Chapter 3

2411 Words
RACHEL Nang lumiko kami sa hallway kung saan bihirang daanan ng mga estudyante ay mabilis kong inalis ang kamay ni Dylan mula sa pagkaka-akbay sa balikat ko. "Excuse me? Ano naman atraso ko sa 'yo?" Ngumisi siya. Nakapamulsang itinaas niya ang kaliwang braso niya at itinukod sa pader saka matamang tinitigan ako. Napadikit ako sa pader at bahagyang napatingala. Matangkad siya at halos hanggang leeg niya lang ako. Umangat ang sulok ng labi niya dahilan para lalong lumitaw ang kagwapuhan niya. "Nakalimutan mo na agad?" Sobrang nakaka-intimidate ang mga titig niya. Ganoon talaga siguro kapag gwapo ang tinititigan mo. Kumunot ang noo ko. "Ang ano naman? Wala akong naalalang atraso sa 'yo. Ni hindi nga kita kilala eh." Bahagya siyang natawa dahilan para lumitaw ang malaperlas sa puti niyang mga ngipin. Lalo siyang lumapit sa akin, at mas lalo naman ako nadikit sa pader. Naikuyom ko ang kamao ko. Subukan lang ng lalaki na ito gumawa ng mali, kahit gwapo siya babasagin ko talaga mukha niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. At aba't talagang hahalikan niya ako?! Pero bahagyang lumampas ang mga labi niya at napunta iyon sa tenga ko. May binulong siya. Tss... ako lang pala 'tong ambisyosa sa pag-aakalang hahalikan niya ako. "You made my junjun up." Nangilabot ako sa binulong niya. Napasinghap ako. "Bastos!" sigaw ko. Lumipad ang kamao ko sa mukha ni Dylan. Pero bago nangyari 'yon ay agad niyang hinuli ang kamay ko. Hay! Buti na lang. "Woah, 'wag mo ng dagdagan ang atraso mo, babae." "Babae? Tsss, may pangalan ako 'no." Kinuha niya ang ID ko. "Ahh... Rachel Ortega. Sounds good, but it would be better if its, Rachel Ortega Araneta." "Araneta? Tss, saan mo naman nakuha 'yon?" Inirapan ko siya. Itinaas niya ang ID niya kasabay ng pagngiti. "My last name." Muli akong umirap at pinamewangan siya. "No, it'll be better as Rachel Ortega Samaniego," proud pang sabi ko. "Samaniego?" Naningkit siya. "You mean... Lance Samaniego?" "Yup!" "So, it true na may gusto ka nga sa kaibigan ko?" "Ye-" Wait, naputol ko ang pagsasalita ko nang marinig ang huling sinabi ni Dylan. Napatingin ako nang diretso sa kanya. Mas umabot lalo sa tenga ang mga ngiti niya. "Wait, k-kaibigan mo siya?" "Hmm..." sagot niya kasabay ng pagtango. Pinamulahan ako saka mabilis na napaharap sa kanang bahagi ko. Shems, ano ba 'tong bibig ko. Tae, baka i-chismiss ako ng lalaking 'to sa mga kaibigan pa ni Lance, or worst baka kay Lance mismo. Narinig kong tumawa si Dylan at muli akong inakbayan. Nagsimula kaming maglakad. "Don't worry I won't tell to anyone about your secret," he winked at me. The heck, lakas ng dating ng kindat niya ah? "Ilibre mo na lang ako mamaya para doon sa atraso mo." Ngumiti siya. Nagpapa-cute ba talaga ang lalaking 'to sa akin? Or natural talaga sa kanya ang maging cute? Muli akong napatigil sa paglalakad at hinawakan ang braso niya para muling alisin sa balikat ko. "Ano bang atrasong pinagsasasabi mo?" "Tss, 'wag ka na ngang painosente d'yan. Ginising mo ang alaga ko sa jeep nang kinuha mo 'yong cellphone mo, 'yan tuloy... hanggang ngayon nagwawala parin." Hindi ko alam kung saan ako nabingi. Sa bell ba ng Eislerville Academy or sa sinabi ng gwapong lalaking kaharap ko na si Dylan Araneta. **** "Bakla! Totoo ba 'yong nakita ko kanina?" tanong ni Desiree nang matapos ang first subject namin. Iyon palang ang oras na nagkausap kami ni Desiree. Kahit kasi magkaklase kami ay magkaiba kami ng upuan kasi naka-sitting arrangement kami. Terror kasi ang professor ng major subject namin. Kaya ayon! Iyon palang ang oras ng pagchikahan namin ni Desiree. Kumunot ang noo ko nilingon siya. "Anong nakita mo?" "Kausap mo si Dylan Araneta kanina. Aba, iba din talaga ang pasok ng swerte sa first day of school mo, 'no?" abot-tengang ngiti na tudyo ni Desiree. "Tss, aksidente lang naman ang pagkikita namin at-" napatigil ako at hinarap si Desiree. "Teka, paano mo nakilala ang lalaking 'yon?" "Ano ka ba!" Bahagya n'yang hinampas sa balikat ko. "Hindi ba siya 'yong nakasabayan natin sa jeep kahapon?" Napasinghap ako. "Ibig sabihin, kilala mo pala 'yon? Kaya pala pinu-push mo akong kuhanan ng pic ang lalaking 'yon?" "Oh? wala ka talaga ideya sa pagkatao 'non?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Desiree. Umiling ako. "Wala." Napalatak si Desiree. "My god, Rachel. How did you forgot him? Hindi lang si Lance Samaniego ang sikat sa school na ito. Pati na rin mga kaibigan niya, 'noh! And Dylan is one of those guy na tinitilian at hinahangaan din ng lahat." "Gano'n? Eh ba't hindi ko siya nakikita na kasama ni Lance?" "Gaga, paano mo naman makikita siya eh tutok ang mga mata mo sa crush mo." Napangiwi ako. "Sabagay." "At saka hindi naman kasi masyadong sumasabay si Dylan sa barkada. Siguro minsan lang... pero madalas hindi. Kumbaga sa werewolf pack, isa s'yang lone wolf." "Bakit naman?" kunot-noong tanong ko. "He's busy." "Busy?" pag-uulit ko sa sinabi ni Des. Napatingin si Desiree sa paligid bago muling nagsalita in a lower voice. "He's busy for s*x and pleasure." "Ha?" Nabingi ata ako sa sinabi niya. Umayos ng upo si Desiree. "Well, 'yon ang chismiss." "So, isa palang dakilang playboy ang lalaking 'yon." Kaya pala parang bulgar siya magsalita. Nakaramdam ako ng kaunting kilabot sa mga nilabas na salita ng lalaking 'yon. "Exactly! Kaya nga madaming haliparot na umaaligid sa kanya. Eh, sino ba naman kasi ang hindi magpapakama sa gwapong lalaking 'yon. Kahit ako siguro papayag din ako na- "Wuy!" Hinampas ko si Desiree bago niya pa matapos ang sinabi niya. Taeng babae 'to, hindi man lang kinilabutan. Tumawa naman ang kumag. "Just kidding! Hindi ko gagawin 'yon 'no! Tss... iniingatan ko ang virginity ko 'no! Naka-reserve na 'to sa mga asawa ko." Napatingin si Desiree sa pinto. "Hay, ang tagal ng teacher natin, makapagbasa nga muna." Kinuha ni Desiree ang libro na kabibili niya pa lang sa bookstore kahapon. In-open niya sa isang page na nilagyan niya ng bookmark. Hindi na ako nagsalita. Ayaw na ayaw ng baklang 'to na iniistorbo siya lalo na kapag nagsisimula na siya magbasa. Kaya naman napatingin na lang ako sa bintana at bahagyang napaisip. Sa pagiisip ko sa kawalan ay dumako ang mga mata ko sa labas sa ibaba. Nasa third floor kasi kami. Napatingin ako sa grupo na ng mga babae na nagkukumpulan sa may puno ng acacia. Nakikipag-selfie ang mga ito sa isang lalaki. Tss, iba talaga pag-sikat sa school oh. Dinaig pa artista. Lumipat ang paningin ko sa lalaki. Bahagyang umangat ang tingin ko nang makikilala ko kung sino iyon. Si Dylan Araneta. Totoo nga ang chismiss. Babaero nga talaga siya. Kitang-kita ko kung paano himasin ni Dylan ang bewang babae habang nagpapapicture sa kanya. Sa tantiya ko ay mga taga Arts and Design ang mga babaeng 'to. Maiiksi kasi ang palda ng uniform nila kaya paniguradong naglalaway 'to si Dylan ng mga oras na iyon. Nang inangat ng huling babae na lumapit kay Dylan ang cellphone para kumuha ng litrato nila ay napatigil ako. Sa saktong pagtingala ni Dylan ay saktong napadako ang tingin niya sa akin. Teka? Sa akin ba talaga? Feeling ko kasi nakatingin siya sa akin. Or... nagfi-feeling lang ako? Nang matapos ang pagsi-selfie ng mga mukhang payasong babae ay umalis na ang mga ito. Pero bago 'yon nagkuhanan pa ang mga ito ng cellphone number. Ilang sandali ay muling tumingala si Dylan. Doon ko na talaga nasiguro na ako ang tiningnan niya kasi ngumisi siya at kinawayan pa ako. Bahagyang uminit ang mukha ko. Kaagad na umiwas ako ng tingin. The heck. Nakita niya akong nakatingin sa kanya? Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-tense. Siguro ay dahil alam niya na crush ko si Lance at anumang oras ay pwede niya itong sabihin 'yon. At kapag nangyari 'yon, paniguradong hindi lang fans nila ang dudumog sa akin, kundi ang mga kaibigan nila. Ilang oras ang lumipas ay lunch time na namin. "Bakla, naiwan ko pala 'yong wallet sa loob ng kotse ni kuya kukunin ko muna tapos sabay na tayo mag lunch, ah?" "So, sasamahan pa ba kita?" "Hindi na. Hintayin mo na lang ako d'yan, at sabay na tayo bumili sa cafeteria." "Ok, sige. Sinabi mo eh. Bilisan mo lang ah? Baka magkaugat na ako dito sa kahihintay," kapagkuwa'y sabi ko. She chuckled. "Yeah, mabilis lang ako. Paniguradong lunch time na rin nina Kuya Zael." Tumango na lang at agad naman na tumalima si Desiree. Naupo ako sa bench at napatingin-tingin sa malawak na field. Sa dulo ng field ay may ginagawang bagong building. Ang sabi, bagong department daw 'yon para sa dagdag na course ng Eislerville Academy which is Criminology. Sana bago kami mag-graduate ay matapos na 'yon at mag-accept na ng new students for that course para may view kaming makikita kapag nasa malawak na field ang mga estudyante ang nagti-training. Paniguradong maraming mga babae ang mababaliw kapag ganoon ang nangyari. Dahil pagiinteresan na naman ng karamihan ang kanilang mga abs. "Na-picture-an mo ba si Lance? Pa-share it naman oh, o kaya ipasa mo sa messenger." Napatingin ako sa dalawang babae na nakatayo ilang agwat mula sa kinauupuan ko. Tae, kapag pangalan ni Lance ang naririnig ko, napapalingon agad ako sa nagsalita. "Tsk, hindi nga malinaw eh, kasi tinabig bigla ni Saddie ang cellphone ko. Buti na lang hindi 'to nabasag," parang naiiyak na sagot ng babae. Base sa uniform na nakikita ko na suot ng dalawa, ay mga taga Education Department sila. "Pabida talaga ang bruhang 'yon! Nakakainis. Feeling mo eh, binayaran sila para pagbawalan tayo na picture-an si Lance at ang mga kaibigan nito." "Hay, sinabi mo pa." Itinaas ng girl ang cellphone niya at tinutok sa hindi kalayuan. Sinundan ko ng tingin ang pagtutok niya ng camera. Saka lang ako napasinghap kasi nasa kabilang bench lang nakaupo sina Lance at ang mga kaibigan niya. Bahagya akong na-tense. Umayos ako ng pagkakaupo. At agad na nilagay ang ilang strand ng abot balikat kong buhok sa likod ng tenga ko. "Hay, malayo tayo besh sa kanila. Hindi na kayang i-zoom." "Tsk, yaan mo na. Next time na lang." Naglakad na ang dalawa paalis. Muli akong napatingin sa kabilang bench. I am few meters away pero feeling ko pinaglalapit na kami ng tadhana ni Lance Samaniego. Kasama ni Lance ang tatlo niya pang kaibigan. One of those three friends ni Lance was Karina Del Jose. Pwera kay Lance ay si Karina lang ang kilala ko. Siguro ay dahil siya lang ang babae sa grupo. Pero damnit! She's so gorgeous na talagang halos lahat ay nai-inggit sa kanya. And yeah, isa ako sa naiinggit sa kanya. Hindi lang dahil sinalo niya na ata lahat ng kagandahang handog ng universe kundi nakakasama at nakakausap niya pa si Lance. Dumako ang tingin ko sa crush ko. Hay! Ang gwapo talaga ni Lance. Kahit sobrang seryoso at cold ng mga tingin niya, kapag umangat lang ang labi niya, gosh! sobrang nagwawala ang heart ko. Bago ko pa matunaw ng tingin si Lance ay may tatlong balakang na humarang sa tingin ko. Inis na umangat ako ng tingin. Saka ko lang napagtanto na 'yong big mouth squad pala iyon. Sina Saddie, Marigold at R.J. "You don't have a permission to stare them like that," Saddie said and then crossed her arms. "Wow, hanggang tingin na nga lang hindi niyo pa pinagbibigyan. Hindi na nga lumalapit. Pati ba naman mga mata ko pakikialaman n'yo pa?" sarcastic na wika ko sa kanila. "Yes, because we are vowed to protect them from a pest like you." "Tss, will you stop being such a kid? Grow up! Hindi na kayo high school para maging ganyan pa ang drama niyo!" matapang na sabi ko. "Anong sabi mo?!" Akmang iaangat ni Saddie ang kamay niya para saktan ako nang biglang may pumagitna sa amin. Lumundag siya para makaupo sa tabi ko. "Hey, let's take our lunch now." Napatingin ako sa nagsalita. "Dylan?" 'Yong big mouth squad na ang nagvoice out ng nasa isip ko. Nilingon niya ang tatlo. "Yes, so will you please excuse us? Kakain pa kami, eh." "Baby Dylan, we can order a food naman for you. You don't have to be with that poor girl. Magmumukha lang siyang alalay pag kasama mo siya," Marigold said. Wow, thanks sa concern. "Eh ano naman tingin sa 'yo?" bara ko kay Marigold. "How da- "Hey, stop!" awat ni Dylan nang akmang susugurin na naman sana ako ni Saddie. "Guys, will you please leave us alone, now?" Sa pagkakataon na iyon ay naging seryoso ang tono ng boses ni Dylan. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong seryoso ang tingin na pinupukol niya sa tatlo. Bahagya din akong kinabahan sa pagseryoso ng awra niya. Siguro hindi lang kasi iyon ang naging first impression ko sa kanya. He used to laugh and easy going pero may time din pala na magiging uneasy ka sa reaksyon niya. Umalis ang tatlo at hinarap ako ni Dylan nang nakangiti na para bang walang nangyari. "So? Tara?" Kumunot ang noo ko. Aware ako sa mga estudyanteng nakatingin sa amin. "Saan?" "Sa cafeteria. 'Di ba ililibre mo ako ng lunch? Pero kung ibang libre ang gusto mo, maluwag kong tatanggapin 'yon." Tumaas baba ang kilay ni Dylan na para bang may ibig sabihin siya. Inirapan ko siya. "Excuse me, wala akong sinabi na ililibre kita ng lunch 'no!" "Eh, paano na 'yong atraso mo sa akin? Gano'n na lang 'yon?" may himig na pamamaktol na wika ni Dylan. Bahagyang siyang napakamot ng ulo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang inakto niya. He's kinda cute in that way. "Ano ba kasing atraso ko sa 'yo ha?" prankang tanong ko. "'Yong sa jeep nga! Kailangan ko pa bang ulit-ulitin?" ngumisi siya. "Ikaw ah? pasimple ka din, pero gustong-gusto mo atang naririnig na tumatayo 'to sa 'yo." Hinampas ko ang balikat niya. "Ang bastos mo, ha?!" Napatigil ako sa ginawa ko. Masyado ata akong feeling close sa paghampas ko sa lalaking 'to? Pero kaagad na nawala ang pagka-alanganin ko nang tumawa ng malakas si Dylan. Tae, bakit pati pagtawa niya, ay malakas din ang dating? Hinawakan niya ako sa kamay at mabilis na iginiya papuntang cafeteria. Hindi na ako nakapagreklamo pa kasi pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nadadaanan namin. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD