Chapter 3
Paula
Goosebumps. Natulala ako sa kan’ya habang nakatingin s’ya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at awang ang labing nakatunghay sa kan’ya--g-go talaga e ’no? Uminit ang mukha ko. Nasusunog na yata sa lumabas sa labi n’yang pulang-pula. Ilang sandali kong inulit-ulit sa isip ang huling sinabi at sinuguradong hindi ako nagkakamali.
He wants me..he said likes me? And he asked me..he offered me--g-go!
Nang mahimasmasan ay dinampot ko ang tinidor at tinutok sa kan’ya.
“Woah..” He uttered pero hindi man lang nasisindak sa ginawa ko.
“Ulitin mo nga ’yang sinabi mo? Gusto mo kong..gusto mo kong gawing kabit mo?!” Medyo napalakas ag boses ko kaya ang katabing mesa namin ay agad napatingin sa akin. Mas lalong uminit ang mukha ko lalo na nang nakatutok ang tinidor kay William. Habang s’ya ay nakakunot lang ang noo at walang pakielam?
Ako pa yata ang nahiya dahil sa lakas ng boses ko at--nabanggit ko ba ang kabit? Tngina.
Tumikhim ako at binaba ang tinidor. Umayos akong parang walang nangyari pero binigyan ko s’ya ng matalim na tingin. “Sira ulo ka talaga!” Mahina pero nangigil kong sabi sa- kan’ya.
Dumkwang s’ya at ngumisi sa akin. “I told you, dapat sa pribado tayong lugas nag-usap, ang bayolente mo,” And he winked at me! Putsa!
Masama ko s’yang tinitigan na para bang may umuusok na sa ulunan ko. Kinuha ko na ang gamit ko at walang salitang nilayasan ko s’ya sa mesa.
“Hey,” He calls me but I didn’t look back. Manigas ka sira ulo!
Lumabas ako ng kainan na iyon at dere- deretsong pumunta sa sakayan ng jeep. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit at iritasyon samahan pa na-offend ako sa inalok n’ya. I want you to be my woman..in bed. It keeps on repeating in my head na parang sirang plaka. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakaranas magkaroon ng intimate na relasyon sa lalaki. Tapos ngayon ay may mang-aalok sa akin ng ganoong sitwasyon?
Hindi ako old-fashioned na uri ng babae pero hindi rin ako easy-to-get! Hindi ako palaging on-the-go na parang kahit sinong lalaki ay papatulan basta gwapo. Choice ko ang habulin si Oliver dahil mahal ko s’ya at iyon pa ang unang beses na gawin iyon! At hindi rin pumasok sa isip ko ang gawin iyon sa kan’ya kahit na ba crush na crush ko s’ya. Pero itong narinig ko sa walanghiyang William Sullivan na ’yan, nanggagalaiti ang lintid ko at gusto ko s’yang sapakin sa mukha!
Huminto ako sa stop lights at naghintay ng jeep--nang may humablot sa braso ko at hinila ako paalis doon.
Nakilala ko ang likuran n’ya kaya pilit ko ring hinila pabalik ang braso ko. “Ano ba! Bitiwan mo nga ko!”
Pinagtitinginan kaming dalawa. Hindi n’ya ako sinagot hanggang sa pinagbuksan n’ya ako ng pinto at binalingan. “Sakay,” Utos n’ya.
Matalim ko s’yang tiningnan. “Ayoko!”
Umigting ang panga n’ya. “Isa,”
Namilog ang mga mata ko. “Sino ka para takutin ako nang gan’yan? Hindi ako sasama sa lalaking tulad mo! G-go!”
Mariin s’yang pumikit na parang nauubusan ng pasensya--at s’ya pa ang makapal ang mukhang maubusan ng pasensya?
Nang tingnan n’ya ako ulit ay nawala na ang mabagsik n’yang tingin sa akin. He heaved out a sigh.
“Just, get in. Ihahatid na kita sa inyo, at hindi rin kita tatantanan hangga’t hindi ako nag-uwi sa’yo.”
Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil hingal at sama ng loob. He got to be so annoying but sometimes..I felt the chivalry in him. Something that made my mind--confused?
Kaya hindi ako tumanggi nang hapitin n’ya ako sa baywang at marahang hinila para makapasok sa sasakyan n’ya. I stiffened with the contact but I can still the rage in my chest. How could he do this to me?
****
Tahimik kaming bumyahe. And if he ever tried to break the silence, I wouldn’t give a damn. I was offended. Nag-iinit pa rin ang mukha ko at pinipigilang sumabog ang luha ko sa sobrang galit.
He parked his luxurous car in front of our house. Kahit na alam kong pagchichismisan ako ng mga kapit-bahay namin dahil hinatid ako ng de-kotseng lalaki, walang paalam na lumabas pa rin ako ng sasakyan n’ya. I didn’t say anything hanggang sa makapasok sa loob ng bahay at inis na hinagis ang gamit sa maliit naming sofa, kumalabog do’n ang libro ko dahil nasasalat na ang matigas na kutson.
Pumunta sa ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa fridge, my hands were shaking. Uminom ako, tumakas ang tubig sa bibig ko at nabasa ang dibdib na parte ng uniform ko. Naglikha ng ingay ang padabog kong pagbagsak ng baso sa lamesa.
Nagngitngit pa rin ako. Hanggang sa pagpapalit ng damit ay s’ya pa rin ang iniisip ko. I think, that man should take a psychological exam at baka may deperensya na s’ya sa utak. Humiga ako sa kama at natulala sa kisame. Naturingang may pinag-aralan--pero bastos at walang modo. Siguro matalino s’ya, sa sobrang talino na-ulol na. Gano’n.
Walong-oras ang lumipas. Naghuhugas pa lang ako ng pinagkainan ko dahil late na ako nakaluto sa paggawa ng ilang assignment. Hindi rin naman ako nagtagal sa kusina dahil mag-isa lang akong kumain. Sa de-latang ulam na rin ako umasa dahil wala akong ganang magluto pa, at kung magluluto man, hotdog at cornbeef lang din.
Pinatay ko na ang ilaw sa kusina, sala at pumasok na kwarto ko. Niligpit ko ang nakakalat na libro sa ibabaw ng kama at tinira ang nakabukas na laptop. I’m done with my homeworks at tanging social media accouts na lang ang nakalatag sa screen. Paupo na ako nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone ko na nasa ibabaw ng nightstand. I forgot to set it to ringing tone. Kaya kinuha ko iyon at binasa na rin ang notification ko.
Tumayo ako sa tabi ng kama, kumunot ang noo ko nang makitang hindi ko kilalang numero ang nag-missed call sa akin, seven times na! Napanguso ko, sino’ng unknown number ang tatawag sa akin ng ganitong oras?
Itetext ko sana kung sino ang tumawag nang tumawag ulit ang unknown number.
Or, baka naman si ate Melody ’to at number ni Oli--Kuya Oliver ang gamit?
My mind was suddenly clouded with thoughts na baka nga s’ya ang tumatawag. Maybe they want to ask how am I doing.
Kaya nagkibit-balikat na lang ako at sinagot ang tawag. “Hello?” Kaswal kong sagot.
“Hi..”
Nagsalubong ang mga kilay ko at napatuwid ng pagkakatayo. Naglalaro man ang isip sa iba ay hindi ko maaaring makalimutan ang huskiness ng boses na iyon. Though, it sounded tired but still, this is husky--deep--low tone of voice! At isang tao lang ang alam kong nagmamay-ari ng boses na iyon.
Dapat pa ba akong magtaka na alam n’ya ang number ko? Nanumbalik na naman ang kilabot sa balat ko.
“Kung tungkol na naman ’to sa sinabi mo kanina, ito na ang huling pag-uusap natin, Mr. Sullivan--”
“I’m sorry.” He uttered. I almost heard it in his throat.
Hindi ako agad ako nakasagot. Sorry? Hindi ko rin inaaahan na iyon ang sasabihin n’ya sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama nang tumibok ang puso ko.
“Sorry? Huh, dapat ka naman talagang mag- sorry sa kag-guhang sinabi mo sa akin,”
“I’m sorry, dahil hindi mo naintindihan ang sinabi ko sa’yo.”
Kumunot ang noo ko. “Alin doon ang hindi ko naintindihan? Inaalok mo kong maging kabit mo, walanghiya ka!” Asik ko.
He sighed. “Dahil hindi kita gagawing kabit ko, Paula. Wala akong ibang babae..ikaw lang, kung sakaling papayag ka sa alok ko,”
I froze. Ano ba ’yun? Parang ang gulo. Tumikhim ako. “Type mo ba ako?”
Hindi s’ya agad nagsalita, pero ilang saglit pa ay mahina s’yang tumawa. “Kung ’yan ang lengwahe mo sa ‘gusto kita’, then yes--type kita.”
Mas sumipa na naman ang puso ko. Oh my, so, gano’n ba ang klase ng paghihiwatig n’ya na gusto n’ya akong ligawan? Maging girlfriend? Susme, kung iyon lang pala bakit dinadaanan pa n’ya ako sa kama?
My cheeks flared the thoughts. Agad ko iyong winaksi sa isip.
I swallowed. “Ah, okay, gets ko na. Gusto mong manligaw? Ito ang sagot ko, ayoko sa’yo. Okay na?”
Natahimik na naman s’ya sa kabilang linya. What? Heart attack?
“I didn’t mean about courting you, Paula. I was..offering you.”
Tumaas ang kilay ko. “Na ano? Maging babae mo sa kama? G-go ka, maghanap ng ganu’n sa kabaret!”
“Will you please, listen to me first? You’re not even a single like of them, fuck.” Is he pissed now? “Are you in your room? Can you open the door for me?”
“Ano? Hindi ka pa ba umuuwi?” Dumagundong ang dibdib ko kasabay ng pagtayo ko at silip sa bintana--nasa baba pa nga ang sasakyan n’ya! “Umalis ka na nga,” Taboy ko sa linya.
He sighed. “I can’t. I’m too hungry babe.”
At hindi pa s’ya nagdi-dinner? Napasabunot ako sa sariling buhok, talagang maghapon n’ya akong pepestihan ah. “Umuwi ka na lang,” Taboy ko ulit.
“Can I atleast have a coffee? Gutom na gutom na ako.” He begged once more.
Ano ba ’yan! Bakit sa gitna ng inis at bwisit ko sa kan’ya ay nakakaramdam ako ng guilt? Hindi ba at kagustuhan n’yang mag-stay sa labas ng walong-oras nang hindi kumakain. He even has a luxurous car para pumunta sa pinakamalapit na kainan.
“Hindi kita papasukin dahil gabi na, Mr. Sullivan--”
“It’s William,”
“Whatever! I cannot let you in dahil gabi na. Umuwi ka na lang sa bahay mo at doon ka na kumain.” Without saying goodbye--I cancelled the call at mabilis na umalis sa binata. Kumakalabog pa rin ang dibdib ko pagkaupo sa gilid ng kama.
Nang mahismasan ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at pinatay na rin ang ilaw. In that scenario, makikita n’yang nagpapahinga na ako at hindi na guguluhin pa. Iyon ay kung gentleman s’ya. Pero base sa impression ko, gentleman naman--busabos lang ang bibig.
Tulala ako habang nakatitig sa bintana at paminsan-minsan ay natingin lang sa kisameng pinugpog ko ng mga glow in the dark heavenly bodies. Kinukurot-kurot ko rin ang daliri ko tuwing naiisip ko s’ya. Hindi na naman s’ya tumawag pa ulit pero wala rin akong narinig na sasakyang umalis maliban sa mga dumaraang tricycle na matining ang makina. Wala akong pakielam.
Tumagilid ako at nilagay sa ilalim ng pisngi ang mga kamay ko, I fell asleep.
****
Kinabukasan ay alas-syete na ako bumangon. My class today will start at 1pm ’till 5:30pm. I didn’t change my shorts and blouse, naghilamos lang ako at saka lumabas ng kwarto para bumuli ng pandesal. Naubusan na ako ng monggo bread nu’ng isang araw, kaya nilagay ko na sa listahan ko na bibilhin ko iyon mamaya bago umuwi.
Kumuha ako ng fifhty pesos sa wallet ko at saka na binuksan ang pinto--but I gasped when I found him sitting outside our door!
Hindi pa rin s’ya umuwi kagabi?
My lips fell apart, nagmadali s’yang tumayo at may inabot na paperbag sa tabi n’ya. Same shirt, pants but tousled hair. Napansin ko rin ang pamumula ng leeg n’ya, pero nagawa pa n’yang nginitian ako.
“Good morning! Breakfast?”
What is wrong with this man? I mentally asked myself.