Chapter 2

1890 Words
Chapter 2 Paula Naglakad ako na parang walang taong sumusunod sa akin. Hindi ko s’ya pinansin at pagkalabas ng bahay ay dere-deretso akong naglakad sa kanto para makasakay ng jeep. Dalawa lang ang klase ko ngayong araw, sa labas na rin ako magla-lunch dahil wala rin naman akong daratnan sa bahay kung uuwi man ako, pero ang hindi ko masikmura ay ang pagsunod na naman sa akin ng kaibigan ni Oliver! Hindi ba s’ya aware na nabibwisit ako sa kan’ya? He’s so annoying! Napaigtad ako nang marahan s’yang sumipol sa tapat pa mismo ng tainga ko! Huminto ako sa paglalakad--muntik n’ya akong lagpasan-- matalim ko s’yang binalingan. “Ano ka ba? Talaga bang pinanganak kang bastos? Ha?” Pigil na pigil pa ako sa sarili n’yan. Nakasilid ang dalawang kamay n’ya sa bulsa ng pantalong suot, cool na cool at para bang namalik-mata nang tingnan ko. He even looked at his back and think twice kung s’ya ba talaga ang sinabihan ko! Tinuro n’ya ang sarili. “Ako ba ang tinutukoy mo?” He’s playing innocent. Duh? I scoffed in disgust. “Ikaw nga, ano bang problema mo sa buhay at palagi mo akong pinepeste? Dati sa Peyton lang ngayon, pinupuntahan mo pa ako sa bahay namin!” At hindi pa ako maka-get over sa hickey na nilagay n’ya sa leeg ko! Binalik n’ya ang kamay sa loob ng bulsa at nginisihan pa ako. “Dapat nga, pasalamatan mo pa ako dahil binabantayan kita. Kung sa iba ’to, hindi ko ito gagawin.” Humakbang ako isang beses, inatras n’ya nang kaunti ang mukha at tiningnan ako. “Hoy, hindi ako nagpapabantay dahil kaya ko ang sarili ko! Sino bang nag-utos sa’yo?” Paghahamon ko sa kan’ya. He look down at my chin. “Ako,” Ngumiwi ako. “Ikaw?” Nilapit n’ya ang mukha sa akin kaya ako naman ang napaatras. “I don’t want to see you, alone.” Bulong n’ya sa akin. “And I want to talk to you,” “Ano’ng gusto mong sabihin?” Binuka n’ya ang labi at tiningnan ang paligid. “Can I bring you somewhere in private then?” Namilog ang mga mata ko. Bakit ba kasi kinausap ko pa ’to? “Hinde! D’yan kayo magaling na mga lalaki kayo--manloko ng mga babae! Kung hindi mo kayang sabihin ngayon dito, manigas ka!” Inis kong sagot sa kan’ya at saka tinalikuran na s’ya. Bigla akong nanggigili, iyong gigil na naipon at gustong-gusto nang umalpas sa dibdib ko. Hinabol n’ya ako at sinabayan ako sa paglalakad. “Teka, galit na galit ka naman agad?” Malambing n’yang sabi sa akin. Hindi ako nagsalita at dere-deretsong naglakad. He’s so annoying! Ano bang klaseng lalaki ’to? Ah, presko. Ito iyong mga uri ng lalaki na nakikipagkilala sa akin sa Peyton. Maangas at mayabang na akala mo palaging papayag sa gusto ang mga babaeng kursunada--wait, kursunada? Type n’ya ako gano’n? Tumikhim s’ya sa tabi ko. “Kausapin mo naman ako..” Nagkukunwari pang nakakaawa s’ya! Peste talaga! “Wala akong oras sa’yo, may klase pa ako.” Malamig kong sagot sa kan’ya. “Ah, yes. You’ll be free by lunch, right? Susunduin na kita,” Hindi makapaniwalang tiningnan ko s’ya. He’s smiling from ear to ear. “Pa’no mo nalaman ang schedule ko? Ang manyak nito,” He laughed. “I have my ways babe but it doesn’t mean I’m pervert--well, that’s not the word I’m using towards you, not exactly.” Huminto ulit ako sa paglalakad. “Ano’ng alam mo sa akin?” Hindi n’ya agad ako nasabayan kaya nalagpasan n’ya ako ulit, this time ay isang hakbang ang layo n’ya sa akin at binalikan ako. “Hindi ko pwedeng sabihin dito, it’s..confidential.” Tiningnan ko s’yang mabuti habang titig na titig s’ya sa akin. Kung kaibigan ito ni Oliver, siguro naman ay hindi ako mapapamahak, pero dalawang beses na n’ya akong inuuwi sa condo unit n’ya e. “Pa’no kita magpapakitawalaan? Dalawang beses mo na akong inuuwi sa bahay mo,” Akusa ko. Alam kong may kasalanan din naman ako sa ibang banda, pero dapat ay hinayaan n’ya ako sa mga kaibigan ko. He pouted his lips a bit. “Oliver’s brother is my friend. Oliver is your brother-in-law. So what’s bothering you to come with me? You’re always safe..” Style mo bulok! “Wala akong pakielam d’yan sa mga theory mo. Hindi kita kilala kaya tantanan mo na ako.” Mariin kong sagot. “My name is William Drei Sullivan. I’m a businessman, I worked 24/7--if needed. Look, I’m not a criminal, kahit na ’yon ang nakikita ko sa mga mata mo. I can even provide you my NBI clearance if you insist,” Bumuntong hininga s’ya at pagod akong tiningnan. “I just want..to offer you..fuck! I don’t know the right words,” Kumunot ang noo nang makita kong naguluhan ang mukha n’ya. He look--confused? Napalunok pa s’ya bago ulit binalik sa akin ang tingin n’ya. He took a deep sigh. Umigting pa ang panga. “I really want to talk to you in private--or even in a coffee shop para hindi ka matakot sa akin,” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi naman talaga ko natatakot sa kan’ya--slight lang. Mas nakakabwisit lang talaga s’ya. Hinabol n’ya ang paningin ko. “Please?” Mas maamo n’yang pakiusap sa akin. Pinasadahan ko s’ya ng tingin mula ulo hanggang paa. He’s wearing pants and a simple black t-shirt but his rolex really defined his total appearance. Well, sabi n’ya businessman s’ya kaya malamang afford n’ya ang gano’ng kamahal na relos ’di ba? There’s no doubt this man is rich. Pero sapat ba iyon na pagkatiwalaan s’ya? “Estudyante lang ako. Kung oofferan mo ko ng kung anong business d’yan, wala akong pera--” Pinagtawanan n’ya ako. “It’s not about business, it’s about--something else, personal.” Sumeryoso ang boses n’ya sa huling binanggit. E, ano ’yon? Tumikhim ako. Ang inis ay napalitan ng kuryosidad. Binasa ko ang ibabang labi at saka s’ya matapang na tiningnan. “Okay.” “Okay?” Tumango ako. “Okay. Payag na akong marinig ’yang offer mo, pero sa pampublikong lugar tayo mag-uusap.” Lumiwanag ang mukha n’ya. “Sure! No problem. Pwede na kitang sunduin mamaya?” And I’m so intrigued kung bakit alam n’ya ang schedule ko, pwede ko rin iyon itanong mamaya. “Sa labas ka lang gate ah.” Banta ko. Ngumiti s’ya, iyong ngiting mukhang hindi katiwa-tiwala. “Copy.” **** In my special class, Rizal, where my two other classmates ay seryosong nagsusulat sa notes nila ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Nag-angat ako ng tingin sa professor ko, he’s quite busy on his cell too kaya pasimple kong kinuha sa bulsa ang akin at patagong pinatong sa ibabaw ng catleya ko at mas inangat ang kabilang side ng notebook para matakpan. Binuhay ko ang screen at tiningnan ang notification. My heart beep a signal when I saw ate Melody’s text message. Ate: Pau, musta ka na? Are you okay? Uuwi rin kami ni Oliver d’yan by next week. Please, let’s talk. Love you. Sumakit na naman akong lalamunan ko. Lihim kong inirapan ang text na iyon ni ate. Hindi pa nga ako totally na nakaka-get over sa pagpapakasal nilang dalawa. Hindi pa rin alam ni tatay ang tungkol doon nasa Dubai. Gusto kong isumbong pero, ayokong pangunahan si ate. Bahala na s’yang harapin ang problema n’ya. At tungkol sa pag-uusap, ewan ko, kung sa harap ni Oliver pa kami mag-usap ay baka bumigay ako. I still have respect for her, I’ll probably use the leftover. Papalapit sa gate ay natanawan ko ang grupo ng mga estudyante-mga high schol students--na nakapalibot sa kung anong bagay sa tapat ng gate pa mismo. Ang isang guard at tinataboy na sila sa pagkuha ng litrato. Artista? Para makaiwas ay sa gilid nila ako dumaan at baka masiko pa ko nang may umalingawngaw sa pangalan ko. “Paula!” A very strong voice struck a shock in my head. Huminto bigla agad ako lakad at hinanap ang agaw pansin na boses iyon. Ang mga estudyante ay naghiyawan, kumunot ang noo ko hanggang sa mula sa maliliit na tao ay umayos ng tayo si William--he’s so tall! His brooding shoulder speaks heat under the scorching sun. He’s standing beside his black porsche 911 who’s attracting too much attention. Nanatili akong napako sa kitatayuan ko nang hinawi n’ya ang mga estudyante at nakangiting nilapitan ko. Walang sabing kinuha n’ya sa akin ang bag ko at isang libro at hinawakan ang kamay ko--hinila ako sa sasakyan n’ya! Hindi ako nakapagsalita sa shock at hiya! Marahan n’ya akong hinila at magalang na nag-excuse sa mga umaaligid sa sasakyan n’ya. Huminto kami sa passenger seat at pinagbuksan ako. My chest was too loud. s**t. Napalunok na lang ako at tahimik na umupo sa loob. Yumuko s’ya at nilagay sa kandungan ko ang gamit ko. I’ve noticed how serious he is when he tuck me in and settled the seatbelt. Dalawang beses tumama ang hininga n’ya sa mukha ko at saka sinara ang pinto, umikot sa driver’s seat. Doon na tuluyang hinawi ng guard ang mga estudyante, sa tulong ng isang barker ay nailabas n’ya ang sasakyan sa labas ng university, he gave him a tip after. Isang beses n’ya akong sinulyapan. “Saan mo gustong kumain?” Napalunok ako. He just made me a front act nang sunduin n’ya ako. Paano ako magiging normal ulit? Kaya hindi ako nakasagot sa kan’ya. That was too much for attention. “Paula? Galit ka ba ulit sa akin? Nagsusungit na naman ang babe ko.” Napatingin ako sa kan’ya. “Sira ulo.” He chuckled. “Saan mo gusto? Hmm, may nakita akong resto sa Boni,” Kumunot ang noo ko. “Ang layo naman, d’yan lang sa malapit.” Tumaas ang kilay n’ya at humaba ang nguso. “Sure? Puro fast food chain lang mga kainan dito.” “E’di do’n mo ko dal’in! May binabalak ka pa yatang iba kaya gusto mo sa Boni.” He laughed. “I love the tongue.” He muffled. “Ano?” Inis kong tanong. Sinulyapan n’ya ako. “Wala. Gutom na ko.” **** Umayos ako ng upo nang binaba n’ya sa mesa ang mga inorder n’ya para sa aming dalawa. Matalim ko s’yang tiningnan nang sadya n’yang yumuko sa tapat ng mukha para lang tanungin ako kung tama ba ang inorder n’ya sa akin. “Ilayo mo nga ’yang mukha mo,” Tinawanan n’ya ako ulit at inayos na ang pagkain. But then, he smells so good, from the scent of his shirt to his breath. I sighed when I felt his effect. Kinuha ko na ang kutsara at tinidor at nagsimula nang kumain. This corn and gravy starved me like crazy. Nakadalawang subo na ako nang mapansin kong hindi pa s’ya nagsisimulang kumain. Kumunot ang noo kong tiningnan ko s’yang pinapanood ako habang magkapatong ang mga braso sa mesa. “Ano?” He smirked. “Bakit ang sungit-sungit mo sa akin?” “Mukha ka kasing manloloko.” Sumubo pa ako ulit ng kanin at tumingin sa labas. “Wala pa akong naloloko,” I tsked, “Hindi halata.” Kinuha ko ang iced tea at uminom. He cleared his throat. “Let’s talk about my offer..” Tiningnan ko s’ya ulit. He look at me in the eyes. “You’re turning 20 this december, right?” “Bakit ang dami mong alam tungkol sa akin? Alam ba ’yan ni Oliver--” “Kuya--Oliver. Kuya mo na s’ya ngayon,” Ngumiwi ako. Then, I realise, tama s’ya. Pero hindi ko ipapakita sa kan’ya iyon. “Whatever. You’re so manyak pa rin,” Inirapan ko s’ya. Natahimik s’ya at tinitigan lang ako. Ilang sandaling tumahimik sa mesa namin. “I like you,” Deretso n’yang sabi. Muntik na akong mabilaukan sa bagong subo kong kanin kaya napainom ako ng iced tea ulit. “Nakakakilabot ka, alam mo ’yon?” Sagot ko kahit na..may hampas na umabot sa dibdib nang sabihin n’ya iyon sa akin-harap-harapan. “Kaya gusto kong marinig mo ang offer ko,” Seryoso pa rin n’yang dagdag. Naguluhan ako. “Networking ba ’to? Gusto mo kong gawing downline mo ’no?” Ah! Iyon lang yata iyon. Muntik pa akong mapabuga ng kanin. He puckered his lips. He look...pissed? Really? Tinaas ko ang isang kamay at kinumpas-kumpas na parang nagtataboy ng langaw. “Hindi ako interesado d’yan. Wala akong i-invest, mag-a-apply pa lang ako ng trabaho ano? Ang kulit mo.” “I want you to be my woman..in bed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD