Chapter 4

2349 Words
RACHEL Tinitigan ko ang kamay ni Dylan na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Sumagi sa isip ko na ang perfect naman ng pagkakahawak ng dalawang kamay na iyon. Pero kaagad akong umiling. Ano ba 'tong naiisip ko. Tss. Bago kami makapasok sa cafeteria ay binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Dylan. "Teka lang, kailangan kong i-message kaibigan ko para alam niya kung nasaan ako." Tumango siya. "Sure thing," he said as he smiled. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa paningin ko ang mukha ni Dylan. Iyon 'yong sideview niya sa jeep. Bahagya akong napasinghap. Oo nga pala, dahil nahibang ako na titigan ang gwapong picture niya kagabi ay ginawa ko pala iyon na wallpaper. Napatingin ako kay Dylan nang tabihan niya ako at usyosohin ng tingin ang hawak kong cellphone. Kinabahan ako at mabilis na tinalikuran ko siya. "Hey, I saw that!" he grinned. Luh?! "A-Ano namang pinagsasasabi mo?" Nagsimulang mamula ang mukha ko. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko. "Ano ba 'yon? Bakit tinatago mo sa 'kin ang cp mo?" usyosong tanong niya. Kala ko ba nakita niya na? "Wala kang pake, cellphone ko naman 'to eh," kunwa'y pagtataray ko sa kanya. Pero nagulat ako nang mabilis niyang tinabig paitaas ang cellphone ko. "D-Dylan!" sigaw ko. Babasagin niya ba cp ko?! Nasundan ko ng tingin ang cellphone ko na umikot ikot sa ere. Parang naging slowmotion ang galaw ang cellphone ko sa ere kasunod nang pagsambot niya doon. Napasinghap ako nang malakas nang tumalikod si Dylan. At bago ko pa mapigilan siya ay nakita niya na ang tinatago ko. Eh pagbukas palang ng screen, nandoon na 'yong picture niya eh. Napatigil na lang ako at mariin na nakagat ang ibabang labi. Nahiling ko na sana bumuka ang lupa at lamunin na lang ako nang mga oras na iyon. Shet, nakakahiya! "Oy!" Lalo kong nakagat ang mga labi ko. Parang ayokong marinig ang mga sasabihin niya. Gusto kong takpan ang tenga ko. Hindi ko kasi alam kung magagalit siya dahil kinuhanan ko siya ng larawan nang hindi niya alam or pagtatawanan niya ako sa ginawa ko. Ang malala baka isipin ng lalaki na ito na crush ko siya. Tss, na-mesmerized lang naman ako picture niya kaya ginawa kong wallpaper. Hinarap ako ni Dylan. "Ang gwapo naman ng lalaking 'to," nakangising puna niya sa sarili niyang picture. Tuliro na inagaw ko ang cellphone ko sa kamay niya. Pero mabilis niyang iniwas ang kamay niya at tinaas iyon. "Ano ba! Akin na ang cellphone ko." pagtataray ko sa kanya. Pinilit kong abutin ang cellphone ko pero waepek, pandak ako eh, tss... Tiningnan niya ako nang deretso. Parang may dinudugtong s'yang sitwasyon sa isipan niya. And end up laughing like he already got the idea that came in his mind. "I get it," he smirked. Tensyonadong tiningnan ko siya nang deretso. "That's why nahulog 'yong cellphone mo sa gitna ng lap ko dahil ginagamit mo iyon sa pagpicture sa akin and dahil ayaw mong makita ko ang ginawa mong pagpipicture mo sa akin. Eh pinilit mong kuhanin iyon. Never minding the sleeping dragon in the middle of it." Lalo akong pinamulahan sa sinabi niya. "Oo na, iyon na iyon. Sorry na ok? Kung anuman ang nagawa ko sa 'yo. K-Kung nahawakan k-ko man 'yan, sorry." Grabe! Ang init na talaga ng mukha ko. He widen his smile kapagkuwa'y tinitigan ako sa mata sa mata. "Well, I am not accepting any appologize." "Ano ba ang gusto mo, ha?!" prankang tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at may binulong sa tenga ko. "Spend your night with me." Napasinghap ako. "Baliw ka ba?! Ano ako, basta-basta ko na lang ibibigay ang virginity ko sa tulad mo?" Kumibit-balikat siya at ngumiti. "'Yon na nga eh, you're still a virgin at hindi ako pumapatol sa mga virgin. So pagiisipan ko muna kung ano ang gagawin sa 'yo. Sa ngayon, kumain na muna tayo. Gutom na ako eh." "By the way, how old are you?" dugtong tanong niya nang hindi ako nagsalita. "Mag tu-twenty, bakit?" nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Umangat ang sulok ng labi niya. "Nice," Hinagod niya ako ng tingin na sadyang nagpakunot ng noo ko. Nauna na siyang pumasok sa cafeteria. Nang talikuran niya ako ay sunod-sunod na nagpakawala ako ng malalalim na hininga. My god! Kung hindi pala ako virgin eh yari na ako sa lalaking 'to. Anong akala niya sa virginity ko pang one night stand lang? Tss, for his information ibibigay ko lang iyon sa taong mahal na mahal at ayaw kong mawala. Narinig kong tumunog ang cp ko. Si Desiree ang nag text. Mauna na daw ako kumain kasi hindi pa pala out ang kuya niya. Hihintayin niya muna at baka sabay na rin sila mag-lunch. So no choice kundi ang pakisamahan at librehin ang lalaking 'to dahil sa daw sa ATRASO na ko sa kanya. Tss... Dala ko na ang isang tray ng mga in-order kong pagkain namin ni Dylan nang kumunot ang noo ko. Sinusundan kasi ako ng tingin ng m******s na lalaking 'to habang nakangisi. Tss, palibhasa ang lakas ng dating ng mga ngiti niya kaya palagi niya iyon ginagawa. "Oh? Ba't ka nakangiti d'yan?" tanong ko sa kanya nang mailapag ko ang tray sa lamesa kung saan siya nakapwesto. May iilan na babae na tila naiinggit na nakatunghay sa amin. Hindi ko na lang sila pinansin at isa-isang nilapag sa lamesa ang mga pagkain na nasa tray. Tinulungan ako ni Dylan. "Wala. Akala ko kasi si Lance lang ang crush mo. Pati pala ako." "Ang yabang ah? Hindi kita crush 'no!" "Hindi? Eh, ba't may picture ako sa cp mo at take note naka-wallpaper pa." He rubbed his chin. "Ganoon ba talaga ako kapogi?" Kaagad naman akong umiwas ng tingin. Baka matunaw ko lang siya sa ginagawa niya. Napangiwi ako. "Asa ka. Napagtripan ko lang na i-wallpaper ang picture mo 'no! Walang ibig sabihin 'yon." "Ouch!" He reacted at kunwa'y hinawakan ang puso na nasaktan. "Grabe ka naman sa akin. Pinagtiti-tripan mo lang pala ako," he pouted. Umupo ako at tiningnan siya nang deretso. "Walang malisya doon. Huwag mong bigyan ng malisya ang ginawa ko." Akala ko ay lalo lang siyang magmamaktol. But he chose to grin at kinuha ang kutsara't tinidor para magsimulang kumain. "You know what? You always amaze me. I like that." Napatingin ako sa kanya. Tatanungin ko pa sana siya kaso busy na siya sa pagsentensya ng pagkain. Tss, kumakain ba 'to sa kanila? Ba't parang gutom na gutom 'to? **** "What? Nakita ni Dylan ang picture niya sa cp mo?" Tumango ako at humalumbaba sa arm chair. Hapon na at ilang oras na lang ay uwian na. Wala pang masyadong maayos na lecture since first day of school palang. Kinalikot ko ang cp ko para ibahin ang wallpaper. "Nakakahiya... feeling ko tuloy iniisip 'non na crush ko siya kahit sinabi ko ng hindi." Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung ilang beses ko 'yon ginagawa. "Eh hindi nga ba?" patutsadang tanong ni Desiree sa akin. Nilingon ko siya. Nanunuya ang mga ngiti niya. "Huwag mo nga akong ngingitian ng ganyan. Hindi naman talaga. Alam mo naman kung sino ang crush ko 'di ba?" "Oo, alam ko. Pero... bakit mo naman kasi siya wi-n-allpaper? Kung hindi mo naman pala siya type." "Ewan ko ba. Basta ko na lang pinindot 'yon." "Sus, bakla. Hindi uso ang lihiman sa atin." She grinned and then chuckled a little bit. "Hindi nga, o eto nga pinalitan ko na wallpaper ko. Nakita mo 'yan. Aurora Borealis 'yan, dream destination ko." Pinakita ko sa kanya ang cp ko at ang wallpaper niyon. Humagikhik si Desiree at kumibit-balikat. "Sinabi mo eh." Napangiwi na lang ako at napabuntong hininga na lamang. "Siyanga pala. Ba't ang tagal mo kanina?" "Eh ayon, as usual. Dating gawi. Nagdedeny kina Mama at Papa sa cellphone tungkol sa pagshi-shift ni Kuya Zael ng course niya." Napasinghap ako. "Alam na nina Tita ang pashift ni Kuya Zael?" "No, pero naghihinala na sila kaya ako na naman pinain ni Kuya sa reason out. Alam mo naman, hindi alam nina Mama at Papa na nag-aaral si Kuya Zael ng Civil Engineering kaysa magtake ng Business course." "Oo nga pala. Hindi pala gusto nina Mama at Papa mo na iyon ang kinuha ni Kuya Zael," I said. Tumango si Desiree. "Yeah, because you know naman. Malaki na Restaurant pinundar nina Mama at may mga branches na 'yon. Gusto sana nila na si Kuya ang mag-manage ng ibang branch tapos kung kailangan pa ng kaalaman sa pagluluto ay pwede naman kumuha ng 2 year course sa HRM." "Eh ba't ba kasi ayaw ni Kuya Zael?" "Ewan ko ba sa kapatid kong 'yon. Kilala mo naman siya 'di ba? Sakit na sa ulo nina Mama at Papa noon pa man." Tumango ako. "Sabagay... kapag kasi hindi mo din talaga gusto ang course na kinuha mo parang wala din saysay ang pag-aaral mo. Siguro may dahilan din naman ang kapatid mo kaya ginawa niya iyon." "Oo nga eh," pagsang-ayon na lamang ni Desiree. *** DYLAN Bumukas ang malaking gate ng bahay namin at pinaandar ko ulit ang Mercedez Benz ko para pumasok sa garahe ng bahay. Naghihintay na sa labas si Yaya Lorna para kunin ang gamit ko. Nang lumabas ako ay isang malawak na ngiti ang binigay niya. Kinuha niya agad ang bag ko. "Magandang gabi alaga ko. Kumusta ang first day of school mo?" Ngumiti ako pabalik. "Ayos lang naman po yaya." "Nagluto na pala ako ng paborito mong hapunan. Mga anong oras ko ba ihahain?" "Ahm..." I checked my wrist watch. "Magpapahinga muna ako for one and half hour tapos bababa na lang po ako." "Oh, sige, walang problema." Tumango ako at dumeretso naman ako sa hagdan. Patakbo kong tinahak iyon papunta sa kwarto ko. "By the way, dumating na po ba sina Mommy at Daddy?" Tumingala si Yaya Lorna para tingnan ako sa dulo ng hagdan. "Hindi pa eh. Tumawag pala sila kanina. Sinabi na next week pa sila dadating." Ngumiti ako at tumango. My parents are in Singapore. Doing some business negotiations. "Sige po, salamat." Napatuloy ako sa paglalakad. Binuksan ko ang kwarto ko at agad na niluwagan ang necktie ng uniform ko at pabagsak na nahiga sa kama. Bahagya pa akong napatulala sa kisame ng ilang minuto bago kinuha ang cellphone ko. I took a deep calming breath. Binuksan ko ang messages ko pero as usual... wala akong na-recieved ni isang message mula sa kanya. The last time I message her was three days ago. That's one of the hundred of message that I sent to her but I got no response. Kahit isa ay wala akong na-recieve mula sa kanya. Ang huling message niya ay 6 months ago pa. And sweet pa ng huling message niyang message sa akin kasi 8th monthsary namin 'non. And that night will be our date. And after that romantic date... biglang hindi na siya na nagparamdam. Pinindot ko ang message box to type some messages but I stopped. Bahagya akong naisip. Tama pa ba itong ginagawa ko? Ano pa ba ang silbi ng message ko kung hindi niya naman binabasa or worst baka nagpalit na siya ng sim card. Humugot ako nang malalim na hininga. At pinuntahan ang file safe ng cp ko. I typed my password there but before I type 'ok' button ay ibinalik ko sa home screen ang cp ko. I groaned. Hindi pa rin ba ako nakaka-move on sa babaeng 'yon? Malakas ako pagdating sa ibang babae pero bakit sa kanya parang ang hina ako? Bakit hanggang ngayon durog parin ang puso ko? Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nililibang ang sarili sa pamamagitan ng pag-scrolled sa sss. Hay! Buhay nga naman ng gh-in-osting, pa-scrolled-scrolled lang sa f******k. Tumigil ang pag-scrolled ko nang makita ang post na nasa homepage ko. A wallpaper of Aurora Borealis at ginawa niyang cover photo. Wala sa loob na tiningnan ko ang pangalan ng nagpost. Rachel Kate Ortega "Hey, I know this girl," wala sa loob na sambit ko at tiningnan ang profile pic niya. Nakaupo siya sa bench at kunwari ay stolen na nagbabasa siya ng libro. "Friend ko pala ang babaeng 'to," I said to myself and I grinned. I let myself stalked her f******k timeline. Mahilig siya magshared post ng mga talkshit post. Isa-isa kong binasa ang mga shared post niya hanggang sa namalayan ko ang sarili ko na tumatawa sa mga shared post niya. Hanggang sa tumigil ang tingin ko at nag-freeze ang ngiti ko sa picture niya, na kasama ang isang babae. Happy graduation couz. That's the caption. Tinitigan ko ang mukha ng pinsan niya. Hanggang sa napapikit na lamang ako. I immediately scrolled down. Tumigil ulit ang mga mata ko sa post niya na. 'Hanggang tingin na lang ba talaga ang kaya kong gawin sa 'yo?' Napangiwi ako. Alam kong hindi lang 'yon basta-basta hugot niya. Alam kong pinapatamaan niya ang kaibigan kong si Lance. Nagpatuloy ako sa pagbasa ng post niya hanggang sa isang message ang natanggap ko mula sa messenger. It's my friend, Nijell. -Hey, bro. Ano ambag mo sa 20th birthday ni Lance? Haha! He dropped some epic emoticons. Nagkaroon ng tunog ang ngiti ko. -Hindi uso ambag, ulol. Yakang yaka na 'yan ni Lance. -Eh, chicks wala ka bang daldalhin? haha! Natawa ako. -Gago! 'wag mo akong itulad sa 'yo. -Tsk. Mahina ka talagang nilalang pre. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga hindi nawala sa bibig ni Nijell ang babae. Palibhasa kahit sino kinakama niya. Ako tamang flirt lang. Yeah, kapag nakikita kong aggresive ang babae syempre pinagbibigyan ko. Grasya na 'yon eh. Pero never akong pumatol sa virgin. That's why I always asked those who are flirting me if they're a virgin or not. Hindi tulad ni Nijell, virgin or not papatusin niya. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD