Chapter 4
Paula
Bumuntong hininga ako habang pinapanood ko s’yang isa-isang nilalabas ang laman ng paperbag na dala n’ya. Tumataas ang kilay ko tuwing nagagawi sa mga binili. He bought that from a restaurant--na kung tutuusin ay pwede na naman s’yang umuwi na kaysa ang bumalik pa rito para lang dalhan ako n’yan. Malapit sa condo n’ya ang pinagbilhan n’ya ah, o bakit hindi na lang umuwi? Hinayaan ko na s’yang pumasok--hindi para sa pagkain kundi sa mga kagat ng lamok sa leeg at braso n’ya.
Baka kargo-de-konsensya ko pa ’to kung tamaan ng dengue?
Tumaas na naman ang kilay ko nang maayos n’yang tiniklop ang paperbag at nilagay sa bakanteng upuan. He looked at me with a smile spreading on his lips..my fingertips feels the tension.
“Upo ka na,” Aya n’ya sa akin. Naningkit ang mga mata ko nang humakbang s’ya at malayang kumuha ang kutsara’t tinidor sa tauban ng mga plato. We’re going to eat on its paper plates and the aroma from his food really enticing. I gulped.
Nang makabalik sa lamesa ay isa-isa n’ya ring binahagi ang dalawang pares na kinuha. He looked at me again.
“Let’s eat. I know you’re hungry,” He winked at me.
I sighed desperately. “Pagkatapos, umuwi ka na.” Sabi ko habang umuupo. I couldn’t block all his pretentious because I’m starving! This will be my most special breakfast, like ever. Hindi ko ito afford. Pandesal nga lang at dairy cream solved na ako e.
Wala sa sariling napakamot s’ya sa leeg n’ya habang inaalayan ako ng hinanda n’ya. Maingay akong bumuntong hininga at saka tumayo ulit. He look surprised.
“Paula?” Takang tanong n’ya.
Hindi ko s’ya nilingon at basta na lang pumunta sa sala para kunin ang ointment na ginagamit ni ate Melody. Nasa ilalaim iyon ng lemesita, doon ko nilalagay kasi hindi rin pala-tabi si ate.
Pagbalik ko sa lamesa ay naabutan ko pang balisa ang gwapo--s**t n’yang mukha.
I cleared my throat. Nilapag ko sa mesa ang ointment, ’yung reaksyon naman n’ya ay nagtatanong sa akin.
“What’s this?” He murmured.
Nilagay ko ang isang kamay sa baywang ko at tinuro ko ang leeg n’ya. “Katinko ’yan, ilagay mo d’yan sa mga kagat ng lamok sa leeg mo. Namumula na oh,”
Kumunot ang noo n’ya sa akin at hinaplos ang leeg. “Okay lang.” Balewala n’ya. He didn’t listen to me and started to eat.
“Nako,” Bulong ko. Lumapit na ako sa tabi n’ya at kinuha ang ointment--binuksan ko iyon at gamit ang hintuturo ay kumuha ako ng kaunti at saka ko nilagay sa leeg n’ya.
I stop when I felt him stiffened and got tensed. His adam’s apple proves it.
He clears his throat without looking at me. “Hindi mo na kailangang gawin ’yan,”
Aarte pa? I crouched a bit and craned his head to the other side, my fingertip landed on his neck’s skin. Kinalat ko ang ointment mula sa itaas pababa sa base ng shoulder n’ya. There were muffled gasps in his throat. I wanted to stop but..I felt like I have the power to arrest him.
I took a another slide from the ointment and put it to the lower side of his neck, and again he got tensed. I literally felt he hitched his breath every after caress of my fingertip.
Tiningnan ko s’yang deretsong nakatitig sa malayo, kumunot ang noo ko at tinapos na ang paglagay. Tinakpan ko na ulit ang lalagyan ng ointment. I stepped back, bumalik na rin sa upuan. Agad akong sinalubong ng matindi n’yang titig.
I refused to look at its intensity. And silence filled our lungs.
Nagsimula na akong kumain pero naiwang nakatitig pa rin sa akin.
“Kumain ka na,” Basag ko sa katahimikan.
Hindi n’ya ako sinagot kaagad at pinakatitigan pa rin. When I was about to speak again, he speaks.
“Sana bigyan mo ako chance, Paula.”
Kumibot ang labi ko. My head wants me to nag at him but there were part of me wants to think about my actions.
I swallowed. “Ano ba talaga ang gusto mo sa akin?”
“Ikaw. Ikaw ang gusto ko.” He answered like he’s saying nothing but the truth.
My lips fell apart. My chest pounded abruptly. His eyes are too beautiful not to prolong my stares.
I puckered my lips when I realised how attractive he is. But I fought the real feelings and remained brave towards myself. “I’m still a student, William.”
“Graduatee student.” He confidently returned at me. “And not a minor anymore,” He added.
Okay, that’s obviously obvious.
“W-Why me? You’re old enough-and rich-and a business tycoon--bakit ako ang gusto mong..” Sabi n’ya hindi ako magiging kabit, so girlfriend? Na hindi niligawan? s**t! Ano bang set up iyon? M.U? “Ano’ng tawag mo do’n?”
He smirked. He took a glimpse on his food and gracefully returned at my lips. “My woman..on my bed.” He huskily whispered.
I stiffened. “Literal mong babae sa kama?” Napatingin ako sa pader at nagtatanong ang mga matang binalik sa kan’ya. “Girlfriend mo na may touching-touching?” Is it normal right?
He scoffed. Nilagay n’ya ang hintuturo sa pagitan ng ilalim ng ilong at itaas ng labi, puulit-ulit na hinaplos iyon habang pinipigilan ang matawa. He stop and settled his finger on his chin, eyes up at me.
I sucked my own breath.
“I like you, Paula. And I want you. I want you to share your bed with me.”
Kumunot ang noo ko. I slowly getting there, iyong gusto n’yang iparating sa akin but at times--it’s confusing because I’m not sure.
He continued. “I want you to surrender yourself..with me.”
I felt like my world stops revolving and my breath stops from breathing--but my heart pounded so widly that I literally felt how it hurts in my chest.
Gusto n’yang..gusto n’yang may mangyari sa amin? “You mean..sex?”
He nodded. “Yes.”
I gasped.
“I know, this might be intrigued you on some point but--”
“Sa tingin mo naiintriga ako? You want to have s*x with me! s*x!” Thank heaven no one were with us. “Ano ’to, one night stand?”
“It’s not a one night stand, it’s more like..a commitment.”
“Commitment? Do you oblige me to have s-s*x with you?” Napapikit ako sa pagbanggit ng salitang iyon.
He sighed. “I don’t think you’d be obligated, you’d be mine,”
I scoffed. My heart beat again. “Teka nga, ang sabi mo, gusto mo ko? Tapos gusto mo rin akong..okay kuha mo na ’yon di ba?” He nodded. “Ang sabi mo rin, hindi ka manliligaw, so paspasan ba ito?”
He thought about what I said until he chuckled and bit his lower lip. Oh, boy.
“Hindi ko gustong gamitin ang salitang ito sa’yo pero, I want you to be exclusively my f**k buddy, but the difference is..I will be your boyfriend and you will be mine. No boys for you and I will be loyal-no girls for me but only you. There’s no courting because I want you to say yes immediately.”
Natulala ako. Calculated everything.
“Babe,” Untag n’ya sa akin.
“Uh..” I cleared my throat. “Sa tingin ma ba papayag ako sa gusto mong ’yan? Kalokohan.”
He look at me straightly. “Oo. You’re moaning, when I marked you.” Dumako ang tingin n’ya sa leeg ko.
I abruplty halted my breath and flashes of memories came like a wave. The love bite! And he ruined my life because of that!
He what?--he marked me?
Umiling ako. “Lasing ako no’n.” He’s getting into my nerve again!
“Even so. You felt the fire in between us and your reaction proved me right,”
I puckered my lips. “Hindi ko alam kung ano’ng ginagawa ko dahil nasa espiritu ako ng alak, who knows? Ibang lalaki ang iniisip kong gumagawa no’n sa akin at hindi ikaw. Hindi nga kita kilala e. You’re just an old business-tycoon who’s looking for someone to f**k! Ano, gusto mong makabingwit ng mas bata sa’yo? Ilang taon ka na nga, 30? 40?--oh my, baka may sakit ka na n’yan sa sobrang hilig mo? Pero sabagay, mayaman ka naman siguro at kaya mong bumili ng proteksyon. Ang mas malala pa, pa’no kung may nabuntis ka nang iba sa sobrang manyak mo? At malamang, tinatapalan mo ng pera ang mga babae mo para hindi masira ang reputasyon mo sa lipunan! You’re sick and old--and my answer is big NO!”
Wala na akong pakielam kahit pa nagugutom ako at takam na takam sa pagkaing dala n’ya. Dahil kung iyon rin ang dahilan kung bakit n’ya ito ginagawa, I’d rather be starved than feed me by his malicious deals!
I’m still young and a diploma waiting for me, bakit ako papayag sa ganoong usapan? We’re not rich but not poor either. Sanay ako sa lokal na pamumuhay at hindi naghahangad ng marangyang lifestyle. So what, kung exclusively kami sa isa’t-isa, f**k buddy is f**k buddy--no love involved.
Love?
Agad ko iyong winaksi sa isip ko at padabog na sinarado ang pintuan ng kwarto ko. I hoped, he’d get what it means.
But there’s something that tattooed in my mind, the thin line on his lips.
****
Dalawang araw ang lumipas, I’m glad, hindi na s’ya bumalik ulit. Iyong gwapong-hoodlum na gustong nakawin ang p********e ko. Damn--did I think of that? Crap.
I was taking my notes for my last subject, nagmamadali na rin ang sulat ko dahil gusto ko nang makauwi at para hindi ako abutan ng trapik. Bukas na uuwi sina ate Melody--at kinakabahan ako ng husto dahil sa bahay rin magpapalipas ng gabi si Oli--Kuya Oliver!
Balak kong mag-general cleaning mamayang gabi kaya nagmamadali na akong makauwi, I need more groceries! Ilang linggo akong mag-isa kaya ang laman ng fridge namin ay kung hindi fast food take-outs, natirang tuna lang ang makikita roon. Nakakahiya naman sa asawa ni ate at baka hindi iyon sa bahay matulog.
I sighed. Tinitigan ko ang notes ko at pinakaramdaman ang sarili. Napagtanto kong hindi na ako masyadong naiiyak kapag naiisip iyong dalawa. Wala na iyong, inggit at inis ko. Para bang..normal na kapatid na lang ako na excited sa pagdating ng ate ko at--bayaw.
I smiled. Hindi rin naman magtatagal at matatanggap ko rin ang bagong parte ng pamilya namin. Maybe, that love wasn’t that real at the first place, but still, my heart recognized Oliver as my first love. I just accepted it too early that it’s not meant for me, just a part of my life. Okay na rin ako na kilala ko ang napangasawa ni ate, kilatis na kilatis ko na ang mister n’ya.
Madilim na nang makarating ako sa kanto namin. Dalawang plastic na malalaki ang bitbit ko, pinasok ko na nga sa loob nito ang libro ko para mas madaling buhatin. Sisingilin ko talaga si ate pag-uwi n’ya. Huh, resibo ang we-welcome sa kanila.
Habang naglalakad ay napatingin ako sa sari-sari store na may nag-iinuman sa tapat nito. Ilang hakbang pa’y amoy amoy ko na ang tapang ng alak na iniinuman nila. Kilala ko sa mukha ang mga lalaki, sila iyong mga grupo na always present sa tagayan sa kahit ano’ng okasyon. Iyong tipong isang aya lang ay hindi tatanggi.
Mayroong bangko sa magkabilang gilid ng tindahan, sa gitna ay mayro’ng nakalatag na bilog na upuan a pinagkakasya ang isang platitong pulutan at ilang bote na kasalukuyan nilang iniinuman. The bulb from the ceiling illuminates how drunk their faces and skins are. There are five people drinking and talking loudly na parang walang bukas. Hindi pa nga ito todo dahil walang videoke machine. I remember how devastated the store owner was. Nakipag-usap na ito sa mga tambay pero nag-vandalize naman sila sa tindahan, hindi nila gusto ang pinapakaelaman ang bisyo nila. I heard there were mediation with the barangay chariman but they just resumed and continued.
Huminto ako sa gilid ng tindihan-sa likod ng mga nag-iinuman dahil ayokong bumili sa gitna nila. Nagdalawang-isip ako kung bibili pa ko, kaya lang ay wala na akong load. Isang card lang at eksaktong bayad naman ang iaabot ko. Wala akong pang-text kay Ate.
“Pabili po,” Tawag ko sa tindera, I felt relief when she’s just sitting infront of the window.
“Hi, Paula. Dito ka na lang bumili oh--hoy tabi kayo, tabi kayo!”
Nagtinginan sa akin ang mga lalaki. Muntik pa akong mapangiwi sa tono at amoy ng grupo nila. I hate the way they’re looking at me. Lalo na sa lalaking alam ang pangalan ko. Kilala ko s’ya sa mukha pero hindi sa pangalan. He’s a jobless guy. Sunog sa araw ang makintab na balat, hindi maayos ang buhok na kulot-kulot. Namumula ang mukha n’ya pati ang mga mata n’ya. They’re smoking kaya lalong hindi na ako mapakali sa atensyong binibigay nila sa akin. Agad kong sinabi ang biblihin ko.
“Nakaharang kasi kayo e!” Pagalit na sabi n’ya sa mga kainuman. Tumayo pa s’ya para lapitan ako, a man from his behind cursed him. “Kamusta ka na, Paula? Ano’ng year ka na ulit? May boyfriend ka na ba?” Nilambingan pa n’ya ang boses na halos bulungan na ako.
Hindi ko gusto ang pagtama ng hininga n’ya sa buhok ko. Lumayo pa ako ng kaunti para makaiwas pero inabot pa n’ya ang braso ko at hinaplos pataas. Kinilibutan ako at mas lumayo pa.
Tumawa ang mga lalaking nakakita. Kumalabog ang dibdib ko sa takot at kilabot.
“Tngina mo ’wag mong takutin, n***o!” Sabi ng isang nakasumbrebrong matanda.
Tumawa ang lalaki na humawak sa akin. “Nilalambing ko lang e, pwede ba akong manligaw? Kilala naman ako ng tatay mo--kainuman ko rin ’yun dati!” Pagmamalaki pa n’ya.
Hindi ko s’ya pinansin at agad na kinuha ang binili. Nakita ko ang masamang tingin ang matandang babaeng tindera sa lalaking iyon.
Pagkaabot ay umalis na ako sa tindahan at malalaking hakbang na nilagpasan ang grupo nila. From my back, I can still feel the heat from there stares, kasabay ang pagsaboy ng kaba sa dibdib ko.
Hindi na ako bibili ulit doon lalo na kung sila ang naka-stand by.
Ilang hakbang ay isang sipol ang humahabol sa akin.
I look back slowly--dumagundong ang dibdib ko nang makita kong nakasunod ang lalaking kumausap sa akin sa tindahan at dalawa pang kasama. Pasuray-suray sa paglalakad pero sa akin nakatitig!
Shit!
Mas binilisan ko pa ang lakad ko. May mga tao pa sa paligid, may mga bukas pang pinto at bintana, ilang mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada--kahit man lang doon ay maramdaman kong safe pa ako.
If they are going to touch me--ihahampas ko sa kanila ang dalawang plastic bag na pinamili ko!
But then, I whispered a prayer.
X