Chapter 18

1984 Words
Chapter 18 Paula Napaigtad ako nang hapitin niya ako sa baywang at sapilitan akong hinatak. Pumalag ako pero hinarang naman ng kasama niya ang katawan sa kabilang gilid ko. Umiling-iling si Vergel at saka dinikit ang bibig sa tuktok ng ulo ko. Para akong siniliban nang dinikit niya iyon sa akin. Minura niya ang lalaking kasama at binulungan ako. “Sumama ka na lang nang maayos sa’kin, Paula. Kung ayaw mong ipahiya ka namin dito.” banta niya. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at takot na nag-angat ng tingin sa kanya. He’s staring at my reaction with angst. “A-Ayokong sumama sa inyo. P-Pakawalan ninyo ako,” natatakot ako sa kanila. The way he’s touching like he owns me. Dumiin ang kamay niya sa baywang ko. “’Wag kang mag-alala, mag-uusap lang tayo. Pauuwiin din kita.” bulong niya ulit. Hindi ko tinanggap ang kapeng inaalok nila at pinabayaan ko lang na lumamig sa mesa. Dinala nila sa isang cafe ilang kalye ang layo sa eskwela. Dahil hindi madilim at nasa pampublikong lugar ay nabawasan ang takot sa dibdib ko. Pero pinalilibutan nila ako. Si Vergel ay nasa tapat ko, nakahilig sa upuan at nakabuka ang mga binti habang nakatingin sa akin. Ang mga kaibigan ay naghihintay ng sasabihin niya. Tumagal ng ilang minuto ang ganoong posisyon namin. Akala ko ay may hinihintay lang sila, sina Iah, pero wala namang dumating. Bahagya akong napaigtad nang maingay na bumuntong hininga si Vergel at pinagtuturo ang mga kasama. “Lumabas nga muna kayo.” utos niya. “Pero Vergel, gusto namin marinig ang sasabihin n’ya.” angal no’ng isa. “Labas.” bantang sagot niya rito. “Tngina..” himutok no’n at padabog na tumayo sa silya. Nasanggi pa niya ang mesa kaya nauga ang tasa ng kape ko at bahagyang natapon ang laman. Agad akong gumalaw para kumuha ng tissue pero naunahan ako ni Vergel, minura niya ang lalaking nakabunggo at saka pinunasan ang natapong kape. Hindi na ako gumalaw at hinayaan na lang siya. Para akong nakahinga nang mabawasan ang tao sa mesa. Tinapon niya ang tissue at tiningnan ulit ako. Napalunok ako. I should have confronted him dahil sa pambababoy nila pero punong-puno ako ng takot. Bumuntong hininga siya. “You look so scared,” simula niya. I gritted my teeth. Nagpupuyos ang dibdib ko. Sa tuya at titig niya ay gusto ko siyang saktan, kahit na napakaimposible no’n. I glared at him. “A-Ano’ng ginawa n’yo sa akin?” mariin at matapang kong tanong sa kanya. Ngumisi siya. Inayos ang sumbrebro at dumukwang sa lamesa. Nang nilapit niya ang mukha ay agad akong lumayo. Kasuklam-suklam ang paglapit niya sa akin ng ganito.“Niyo? Baka, ko.” pagmamalaki pa niya. He chuckled. Tumalim ang tingin ko sa kanya. “Pinagsisisihan ko nga na sinama ko pa ang mga kaibigan ko no’ng gabing ’yon. I should have done it by myself.” I gritted my teeth once more. Ang galit ko ay sumasagitsit na sa ugat ko. If I could kill him by my stare—I already killed him. But tears almost formed at the corner of my eyes. “Bakit n’yo ’to ginagawa sa akin? Ano’ng kasalanan ko?” naiiyak kong tanong sa kanya. But I suppressed to slip a sob. Alam kong nakikita niya ang panginginig ng labi ko. He swallowed and stared at me. “For not being mine.” mahinang sagot niya. “Nakakagago kasi na kay Sullivan ka napunta. He threathened me and my friends kung hindi ka namin tatantanan. I could compromise with Iah, pero para kaming ginawang tuta n’yang gago mong boyfriend.” “Kasalanan ninyo kaya nagawa ’yon ni William.” mariin kong akusa sa kanya. “If it’s just an ordinary some old man, I could fight.” deretsong titig niya. “I have our pictures and videos..” pag-iiba niya. Umusbong ang sumpa sa dibdib ko. “S-Saan n’yo ’yon nilagay?” may voice shook. “I kept it.” “Sinungaling ka. Mayroon nang nakakita no’n sa eskwelahan.” His lips parted. Sandaling natulala sa akin bago napahilamos ang mukha. “Tngina—s**t!” pagkatapos ay tiningnan ako. “Sino’ng nakakita? Si Sullivan?” pangamba at galit ang nakita kong dumaan sa mga mata niya. “Si Sir Pachejo.” Napaigtad ako nang suntukin niya ang lamesa. Ang ilang mga tao ay napalingon sa amin. “Tngina! Meron pang ibang nakakaalam?” I felt so grosed talking to him. “Hindi ko alam.” Malalim siyang bumuntong hininga. “That’s not me. Inutos kong ’wag galawin ang mga litrato. That must be, Iah.” “There must be no pictures in the first place, Vergel!” asik ko. “Pinapasok ko kayo sa bahay ko bilang tao pero winalangya ninyo ako!” galit na galit kong sabi sa kanya. Nang may tumakas na luha ay agad ko iyong pinunasan. “Hindi ako magso-sorry, dahil gusto ko ’yung nangyari. I regret dahil may ibang nakakita.” Matalim ko siyang tinitigan. “Hayop ka rin. Kapag nalaman ’to ni William—” Ngumiwi siya. “f**k the name. Wala kang sasabihin sa kanya,” Matapang ko siyang sinalubong ng tingin. “I will tell him. At sigurado akong tutulungan din ako ng mga kaibigan niya,” kung saan ko nakuha ang tapang, ay hindi ko na alam. “Castillano, Montejo, Altamirano at Sullivan..ang mga pangalan na ’yan ay nakatatak na sa utak ko, Asher. There will be no blood if you would just shut you sweet lips, sweetheart.” He called me in my second name. Chills sipped through me. But blood tattooed in my head. Mas lumapit pa siya at bumulong. “Sabihin mo sa kanila ang ginawa ko, go. At padadalhan ko ng kopya ang tatay mo sa Dubai.” pagkatapos ay kinindatan ako at umayos ng upo. I stiffened on my chair. Tinakasan ako ng hangin sa dibdib at napasinghap. My lips parted and shock electrified me. Hindi makapaniwala sa sinabi. Halos hindi ko na makuha pang huminga ng maayos. Pinapanood niya ako at tinaasan ng kilay. There were glints in his eyes. “I tell you, as of now, hindi ko hahayaang magulo ni Sullivan ang pamilya ko—lalo na ang negosyo namin. Wasak na ang pamilya n’ya kaya wala akong magagawa doon. Kaya kung ayaw mong magulo ang pamilya mo, manahimik ka at mananahimik din ako. That’s the deal, sweetheart. Don’t break mine, I won’t break yours. Dubai, Dubai..matagal-tagal na rin akong hindi nakakabalik do’n,” sabay ngisi. Matagal ko siyang tinitigan habang mapaglaro ang mukha niya. Patingin-tingin siya sa labas. My tears broke down. Pinipilit kong pigilan ang luha pero sadya pa ring umaalpas sa mga mata ko. At sa tuwing lalandas sa akin at titingin ulit sa labas si Vergel. He pumped the anger in my chest. “Pa’no kung unahan kita. Sasabihin ko na agad sa tatay ko ang nangyari bago mo pa sabihin sa kanya..” Kumunot ang noo niya at pinagtawanan ako. “Isusumbong kita sa kanila. William will never forgive you.” He chuckled. “Nice mouth of yours.” nawala ang ngisi at matiim akong tiningnan. “Kung hindi kaya kita pauwiin ngayon at saka ko padalhan ng regalo ang tatay mo? Oh! Wait, what if, ulitin natin ’yon saka ko ipapadala sa tatay mo. Para mas doble ang sakit ’di ba? Paulit-ulit kong gagawin sa’yo para hindi mo na ko makalimutan at baka hiwalayan mo pa n’yan si Sullivan.” I gasped. Nilingon ko ang mga kaibigan niyang naghihintay sa labas at nagkasandal sa sasakyan nila. There were smoking but still looking at us na para bang naghihintay ng signal sa kanya. Nang tingnan ko siya ulit ay nakatitig siya sa akin. Hindi ako agad nakasagot doon. Ang tatay..ang tatay..at hindi niya ako iuuwi kung hindi ako uuwi. Hindi ko na alam kung anong sunod na gagawin. Hanggang sa maramdaman kong nagba-vibrate ang phone sa bulsa ng palda ko. Tiningnan ko siya at dahan-dahan na sinuksok ang kamay sa bulsa ko. “’Wag mong sagutin ’yan kung ayaw mong kidnapin na kita ngayon din, Paula.” Namilog ang mga mata ko. He’s maybe staring at me but.. he could still sense my movement! Kaya naman natigilan ako at hindi na nakagalaw. “Simple lang naman ang hinihiling ko sa’yo, ’wag kang magsalita at hindi rin ako magsasalita.” “Pa’no ang mga litrato? May nakakita na no’n!” “I will erase those leaked photos. I can guarantee you that—in the sense that you will assure me na hindi mo rin sasabihin kay Sullivan ang nangyari. Lilipad na rin naman ako papuntang america,” Naramdaman ko ang kaunting totoo sa sinabi niya. Why? Gusto niya rin ba iyong kalimutan na lang din? “P-Paano sina Iah?” napatingin ulit ako sa mga kaibigan niya sa labas. “Hold on my word, Paula. Hindi rin nila gustong malagay sa alangin. Mas pipiliin nilang layuan ka kaysa ang manggulo pa. See? Lahat kami nag-drop out. We will never see you again, tulad nang ayaw naming makita ulit ang boyfriend mong ’yon.” Unti-unti akong nakahinga ng maluwag. Kung nakatulong man ang sinabi niya, ayos na rin sa akin. Ayoko rin ng gulo at natatakot din sila kay William. He must be so powerful para pangilagan. He heaved out a sigh. “Hindi mo pa ako sinasagot,” untag niya sa akin. I look at him. “Please. ’wag mong idamay ang tatay ko..” pakiusap ko. Tinitigan niya ako at saka tumango. “Sabihin mo lang na pumapayag ka.” I stared at him for awhile. Mixed emotions. We wanted to save each others loved ones. Inayos niya ang sumbrebro. “Pumapayag na ako.” mahina kong sabi. Holding on his words, if it’s true and I hope he was. “Okay.” tumayo siya at sinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya. Hindi agad na umalis at tiningnan pa ako. “Bago tayo maghiwalay, gusto ko sanang sabihin sa’yo ’to..” Walang reaksyon ko siyang tiningnan. He sighed. “Gusto talaga kitang iuwi sa akin.” Nagulat ako. Pero agad niya rin akong tinalikuran pagkatapos sabihin iyon. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalabas ng cafe. Agad siyang nilapitan ng mga kaibigan niya at mukhang nag-usisa. Tiningnan nila ako at umiling-iling. At bago makasakay sa driver’s seat si Vergel at tinapunan niya muna ko ng tingin. Just a simple glimpse. *** Halos kalahating oras muna akong namalagi sa cafe bago tuluyang makaalis. Papadilim na at makulimlim. Wala pa rin akong dalang payong kaya malalaking hakbang ginawa papunta sa sakayan. Parang may malaking tipak ng batong nakaharang sa lalamunan ang nalusaw nang makaalis sina Vergel. Ang kasunduang gusto niya ay nakabawas din sa bigat na dinadala ko. He promised to delete all the photos. Sana ay hindi lang iyong mga nasa online na, lahat na lang ay burahin kung ayaw niyang makita pa iyon ni William. Ginagawa naman niya iyon para sa pamilya niya, gano’n din ang sa akin. Ayokong masaktan ang tatay ko, ang ate ko. If William’s finds it, he will find my father too. Gusto ko na lang din ang lumimot. In that way. We could live our loves peacefully. I will hold on his words. “Isa na lang, isa na lang!” Mas binilisan ko pa ang lakad ko para makasakay na sa papaalis na jeepney. Nakatingin na sa akin ang barker kaya binaba na niya ang kamay at hindi na nagtawag pa ng ibang pasahero. Pero bago ko pa maisakay ang paa ko ay mahigpit na akong napahawak sa handle ng jeepney at nahilo. Umikot ang paningin ko. “Miss! Miss!” sigaw ng ilang pasaherong nakaupo malapit sa babaan. Hinawakan nila ako sa braso ko at tinutulungang makatayo. “Hala, okay lang? Nahihilo ka ba?” iyong barker ay tumabi sa gilid ko. Sinubukan kong dumilat at iayos ang tayo ko pero nang makatayo ay dumilim na ang paningin ko. *** Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nang marinig ang paglapat ng pintuan. Ngumiwi ako hindi pa man tuluyang nagigising ang diwa ko. Pero nang tuluyang dumilat ay inanig ko pang maigi ang kisameng nagisnan ko. Nasaan ako? “Kamusta ang pakiramdam mo, hija?” Nilingon ang pinaggalingan ng boses. Isang matandang babaeng sa tingin ko ay nasa sisente anyos na ang tumayo mula lamesa niya at nakangiting nilapitan ako. Sinuot niya ang stethoscope at dinatay iyon sa dibdib ko. Nasa clinic ako. Isang maliit na clinic dahil kaunting espasyo lang ang layo ng kinahihigaan ko sa lamesa nitong doktora. Nang matapos ay tinanong niya ako. “Nahihilo ka pa ba?” banayad niyang tanong sa akin. “A-Ano pong nangyari?” tanong ko rin. Pero bago ko dugtungan ang tanong ay sumirit na naman ang sakit ng ulo ko. “Dinala ka rito mula sa terminal dahil hinimatay ka, hija. Nasa edad ka naman pero, ang bata mo pa at mukhang nag-aaral ka pa,” she somehow look disappointed. I tried to recall my last memories. May nainom na naman ba ako kaya hinimatay? Baka kagagawan na naman ito ni Vergel? “May gamot po bang pinainom sa’kin kaya ako hinimatay?” Umiling ang matandang doktora. “Sa findings ko, buntis ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD