Chapter 15
Paula
Napapakagat ako sa sariling labi habang pinagmamasdan si ate Melody na iniinspeksyon ang townhouse na inaalok sa amin ni William. Nakataas kasi ang noo niya at may pahawak-hawak sa mga kagamitan na para bang tinitingnan kung may dumi o wala. Nakakatawa naman kung ganoon nga. Ang sungit kasi ngayong tingnan ang ate ko habang tinitingnan ang buong bahay. Si Kuya Oliver naman ay tumitingin-tingin din pero madalas ay nakasunod lang sa asawa ang mga mata at paminsan-minsang ngumingiti.
“Paula,” biglang tawag sa akin ni ate.
Lumapit ako sa tabi niya. She’s looking at the window, I gulped, the same position where William hugged and pushed me on the bed. Sumikdo kaagad ang puso ko at mabilis na pumikit para iwaksi ang mga naalalang eksena dalawang araw na ang nakakaraan.
“Ate?” kabado kong sagot sa kanya.
Humalukipkip siyang nilingon ako. She’s not smiling either. Tinitigan niya ako sandali at saka bumuntong hininga. “Madalas kitang kakamustahin dito,”
Napatitig ako sa kanya. What’s that mean?
Pigil akong ngumiti. “P-Pumapayag ka nang lumipat ako rito?” may bahid na ng excitement ang boses ko. Tumabingi ang mukha niya at agad na nakuha ang saya sa tono ng boses ko.
“Excited?”
Inikot ko kaagad ang mga kamay sa braso at naglambitin. “Thank you, ate! Love mo talaga ako,” ngiti kong lambing sa kanya.
Ngumuso naman siya at pabirong pinanliitan ako ng mga mata. “Pero off limits ’yang boyfriend mo ah? Baka gabi-gabi na ’yong pumunta rito, sandali ka lang naman pinag-istay ni tatay hanggang sa maayos ang sa bahay natin.”
Naintindihan ko ang sinabi niya. Mula sa Dubai ay nalaman na ni tatay ang insidenteng nangyari sa bahay namin. Hindi naman nagalit si tatay sa agarang pag-aasawa ni ate, tanggap na tanggap pa nga si Kuya Oliver, pero pagdating sa akin, nang sinabi ni ate na may boyfriend ako ay nagpasabi itong gusto agad makilala si William kahit sa video call lang. Si Kuya Oliver daw ang nagpaliwanag ang tungkol sa townhouse, pero napapayag niya ito na tumira ako rito.
Doon ako napabilib sa kanya. Pero kung sabagay, sobrang lapit lang naman talaga nitong titirahan ko sa bahay nila. Kaya siguro pumayag na rin ang tatay namin.
Tumango na lang ako sa kanya at nanahimik. Part of me, feels so guilty. But another part of me feels so free and I wanted to span that freedom ’till it lasts.
“Where’s your boyfriend?” tumayo si Kuya Oliver at sumandal sa hamba ng pintuan. “I admit, he has a keen eyes for architecture, ha?” pinasadahan niya ng tingin ng kwarto. “Very wide bed,”
“Oliver..”
Tinambol ang dibdib ko. Naramdaman ko naman ang warning sa boses ni ate.
Tinaas ni Kuya Oliver ang dalawang kamay bilang pagsuko sa asawa. “I was just complimenting the furniture, honey.” Hugas-kamay niyang sagot dito.
Inirapan ni ate ang asawa at saka ako hinarap. “Basta, kakamustahin at bibisitahin kita rito palagi. Ite-text mo ko bago pumasok at pagkauwi ng eskwela ah? Dadalhan na lang kita ng pagkain mo rito pati stocks mo..kukunin ko rin pala ang cellphone number ni William para nate-trace ko kung nasaan kayo,”
Namilog ang mga mata ko sa gulat. “Ate!”
Nginisihan niya ako. “Ibabalik kita sa bahay ’pag may ginawang hindi maganda ’yang William na ’yan,”
Tumawa rin si Kuya Oliver. “Isumbong mo lang sa akin, Paula, ako’ng bahala sa’yo. Ipapa-salvage natin si Sullivan.” Biro nito na agad ding tinikom ang bibig nang tingnan ng masama ng asawa.
Hindi ko tuloy kung matatawa ako o tatango na lang. Nalulungkot ako dahil hindi pa tanggap ni ate si William. Pero sa huli, tumango na lang ako.
****
Dahil busy sa trabaho, sina ate ang tumulong sa akin na maghatid ng mga gamit ko. Isusunod na lang daw niya ang mga groceries, pero nang makita niyang punong-puno ang mga kabinet at fridge—natameme na lang ito at bumuntong hininga.
Gabi na rin nang maihatid ako kaya hindi na ako nakapag-ayos ng mga gamit ko dahil may maaga ang pasok ko kinabukasan. Kaya naman naiwan ko na lang ang dalawang malaking bag ko sa sahig.
Magpapahinga na ako nang marinig ko ang message tone ng cellphone ko.
William: Are you home now?
Simpleng text lang pero napangiti agad ako. I typed a reply for him.
Me: Opo. Nasaan ka na?
I bit my lower lip. Hindi ko rin siya nakita kahapon. Ang sabi niya sobrang busy lang daw sa trabaho. Napanguso ako. Pagdating ko rin dito kanina ay hindi ko rin nakita si Art. Sa Aircraft kaya siya abala? Maraming booking? Meetings?
I sighed.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natanggap ko ang reply niya.
William: Dito sa event. I miss you, babe.
Another kick in my chest bloom in my head. Bakit ba sa simpleng salita ay namumukadkad ang puso ko sa saya?
Me: I miss you, too. Uwi ka na, gabi na.
Kahit magmukha na ako tanga sa pangiti-ngiti ko ay hinayaan ko na lang. Ako lang naman ang nakakaalam.
William: Not yet. I have to work. Meeting.
Napalabi ako.
Me: Sa ganitong oras?
William: Overseas meeting via Skype after this event.
I sighed. He’s a business tycoon, his job is very demanding too. Hindi lang puro ako.
Me: Okay. Take care. Goodnight.
Napabuntong hininga ako at saka binaba na ang cellphone sa night table. Gustuhin ko mang maka-text siya ng matagal ay ayoko dahil baka nakakaabala naman ako. Isa pa, may pasok ako bukas at may long quiz din sa isang pang-umagang subject. Ayokong mapuyat sa pagte-text.
Pero..ilang minuto akong nakahiga, walang reply akong natanggap sa kanya.
Shit!
Padabog kong tinanggal ang kumot sa mukha ko at malakas na bumuntong hininga. Kahit ‘goodnight’ message, wala? Kahit ‘Okay’ man lang?
That thought sparks a frustration against myself. The growing clingyness seems to be so dangerous.
****
“We can do our research in my place, tahimik din do’n at may free wifi pa,” yakag ko sa mga ka-grupo sa feasibility subject ko. Sabay-sabay pa silang nag-angat ng tingin sa akin na parang manghang-mangha. Kumunot ang noo ko at nakangiting naghihintay sa kanila ng pag-oo sa akin.
It’s three days, mula nang lumipat ako sa townhouse, at sa loob ng tatlong araw na iyon ay palagi na akong mag-isa tuwing gabi. Tumatawag at dumadalaw si ate sa pagitan ng alas sais at alas otso kasama syempre si Kuya Oliver. And it’s been three days mula nang makita ko si William.
Iyong text ko sa kanya, iyon na rin pala ang huling beses na maite-text ko siya. I didn’t receive any texts from him since that night. Hindi rin ako nagte-text sa kanya dahil sa pride. I urged myself, I motivated myself—but I declined to text him. Para bang kay bigat-bigat sa akin na mag-send ng piso sa isang mensahe.
I miss him. I do. Pero natatakot ako. Inisip ko na lang, tatlong araw pa lang naman siyang hindi nagpaparamdam. Kung may masaman mang nangyari-na ’wag naman sana—malalaman ko agad iyon kay Kuya Oliver.
“Ano bang klaseng boyfriend ’yan at hindi ka man lang kinakamusta sa loob ng isang araw?”
Sumagitsit ang kirot sa dibdib ko nang hanapin ulit sa akin ni ate si William. Hindi ko siya masagot dahil hindi ko alam, maliban sa gasgas ko nang litanya na busy lang iyon sa trabaho.
“Sigurado ka, Paula? Baka kailangan nating magpaalam sa ate Melody mo?” tanong sa akin ni Jessa, ang leader sa aming tatlo.
Bumuntong hininga ako. “Oo naman, ite-text ko si ate, then pupunta rin naman iyon sa bahay mamaya. Doon na rin kayo maghapunan,”
Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti sa akin. Maganda na nga iyon na sa townhouse na kami gumawa ng research namin, may wifi rin naman pero hindi talaga free kasi si William ang nagpalagay no’n at nagbabayad. Kung papayag nga sila ay doon na rin mag-overnight tutal ay mga babae ang ka-grupo ko.
“Sige, teka—tatawagan ko lang ang mommy ko para makapagpaalam!” tumayo si Jessa at bahagyang lumayo para tawagan sa cellphone ang mommy niya.
Tinulungan ko si Keira sa pagliligpit ng mga libro at ng laptop niya nang may bumagsak na bote ng mineral water sa gilid ng lamensa namin. I raised my eyes and I saw the smiling face from Iah, behind her are her forever friends.
“Pau, baka naman pwede rin kami sa bahay mo gumawa ng research? Sorry, ah? ’di kasi sinasadyang narinig ni Vergel ang pinag-uusapan ninyong magkakagrupo..” she pouted her lips, binitawan ang bote kaya bumagsak iyon sa sahig. “Kanina pa kasi kami naghahanap ng pwedeng place, hindi kasi pwede sa bahay dahil may bisita ang Dad ko.”
Napaawang ang labi ko. Bakit naman sa akin nila gustong makisilong sa gagawin nilang research? Sa dami nila at sa yaman nila, pwede naman silang mag-stay sa ibang lugar o kahit sa mga overnight cafes.
Napatingin sa akin sina Jessa, worries are etched on their faces mula nang marinig ang pinakausap ni Iah. Umiling ako. “Sorry, Iah, pero..hindi naman kalakihan ang bahay n-namin..saka..gagawa rin kami ng sarili.” tanggi ko. I lied about the space.
She pouted her lips. “Hindi naman kami mag-iingay, Pau, saka sandali na lang kaming mag-istay doon dahil may lakad pa itong sina Vergel. Alam mo na, boys night out!” sinundan niya iyon ng tawa. “Makiki-wifi na rin kami, please Paula..ngayon lang kami magsisipag oh!” bahagyang lumakas ang boses niya sa huling sinabi.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama niyang lalaki. There were three guys and four girls. Ewan ko, pero mukhang dalawang grupo sila. I doubted more kaya hindi agad ako nakasagot sa kanya. Nagulat ako nang hawakan ni Iah ang isang kamay ko at kinulong sa mga palad niya. Nakikiusap ang mga matang tiningnan niya ako.
“Tinuring kitang kaibigan, Paula. Pinahihiram din kita ng mga damit ko tuwing pumupunta tayo sa Peyton, I paid for your drinks—is it too much to ask for you then? Huh?”
May lips parted a bit. Naringgan ko rin ng disgusting sighs ang ilang babaeng kaibigan niya, maliban doon sa tahimik na naka-ponytail. Those days na nagpe-peyton pa akong kasama sila, I never thought na darating ang pagkakataon na ipapamukha niya sa akin iyon. When it comes to bills and money—umiinit ang mukha ko sa hiya, may mga nakakarinig sa kanya. Was this in purpose?
Nagdalawang isip ako. I looked for another valid reason but I also wanted to return the favor. Isang beses lang naman siguro, maybe after this, hindi na siya ulit lalapit sa akin. Considering do’n sa huling nangyari sa Peyton.
I sighed. “Sige. Ipapaalam ko kayo sa ate ko.” sabi ko na lang.
“Alright!” hiyaw nina Iah.
Napatingin ako sa labas nang magtawanan ang grupo nina Iah. Doon nilang piniling gumawa ng research at naiwan kaming tatlo sa sala. I served them snacks pero tinanggihan nila iyon dahil nagpa-deliver daw si Vergel.
I admit, hindi pa rin ako palagay sa ngiting binibigay sa akin ni Vergel. Ngumingiti nga pero may kasamang kagat sa labi ay kislap na mga mata. Mag-iisang oras na sila rito, iyong tahimik na babae lang ang nasa harap ng laptop at gumagawa sa dapat nilang gawin.
“Nag-aalala ako..” patay-malisyang sabi ni Jessa sa amin habang may tina-type sa laptop.
Binaba ko ang binabasang libro sa kandungan ko at kunot-noong tumingin sa kanya. “Saan?”
She clicked ‘enter’ and look at me. She made a cursory nod at their direction. “Sa grupo nila. Para kasing..’di ako mapanatag,”
Pare-pareho kaming natahimik na tatlo at pinakaramdaman ang ingay nina Iah. Kinakabahan ako, pero ayokong ipahalata sa kanila. Tinext ko naman si ate na nandito ang ilang mga kaklase, kabilang ang ilang lalaki, na gagawa lang ng research. Ang sabi niya naman ay pauwiin na lang ang mga lalaki kung natapos sa ginagawa at huwag nang paabutin ng lalim ng gabi sa daan. She didn’t know about my issues with Iah kaya hindi ko siya naringgan ng babala.
But my group was.
Tinuktok ni Keira ang ballpen sa notebook at humilig sa akin. “Feeling ko, hindi naman talaga research ang dinahilan nila para makapunta rito. See? Iisa lang ’yung gumagawa talaga sa kanila..’yung mga lalaki mga nagyoyosi lang sa labas at ’yung mga girlfriend ay puro mga nakakandong lang,” bulong niya sa akin.
I noticed too but I kept quite. Mas ginusto kong matapos na lang kami ng maaga para makauwi na rin.
I heaved out a sigh. “Tapusin na lang natin ng maaga ’to para umalis na rin sila.” Binalik ko ulit ang atensyon sa binabasang libro.
Tumango si Jessa. “Tama, siguro naman ay mahihiya silang mag-stay dito, tutal ay hindi natin sila ka-grupo!” mas binilisan niya ang pagta-type sa laptop.
Ilang minuto matapos no’n at nag-angat ako ng tingin sa pintuan, I sighed. Hindi nga talaga pag-aaral ang pinunta nila rito. The way their laugh, shout—there’s no way they could finish a single chapter of their project. The whole time, this occupies me.
Maayos kong binalik ang laptop ni Keira sa bag nito habanng isa-isa namang nilalagay sa envelop ni Jessa ang mga nagamit naming scratch paper.
“Ako na lang ang magpapa-print nito bukas. Nasa akin naman ang USB, bale, maghati-hati na lang tayo sa printing fee after.”
Sabay kaming tumango ni Jessa sa kanya. Napag-usapan namin ang budget para sa lahat ng magagastos sa feasib namin. Pati ang token na ibibigay sa panel kapag nakapag-final defense na kami. First phase pa lang itong nagawa namin pero feeling ko magandang simula na iyon hanggang sa finals.
“Nakabili na ba kayo ng corporate dress n’yo?”
“Hindi pa. Pero may lumang coat ang ate ko, baka ’yon na lang ang gamitin ko.” sagot ko kay Jessa.
“Magpapatahi ako ng akin,”
“Titingin ako sa divi sa sabado, mahal yatang magpasadya.”
“Hindi ’no! Sakto lang sa budget, wala kasi akong makitang kasukat ko,”
“Asus, gusto mo lang ipakita ’yang kurba mo e, kanino ba—kay Vergel?”
“Eww ka d’yan, Jessa, ah! Yak!” ngumiwi pa siya na parang diring-diring sa lalaki.
Sa sobrang papanget niya sa mukha ay natawa na kaming pareho ni Jessa kay Keira. Napatingin kaming tatlo nang maingay na yapak ay pumasok sa loob si Iah, nakangiti at may hawak na tatlong plastic cup.
“Uy, uuwi na ba kayo agad? Maya na, inom muna tayo! Libre ni Vergel,” masayang alok niya sa amin.
Natitigilang tiningnan ako nina Jessa at Keira. Hindi nila pinaalam ito ah!
Tumayo ako. “Umiinom kayo sa labas? Akala ko gumagawa kayo ng research ninyo?”
She chuckled. “Ah..katatapos-tapos lang din namin. Kaya nga nag-blowout si Vergel—tara girls!”
“Hmm, uuwi na kami, Paula,”
Halos magkasabay nang tumayo ang mga kagrupo bitbit ang kani-kanilang gamit.
Bumagsak ang balikat ko pagkaharap ko ulit kay Iah, waving her three cups of hard drinks. “Iah, ang usapan lang natin ay gagawa lang kayo ng research ninyo at hindi ninyo sinabi sa akin na magsisiinuman kayo. Hindi ko ’yan pinaalam sa ate ko.” lalo na sa may-ari nitong bahay.
She let out a tired sigh. “Ang KJ mo ah! Isang bote lang naman, uuwi na rin kami pagkatapos,”
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong klaseng pasensya ang ipapakita ko sa kanya. Tinawag ulit ako nina Jessa at Keira para magpaalam na. Tumanggi sila nang inalok ni Iah, pero nang madaanan ang barkada niya sa labas ay binuyo ulit sila.
“Isang shot lang ’yan, Keira!” Vergel teased her.
Namula ang mukha niya at umiling ulit. “Hindi kasi ako umiinom.” There were finality in her voice. The same with Jessa. Naglakad na lang ang dalawa para makaiwas na.
Sumama ako at hinatid sila hanggang sa labas ng gate. “Ingat kayo ah,”
Jessa look at me. “Ikaw ang mag-ingat. Bye.” she waved at me.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalayo. Nang pabalik na ako sa loob ay isang anino ang nakita sa labas ng bahay ni Art pero agad ding nawala. Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok sa loob ng bahay. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng shorts at nag-send ulit ng text sa ate ko.
“Last na ’to, Paula—para makauwi na kami!”
Buyo iyon galing sa babaeng kaibigan ni Iah. Pinasadahan ko ng tingin ang pabilog na lamesa nila. Nakaligpit na ang mga gamit at pati ang mga plastic cup ay nakabalot na rin, nakita ko iyong nasa sahig na.
Umiling ako. “Ayokong uminom..” tanggi ko ulit. Papasok na ako sa loob ng harangin ulit ni Iah.
“Pagbigyan mo na, Paula, please?”
Umiling ulit ako.
Tinitigan niya ako at saka bumuntong hininga. “Okay, matigas ka e.”
Sandali ako napatitig sa kanya dahil sa salitang ginamit. Kinabahan ako.
“Alis na kame, salamat sa accomodation, Pau.”
Napatingin naman ako kay Vergel. Sandali ulit akong napatitig sa kanya. Parang dinadaga ang dibdib ko habang nakatingin sila sa akin. Dahan-dahan akong tumango at pinutol ang titig na iyon.
Sa loob ay naabutan ko ang tahimik nilang kasama, bahagyan pa siyang napaigtad nang makita ko at agad na binaba ang baso ng juice sa island couter. “So-sorry, nakiinom na a-ako..nauuhaw na k-kasi ako,”
Nginitian ko siya. “Okay lang, sige,” pabalik na ko ulit sa sala para iligpit pa ang mga gamit ko nang bigla niya akong tawagin.
“Ano kasi..itong j-juice mo..p-parang may ibang l-lasa,” napahawak pa siya tiyan niya.
Agad ko siyang nilapitan at tiningnan ang baso na iniinom niya. “Bagong bili lang ’yang juice sa fridge. Saan ka ba kumuha?”
Tinuro niya sa akin ang pitsel na pinagkuhaan niya. “D-dito..”
Kumuha ako ng bagong baso at sinalinan ng laman. Inamoy ko muna iyon bago tinikman at nilasahang mabuti. Tiningnan ko siya, “Wala naman akong malasahang iba..” nilapit ko ulit ang bibig ng baso at ininom ang juice. “Sumakit ba ang tiyan mo?”
Pinapanood niya ako. “M-medyo kasi..sorry.”
Iniwan niya ang baso at tinalikuran ako. Kinuha ko naman iyon at nilagay sa lababo para mahugasan. Hindi kaya expired na iyong juice? Hindi ko pala natanong si William kung kailan niya binili iyong groceries. Maybe, I could text him later?
Nagpunas ako ng mga kamay at pabalik na sana sa couch nang mapahawak ako sa gilid ng island counter. Biglang umikot ang paningin ko at nahihilo ako. Pumikit ako ng ilang beses at nagbakasakaling mawawala rin ang hilo. Naglakad ako ulit palapit sa couch pero mas nahilo pa ako at halos matumba sa sahig!
“Hey, what’s wrong?” boses iyon ni Vergel. Nasalo niya ako bago pa bumagsak sa tiles.
Sinubukan kong imulat ang mga mata nang buhatin niya ako. Umiling-iling ako sa kanya. “N-nahihilo ako..” halos mawalan na rin ako boses. I’m going to faint. I knew it.
He smirked. “I know, sweetheart. Just sleep.” bulong niya sa akin.
Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari. Ang huling naramadaman ko na lang ay ang paglapat ng likuran ko sa kama.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ang tumatamang sikat ng araw sa mukha ko. Napahawak ako sa noo nang maramdaman agad ang kirot sa ulo ko. s**t. Bakit ang sakit ng ulo ko? Kinalma ko muna ang sarili bago bumangon pero napamulat agad ako nang makarinig ng isang pagtikhim.
Nahihiyang mga mata ang unang bumungad sa akin.
“Art?” tawag ko sa kanya. Ilang beses pa akong pumikit-pikit para mas luminaw pa ang paningin ko. Hanggang sa tumikhim siya ulit at umayos ng tayo. Doon na ako napamulat ng malaki. “A-art?”
What the hell?
He sighed. “Magbihis ka muna, Ma’am Paula.” nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Kumirot ulit ang ulo ko kay hindi ko kaagad nakuha ang ibig niyang sabihin. But I felt the coldness on my skin. I looked down at myself—I was almost naked under the sheet! “Ano’ng..” parang saboy ay kumalabog ang dibdib ko sa naabutang ayos sa sarili. Nanginig ang mga kamay ko. Binaba ko ang kumot at binalot sa sarili. Napatingin ako ulit kay Art na hindi na ngayon maipinta ang mukha.
He tried to look at me but still refused to stare. He cleared his throat. “Narinig ko ang pinag-uusapan ng mga kaibigan mo kagabi kaya pinuntahan kita.”
I was panting heavily. Nanlamig ako at dinadagundong ng kaba sa dibdib ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Last night..last night..
“Nasa ibabaw mo siya at hinahubaran ka habang may nakatutok sa inyong camera, you were unconscious that’s why I am here.” malamig niyang sabi.
Napatakip ako sa sariling bibig. Hindi matanggap ang nangyari sa akin. “N-No!”