Chapter 5

2199 Words
RACHEL "Ang bilis matapos ang first week natin. Weekend na agad bukas. Hay salamat, makakapag basa na ulit ako ng maayos ng libro," masayang sabi ni Desiree. Inayos niya ang pagkakasukbit Louis Vitton niyang bodybag sa balikat. "Baka magtanda kang dalaga niyan, Des?" I said and then chuckled. "Tss, Ilang beses ko na bang sasabihin sa 'yo na marami na akong asawa. So hindi ako magtatandang dalaga." Inakbayan ko siya. "Des, alam mo minsan pag may time ka, magpatingin ka din sa doctor. Nabubuang ka na kasi sa mga fictional characters na 'yan." "Bakla, hindi ako nabubuang 'no! At saka sa ating dalawa feeling ko ikaw ang magtatandang dalaga." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Oy, hindi 'yan totoo. Kumatok ka nga sa kahoy!" Binehlatan niya ako. "Sorry ka na lang walang kahoy dito." "Nakakaasar ka talaga, Desiree!" Tumawa naman ng malakas ang bruha. Napasabay na lang ako sa pagtawa niya. Ilang sandali ay napatigil ako nang biglang may umakbay sa akin. "Hey," Pareho kami na napatingin sa nagsalita. Kumunot ang noo ko. "Dylan?" "Yep, the one and only," kinindatan niya ako. Narinig kong impit na kinilig si Desiree Parang naputulan ako ng dila sa ginawa niya. He bend his head and looked at Desiree. "Hey, gorg. Would you mind if I borrow your bestfriend?" "Sure, sure," mabilis na sagot ni Desiree. "Kahit nga iuwi mo na 'yan sainyo eh." "Desiree! Pinamimigay mo na ako?" I pouted. "Gusto na kitang mag-asawa kaya papamigay na kita," pagtatama ni Desiree at saka tumawa. "And, Dylan, kahit pinapamigay ko na 'yan sa 'yo huwag na huwag mong iuuwi ang bestfriend ko sa akin ng umiiyak ah?" Namumula na ako sa hiya dahil sa pinagsasasabi ni Desiree. "Sure thing!" Ilang sandali ay nauna na si Desiree sa parking lot. Nang kami na lang sa hallway ay inalis ko ang kamay ni Dylan sa pagkakaakbay sa balikat ko. "Oh? Bakit na naman?" "Naman? Grabe ka, parang araw-araw kitang binubwisit ah? Ilang araw nga tayong hindi nagkita eh kasi may group activity kaming ginawa. Dapat nga mamiss mo ako d'yan," may himig na pagtatampo na sabi ni Dylan. "Sino ka naman ba para mamiss ko?" Umirap ako pero deep inside tinatago ko talaga 'yong kilig. "Kunwari ka pa. Halata naman na kinikilig ka eh." He poked me. Nagkaroon ng sound ang ngiti ko dahil sa pagkiliti niya sa bewang ko. "Tigilan mo nga 'yan," saway ko sa kanya. Tumigil naman siya at naglakad ng deretso. "Ano naman bang paguusapan natin?" curious na tanong ko sa kanya. "Well, bilang parte ng atraso mo, sasamahan mo ako sa isang birthday party." "Atraso?" exaggerated kong tanong. "Akala ko ba nagawa ko na ang atraso mo? Nailibre na kita remember? Kahit mayaman ka na. Nagpalibre ka parin tapos ngayon magpapasama ka sa birthday party, sumusobra ka na ah? Hindi na ata tama 'yon!" "Bakit?" naningkit si Dylan tinitigan ako. "Tama bang dakmain ang alaga ko sa pampublikong sakayan? Tatanggapin ko pa sana kung tayo lang ang nakakita 'non. Eh kaso marami tayong kasama!" Namula ako at umiwas ng tingin. "S-Sigurado ka ba na may nakakakita ng ginawa ko bukod sa 'yo? At saka, hindi pa ba 'yan nahihimasmasan ha?" kapagkuwa'y derektang tanong ko. Hindi ko alam kung tama pa ba pinagsasasabi ko. Minsan talaga hindi ko din alam kung ano ang mga salitang lumalabas sa bibig ko lalo na kapag naiinis ako. "Sa totoo lang, hindi. Pwera na lang kung... pagbibigyan mo siya sa gusto niya," he smirked. Parang gusto kong takpan ang tenga ko sa sinasabi niya. Hindi niya ba alam na virgin pa ang sinasabihan niya? "Ayos ka lang ba?" Hindi ko na naitago ang pagkairita ko kay Dylan. "Yep, that's why... kung ayaw mong sumama sa akin sa birthday party. Then come to me in my condo unit. Mamili ka," parang naguutos na wika ni Dylan. Tiningnan ko ng deretso si Dylan. "Anong akala mo sa 'kin? Kaladkarin? Never akong sasama sa unit mo 'no!" "Yeah I know that you're different than any other girls. That's why I made a choice for you." Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko. "Ok sige, sasama na ako." "Sa unit ko?" "Sa birthday party! Sapakin na kita d'yan, Dylan!" Tumawa nang malakas si Dylan. Napangiti ako at nagkaroon ng sound ang ngiti ko dahil sa nakakadalang tawa niya. "'Yan ang gusto ko sa 'yo eh. Madali ka kausap." Tumaas-baba ang kilay niya. Tss, parang gusto kong bunutin lahat ng buhok sa kilay niya. Masyado kasi siyang gumgwapo sa ginagawa niya. Nakarating kami sa parking lot. "Sabay ka na sa akin. Hatid na kita sainyo." Tumango na lamang ako, kapagkuwa'y pumasok na sa kotse ni Dylan. Hindi na ako nagreklamo pa sa pagmamagandang loob niya sa akin na sumabay sa kotse niya. Pambawi na rin 'yon sa paglibre ko sa kanya noon isang araw. Halos maubos baon ko 'non eh. Nagtitipid pa naman ako. "Siyanga pala, may kotse ka pala, bakit nakasakay ka lang ng jeep noong una tayong nagkita?" usyoso ko sa kanya. "Pina-carwash ko kasi 'to. Tapos naiwan ko pala wallet ko sa bahay. Kaya no choice kundi umuwi. Nandoon din kasi lahat ng credit cards ko kaya kailangan ko talagang umuwi," paliwanag ni Dylan. "Eh, di sana nag-utos ka na lang ng tao sa bahay mo para dalhin sa 'yo ang wallet mo." "Hindi ko naman kasi ugali na lagi na lang naguutos porket may katulong kami sa bahay. Kapag kaya kong gawin mag-isa ginagawa ko na. Imagine-in mo na lang din kasi na pagod na din sila sa gawaing bahay tapos uutusan mo pa na lumabas." Napatango ako. "Hmm, sabagay." "Plus point 'no?" Isang mapang-asar na tingin ang ginawa niya sa akin. "Oo, plus point kung ina-admire kita. Kaso hindi eh," prankang sagot ko. "Aray naman." Natawa na lang ako sa inakto niya, ganoon din ang ginawa niya. Hindi ko alam pero parang ang mutual namin pagdating sa pagtawa. Kapag tumatawa siya, natatawa din ako. And he did the same when I am the first one to laugh. Kinaumagahan, ala una ng hapon nang may marinig akong doorbell mula sa labas ng gate ng bahay namin. Bahagya akong napakunot ng noo kasi wala naman nasabi si Desiree na bibisita siya sa bahay. Though, halos kapitbahay lang namin siya. Hindi niya ugaling mag-doorbell. Sisigaw 'yon ng 'open sesamei! tapos pagbubuksan na agad siya ni Manang Tonya kapag narinig ang boses niya. Pero kapag hindi magtotoktok 'yan ng malakas sa gate na kulang na lang eh sirain iyon, na akala mo ba eh, may inambag sa pagpagawa ng gate namin. Ewan ko ba, tamad lang ata si Desiree na pumindot pero sa pagkalampag sa gate ang sipag niya. I only wore loose white T-shirt and cycling shorts. Naka messy bun lang ang buhok ko. May natira pang ilang strand sa may batok ko since abot hanggang balikat lang ang haba niyon. Bahagyang tumabing na rin ang ilang strands sa mukha since ilang oras na rin akong naglilinis ng kwarto ko. Iyon lang ang paglabas ko sa kwarto ko para kumain ng lunch at magpahinga. Day off ni Manang Tonya ngayon kaya wala akong choice kundi ang pagbuksan ang sinumang nagdo-doorbell. Binuksan ko ang gate. Hindi ko na sinilip pa sa butas-butas kung sinuman ang tao sa labas. Saka lang ako napasinghap nang makita ang lalaking nakatayo sa labas ng gate namin. "Dylan?" "Yep, may I come in?" Hindi niya na hinintay pa ang sasabihin ko kasi pumasok na agad siya. Nang makita ko ang itsura niya na nakapang-lakad ay na-conscious ako bigla sa itsura ko. Kaagad kong niyakap ang sarili ko. Wala kasi akong bra. Hindi ako sanay na mag-bra kapag nasa bahay lang naman. Naamoy ko na naman ang pabango ni Dylan na bahagyang nagpainit sa mukha ko. Shet! Ang fresh naman ng lalaking 'to samantalang ako ni wala pang balak maligo. "B-Bakit ka nandito?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Matapos tingnan ni Dylan ang bahay ko ay nilingon niya ako at hinagod ng tingin. Kumunot ang noo niya. "What are you doing?" puna niya sa ginagawa kong pagyakap sa sarili ko. "Wait, may tinatakpan ka ba d'yan?" kapagkuwa'y dugtong niya habang nakatingin sa braso ko na nakatakip sa dibdib ko. Galit na tiningnan ko siya. "Wala kang pake!" Tumawa si Dylan. "Just kidding, may regla ka ba ngayon? Bilis mo magalit eh." Inirapan ko siya kapagkuwa'y tiningnan nang deretso. "Ano bang ginagawa mo dito? Bigla-bigla ka na lang nagpakita. Ni wala ka man lang pasabi." Nakita niya tuloy 'yong dugyot kong pagmumukha, tsss. Nagulat ako nang pitikin niya ako sa noo. "Aray!" reklamo ko. "Alam ko magtu-twenty ka na. Pero hindi normal sa edad na iyon ang maging ulyanin." "Eh ba't kailangan mo akong pitikin sa noo?" inis na tanong ko. "Nakalimutan mo na ba? We are going to attend to a birthday party. So take a bath now. I'll wait you." Napasinghap ako. Oo nga pala. Nawala sa isip ko. Hindi na ako nagsalita nang pwerteng maupo si Dylan sa sofa namin. "Wait, where's your Mom and Dad?" tanong niya kasabay paglinga-linga sa paligid. "Natatrabaho si Mama, supervisor siya sa isang banko. Si Papa naman, matagal na siyang patay." "Oh, I'm sorry." hinging paumanhin ni Dylan. Tumango lang ako. Sa paglinga-linga niya ay nahagip ng paningin niya ang remote at binuksan ang TV na para bang siya ang may-ari niyon. "Oh? Alam kong gwapo ako kaya huwag mo na akong titigan ng ganyan." Napangiwi ako. "Buti na lang talaga gwapo ka." Natawa siya sa sinabi ko. Tumalikod na lamang ako bago pa ako madala sa pagtawa niya. Nakangiti ako habang tinatahak ko ang hagdan papunta sa kwarto ko. Napagtanto ko lang iyon nang makapasok na ako sa kwarto ko. Teka, ba't ako nakangiti? Baliw na ba ako? Napailing na lang ako at hinanda ang sarili para maligo. Mahigit isang oras ang lumipas ay bumaba na ako. Suot ko lang ripped jeans at t-shirt croptop. Ganito lang talaga fashion ko, bakit ba? Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko sa sofa ang nakahiga na si Dylan Araneta. Kumunot ang noo ko. Natutulog ba ang lalaking 'to? Dahan-dahan akong lumapit sa sofa kung saan nakahiga si Dylan. Malalim ang bawat pahinga niya. Halatang tulog nga siya. Wala sa loob na pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Haist, kung sinuswerte ka nga naman talaga sa araw na 'yon. Malaya akong nakatitig sa gwapong mukha ni Dylan na walang nagi-interrupt sa akin. Bumaba ako para mas matitigan ko siya ng malapitan. Naipatong ko ang siko ko sa tuhod ko at ang itinukod ko ang baba ko sa kamay ko habang nagsisimulang magdaydream nang nakatitig sa mukha ni Dylan. "Ang laway mo tumutulo na." "Ay, palaka ka!" Mabilis ako napatayo at tumalikod sa kanya. Tae, kanina pa ba siya gising? Namula ako sa sobrang hiya. Natawa si Dylan. Naramdaman kong bumangon siya. "Masyado mo naman pinapahalata sa akin na crush mo ako." Hinarap ko siya. "Excuse me, hindi kita crush 'no!" pairap na wika ko. "Weh? Bakit ganoon ka kung makatitig sa akin?" Napaisip ako. Pinilit kong gawing natural ang kilos kahit ang totoo ay nati-tense ako dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. "Natural, may mata ako!" pairap na sagot ko. Natawa na lamang si Dylan at tumayo na. Kinuha ko ang sling bag ko at sabay na kaming lumabas ni Dylan. Ni-lock ko ang pinto at gate. Nasabi ko na kay mama kagabi ang magiging lakad ko kaya alam niyang wala siyang taong madadatnan sa bahay. Hindi naman masyadong mahigpit si Mama sa akin pagdating sa paggala ko. Nasa legal age naman daw ako para i-enjoy ang mga bagay-bagay basta daw hindi ko pinapabayaan pag-aaral ko hindi siya magngingialam sa mga lakad ko. Pero syempre, kahit ganoon siya kaluwag sa akin, bilang pagrespeto ko sa kanya ay nagpapaalam parin ako tuwing may lakad ako at sinasabi ko parin sa kanya kung anong oras ako makakauwi. At kapag sinabi ko kung anong oras, sinusunod ko talaga iyon. Hindi na dapat lumampas pa doon kasi baka sa susunod hindi na ako payagan ni Mama kasi inuuto ko lang siya. "Dadaan pala tayo sa Mall. Bibili pa tayo ng gagamitin mong damit," Dylan said as he started the engine of his Mercedez Benz. Kumunot ang noo ko, "Bibili? Bakit naman?" "Sosyal ang pupuntahan natin. Hindi pwede doon ang ripped jeans at semi croptop na lagi mong sinusuot." Tumaas ang kilay ko. "Lagi? oy, ini-stalk mo ako 'no?" "Eh paano kung sabihin kong oo?" Tila naghahamon na tanong ni Dylan. Namula ako. Hindi ba marunong magsinungaling si Dylan? Or kahit maghinay-hinay man lang siya sa mga nilalabas na salita ng bibig niya. Parang mahihimatay kasi ako kapag sumasagot siya ng ganoon eh. "Siyanga pala, kaninong birthday ba ang pupuntahan natin?" tanong ko makalipas ang ilang minuto. Nilingon ako niya ako at kumunot ang noo. "Hindi mo alam?" Ako naman ang kumunot ang noo. "Aba malay ko? Tinatanong nga kita kasi hindi ko alam 'di ba? tapos tatanungin mo din ako?" "Well, then it's a secret." He winked. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD