Chapter 1

2126 Words
Chapter 1 Paula “Woohoo! C’mon Paula! Bottom’s up baby!” Unang baso. Pangalawa, hanggang sa tuksihin na naman ako sa pangatlo kong baso ng tequila. Naghihiyawan ang mga kaibigan ko--actually, new found friends. Sila iyong mga block section na kailan ko lang naging ka-close sa batch namin. Irregular Business Management student kasi ako pero this coming October ay ga-graduate na rin, sa wakas. Hiyawan at tuksuhan ang naganap sa lamensa namin sa loob ng Peyton club, sabi nga nila ay elite bar ito around Taguig at dahil sa buyo nila--napahiyaw na rin ako nang deretsuhin kong lagukin ang basong binigay sa akin. Inabot sa akin ni Iah ang isang sliced ng lemon at mabilis ko iyong sinipsip--nalukot ang mukha ako sa init na dinala ng alak sa lalamunan ko at sa asim ng prutas. “s**t!” Sigaw ko. Tinawanan nila ako, pagkadilat ko na naman ay umiikot na ang paligid ko! s**t! “Last ko na ’to,” Binunggo ni Iah ang balikat ko, nalukot ang mukha n’ya sa sinabi ko. “No way! Nag-sstart pa nga lang tayo rito e! Let’s go, sumayaw tayo!” Binaba n’ya ang hawak na baso at saka tumayo. Inayos pa n’ya ang pagkakalaglag ng palda n’yang maiksi at saka isang beses na sinuklay ang mahabang buhok. Hindi ako gumalaw at tiningnan ang paligid. Baka kasi nandito pa iyong lalaking bastos at walang-modo. “C’mon Paula! Let’s go!” Aya na naman sa akin. Binaba ko ang tingin sa sariling suot, sinigurong walang nalalaglag. I’m started to get bored dahil parang hindi naman pupunta ngayon si Oliver. Iyong huling beses, nakita ko pero nalasing naman ako, balewala rin ang pagpunta ko rito. Mahal pa naman ng bayad dito tapos makakakilala pa ako ng bastos na lalaki. Hinila na ako ni Iah patayo, agad akong nahilo-naramdaman ko na lang na may humawak sa baywang para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. He closes his body to mine, I felt it and whispered on my ear. “You’re drunk baby,” Ang init ng hininga n’ya ay nanuot sa balat ko. His breath smells the liquor kaya napangiwi ako--I don’t like it. Tinabig ko ang mga kamay n’ya pero nakakalokong tawa ang binigay n’ya sa akin. “You can sit on my lap, if you want to?” Mabilis ko siyang nilingon pero agad akong nahilo. s**t! Sana pala ay hindi ko dinamihan ang inom! Malalagot na naman ako nito kay Ate Melody. Tinaas ko ang isang kamay para duruin ang sira-ulong iyon pero ni hindi ko naman maaninag nang maaayos, then he made fun of me! Pati ng mga kasama n’ya! “You..you! ’Wag mo kong mahawak-hawak ah!” Sigaw ko. Pinagtawanan na naman nila ako. Hinanap ko si Iah, pero mukhang iniwan ko. Napahawak ako sa ulo ko at sa gilid ng sofa, I’m not going to faint, I’m noy going to faint! Not again! No-- Nawalan na ako ng balanse at inasahang dadapo ang katawan ko sa sahig. This is gonna hurt me when I wake up, s**t! **** Bumaling ako ng higa at hinatak pa ang malambot na kumot sa katawan ko. Nilubog ko pa ang mukha sa napakalambot na unan nang mabanguhan ako. I smiled, nagbago ba ng fabric conditioner si ate? To be fair, ang bango. At ang kumot at kutson, parang bago sa sobrang lambot, pati ang air-con, gosh ang sarap matulog maghapon. Ganitong-ganito iyong naramdaman ko no’ng malasing ako at nagising sa kama no’ng walang-modong lalaki sa club. Natigilan ako. Mabilis kong dinilat ang mga mata. Nanuyot ang lalamunan ko nang mabungaran ang puting kobre kama. Pamilyar na higaan, amoy--s**t! Wala kaming air-con sa bahay at lalo sa kwarto ko! “No!” Tumihaya ako at kinakabahang tiningnan ang kwartong pinagdalhan sa akin. Napahinto sa paghinga at napasabunot sa sariling buhok. “No way,” Sabi ko sa sarili habang sising-sisi sa nagawa. Inikot ko ang mga mata sa buong kwarto, napalunok ako. Hindi ako maaaring magkamali, nandito na naman ako sa kwarto ng walang-modo at bastos na lalaki sa Peyton. Bakit ba palaging dito na lang ako nauuwi? Nilipad ng hangin ang mga mata at dumako sa suot kong damit. “Tngina naman!” Galit at panginginig na mga kamay, hinawakan ko ang puting T-shirt na suot ko. Sinilip ko ang loob, napabuga na lang ako ng hininga--I’m still wearing my strapless bra, thanks heaven! Tinanggal ko ang comforter at tumayo na. Nakayapak na ako, hindi ko naman mahagilap ang mga sapatos ko. But I found my bag on the cauch. Tinakbo ko iyon at mabilis na tinungo ang pinto. Hindi ko nagawa pang suklayin ang buhok ko sa sobrang takot. Kumakalabog ang dibdib ko sa kakaisip na inuwi na naman ako ng iisang lalaki. Masasapak ko na talaga ’yung ungas na iyon e! I tiptoeing when I walked out of his room, yakap ang bag ko. Tumatalon-talon habang binabaybay ang maliit na hallway n’ya. I turned right, nakita ko ang sala n’ya. Napatingin agad ako sa front door at parang magnanakaw na tumatakbo palabas doon nang isang pigura ang humarang sa dadaanan ko! “Tngina ka!” Napatalon ako sa gulat. “You’re leaving without seeing me?” That low husky voice..shit. Nang minulat ko ang mga mata ay umayos na ako ng tayo at sinuklay ang buhok. Sinusundan n’ya ng tingin ang bawat kilos kaya tumikhim ako. “Akala mo ba, nakakatuwa na ’tong ginagawa mo sa akin? Minamanyak mo lang ako e!” Akusa ko. Humalukipkip siya, those devillish eyes scanned me like a burned woods he needed to separate, “You have no idea, Lady..” Namilog ang mga mata ko. “Sinasabi ko na nga ba e! Bantay-salakay ka t’wing nalalasing ko! G-go ’ka!” “Kung ayaw mong mabastos, ’wag ka nang sasama ulit sa mga kaibigan mong ’yon.” “At sino ka para pagsabihan ako nang gan’yan? Hindi mo sila kilala kaya wala- kang karapatan na sabihan ako ng gan’yan!” He scoffed, “Nagger. Kumain ka na muna,” Mahinahon pa rin ang boses n’ya. “Hindi na! Salamat na lang pero uuwi na ako at please lang, ’wag mo na ulit ako dadalhin dito sa bahay mo! Idedemanda na kita ng kidnapping sa susunod.” “’Wag kang mag-alala, sa susunod na magigising ka rito--with your full consent. Come,” Matatas n’yang utos sa akin. Napaawang ang labi ko. “Ang kapal talaga ng mukha,” Umiling ako, “Uuwi na lang ako!” Hindi ko na hinintay pa na sagutin n’ya ako at tinalikuran na s’ya. Saka ko na aalahanin ’yung damit kong hinubad n’ya na hindi ko alam kung saan n’ya nilagay, mas mahalagang makalabas na ako sa pugad n’ya. Alam kong sinusundan n’ya ako, wala akong pake. Binuksan ko ang pinto--I froze when I found my dream guy, literal na huminto ako sa paghinga nang magtagpo ang mga mata namin. Those eyes, those two beautiful eyes were on mine! s**t! Pinasadahan n’ya ako ng tingin, hindi ako gumalaw. I felt someone at my back. Kumunot ang noo n’ya at seryoso akong tiningnan. “Ihahatid na kita.” Sabi n’ya sa akin. Shit. Ihahatid daw ako ni Oliver Montejo? Tama ba ang dinig ko? But I startled when someone held me on my waist. “Ako nang bahala sa kan’ya, Oliver. I told you, she’s safe with me. See? She’s unscratched.” Tiningnan ni Oliver ang kausap at saka ako tiningnan, “I see. Pero ako na muna ang maghahatid sa kan’ya, William. I have to talk to her,” Kinabahan ako. Ito ang unang beses na nagka-interest si Oliver na kausapin ako. Hindi kaya, napapansin na n’ya ako sa Peyton? Na matagal na rin n’ya akong gusto? s**t, s**t! Ito na ba ang sagot sa matagal kong pinagdarasal! He finally noticed me! Oh, gosh! oh, gosh! “But--” “I need to, William.” I swallowed. He needs me. Kaya naman tumango na lang ako kay Oliver nang yayain na n’ya ako patungo sa elevator. Niyakap ko pa ang bag ko nang pagkahigpit-higpit habang naglalakad patungo sa sasakyan n’ya. I really don’t know how to beathe properly--knowing that he’s just a few inches away from me! Gusto kong magtatatlon sa tuwa dahil makakasakay na ako sa sasakyan n’ya. Maaamoy ko siya nang mas malapit. That’s how much I adore this man. I knew, he’s a bit older than me. So what? Age doesn’t matter at mukha pa ngang mas matanda sa amin iyong William na iyon e. Sophomore days nang makilala ko si Oliver Montejo. He was quite popular sa mga universities kahit na magkaiba kami nang eskwelahan na pinasukan. He’s a good singer in his college years--ayon sa research ko. Mayroon siyang sariling banda at nakapag-release pa ng album. Naging car racer din siya after college bago naging certified engineer. He came from a well-known clan. He’s rich, pero hindi naman iyon ang nagustuhan ko sa kan’ya. He, just, got my heart. Hindi ko rin ma-express kung ano nga ang nagpatibok ko sa para sa kan’ya, hindi ko kayang lagyan ng specific na dahilan. Basta, gusto ko siya. Mahal ko. My first love. I bit my lip while staring at the window. Ang bango sa loob ng sasakyan n’ya. Pwede na akong tumira rito! I mentally giggled. Inihinto n’ya ang sasakyan malapit sa kanto namin. Nasurpresa pa nga ako dahil alam n’ya kung saan ako nakatira kahit na ba hindi na n’ya pinasok sa loob. Siguro, nag-aalala s’ya para sa akin at pag-isipan kami ng hindi maganda. Noted! Tinanggal ko ang seatbelt at sinuklay ko ang buhok, tumikhim ako bago nahihiyang tumingin sa kan’ya. “S-Salamat sa paghatid, Oliver,” Hindi ko pala kayang tingnan s’ya nang deretso! Nagtanggal s’ya ng seatbelt at saka ako deretsong tiningnan. Napalunok ako sa klase ng tingin n’yang iyon. Seryoso. “Paula..” He knows my name! Pigil na ngiti, “Hmm?” Napaawang ang labi n’ya na para bang na-mesmerize sa akin. He heaved out a sigh, “May gusto ka ba sa akin?” Natigilan ako. Gano’n agad ang tanong n’ya sa akin? Kumalabog tuloy ang dibdib ko nang dahil sa tinanong n’ya. Halata siguro ako ’no? “Ahh..” Nagtanda-buhol-buhol tuloy ang sasabihin ko. Syempre, aamin na ako! “Oliver--” “Please, stop liking me. May iba na akong gusto,” My lips parted, I felt like my flesh were thrown in the freezer as I felt the freezing cold on my face. “H-Ha?” Hilaw akong ngumingiti para maitago ang pagkapahiya. He sighs again. “Alam kong may gusto ka sa akin, you’ve been a nice girl. You only showed in the club because of my influence, but please, stop doing that. I’m in love with someone else and I want to marry her someday.” Sinarado ko ang labi. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. I wiped my upper lip. Tumango-tango ako habang hinanda ang bag palabas ng sasakyan n’ya. I cleared my throat--unti-unti na iyong sumasakit sa pagsasalita n’ya. “G-Ganu’n ba? O-Okay..saka, c-crush lang naman kita! Hindi naman ’yon kaseryoso! Grabe ’to..” I faked a chuckle. “Salamat ulit sa paghatid! Sige!” Hindi ko na siya tiningnan nang bumaba ako. Sinukbit ko ang bag at dere-deretsong naglakad pauwi. He didn’t call my name either, hanggang sa narinig ko na lang ang pagsibat ng sasakyan n’ya. I gasped loudly and puckered my lips tightly. Pinigilan kong tumulo ang mga luha habang naglalakad. Kahit na magmukha na akong galit sa itsura ko--wala na akong pakielam. Kaya nang makarating ako sa bahay at makasalubong si ate Melody--sesermunan na n’ya ko pero napayakap agad ako sa kan’ya at binuhos ang inipong luha sa labas. “Paula, ano’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak?” Kinakabahang tanong sa akin ni ate. No’ng una ay hindi ako kaagad nakapagsalita at umiyak nang umiyak. Ang sakit. Dinala ako ni ate sa kwarto at pinagpahinga. May kasalanan pa ako sa kan’ya sa pag-uwi ng sobrang late, pero inintidi n’ya ako at hindi kaagad pinagalitan. But she saw something on my skin, on my neck na hindi ko rin alam kung ano. And she grimaced when she told me that it’s a love bite. Doon na nagalit sa akin si ate Melody at sinermunan. She asked me who did it, rather I told her that I love Oliver Montejo. Hindi ko alam kung ano na ang pumasok sa isip ni ate, nagawa ko pang magmakaawa sa kan’ya para tulungan akong mapasaakin si Oliver. Pero pagkaraan lang ng ilang araw, umuwi ng bahay si ate, kasama si Oliver! No’ng una at halos mapayakap ako kay ate dahil nadala n’ya s’ya sa akin. Pero gumuho ang mundo nang hawakan ni Oliver si ate at sinabing magpapakasal na silang dalawa. Ang sinabing mahal ni Oliver ay walang iba kundi ang ate Melody. He’s in love with my sister. They even asked me to witness their civil wedding. Ilang beses akong tinangkang kausapin ni ate, pero hindi ko s’ya pinagbigyan. Ang daming babae sa mundo, Oliver, ate ko pa ang minahal mo. Ngayon, masyado pang sariwa ang sakit sa dibdib ko. Sinama n’ya si ate sa isang isla para sa honeymoon. s**t. Hindi na nga sinabi sa akin kung ilang araw silang mawawala. Mag-isa lang ako sa bahay and I just couldn’t confined myself alone dahil ilang araw na ring sumusulpot sa bahay iyong lalaking walang-modo na kaibigan din pala ni Oliver. He’s really pissing me off! Paalis na ako ng bahay para pumasok sa eskwela nang makita ko sa labas ng bahay na nakaparada ang sasakyan no’ng William na iyon. At ang lakas pa ng loob--kinawayan pa ako! Pepestihin na naman n’ya ang araw ko, for sure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD