Chapter 5
Paula
Despite the nervous and almost a heart attack, I spent my night and midnight cleaning the house. Kahit ang kwarto ni ate Melody ay nilinis ko na rin kahit hindi n’ya binilin sa akin. The last time we talked, tatawagan daw nila si Tatay sa Dubai, a video call para ipakilala si Oliver, but I even heard on the line that Oli--Kuya Oliver suggested na puntahan na doon si tatay. I can’t help but to agree with him. He has a point.
Tinext ako ni ate bago pa ako makatulog.
Ate: Okay lang matulog kami d’yan? Hindi ko na itutuloy kung hindi ka kumportable. Textback.
Napangiti ako. Kinuha ko ang spare pillow at niyakap habang nagta-type ng reply sa kan’ya.
Me: Tumuloy na kayo rito. Sayang naman paglilinis ko sa kwarto mo.
Inexit ko ang messenger at binuksan ang social media account ko. Nakita ko sa f*******: ang bagong friend request sa akin--William Drei Sullivan-sent me a friend request!
Muntik pa akong mapabangon nang makita ang pangalan n’ya at litrato sa profile n’ya. Well..I just accidentally clicked his name.. half of me was lying.
Kailan ba ako huling nagbukas nito? Ilang araw din yata. Kailan n’ya ito ni-send sa akin? Bago ba n’ya ako alukin o pagkatapos?
Wake up Paula! Why so many questions? I reprimanded myself.
Tiningnan ko ang profile n’ya. We have common friend, si Kuya Oliver. He has a few number of friends, mahigit isang daan lang. Wala s’yang post kahit isa sa timeline n’ya maliban sa mga litratong naka-tag s’ya, pero iilan lang din iyon at hindi lahat ng litrato ay kasama s’ya.
There was one picture that caught my attention. Nasa loob iyon ng bar-pero hindi sa peyton, a different bar. Beside him is a very pretty woman. An angelic small face, mahaba ang straight na buhok at makurba ang katawan. Nakaakbay sa kan’ya si William at genuine ang ngiti sa labi ng bawat isa. Marami ang naka-tag na kasama kaya hindi ko siguro kung ano’ng pangalan n’ya.
Natigilan ako. “Bakit gusto kong malaman?” Takang tanong ko sa sarili. Eventually, I dismissed the topic and returned my attention sa request n’ya.
Napanguso ako. Alam kong dapat ay hindi ako nagdu-dwell sa isang bagay na ito kaya lang, parang may tumutulak sa akin para pansinin s’ya. I already cut our connections by turning down his offer, why would I even bother to this, right? Kaya sa huli, hindi ko na iyon in-accept pa, hindi ko rin dinelete.
ate: Is it okay with you?
Ay, pault-ult? Me: I’m fine with that, ate. No big deal anymore. Kung masaya ka sa kan’ya, masaya na rin ako para sa’yo. Si tatay ang problamahin n’yo ’wag ako.
Wala akong pasok kinabukasan kaya wala akong ibang inasikaso kundi ang pagluluto ng pananghalian. Ang sabi ni ate ay sasabay na silang magla-lunch dito kaya dinamihan ko ang luto ng sinigang na bangus sa bayabas, paborito ni ate at porkchop--kung sakaling hindi mataypan ni Kuya Oliver ang sinigang. Sinalang ko ang kanin sa rice cooker kaya sa sala na lang ako naghintay at nonood ng TV.
Napaigtad ako nang makarinig ng kalabog sa labas ng pinto. Tumayo ako at hinawi ang kurtina para silipin, wala namang tao. Kaya binuksan ko na ang pinto, wala pa rin akong taong nakita sa labas. Hindi kaya pusa lang? Nagkibit-balikat ako at tumalikod na nang makita ko ang basag na paso sa ibaba ng bintana. I bit my lower lip and chest pounded wildly when I found a foot prints sa tabi ng paso. Ang dereksyon ay paalis, palayo ng bahay namin.
May sumisilip sa bintana!
I swallowed. Sa kaba ay pumasok agad ako sa loob at ni-lock ang pinto. Tumaas baba ang dibdib ko sa sobrang pintig nito at alaala sa nagdaang gabi ang pumarada sa takot kong isip. Was it them? Binabantayan ba nila ang bahay dahil may binabalak na masama sa akin at wala akong kasama? My hands trembled at halos takbuhin ko ang remote control ng TV para hinaan ang volume. Nagpa-panick ako dahil sa matinding takot. I have never been scared all my life not until last night and today.
Kabadong pumunta ako sa kusina at sumilip sa likod-bahay, sa sobrang lakas ng pinig ng puso ko ay iyon na lang ang naririnig ko. Masyado na ba akong nakakapanood sa balita ng mga babaeng sinasalbahe at pinapapatay kaya ako ganito ka-praning? Sa isip ko lang ba ito o sadyang hindi mukhang makakapagkatiwalaan ang mga taong iyon?
Dahil doon ay natakot ako para sa sariling seguridad.
****
Ilang oras na walang nagparamdam sa bahay hanggang sa makauwi na sina ate Melody at Kuya Oliver. I was pre-occupied at tensyonado bago sila dumating, but everything slips away when I saw them finally, together. I can’t help but to be relieved, hindi na ako nag-iisa sa bahay ngayon.
No’ng umpisa ay hindi ko maiwasang maalangan sa posisyon ngayon ni Kuya Oliver sa buhay ko, sa pamilya. Pero sa umpisa lang pala iyon. Dahil habang tumatagal ay nakikita ko na ang bunga ng kasal sa kanilang dalawa. They are in love--and the way Kuya Oliver look at my ate, I knew, he’s so in love. Iyon ang tuluyang tumalo sa akin but, no regret and heartbreak anymore, pure happiness.
When I smiled, niyakap ako ni ate nang mahigpit.
“Thank you, Paula.” Sabi n’ya sa akin nang pumasok kami sa kwarto n’ya para ipakita ang linis na ginawa ko rito habang naiwan sa sala si Oliver dahil may tatawagan daw. Bumili pa kaya ako ng bagong kobre at punda para naman magmukhang kama ng mag-asawa at hindi ng isang babaeng single.
Natawa ko, ang corny kapag nag-uusap kami ng ganito, heart to heart level. “Bakit?” I chuckled.
Yumuko s’ya at hinawakan ang mga kamay ko. Hinayaan ko na lang kahit ang awkward nu’n sa akin.
“Ikaw ang bunso pero ako ang pinagbigyan mo. Nagi-guilty pa rin ako kahit na kinakausap mo na ako at ngumingiti ka sa akin,” Naiiyak na naman n’yang sabi. Kailanman ay hindi ako pinabayaan ng ate ko. Lahat ng nire-request ko ay sinusunod n’ya. Kahit ang padala galing kay tatay ay ako palagi ang pinapauna n’ya. Huminto ako sa pag-aaral ng isang sem dahil gusto kong mag-try na magtrabaho sa fast food chain, hindi ako pinayagan ni tatay pero pinagtanggol n’ya ako hanggang sa ako na rin ang sumuko. Hindi ko rin matiis si ate na palaging may sermon sa ama namin dahil sa akin.
Nag-aral ako ulit hanggang sa malulong ako kay Kuya Oliver. She never gave up at me so, why would I?
I smiled at pabirong hinatak ang mga kamay ko, humalukipkip ako. “Masaya na ako para sa’yo , ate. ’Wag ka nang paulit-ulit--nauumay na ako sa kaka-sorry mo! Basta bayaran mo lang lahat ng nagastos ko para quits na tayo.” Natawa s’ya sa sinabi ko. There were left tears but I’m sure there are tears of hapinness. “Si tatay na lang alalahanin mo, tiyak magugulat iyon sa pag-aasawa mo bigla,” Alalang sabi ko.
Sinuklay n’ya ang buhok gamit ang mga daliri. “Natatakot nga ako. Pinagdarasal ko na sana ay matanggap n’ya si Oliver..”
Ngumuso ako. “Mabait naman si Kuya Oliver at galing sa prominenteng pamilya..nakilala mo na ba sila?”
Tumango s’ya. “Doon na kami nanggaling bago dumeretso rito. Mabait ang papa n’ya, hindi pala ngiti pero magaan naman ang loob ko sa mama n’ya. Sa susunod ay ipapakilala naman n’ya ako sa Kuya n’ya at bunsong kapatid na babae.” Nakangiting kwento n’ya sa akin.
Sumandal ako sa cabinet n’ya, ang gamit nila ay nakaparada na rin dito. Mamaya raw nila aayusin. “Babalik ka na sa trabaho mo n’yan?” Nagtatrabaho si ate sa kompanya ng mga Castillano na kaibigan din ng mga Montejo-ang liit ng mundo, she’s a married woman pero I doubted kung papayagan s’yang magtrabaho pa ni Kuya Oliver-he’s rich by his name and by his means.
Nginisihan n’ya ako. “’Yan ang itatanong ko sa kan’ya mamaya.” Nawala lang ang ngisi nang madako ang tingin sa leeg ko. “Ang sabi n’ya ang kaibigan daw n’ya ang kumagat sa’yo, pinupuntahan ka ba no’n ulit? Ipakikilala s’ya sa akin kaya humanda ’yang lalaking hinayupak na ’yan sa akin at dadagukan ko ng real na real!”
Natawa ako sa reaksyon n’ya imbes na mag-alala pa. Kung tutuusin, kay ate lang din ako nahawa ng ganitong ugali, mahinhin version nga lang s’ya. Kaming dalawa lang kasi naman ang magkasama kaya halos pareho lang ang hilig namin.
“Kalimutan mo na ’yon ate. He’s just a nobody. Hindi na iyon importante sa’kin,” Sabi ko na lang.
Kumunot ang noo n’ya at humalukipkip na rin. “Sigurado ka? Ayokong maagrabyado ka, Paula.”
I smiled at her. “Don’t worry, wala pang nakakasuko sa bataan ko!” Biro ko sa kan’ya.
Namilog ang mga mata n’ya pero kalaunan ay natawa na rin.
****
As promised, habang nagsasalo-salo kami ng pananghalian ay doon tinanong ni ate ang asawa kung pwede raw ba itong bumalik sa trabaho. Hindi ko alam kung binalak ba talaga ito ni ate na kaharap ako dahil isang beses pa akong tiningnan ni Kuya Oliver at bumuntong hininga.
“Honey, you don’t have to go back in the office, I will be happy if you’d just stayed at home,” Mahinahon nitong sagot sa asawa.
Nagkunwari na lang ako busy sa pagkain at hindi sila inintindi.
“Ilang taon pa lang akong nagtatrabaho, Oliver. I want to maximize my time para hindi naman ako ma-bore rito sa bahay, magtatrabaho na rin si Paula ilang buwan mula ngayon, I’d rather stayed at work than stayed at home doing nothing!” Giit n’ya.
He sighs, “I’ll talk to Lennox and see what I can do for you.”
“Ano’ng sasabihin mo sa kan’ya?”
“To still get your job but working at home, that’s a very great idea. If you got pregnant, you’d be at home too.”
Halos makita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ng ate ko. Sinulyapan n’ya ako--ngumuso lang ako at nang tiningnan muli ang asawa ay hinaplos naman nito ang pisngi n’ya. Mula no’n ay nagbulungan na lang ang dalawa.
We were on our dessert when Kuya Oliver speaks again.
“After our visit from Dubai, we’re moving in our new house,”
I stop scooping my ice cream. Pakiramdam ko sinabuyan ako ng kaba sa dibdib. “Hmm?”
Seryoso n’ya akong tiningnan habang si ate ay nakatingin na lang din sa kan’ya.
“Dalawang araw lang kami mag-i-stay dito habang kinukumpleto ko pa ang mga gamit sa bahay namin. Then, we’ll visit your father though hindi ko alam kung ilang araw kami roon, I’ll call you when we get home.”
“Teka, maiiwang mag-isa na rito ang kapatid ko? Hindi ako papayag, Oliver.”
I bit my lower lip when ate Melody defend me.
“Honey, Paula can stay with us if she wants to.”
Ako naman ang nilingon nila. Napalunok ako. Gusto ko syempre, pagkatapos nag kabang naramdaman ko nitong umaga lang at kahapon, I don’t feel the security for myself anymore. Siguro ay kahit pansamantala muna hangga’t hindi pa ako nakakaipon. “Don’t worry, pansamantala lang naman. ’Pag nakaipon na ako ay pwede naman na akong b-bumukod..”
Nagsalubong ang mga kilay ni ate. “No way! Kung babalik ka rito nang mag-isa, hindi ako papayag, pa’no kung pasukin ng magnanakaw dito at mag-isa ka tapos babae ka pa? Sa akin ka pinagbilin ni tatay kaya hindi ako papayag na iwan ka rito.”
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko nang marinig iyon kay ate. Kahit na sumama ang loob ko sa kan’ya, ako pa rin ang iniisip.
“Honey, I can get a condo unit for her, near our home, I trusts their security so you don’t have to get worried, I promise.”
“’Wag na Kuya!” Nahiya ako bigla. From the sound of it, it’ll costs him a lot.
“I want to. You’re sister was right. We cannot leave you here alone and besides, you’re my sister-in-law now, Paula, hindi ka na iba sa akin.”
There were a long silence and a few suggestions before his wife approved his recommendation. Napag-usapan na namin na titira muna ako ng ilang araw sa bahay nila bago ako lumipat sa bibilhin n’yang condo para sa akin. May sinabi pa si ate na kinabuntong hininga ng asawa, and he nodded.
****
Kinabukasan ay maagang umalis ang mag-asawa dahil kikitain daw ang pamilya at mga kapatid na Montejo. My class today will start at 2pm kaya as usual mag-isa na naman ako. Lumabas ako sandali para magwalis ng bakuran namin nang mapatingin ako sa nabasag na paso sa tapat ng bintana. Napansin na iyon ni ate at sinabihan akong ’wag nang galawin dahil s’ya na raw ang maglilinis. I stared at that for a couple of seconds before I resumed from sweeping the dried leaves.
“Umalis ba ulit ang ate mo, Paula?”
Kinilibutan ako agad at nag-angat ng tingin sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Sinundan n’ya iyong ng malaswang sipol at binigyang-pansin ang nakalantad kong mga binti. I felt the raging in my chest while he’s unashamedly stared at my legs, ang isang kamay nito sa bulsa ng shorts n’ya at ang isang kamay ay may hawak na sigarilyong umuusok pa.
From my view, mukhang nakainom na naman ang isang ito.
“Baka naman pwede akong mag-apply na boyfriend mo..”
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Maaga pa. Maraming makakarining sa akin kung sakaling sisigaw ako at hihingi ng tulong. May hawak akong walis ting-ting, pwede ko itong ihampas sa kan’ya tapos tatakbo sa barangay hall. I though all of those if he ever crossed the line.
Balewala akong tumalikod at pumasok na ulit sa loob ng bahay bitbit ang walis. My hands were shaking uncontrollably while locking the door. I immediately got my phone from the sofa and stayed at the front door. My chest heaves wildly habang pinapakiramdaman ang labas--nang marinig ang kalabog sa likod-bahay.
My eyes widen in shock. Umikot kaya iyon sa likod para makapasok? s**t!
Pinalibutan ng maraming posibilidad ang utak ko at hinigpitan ang hawak sa walis, dahan-dahan ang hakbang ko papalapit pa lang sa bukana ng kusina. Equipped by my heart beat napaigtad ako nang may kumatok sa pintuan pero naagaw ang pansin ng mga mata ko nang makakita ng buntot ng aninong pumasok sa loob ng banyo!
Mas dumagundong ang dibdib ko sa kaba at takot. Hindi na ako pumipikit at alam kong hindi ako namalikmata sa nakita! There is someone hinding in the comfort room!
Hindi tumitigil ang katok sa pintuan. I was so scared. Hindi kaya..kasama n’ya ang kumakatok at kapag binuksan ko ay maiipit ako sa loob ng bahay?
Kinuha ko ang cellphone at nanginginig ang mga kamay na dinayal ang numero ni ate Melody, but I received a text from a familiar number.
Nasa labas ako ng bahay n’yo. Can I see you?
Naiiyak ako. Naiiyak ako sa sobrang kaba, takot, panginginig ng kalamnan lalo na nang mabasa ko ang message n’ya sa akin kaya agad kong binuksan ang pinto, at nang makita si William ay sinugod ko s’ya ng yakap.
I’m safe. I’m safe now. My mind chanted in my head.
I felt his body surprised, pero wala na akong pakielam! Hinigpitan ko pa ang ikot sa leeg n’ya ng mga braso ko at mas nilubog ang mukha sa leeg n’ya. “P-Pumapayag na ako! Pumapayag na ako,” I can’t even stop myself from stuttering.
His big hands landed on my waist. “What happened?” Sa halip ay tanong n’ya. Batid kong ramdam n’ya ang takot mula sa akin.
X