Chapter 2

2478 Words
RACHEL Bumuka ang bibig ko para magsalita. Pero nakuha ang atensyon ko sa mga bagong sakay na pasahero. Ang iingay kasi, nagtatawanan tapos nagtutulakan habang naghahanap ng mauupuan sa loob ng jeep. "Sinabi mo pa!" Humalakhak ang babae bago kusang tumaas ang kilay ko. That big loud iritating laugh. Kilala ko kung sino 'yon. "Oh, hi Dylan," bati ni Marigold nang tumabi ito sa gwapong lalaki na katabi ko. Dylan, so that's his name. Umayos ako ng upo dahil wala akong panahong pasadahan ng tingin ang payasong mukha ni Marigold. "Oh, you're here too, Rachel." Hindi ko siya nilingon. Kunwari ay hindi ko siya naririnig. Kahit si Desiree ay alam kong naiinis din payasong si Marigold. Yeah, I know her, we knew her. Aside sa pagiging bullied fan niya ay kaklase namin niya way back grade school ni Des. And from that time, magkaaway na talaga kami since palagi ko na siyang binabara noon pa man kaya naman lagi ng mainit sa akin ang dugo niya. Well, the feeling is mutual. "Hey, who is she?" usyosong tanong ng bakla na nakaupo sa tapat ni Marigold. Yes, he's literally a gay. "Baks, nakalimutan mo na ba? Siya lang naman 'yon pumasok doon sa room nina Lance para magbigay ng love letter." "Wait, siya 'yon?" Napairap ako. Sa gilid ng mga mata ko ay pinasadahan ako ng tingin ni Dylan na hindi ko alam kung bakit. Nakaramdam tuloy ako ng iritasyon sa kilos niya na hindi ko alam kung bakit. Hindi parin kasi nawala sa isip ko 'yong tinanong niya kanina. "Yeah, right. She's trying hard na mapansin ni Lance. Like, duh, para naman mapapansin siya nito." Nagtawanan sila. Talaga iba din magchissmisan ang dalawang 'to 'no? Talagang rinig na rinig ko. "Hindi naman talaga, because we are here. We are vowed to remove those pest na gustong-gustong kumapit kay Lance Samaniego." Wow! vowed, big word. Kung pest ang tawag nila sa mga tulad ko? Then ano tawag sa kanila cancer na fanbase ni Lance. "Kaya Rachel, don't make your ambition too high, ok?" They laughed out loud. Napairap ako at hinarap ko si Marigold. Palipat-lipat na tiningnan silang dalawa ng bakla niyang kasama. "Mapasukan sana ng uang ang mga bunganga n'yo." Natigilan sila pero bago pa magsalita ay inunahan ko sila. "Puro lang naman kayo dada, mga feeling rich kid." "Excuse me, we are rich," pagsegunda ng bakla. "Rich? Then why are you here?" Natigilan ang dalawa. Bakit nga naman sila sasakay sa jeep kung mayaman sila? They must have their own car. "Ow, wait. Don't tell me nagrerent pa kayo ng mamahaling kotse papasok ng Eislerville Academy para lang maipakita na mayaman kayo?" "Wala kang pake," Marigold said. Ngumisi ako. "That came in your mouth, b***h!" "Ano?!" Akmang susugurin sana ako ni Marigold nang pumagitna ang kamay ni Dylan. Palibhasa ay nasa gitna namin siya. "Hey, stop!" "Hoy! Kung mag-aaway lang kayo sa loob ng jeep ko. Mabuti pa bumaba na kayo!" puna ng driver sa amin. Nagpupuyos ang dibdib na tiningnan ko si Marigold. "Oo!" Tiningnan ko si Dylan. "Virgin pa ako," Lumipad ang tingin ko kay Marigold, "hindi tulad ng isa d'yan na kung kani-kaninong lalaki nagpapakamot." "What the! Hinahamon mo talaga ako?" I made my brows up. Pinara ko ang jeep and made a last look to Marigold. "Wala akong balak patulan ang makitid mong utak, Marigold." Hinawakan ko ang braso ni Desiree para sabay na kaming bumaba. Nakita ko pang binehlatan ni Desiree sina Marigold. Nagsisigaw pa ang kumag habang lumalayo na ang jeep. "Tss! shut up, big mouth!" sigaw ko pabalik. Naiirita talaga ako sa basurang bibig ng babaeng 'yon. Habang lumalayo ang jeep ay hindi nakaligtas sa akin ang mga tingin ni Dylan. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero nakangiting-aso siya. Tsss... isa din ang kumag na 'yon. Are you still a virgin raw? Tss! Manyak! **** "Rachel, gising na anak. Unang araw ng klase mo ngayon. Bawal ang ma-late," pukaw sa akin ni Mama, saka babalang binuksan kurtina ng kwarto ko. Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa labas. "Ma, nasisilaw ako. Ayusin mo ang kurtina. Gusto ko pang matulog." "At aba't, first day of school mo ngayon sa Eislerville Academy. Umayos ka, huwag mong lilihian ng katamaran ang unang araw mo, kung ayaw mong maging tamad ka buong taon." "Ma, naniniwala ka pa talaga sa mga pamahiin na 'yan?" tanong ko sa inaantok na boses. "Siyempre hindi naman masama maniwala. Wala namang mawawala kung maniniwala ka. At saka huwag mong ibahin usapan. Maligo ka na at magta-trabaho pa ako." Bumangon ako ngunit nakapikit parin. "Ma, kaming mga milenyal hindi na naniniwala sa ganyan, matutulog na ulit a- Binato sa akin ni Mommy ang unan na hawak niya. Napabangon ulit ako. "Umayos ka, Rachel Ortega. Ang mahal ng tuition mo sa Academy na 'yon tapos tutulugan mo lang ang unang araw ng pasukan n'yo?!" "Tsk. Oo na po. Babangon na." "Good, sabay na tayo kumain. Hihintayin kita sa baba." Hinagkan niya nag buhok ko. "Maligo ka na. Ang baho-baho mo na." "Ma, naman!" She chuckled. "Just kidding. Bilisan mo na at mag-aalmusal pa tayo." Nang lumabas si Mama ng kwarto ko ay napahikab ako. Inunat ko ang mga kamay ko sa itaas as I stretched my body too. Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad ang paningin ko sa salamin na nasa tapat ko. Muntik na akong mapasigaw. Nang hawiin ko ang ilang strand ng buhok ko ay saka ko lang napagtanto na ako lang pala 'yon. Napabuga ako ng hangin. Bahagya akong ngumiwi. Binugahan ko ang palad ko ng hininga ko at inamoy iyon. Lalo akong napangiwi. "Hmf! ang baho!" Nagpasya ako na bumaba na ng kama at hinanda ang uniform na gagamitin ko sa Eislerville Academy. Their uniform depends on their courses, and since business management ang kinuha ko ay isang pencil cut skirt at long sleeves polo with black blazers and necktie ang uniform namin. Kinuha ko ang almon toe black shoes ko na may dalawang pulgada lang naman na heels pero para sa akin isa na 'yong parusa sa paglalakad ko. As usual, Wednesday is our wash day. So may apat na araw akong ipakita sa madla ang naglalakihan kong mga binti. Hay! Isa din 'yon sa mga struggles ko kaya mas gusto kong sumuot na lang ng mga jeans. Nang mailapag ko ang uniform ko sa kama ay pumasok na ako sa CR para maligo. Few minutes that past I go downstairs to take my breakfast. "Good morning, Ma." I kissed her in her cheek at pumuwesto na sa hapag kainan. We made a conversation. You know, some sort of mga paalala. Pero iyon ang bagay na masasabi kong swerte ako kay Mama. Kasi kahit busy siya sa trabaho ay hindi parin siya nawawalan ng oras sa akin. Though, may mga oras din na hindi kami nagkakasabay sa hapag kainan pero there's a reason naman dahil busy siya sa trabaho and sobrang naiintindihan ko naman siya. "Rachel, sana naman ngayong school year may maipakilala ka ng boyfriend sa akin." Napaubo ako. Mabilis kong kinuha ang baso ko at uminom ng tubig bago tumingin kay mama ng deretso. "Ma!" "Bakit? Magtu-twenty ka na ah? Kailangan mo ng maghanap ng boyfriend. Kailangan may iharap ka na sa 'kin because God knows baka matsugi ako- "Ma naman!" muling saway ko sa kanya. This time hindi ko na naitago ang iritasyon ko sa sinabi niya. Tumawa si Mama. "Just kidding my daughter. Gusto ko lang din naman makita ang future son-in-law ko." "Ma, una sabi mo boyfriend, tapos ngayon son-in-law naman," wika ko at sinubo ang sinangag na nasa kutsara. "Basta, humanap ka na ng boyfriend as soon as possible, ayokong isipin na tomboy ka. Wala tayong lahi na ganoon." Napangiwi ako. "Hindi po ako tomboy, at saka parang sinasabi mo rin na ang tanda-tanda ko na." I pouted. "Its not what I mean. Ang ibig kong sabihin, hindi kasi normal sa panahon ngayon ang mga 20 years old na no boyfriend since birth parin." Hindi ako nagsalita. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko ng almusal. Kaya naman kasi hindi ako naghanap ng iba kasi umikot ang dalawang taon ng college life ko sa iisang lalaki lang. I refused to look for the other boys kahit gwapo din 'yon tulad ni Lance, kasi sa kanya lang talaga nag-fucosed ang mga mata ko. But lately, I realized something. Ang hirap niya palang abutin. Kahit anong papansin ko, hindi niya parin napapansin ang existance ko. Kung wala lang kasi 'yong mga big mouth niyang fans eh 'di baka matagal ko ng ginawa ang first move ko. Hay! Pero ngayon, oras na ba para i-uncrush kita Lance? Oras na ba para tumingin ako sa ibang lalaki? Tumayo si Mama dala ang pinagkainan niya. "Basta anak, sundin mo ang gusto ko ah? Ipakilala mo sa akin ang future son-in-law ko." "Bakit naman po atat na atat kayo na magdala ako ng lalaki sa bahay na ito?" curios na tanong ko. She grinned. "Eh... gusto ko ng makita ang magiging apo ko." "Mama!" **** Isinilid ko pabalik sa pocket ko ang cellphone ko. Nagtext kasi si Desiree na sumabay na siya sa kuya niya. Yeah, her older brother also studying in Eislerville Academy. Napabuga ako ng hangin. Matagal ko ng tinanggap na may mga bagay na hindi talaga kami nagkakasabay ng bestfriend ko. Nagpara ako ng taxi. Iyon lang ang mode of transportation ko. At wala akong pake kung pagtinginan na naman ako ng mga RK sa Eislerville kasi naka-taxi lang ako. Samantalang sila, pabonggahan ng kotse, from Audi to Mercedez Benz to Porche talagang hindi magpapahuli ang marami sa kanila na ibalandra 'yon sa napakalawak na parking lot ng Eislerville Academy. Tumigil ang taxi sa tapat ng gate ng Eislerville. Nagmadali na ako maglakad kasi ilang minuto na lang ay magta-time na. "Ay, palaka ka!" Isang malakas busina ng kotse ang nagpapunta sa akin sa grass. Napalingon ako sa bumusina sa akin. Nang tumapat iyon sa akin ay nakita kong mamatay-matay sa kakatawa sina Marigold at ang bakla na kasama nito na s'yang nagda-drive. "Good morning slapsoil! You better run so that you can go to your room on time!" kutya ni Marigold na nakuha pang ilabas ang ulo sa bintana nang makalampas ang kotse para lang laitin ako. Natitimpi ang bibig na inirapan ko na lang siya. Kinuyom ko ang kamao ko bago ko pa magawang itaas ang middle finger ko sa kanya. Kahit malayo na ang kotse ay rinig ko parin ang nakakainsultong tawanan nila. Napabuga na lang ako ng hangin at nagpatuloy sa paglalakad. Kung bakit naman kasi sobrang layo ng unang building sa gate ng Eislerville Academy, struggle tuloy iyon sa mga estudyanteng tulad ko na walang ibang magawa kundi ang maglakad. Eight minutes nang makarating ako sa unang building. Mabilis na 'yon ah? Well, that building are for those who were studying Arts and Design and also for Engineering students. Yeah, nasa iisang building lang sila. May division lang para sa dalawang courses na iyon. Sa right side naman ay building ng Business course kung saan ako pumapasok. Walang nakahalo na ibang course sa building na 'yon kasi marami ang nag-e-enrol na mga estudyante na may kinalaman sa pagnenegosyo. Aside from Business department, Education deparment has their own building too. The rest department ay nasa iisang building na lang. But don't think low about Eislerville Academy, their buildings were so wide and spacious. At dahil nandito na ako unang building, inayos ko ang sarili ko. Kailangan kong magmukhang fresh kahit na-hagard agad ako sa paglalakad sa napakalawak na field ng Eislerville Academy. Mula sa kinatatayuan ko ay sinilip ko sa loob ng first building si Lance. Kahit na sobrang imposible na makita ko siya kasi bukod sa nakasarado ang malaking transparent na pintuan ng building na iyon ay maraming estudyante na naroon sa loob, sa may ground floor. Siguro nasa loob na si Lance kasi wala na 'yong mga fans niya dito sa labas. Usually kasi pag dumadating 'yon at ang mga kaibigan 'non ay napupuno ng mga estudyante ang malawak na hallway na ito. "Looks like you missed something." Napalingon ako sa likuran ko. It's Saddie leader ng big mouth squad, I mean leader ng mga fans nina Lance. Mula sa likuran niya ay lumabas sina Marigold and that gay named R.J Napairap ako at nilagay sa tenga ang earphone ko. Tinalikuran ko sila but before I made my move ay marahas na hinawakan ni Saddie ang balikat ko. "Kinakausap kita, huwag mo akong tatalikuran," she said at walang babalang sinampal ako. Napatingin ako sa gilid dahil sa lakas ng sampal ni Saddie. Nakita kong nabigla sina Marigold at R.J pero kaagad ding ngumisi. I greeted my teeth and stood straight. I looked at her as if nothing was happen. "What do you want?" I asked as I raised my eyebrow up. "I want you to get out of my sight. Our sight!" she shouted. "Aalis na nga sana 'di ba? Kung hindi mo lang ako pinigilan malamang hindi n'yo na ako nakikita sa harapan n'yo ngayon," sarcastic na wika ko. "Watch your word, Rachel. Ni minsan ay wala pang bumabara kay Saddie," babala ni Marigold. Ngumisi ako. "That's great! ngayon meron ng bumara sa kanya. Can I go and make a feast for that?" Yeah, mahilig talaga ako mambara. Kaya lalo nila akong pinagiinitan. "Are you getting into my nerve?" Napapikit ako nang akmang itinaas ni Saddie ang kamay niya para paliparin ulit sa pisngi ko. "Guys." Napatigil ako at unti-unting iminulat ang mga mata. Napatingin ako nang deretso. Sabay-sabay naman na lumingon ang tatlo sa likuran nila. Naglakad palapit sa amin ang isang lalaking naka-uniform ng pang-Engineering. His hands were in his pockets and he's wearing this greek god smile na nagpalambot sa tuhod naming mga babae. Wait, I know him. Siya 'yong lalaking nakasabayan namin sa jeep ni Desiree kahapon. "Go to your room, ilang minuto na lang at magta-time na," aniya. He's not wearing eyeglasses right now, so kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata niya. Lumambot ang expression ni Saddie, maging si Marigold at R.J ay napatulala sa mukha sa harap niya. "We're not done here, baby Dylan. We're just going to finish our business," Saddie said at muling binalik ang mga mata sa akin. Naging matigas ulit ang expression niya. Muli na naman sana akong mapapapikit nang akmang sasampalin ako ni Saddie, pero nagulat ako nang lumapit sa akin si Dylan at inakbayan ako. "Well, let me finish it. May atraso din sa akin ang babaeng 'to." He winked at them at naglakad paalis habang kaakbay ako. Tulala at nakanganga na iniwan namin ang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD