Chapter 8

3337 Words
Chapter 8 Paula Sa malayo pa lang ay may nakaabang nang mga tao mula sa malaking warehouse. Nawawala na ako sa sarili at kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko kahit na ba kalahati no’n ay totoo, ang kalahati--hangin na lang yata. I held on my seatbelt so tight, natanawan ko ang nakahimpil do’ng eroplano, Ano’ng ginagawa namin dito? Sabi n’ya kanina kakain kame, Kung titingnan ko ang malinis na lote..wala namang makakainan dito. Iyong sa warehouse, parang bakod lang na nilagyan ng bubong at wala akong nakikitang closed door area doon para gawing paresan o karinderya. Inihinto n’ya ang sasakyan at pinatay ang makina. “In your dreams,” His husky voice attracts me. Binuksan n’ya ang pinto para bumaba, I followed him. Umikot s’ya at sinalubong ako, kasasara ko pa lang ng pinto nang hawakan n’ya ang kamay ko at mahigit na kinulong ang mga daliri sa akin. The morning cold wind blew me like a lost cat. I swallowed. Nawawala na naman ako sa sarili. Kanina lang, nakakaasar s’ya, ngayon naman, ang damuho-dumada-moves! Nakaabang sa amin ang dalawang lalaking may matitipunong katawan. Nakangiti at mukhang inaasahan ang pagdating namin. Ang isa ay nakapang-pormal na damit. Puting polo at itim na pantalon. His defined face feels so raw. Manly and looks so professional. Manipis ang pagkakagupit ng buhok, he smiles and I saw how deep his dimples were, very tiny holes at the upper sides of his chin. He reminds me of a boy next door aura. Siya rin ang unang nakipagkamay kay William. “Good morning, Sir William.” The voice, deep tone. “Good morning.” Tipid na sagot ni William. Tiningnan n’ya ako at sumeryoso ang mukha. “This is my girlfriend, Paula Asher Palma,” Nahiya ako nang sabihin pa n’ya ang buong pangalan ko. But then, sa akin naman n’ya inalok ang pakikipagkamay. “Good morning, Ma’am Paula. My name is Nathaniel,” magalang n’yang bati sa akin. “Good morning,” halos bulong ko nang sagot dito. This is my first time to be introduced as his girl. Lumapit din ang isang lalaking naka-white t-shirt at maong na pantalon. Unlike Nathaniel, ang isang ito ay medyo ragged ang dating sa akin. Nathaniel has pale type of skin, this man has dark skin. Ang buhok ay bahagyang sabog-sabog na para bang hindi nagsuklay o sumasabay sa ihip ng hangin. His stubble were very visible too. His rubber shoes has greases from its front. At may hawak na bilog na basahan sa kaliwang kamay. Sa akin nakatingin at bahagyang nakangusong nilipat ang tingin sa kay William. “Magandang umaga po, Sir William, Ma’am.” magkasunod n’yang bati sa amin. Ulit, ay nagtagal ng halos tatlng segundo ang tingin n’ya sa akin. Nataboy lang nang ipakilala s’ya ni Nathaniel sa akin. “His name is Art, he’ll be your assigned pilot today.” he said. Nagulat ako. “W-What do you mean? Ano bang lugar ’to?” hindi ko pa rin lubos na nauunawaan ang sinasabi kaninang kakain kami. Nasa’n ba ang kainan? Nag-angat ako ng tingin kay William, na ngayon ay may tinatagong ngiti. “Kakain tayo ng breakfast.” “Where?” His smirk look so boyish. From there-I smelled something exciting. Hinatak n’ya ako at nauna sa paglalakad papunta sa likuran ng warehouse. Sa pader ng warehouse na iyon ay may nakasulat na WDS Aircraft Charter Services So..he own this place? Naiwan ang mga mata ko sa pangalan na iyon--hanggang sa sakupin ang mga mata ko ng isang eroplanong nakahimpil sa harapan namin. My jaw dropped while staring at that plane--what the hell we’re doing here? “You should change your clothes now, Art.” I heard Nathaniel’s autoritative voice. Pakiramdam ko ay naging abala na ang dalawa sa likuran ko o umalis na yata. Hinila ako ni William at umakyat sa nakababang hagdanan ng eroplano, malapit sa bintana ng cockpit. Sa mahabang katawan ay may dalawang kulay na nakaguhit, asul at dilaw na umabot pa hanggang sa nguso ng eroplano. Nakakaisang hakbang pa lang ako ay umangat na ang tingin ko sa itaas, there, I saw a woman sweetly smiling at us. She’s very pretty, in her navy blue fitted skirt and longsleeves with a scarf on her neck, bar name on his right chest and a very clean and tight french knot hair. Her killer heels made her much taller than ever. “Good morning, Sir William, Ma’am Paula, welcome aboard!” masayang bati n’ya sa amin. I saw her name, it’s Miles. “Morning, Miles.” sandaling sagot ni William at hinila na naman ako papasok sa loob. “Good morning!” pahabol kong bati sa flight attendant. My feet were welcomed by black and gray carpeted floor. Mukhang ‘W’ ang gray na guhit. I look up and my lips fell apart. Walang ibang tao sa loob ng malawak na eroplano. I felt so innocent not to feel that this is a private plane! Though. I’m not yet sure if he really own it too--dahil ngayon pa lang ay nalulula na ako. I don’t know how long did we walk, pero hindi naman iyon kahabaan. Everything’s in here looks so luxurious, customized and well-designed. There are four white fully recliner chairs. Magkatapat ang bawat pareha at pinapagitnaan ng itim at kumikintab na lamesa sa gilid. Mayroon ding dalawang flastscreen TV na naka-hung sa magkabilang gild. Huminto kami sa isang mesa at pinaupo ako sa isang recliner, mayroon do’ng isang itim na throw pillow. I swallowed. “Hindi mo ’to sinabi sa akin?” He tilted his head, tumaas ang dalawang kamay at marahan na hinaplos ang pisngi. He gave me a smirk again. “I told you, this is a little surprise, babe.” Kinakabahang nilingon ko ang paligid. “A-Aalis ba tayo?” I felt like it’s a stupid question. But he only smiled and winked at me. Sa tapat ng pwesto namin ay may isang mahabang puting couch na may tatlong throw pillow--white, black, white color. Sa ilalim nito ay animo’y may tumatakas na puting ilaw. I literally felt so small at this recliner chair. Nahihiya pa akong umupo nang mabuti dahil pakiramdam ko ay hindi ako nababagay na umupo doon, hindi tulad ni William na swabeng-swabe ang bawat kilos, tindig at ang uri ng pagtingin. I couldn’t help, but awe at the everything I saw in here. Nahihiyang tinanggal ko ang sling bag at tinabi sa kanang gilid ko. He sit in front of me, as if on cue, bumukas din ang dalawang TV. A foreign channel came out from the screen. Pero naagaw ang atensyon ko ang labas. I gulped when I found out that we’re finally moving! Ilang minuto pa lang kaming nakakarating. Namimilog ang mga matang nilingon ko si William na ngayon ay nakamasid lang pala sa akin habang nasandal sa recliner. “Sa’n tayo pupunta? Baka hanapin ako nina ate, William!” Tiyak na malayo ang mararating namin dahil lilipad kami. He look amused, but he managed to give me a calmed smile. “Pinagpaalam nga kita, babe. You don’t have to get worried--I’m with you.” I tilted my head. “FYI, galit nga sa’yo ang ate dahil sa pagkagat mo sa leeg ko. Mas mag-aalala ’yun lalo na at tinakas mo ko,” Umahon s’ya sa pagsandal at tinungkod ang mga braso sa mesa--dumukwang sa akin. Isang patak ng halik ang diniin n’ya sa labi ko at saka nginitian. “I’m your boyfriend now, kaya entitled na kong dalhin ka sa kahit sang lugar, mas lalo na kung may consent ng girlfriend ko.” “Hindi mo naman sinabi sa akin kung saan mo ko dadalhin ah. Saka..nakikipag-break na ako..” humina ang boses ko sa huling sinabi na parang unti- unti ko nang binabawi. Damn the drama I made. Nag-iwas ako ng tingin. Nalingon ko na lang ang labas na unti-unting umaangat kami sa lupa. Oh. my. He chuckled. “In your dreams, babe.” Inulit n’ya rin ang sagot sa akin kanina. My face heat up dahil kahit nasa bintana ang atensyon ko ay ramdam na ramdam ko ang paninitig n’ya sa akin. Walang humpay at walang nililingunan-kundi ako lang. And I even startled when Miles came to us, at naglapag ng mga pagkain sa mesa namin. Tipid ko s’yang nangitian dahil sa nerbyos at pagwawala ng puso ko. “Enjoy your meal ma’am, sir.” and she wave her good bye for the mean time. Tiningnan ko ang mga pagkaing hinain. There were pancakes with strawberies and cranberries on top plus a syrup. Maraming servings iyon at ilan pang prutas sa gilid-gilid. On the other plate, there were sliced bread in a diagonal shape, I smelled the aroma of garlic on it. On our bowls, there were creamy soup too. He was served with black coffee unlike mine, I was served with an orange juice in a tall glass. This is my most extravagant breakfast meal I’ve ever met. Gutom na ako kanina bago s’ya dumating pero parang natutunaw rin ang gutom ko dahil sa ambiance at presence n’ya. Napalunok ako. Pinatong ko ang mga kamay sa tabi ng plato ko, contemplating what to do. Damn. This is somehow, new and awkward. “Babe..” mahinang tawag n’ya sa akin. He’s watching me--obviously. “Yes?” I swallowed again. “Kinakabahan ka ba? You look, confused,” takang tanong n’ya. Confused? Umiling ako. Bumuntong hininga ako at kinuha ang tinidor at kutsilyo, pero huminto rin ako at tiningnan s’ya. Maybe, I was confused too. “Saan tayo pupunta?” “Kinakabahan ka nga. ’Wag kang mag-alala, hindi pa naman kita tinanan sa ate mo. I just want to be with you today.” Medyo nahiya ako at nag-init ang pisngi ko sa sinabi n’yang tanan. But then, “Did you rent this plane?” Iniwas n’ya ang tingin sa akin at sumimsim ng kape n’ya. “This jet is mine.” tipid n’yang sagot. Namilog naman ang mga mata ko sa gulat. “Jet?” Tipid n’ya akong nginitian. “For business meetings and important conventions.” Oh. Napanguso ako. Oo nga naman. Business tycoon ito at malamang kumikita ng malaki--hindi nga lang ka-level ng naiisip ko. Na maaari pala s’yang magmay-ari ng sariling business jet! Oh.my. “This is just one of the perks I can share with you since you’re mine,” dugtong n’ya. Inikot ang mga paningin sa paligid. “Free flying?” I asked mockingly. He chuckled. “Kahit kailan mo gusto at kahit saan mo gusto pumunta. If you ever need in school too, you can bring your friends, just ask me.” “Paano ko naman kakailanganin ’to sa school?” His lips twitched. “For research, in your feasibility studies.” sabi na para bang siguradong-sigurado sa mga impormasyong meron s’ya. Well..he’s right. Kumuha ako ng special class for feasibility. Nagsimula na akong kumain. I’m feeling comfortable again kaya nagsimula na akong magtanong ng hindi ko alam tungkol sa kan’ya. “Ilang taon ka na?” tanong ko nang sa pagkain lang nakatingin. Ako ang nag-iinterview pero mas ako ang takot tumingin sa mga mata n’ya. “29.” Very precised answer. And he’s 9 years older than me. Matanda rin s’ya sa ate ko. “BSBA grad ka ba?” “No. I dropped out in med school.” Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya. “Med school? Magdo-doctor ka?” He pouted a bit. Suddenly, parang gusto kong burahin ang tanong dahil hindi yata s’ya komportable. “Supposed to be a surgeon, but I didn’t make it.” Bumagsak ba s’ya? Kaya nag-business na lang? Those are my questions na ayaw ko ang isatinig at baka ma- offend ko s’ya. Tutal naman, if ever na totoo, mas successful naman s’ya ngayon. Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang kinakain. “Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ’di ko natapos?” Tiningnan ko s’ya at nagkibit-balikat lang. “Baka hindi mo passion ang pagdo-doktor kaya hindi mo pinagpatuloy. Muk’a ka namang galing sa may kayang pamilya at kaya ang tuition fee, kung gusto mo talaga ’yon--itutuloy mo iyon kahit ilang failures ang kabagsakan mo.” “Pa’no mo nasabi?” “You said, ‘you didn’t make it’, I don’t think you’d give up just because you failed at first try, you just don’t liked to continue. Kung pangarap mo ’yon, aabutin mo at hindi susukuan. May ibang plano lang sa’yo si God.” I casually answered. He didn’t say anything after that. I felt the air changed but I don’t like to conclude anything. The silence was too deep. Hindi ko alam kung gaano katagal, hanggang sa kunin na ni Miles ang pinagkainan namin ay tahimik si William. Halos dalawang-oras ang binayahe namin, we arrived in Davao City! Pababa ng eroplano ay nakahawak na s’ya sa kamay ko. Sa baba, ay may nakaabang ng isang itim na sasakyan at dalawang lalaking nakatanaw sa amin. Binati s’ya ng mga lalaki at pinagbuksan ako ng pinto pero hinatak ko ang kamay n’ya para magtanong. “Ano’ng gagawin natin dito?” bulong ko. He leaned down and whispered on my ear. “Stop worrying.” “I’m not worried, okay. Pero magtatagal tayo rito..w-wala akong dalang damit.” mariin kong sagot sa kan’ya. Ni wala nga akong dalang wallet! Ang sabi kasi, breakfast at hindi travel bonanza! Hinawakan n’ya ako sa baywang at bahagyang hinila pasakay sa sasakyan. “It’s on me. We’ll get home tonight too. Hop in.” Dahil sa may iba ang nag-drive sa amin, nasa tabi ko lang si William at halos pumulupot na sa akin. Nakahawak sa kamay at nakaakbay sa balikat. I barely move--na kahit ang paglingon-lingon ay hindi ko masyadong magawa dahil nakaabang na agad ang mukha n’ya sa gilid ko. He sometimes got a chance to lean closer and sniffing on my jaw and on my neck. The promise of mild heart attack is too close now that he mostly kissed me near my trembled lips. “Gutom ka na?” mas dinikit pa n’ya ang dibdib sa balikat ko at binulungan. Nilingon ko s’ya, nakatabingi ang mukha n’ya at nakaabang nga sa akin na para bang hinihintay na lingunin ko s’ya. And his lips..distracting me too! Umiling ako. “Kakakain pa lang natin ah, ikaw?” I almost whispered. Umangat ang kamay n’ya at ginamit ang thumb, may pinunasan sa gilid ng mata ko. “We can stay in our room for a while then, let’s see some tourist spots here then dinner and we can go back home.” sounds like he planned all of these ahead of time. Pero paano? Gayong kahapon ko lang s’ya sinagot? “Room? What room?” “Sir, nandito na po tayo.” I was interrupted nang magsalita ang driver. Tiningnan ko ang labas at saka ko lang nakita na pinarada na pala n’ya ang sasakyan sa isang beach resort. Tumango si William, humiwalay sa akin at binuksan ang pinto para makababa. He waited for me. Nang makababa naman ako ay saka makasariling pinulupot ang braso sa baywang ko, hinila sa kung saan. He got a separate suite in this beach resort. Hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil sa pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Bakit n’ya ako dinala rito? Walang damit o kahit na anong gamit pansarili maliban sa cellphone, salamin at suklay. He didn’t even have a couple of minutes para makapagpa-book ng tutuluyan namin dahil tuloy-tuloy ang mga pangyayari, hinihintay na lang kami sa lugar na ito. Together with the resort’s male staff, hinatid nila kami sa suite na tinawag nilang Samal House. Akala mo’y tagong bahay dahil sa iba’t-ibang klaseng halaman sa harap nito. Mayroong maluwag na porch na pinaghihimlayan ng isang papag na may puting kutson sa ibabaw, sa gilid ay may dalawang upuan na gawa sa rattan at foam din ibabaw. Ang dalawang maliit at bilog na upuan ay nagsilbing lamesita at may ilang maliit na vase na nakapatong. The floral throw pillows were scattered at their respective areas/couches. At sa kisame ay may hanging fan. Wow. Sa labas pa lang pwede nang tulugan, ano pa ang sa loob nito? But as expected, the interior inside was classy yet it reminds of the culture, their native’s fruits of history. Pumasok kami, I almost gasp when I realise that we’re going to stay here in this room--alone. It has one king sized bed. Na ang mismong katapat ay ang tubig dagat! The pristine water shines like a crystal. Ang kama ay namumutiktik sa unan. But I love how the kawayan made it like a modern nippa hut. This is a luxurous room for a day stay in. Mula sa gilid ng kama ay lumabas ako sa balcony para pagmasdan ang nang-eenganyong tubig. I can even sit and lay in here dahil meron ding nakalaan na couch and pillows sa labas, tabi ng railings. Majestic view in a majestic place. This is heaven, dahil nakatungtong ang bahay sa mismong tubig. I couldn’t help but mesmerized with the gift of nature. Nakalimutan ko kung paano ako napunta rito, napaigtad na lang ako sa gulat nang may pumulupot na naman sa baywang ko at malayang tinulak ang sa sarili sa likuran ko. Hinawakan n’ya ang kanang kamay ko, dinantay ang mukha sa balikat at bahagyang nilapit ang labi sa leeg. I swallowed and he’s making my heart beat a little faster. We’re alone. At ang mga katagang sinabi n’ya sa akin dati ay unti-unti parang nagkakaroon ng buhay sa kamalayan ko. Dito na ba? Magsisimula na kami? I was about to ask him--but he held me on my hand--at may sinusuot na relos sa kanang wrist ko! “W-William?” He chuckled and continued. “Ssh, this is my first gift for you as my girl.” whispered. Natameme ako at pinanood ang pagsusuot n’ya sa akin ng relos na iyon. It was a stainless steel watch that accompanied with brown leathered bracelet. Pero kitang-kita ko ang pagkinang ng mga diamanteng nakapaikot sa bilog na salamin. Malalaking naka- emboss at kulay gold ang number 12, 3 at 9, ang mga natirang number ay guhit-guhit na lang. Sa itaas ng 6 ang pinaglalagyan ng petsa. He caressed my arm after he’s done set it on me. “It looks good on you, babe.” Tinaas ko ang kamay para tingnang maigi ang relos. Maganda iyon at kumikintab. The watch named Parmigiani and another sub name below. Ang maliliit na diamante ang talagang dumadag sa ganda. He tightened his arms at me, at mas nilubog ang mukha sa leeg ko habang abala ako sa binigay n’ya. “Nagustuhan mo ba?” Napanguso ako at tumango. “Maganda, pero bakit mo ko binigyan nito?” may cellphone naman kasi ako kung sakaling titingin sa oras. “Gusto ko lang. You’re mine and you’re entitled what all I have.” bulong n’ya. Pumintig ang puso ko sa matapat n’yang pang-aangkin sa akin. “Pero baka naman mahal ’to? Ayoko nang mahal, William.” “I can give you everything, babe. I won’t f*****g care with the price. Pinaghirapan kita at paghihirapan araw-araw.” Kumunot ang noo ko at nilingon s’ya. “Naghihirap ka lang pala sa akin e, edi hiwalayan mo na ko!” kunwaring inis na sabi ko, pero namumuro na ang init sa mga pisngi ko. “Break na tayo! Tanggalin mo ’tong relos mo!” taboy sa ko pa sa braso ko. “No way. Nakatali ka na sa akin.” “Ayoko na nga. Ayoko rin ng regalo. Tanggalin mo na ’to..mahihirapan ka lang sa akin.” sabay irap. I really don’t know why, but I love being mean this time. Hinigpitan n’ya ang pulupot sa akin. “Tumigil ka na at baka iba ang tanggalin ko sa suot mo.” Matalim ko s’yang tiningnan sa balikat ko. “Subukan mo lang,” “Now?” “Hinde, bukas.” He bit his lower lip. “Okay, I’m honestly craving for you but I have a meeting to be attended in an hour. Can you promise to wait for me here? Hmm?” malambing n’yang tanong. “May meeting ka? Bakit sinama mo pa ko rito?” Tngina. Sabit lang pala ako sa byahe n’ya at dinahilan lang na surpresa iyong breakfast in plane. Iyon pala, may meeting dadaluhan lang dito! This made me mad for real. He plant a kiss on my cheek. “Hindi naman ako magtatagal, buong araw pa rin tayong magkasama rito bago umuwi, pangako.” “Gaano katagal ’yang ‘hindi magtatagal’ mo? Iiwan mo kong mag-isa.” He groaned with my tone. Wala rin akong nagawa pa nang iikot n’ya paharap sa kan’ya at ipitin ako sa pagitan ng railings at katawan n’ya. He made me look at him by caging my cheeks. I guess, an inch away from his soft lips. “It was just a signing of contract and few briefings. I made our iterinary last night and that meeting was just added a while ago dahil nalaman nilang pupunta ako rito, babe. I promise, sandali lang ’yon..” Sadness, worries, tension were etched on his defined face. Pumipintig ang puso ko kapag masyadong s’yang nagpapalambing nang gan’yan. Whatever in his mind--leave it there! Ako ang nagugulo e! I made a fake sigh, at saka tumango na. “Okay.” He tilted his head. “Hintayin mo na lang ako rito, hmm?” I nodded. “Promise?” Bumuntong hininga ako. “Wala naman akong ibang pupuntahan maliban dito.” “Meron pa tayong isang oras, pwede ba kitang halikan hanggang sa umalis ako?” “H-Ha?” Tnginang request iyan. “Can I kiss you for an hour, babe?” Tinitigan ko s’ya at inalam kung seryoso ba ito. But then..he’s very serious!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD