Chapter 7

2432 Words
Chapter 7 Paula The moment na nilapat n’ya ang pinto-doon lang ako nagpakawala ng buntong hininga dahil sa unang halik na natamo ko. He just named my first kiss! Hindi lang basta halik iyon dahil nakabukas pa talaga ang labi ko! Damn the oppportunity he got a while ago! Inabutan na ako ng hapon bago maka-get over sa halik n’ya. Pinuntahan ako ni ate at sandaling nakipag-usap sa akin bago s’ya sunduin ng asawa. I heaved out a sigh. Saglit lang malayo sa ate ko, palagi nang nakasundo itong si Kuya Oliver. Hindi na tuloy namin nagagawa iyong matagal-tagal naming kulitan. Inaya nila akong kumain sa labas, but I refused dahil parang tama si William, kailangan kong magpahinga muna. Nahiga lang ako, inantok ako at nakatulog, ang sarap sa balat ng malaking kama pati ang simoy ng aircon ang humahatak sa akin na makaiglip man lang. Madilim na sa labas nang nagising ako. Naupo ng ilang minuto sa gilid ng kama, I felt a little unorganized dahil sa ibang kwarto ang nagisingan ko, napakalaki pa. I checked my phone, I grimaced when I found a few miscalls and lots of messages! May emergency ba ulit si William? I haven’t registered his number yet, pero pamilyar na sa akin ang numero n’ya. Gumuhit ang kaba sa dibdib ko habang binubuksan ang messages n’ya, mag-iisang oras na ang nakaraan. William: Did you take a nap? William: Babe? William: Text me when you read this please. William: I’m worried babe. Please answer my call. I bit my lower lip as I only scanned all his text messages. Lahat iyon ay puro pag-aalala sa akin na para bang may masama pang mangyayari sa akin dito. This is a high-end hotel, hindi naman siguro basta-bastang nakakapasok ang sinuman sa mga suite--and I’m in a presidential suite pa! He’s over-reacting. Big time. Me: Kagigising ko lang. Wag praning, babe. Napanguso ako. Hindi pa ako mapakali at kinurot-kurot ko pa ang labi ko dahil sa pagbugso ng init sa mukha ko. Hinagis ko sa kama ang cellphone at tumungo na sana sa banyo pero mabibilis na hakbang nagawa ko nang tumunog ulit ang message alert tone ko. William: Hindi mo na iyon matatanggal sa akin, pagkatapos ng kanina. Are you practicing our endearment? ____________________________________ Me: Sorry, wrong send pala. I giggled after I sent my reply to him. Tumayo ako sa tapat ng malaking bintana, hinawi ko ang makapal at kulay pulang kurtina--the city lights are sparkling up and brightens the night sky. Hindi ko na nabitawan pa ang pagkakahawak ko sa kurtina dahil sa nakatanaw na lang ako sa mga matataas na building sa labas. I had never been in a hotel lalo na five-star hotel na katulad nito, hindi namin kakayanin ang bayad dito. Ilang buwang sweldo ni ate ang isang gabi? Mamumulubi kami. Napaigtad ako sa gulat nang biglang nag-ring ang cellphone ko. “s**t!” Tumatawag si William. Tumikhim ako at hinanda ang paggu-goodtime sa kan’ya. I was on my playful mind and answered his call. “Hel---” “Who the f*****g man you texting with?” galit n’yang sagot agad sa akin. Naiwang nakaawang ang labi ko dahil sa hindi inaasahang galit nito. Isang text pa lang iyon, sobrang init na ng ulo n’ya? “You are the f*****g man I am texting with.” pilosopo kong sagot. “What? May iba kang tinatawag na ‘babe’?” I rolled my eyes. “Wala pang isang araw, nang-aaway ka na? Pa’no pa ang mga darating na mga araw, linggo, buwan? Palaging na lang may gyera?” My cheeks automatically flared. Burnt. So, feeling ko magtatagal kami nang ganoon? Pinaglaruan ko na ang kurtina dahil sa pumasok sa kokote ko. What am I thinking? Para bang totohanang girlfriend lang ah! Tumahimik sa linya, pero naririnig ko pa ang paghinga n’ya. The silence stretched more that even the sound from the aircon was too loud. “I’m sorry.” Basag n’ya sa katahimikan namin. “I didn’t mean to spark a fight. Hindi ko lang gusto na may tinetext kang iba maliban sa akin.” He said almost a whisper. Tumaas ang kilay ko. “I’m not allowed to text even my male classmates? They’re my friends,” “Basta walang iba, ako lang dapat.” I bit my lower lip suppressing to release a tiny sound from my lips. “Wala namang iba, nag-asawa na.” He grunt. “I don’t want to hear that.” Mariin n’yang sabi. Tumaas ang gilid ng labi ko. “That was part of my past before you.” He remained silent. But then again, he’s the first one to break it. “Babe,” I unconsciously answered. “Hmm?” “I’d like to hear it,” Kumunot ang noo ko. “Ano ’yun?” “Our endearment,” I bit my lower lip. As in right now? Over the phone? Well, hindi naman iyon nakakahiya kaysa sa personal. Kaya lang..he’s obligating me! ’W-William..” “You’re making fun of me?” I giggled. He grunt again. “Please, I’d like you to call me that way too..” “Demanding ang boyfriend ko,′ “You’re killing me now,” Natawa ulit ako. “Ang demanding ng babe ko,” biro ko pa.* really?* I might as well enjoy this charade. Natahimik s’ya ulit sa linya, iyon pa ang nagpataas ng kaba sa akin. When he’s quite, hindi ko alam kung may nagawa ba kong mali at hindi ko foresee kung ano’ng pumapasok sa isip n’ya. But when he’s in his playful, naughty mind--I love making fun of him! Na parang nasa mga palad ko s’ya sa mga sinasagot ko sa kan’ya. “I can’t wait to see you tomorrow,” Napanguso ako at sinilip ang orasan. “Nasa’n ka ba ngayon?” Out of curiosity. He sighed. “I’m checking some files in my office. But I really want to go back there, fuck.” He hissed. “D’yan ka na lang. Hindi ka rin naman pwedeng magtagal sa room ko, magagalit ang ate ko.” I said as a matter of fact. “Edi magdi-dinner na lang tayo sa labas. O baka, gusto mong d’yan ako sa kwarto mo kaya--” Napatuwid ako ng tayo sa tono n’ya. “Never ako nagpapasok ng lalaki sa kwarto ko!” “But you like going in a bar?” Amused n’yang tanong. “I only did that because I was chasing Kuya Oliver. I’d like to see his kind of world and be fit on it, para mapansin n’ya ako. But you see, it didn’t work. Kaya, wala na akong dahilan para pumunta pa sa Peyton.” Minasahe ko ang batok nang ma-realize ko iyon. For the first time, aayawan ko na ang pagpunta-punta sa bar na iyon na parang hindi ko ako. Akala no’n ay sobrang saya ko kapag nagpa-party. Minsan pa akong nabansagang party girl, pero dala lang pala ng lihim na intensyon iyon kaya ne-enjoy ko. Pero ngayon iba na. I don’t have any valid reason and influence to do it again. Not unless, I have my friends with me. Friends. “If you want to go to Peyton, you can ask me and I’d go with you.” “’No need. I don’t think I’d enjoy it again anymore,” “Why not? I’m with you.” I sighed. “I had changed my priority,” “I hope, I’m part of it.” I bit my lip and rolled his words in my head. Nagpaulit-ulit iyon sa isip ko na parang sirang plaka. I become too tensed thinking about the answer he gave me. Gusto n’yang isama ko s’ya sa priority lane ko? **** I thought, it would be easy to stay in a hotel. Hindi pala. I like how huge my suite is, pero lulugo-lugo naman ako dahil mag-isa lang ako buong gabi. Hindi na ako nakalabas dahil pinahatiran ako ng pagkain nina Kuya Oliver sa kwarto. Masarap ang pagkain, lalo na ang dessert nila. Ang sabi ay asawa raw ng Kuya ni Kuya Oliver ang gumawa ng kinaing kong dessert. Pwede kaya akong magpadala ulit nu’n? Kaya lang nakakahiya. Maaga akong nagising kinabukasan, pasado alas-singko-gising na ako. Nag-inat-inat ako nang kaunti bago naligo. I took my time pagdating sa malaking banyo. Eksaktong alas-siete nang may kumatok sa pinto. Housekeeping? breakfast? Puro services ng hotel ang naiisip ko. O baka sina ate Melody at Kuya Oliver, yayain na akong kumain. Pinasadahan ko muna ang damit na suot ko. I’m wearing a white shorts and a floral lavender longsleeves. I opened the door and froze. I almost choke at my own breath. “Hi..” Swabeng dumaan ang salitang iyon sa kan’ya. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa gulat at pinipilit ang sarili na i-stabilize ang pananalita. “A-Ano’ng,” Tumikhim ako at humawak nang mahigpit sa doorknob. “Ba’t nandito ka na--nang ganito kaaga?” I couldn’t stop myself to stutter. Damn! He smirked and scanned my clothes. Am I too obvious? He look disturbed nang nagtagal ang titig sa mga binti ko. Hindi ko naman iyon agad inalintana dahil tiningnan ko rin s’ya. He’s wearing a ocean blue longsleeves--crumpled up to his elbow, paired with branded jeans, a silver watch. Nakita kong suot s’yang manipis na kwintas pero napapalooban sa damit kaya hindi ko na nakita kung may pendant ba iyon. “Where’s my...” He trailed off his question, inisang hakbang ako at siniil ng halik. I gasped automatically and my eyes wide opened. Sandaling siil lang iyon at binitawan din ako nang may ngiti sa labi n’ya. “There you go. The kiss that I missed the most.” Bulong sa akin. I swallowed unashamedly. Marahan ko pang kinagat ang labi na s’yang dumagdag sa init ng mukha ko. “Let’s go?” “H-Ha?” Stupid. Stop stuttering Paula Asher! Stupid. Kinuha n’ya ang kamay ko, “Kakain na tayo ng breakfast,” “Ah,” He’s here for breakfast, ofcourse! “Kunin ko lang ’yung bag ko,” Tumalikod na ako at hindi na rin s’ya pinapasok. Halos mahulog ko pa sa pagkakahawak ang sling bag ko na ang laman lang ay wallet, cellphone, salamin at suklay. Nang balikan s’ya sa pintuan ay kunot naman ang noo n’ya. “Tara na?” Untag ko. Tumango na lang s’ya sa akin. Pero sa tingin ko ay may iba s’yang iniisip na ayaw n’ya lang sabihin sa akin. I didn’t ask anyway. Hinuli n’ya ulit ang kamay ko, he intertwined our fingers together and I felt the massive heartbeats from my heart! He’s my boyfriend! Kaya normal na hawakan n’ya ako nang ganito ’di ba? Naghalikan na nga kami e, hello? Ano pa kaya ’to? Pero dahil first time kong magka-boyfriend, there were ultra-super changes na kailangan kong i-adjust. Una na sa lahat, ay iyong paghawak-hawak n’ya sa akin, sa labas man o sa loob ng bahay. Hindi na ako single-iyon na lang ang pakatandaan ko. Nauuna s’yang naglalakad kaya para akong hila-hila n’ya. Pagkapasok namin sa elevator ay saka lang ako nagkalakas ng magtanong sa kan’ya. “Nasa baba na rin ba sina ate?” Nilingon n’ya ako. What’s his perfume? He smells so good. Tumaas ang kilay n’ya, “’I’m not sure. Tinawagan ko lang si Oliver para ipagpaalam ka,” “Ipagpaalam pa ako?” Para namang mawawala ako rito. Tumango s’ya. “I prepared a little surprise for you.” I pouted when I felt the thudderings in my chest. Napaisip ako at ngumisi na lang. “Nagluto ka ng breakfast natin, gano’n?” I wanted to feel that it was corny and old style from old stuff--but I can’t escape the idea that it’s..romantic too. He chuckled. “Parang..gano’n na rin..” Umiling-iling pa s’ya at parang nakornihan na rin. Hindi nagtagal ay lumabas na nga kami ng Manila Palace. We hop in his Porsche and he drive for us too. Hindi ko alam kung ano’ng dapat ikilos kaya tuwid na nakalapat lang ang likuran sa sandalan samantalang s’ya ay tahimik lang din na nagmamaneho. I kept myself busier watching on the window and tried my best to hum a happy song. Kahit papaano na naiibsan ang awkwardness na nararamdaman ko--kahit na ramdam ko pa ang labi n’ya sa akin! Damn. “Babe,” tawag n’ya sa akin. Agad ko s’yang nilingon. “Hmm?” Sinulyapan n’ya ang kandungan ko at tumikhim, he even shifted on his seat too. “Palagi ka bang nagsusuot nang gan’yang kaiksing shorts?” Wala sa sariling napatingin ako sa suot. It’s short but not so short na nakikitaan na ang puwitan ko. Malambot kasi ito, komportable ako at hindi rin bastusin. Binalik ko ang tingin sa kan’ya. “’Pag sa bahay lang. Hmm, ’pag pupunta sa palengke, mini grocery store..sa pasyal-pasyal sa malapit,” Pero hindi pa naman ako sumasakay sa jeep nang naka-shorts ako. Ang dyahe nu’n saka kailangang yumuko do’n pagsasakay at bababa. Ngayon lang naman. Saka hindi ko alam na hindi kami sa hotel kakain, buti na lang may sasakyan s’ya kaya hindi ako worried. Napapunas s’ya ng bibig at lumapat nang mariin ang labi n’ya. He sigh so violently. What’s in his mind now? Hindi na s’ya kumibo ulit pagkatapos nu’n. Pati ako natahimik na rin sa pagbabago ng mood n’ya. At para may pagkaabalahan ay pinasadahan ko ng tingin ang loob ng sasakyan n’ya. There were rare things inside so I focused myself staring at the bottle na nasa dashboard. Sa pagkakabasa ko ay isa iyong sanitizer. I felt so awkward kaya humingi ako ng permiso sa kan’ya para maglagay nu’n sa palad ko. He nodded. Kinuha ko ang bote at pinindot ang tutok, huli na nang mapagtanto kong mali ang butas na tinutok ko sa palad at sumirit ang laman sa inner thigh ko. “Ay!” I saw him look at me. Binalik ko kaagad ang bote sa pinaglalagyan at binuka ang mga hita para saluhin ang natapon na sanitizer. Dumulas na iyon sa ilalim kaya sinimulan kong saluhin mula ilalim paitaas sa kandungan ko. Before I could share it to my other hand, I’ve heard a hard cursed from William. Nagulat ako at natakot. Nagtatakang nilingon ko s’ya na madilim na pala ngayon ang mukha, mas humigpit ang pagkakahawak sa manibela. Hanggang ngayon galit pa rin s’ya? Napapaisip tuloy ako kung nasa tamang punto pa ba ako ng buhay ko. Hindi kaya nag-boyfriend ako nang may topak? Hihintayin ko na lang na atakihin ako sa puso bago ko iyon mapagtanto pa? “Ano’ng problema mo?” Malamig at lakas loob kong tanong sa kan’ya. Hindi iyong bigla-bigla na lang s’yang magmumura d’yan. Matalim n’ya akong tiningnan at saka bumuntong hininga. “Wala.” Tipid n’yang sagot sa akin. Tinapos ko ang pagpupunas sa mga kamay ko at hinawakan na lang ang bag sa kandungan. “Alam mo, kung may hindi ka nagugustuhan sa akin, sabihin mo. Hindi ’yung bigla ka na lang napapamura d’yan. Hindi ako manghuhula ’no. Kung ayaw mong ginagalaw ang gamit mo, sabihin mo lang ‘ayaw’ mo, napipilitan ka lang yata para hindi ako mapahiya. Baka mamaya n’yan--para sa akin na ’yang mura mo, sampalin ko ‘yang’ bibig mo.” Inis ko ring sagot. “H-Hindi naman kita minumura--Paula, I’m sorry--” Inirapan ko s’ya. “Tayong dalawa lang nandito, William Drei Sullivan--maglolokohan pa ba tayo?” Hindi na s’ya nakasagot pagkatapos. Binubuka n’ya ang labi pero walang salitang lumalabas dito. Parang magmumura pa nga e, nakatingin ako sa kan’ya kaya hindi matuloy siguro. Humalukipkip ako at bumuntong hininga. “Dapat talaga dumadaan muna sa getting-to know each other stage ang couple bago tumanggap ng commitment e. Ayoko namang ma-stuck sa lalaking paiba-iba ang ugali..” minsan sweet, minsan baliw at minsan nakakatakot. “What do you mean?” kinakabahang tanong n’ya at saka pinasok ang sasakyang sa isang private aviation na lote. Wala sa sariling nagsalita ako habang tinatanaw ang isang animo’y napakalaking warehouse sa gitna nang malawak na runway. “Mag-break na lang tayo, babe.” X
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD