga maruming plato at dinala sa lababo. “M-May pasok pa ako ngayong u-umaga. B-Baka mahuli ako.” Kinakabahan kong sabi sa kawalan.
May pagmamadali sa kilos ko at pilit na naghahanap ng magagawa para iwasan siya. Was it guilt? Umiling ako. Hindi ko alam. Siguro. Pero ayoko ng pakiramdam na may ibang humahalik sa akin maliban sa kanya. Pakiramdam ko..pakiramdam ko ay wala na akong respeto. The intimate suddenly collapse.
Sinasabon ko ang pinggan nang magkasabay niyang hawakan ang wrist ko mula sa likuran ko. He’s towering me and I felt his breath on my hair. Bahagya niya akong niyakap at kinulong sa mga braso niya. Leaving his lips on my hair.
“I understand. I know your priority, babe, and I can always wait for you.” malalim niyang bulong sa akin. But at the back of my head, I asked, how?
Nang binitawan niya ako nang hindi pa sumasagot sa kanya at nilingon ko siya at sinundan ng tingin hanggang sa mawala ang pigura niya sa mga mata ko.
****
It’s been seven days. Exactly one week, the last time he tried to be intimate with me again. I started to skip my classes since then. Nagsisinungaling na rin ako sa kapatid ko at kay William. Kapag hindi ako pumapasok ay pumunpunta na lang ako sa mall at nagliliwaliw na para bang hindi ako graduatee student. At nang pumasok ako isang beses ay wala naman akong halos naisagot sa long quiz na hindi ko napaghandaan. I said it was just stock knowledge pero halos blangko ang papel ko, nagkataon pang right minus wrong ang pinataw na rules no’ng araw na iyon.
I got a zero score. My friends, Jessa and Keira just stares at me like there was something wrong with me. Pinagkibit balikat ko na lang iyon at sinabing babawi sa susunod. Even my professor got amused too.
I declined when they offered me a group study. Mabilis akong umiling at tumanggi lalo na nang malaman kong hindi lang kami ang magkakasama sa bahay ni Keira. Agad na pinugpog ng kaba ang dibdib ko. May gustong sumamang mga lalaki kaya umayaw ako. I knew some of them but I still refused. Umuwi na lang ako at naiwan silang nakatanaw sa akin.
That feelings lasted for another day, days and even weeks. Mas pinipili ko na lang na mag-aral na mag-isa pero kapag hindi nakakapag-review ay hindi ko na lang pinapasukan ang klaseng may long quiz para hindi na ako mapahiya pa.
Napaigtad ako nang pabalang na binagsak ng professor ang mga index cards sa ibabaw ng lamensa at hinanap ang akin. He’s sighing with piss in it. Kinakabahan na naman ako. Tiningnan ko ang buong faculty, naiwan ang mga mata ko sa kasasara lang na pinto dahil kalalabas lang din ng isang professora.
“Look, Ms. Palma,” disappointed niyang untag sa akin.
Binaba niya ang index card ko, dinungaw ko iyon. Hindi na ako nabigla pa nang makita ang ilang magkakasunod na X sa quizzes ko. Yumuko na lang ako at tinitigan ang sahig.
He sighed. “Ano’ng nangyayari sa’yo, Ms. Palma? Hindi ka naman dati na gan’yan. Matataas palagi ang scores mo at bihira kang um-absent! No’ng isang araw ay nakita kita no’ng umaga pero pagdating sa hapon sa klase ko ay wala na ka.” inis niyang sabi sa akin.
“S-Sorry po, sir,” I managed to response.
He sighed again. “You’re a responsible student but suddenly you’ve changed. Tandaan mo, hindi ka makakasampa sa stage kung incomplete ka. Pass your exams para mahatak ang grades mo. Hangga’t maaga ay ayusin mo na, Ms. Palma.” sermon niya.
I just nodded.
“I will give you a special project then,” sabi niya at may hinalukay sa filings niya. Habang ginagawa niya iyon ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone.
Isang beses kong tiningnan si Sir at saka kinuha ng phone sa bulsa ng palda ko. William texted me again.
William: May emergency meeting ako mamaya, babe. Sa bahay na tayo magkita. Miss you.
Tinitigan ko lang ang text na iyon ni William. Wala na akong balak na replayan pero napaigtad ako nang biglang nagsalita ang professor ko.
“Ms Palma! Kaya ka siguro bumabagsak dahil sa boyfriend mo ’no?”
“P-Po?”
Malalim siyang bumuntong hininga at matiim akong tinitigan. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Kinilabutan ako at napahawak nang mahigpit sa phone ko.
He suddenly smirked. Nagkaroon ng tuya ang pagod niyang mga mata. “May mga naririnig akong mga balita na sumasama ka raw sa mapeperang lalaki. Totoo ba ’yon?” bulong niya.
Namilog ang mga mata ko at gulat na tiningnan siya. Umiling ako. “H-Hindi po, sir,” parang nagkagutay-gutay ang dibdib ko sa sinabi niya.
Tumaas ang gilid ng labi niya at nagkuyakoy ang isang binti. “May nakita akong litrato mo, online.”
Tumahip ang dagundong sa dibdib ko at ang lamig sa mukha ko. Parang bombang sumabog sa utak ko ang sinabi niya. Hirap akong umiling sa kanya tanda na hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
Pictures?
Then images flooded in my head like a wild fire.
“H-hindi ko alam ang s-sinasabi niyo, s-sir..” the stones in my throat larges.
Pinasadahan niya ako ulit ng tingin sa katawan ko. “Ms. Palma, kung gusto mong makuha ang diploma mo, we can negotiate. I wil give you my number.” may laman niyang alok sa akin.
Napaawang ang labi ko. Nagtaas-baba ang dibdib ko na para bang tumakbo. Tiningnan niya ako na nakakababa sa sarili. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero takot ko iyong iniwas sa kanya. At nang may pumasok sa faculty, tumikhim siya at umarteng parang walang sinabing labag sa patakaran ng eskwelahan. Doon na ako nakakuha ng pagkakataon at tinalikuran ang professor ko.
May klase pa ako sa hapong iyon pero hindi ko pinasukan din. Bigla akong nahilo at dahil sa narinig ay hindi ko na kaya pang humarap sa mga kaklase ko at sa isa ko pang professor. May litrato akong kumakalat online? Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko. That must be..Iah’s group who did that!
Nagmamadali akong lumabas ng gate, walang tinitingnan na iba sa takot na nakita na rin ako sa sinasabi niyang litrato. Pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay may dalawang lalaking humarang sa dadaanan ko. At nang mag-angat ako ng tingin ay parang nakumpirma ang takot sa dibdib ko. “V-Vergel..”
Tiningnan niya ang paligid bago ako binalingan. Nakasuot ng sumbrero at nakaipit ang mahaba niyang buhok. Nginisihan niya ako. “Na-miss mo ba ako?”