CHAPTER 16-SLEEP

1466 Words
*ASHLEY* “You can hide everything from them but you... can't hide it from me, Ash.” seryosong panghuhuli sa akin ni Che. Napayuko ako at kabadong pinisil-pisil ang aking mga daliri dahil sa katakutan na masumbatan na naman ako ni Che. She is my best friend. My crying shoulders at karamay ko sa lahat ng mga paghihirap na dinadanas ko noon---hanggang ngayon. Biglang nanubig ang aking mata at basta nalang ako napasinok dahil sa tinatago kong paghikbi. “Shucks, Ashley!” natatarantang lapit sa akin ni Che bago hinagip ang aking mga kamay na unti-unti na palang nanlalamig dahil sa kaba. Mas lalong umagos ang aking mga luha dahil ramdam na ramdam ko ngayon kung gaano ako kinukwestiyun ng aking sarili dahil sa isang desisyon ko na namang ginawa. “Sorry, Che...S-Sorry...” garalgal kong sabi kay Che bago madiin siyang niyakap. Tinapik-tapik niya ang aking likuran para pakalmahin ako pero mas lalo lang akong naging emosyonal dahil sa tagal namin bago nagkita kung kaya't ngayon ko lang din nailabas lahat ng mga sama ng loob ko. “Teka lang, Ash...Kumalma ka nga muna.” yakap niya parin ako pero nababakas ko sa boses niya ang katarantahan kaya ikinalma ko ang aking sarili. Napapasinok parin ako habang pinapahidan ang aking pisngi na nabasa dahil sa luha. “Don't tell me, nag pauto kana naman kay Ryuku.” tanong niyang sapul na sapul sa katotohanan. Pinipigilan kong hindi mapaiyak pero huli na ng maramdaman kong tumulo na naman ang luha ko. Napamura ng mahina si Che dahil sa nakita niyang reaksyon ko. “What did you do, Ash?” gigil niyang tanong sa akin at parang pinipigilan lang na hindi mayamot sa akin. Sasabihin ko naman talaga ang totoo kaya humugot muna ako ng maraming hangin bago nagsalita. “P-Pumayag ako na maging babae niya.” impit kong bulgar na naging dahilan ng pagsampal sa akin ni Che. I deserved her slap kung kaya't hindi ko man lang magawang magalit o masaktan. Parang umiging bigla ang aking tenga dahil sa lakas ng kanyang pagsampal pero wala akong dahilan na mag protesta marahil wagas nalang na tumulo aking mga luha. Hindi siya makapaniwala sa ginawa sa akin kaya napaiyak siyang tinuptup ang kanyang bibig. Tripleng sakit naman ang naramdaman ko ngayon dahil sa ikalawang pagkakataon na dismaya na naman sa akin ang isang tao na nagturo sa'kin kung paano maging matibay. “Sorry...” naiiyak kong sambit pero nag mura lang siya. “Tangina, Ash! Hindi ka ba nadadala? Inanakan ka niya five years ago! Then now you still have the courage to agree for making you his kept woman? Shít! Nasan ang talino mo noon, Ash?” mariing sikmat sa akin ni Che habang hindi makapaniwalang tinititigan ako. Namumula ang kanyang mukha dahil sa galit na namumutawi ngayon sa kanya pero wala siyang paki-alam kahit ramdam niyang nag-iinit narin ang mga mata niya. “Nakasangla ang lupa ko sa kanya kaya pumayag ako sa kondinsyon niya.” paliwanag ko pero mukhang imposible na paniwalaan ako ni Che dahil nababalutan na ng galit ang mga tenga niya. Sinuklay niya paitaas ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. “Kaya sapat na 'yon para pumayag ka?” Tuluan ang mga luha na tumango ako. Nag mura na naman siya ng mahina at wala akong magawa kundi ang kagatin nalang ang aking ibabang labi para pigilan ang namumuong hikbi. “Ganyan na ba kababa ang dignidad mo para tumbasan yo'ng lintek na presyo ng lupa na nakasangla?” hindi ako sumagot bagkus lakas loob ko nalang na sinasalubong ang mga galit niyang pinapataw sa akin. May karapatan siyang magalit dahil halos kalahati ng nakaraan at kasalukuyan ko ay siya palagi ang takbuhan ko kapag may problema ako. Alam niya ang lahat-lahat tungkol sa akin at parang tunay na kapatid na ang turing niya sa akin kaya may karapatan siyang madismaya sa mga katangahan kong ginawa. “S-Saan tayo pupunta, Che?” natatarantang tanong ko sa kanya ng bigla niyang tangayin ang isa kong kamay kaya napatayo din agad ako at may pagtatakang sumunod sa kanya palabas ng coffee shop. “Pupuntahan natin ang walang hiya mong Kuya! Dapat siya ang managot sa lahat ng dinadanas mo ngayon.” galit niyang sabi bago pinagbuksan ako ng pintuan para sumampa sa kanyang kotse. Sumunod din naman agad siya at may sinabi lang siyang address sa driver niya. “Paano mo nalaman na doon nakatira si Kuya?” hindi siya tumitingin sa akin at tuwid lang na nakatingin sa harapan habang nakahalukipkip. “Dahil ang Kuya mo rin naman ang nagturo sa akin kung saan siya nakatira.” tugon niya habang hindi parin nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto niya. Pero sa palagay ko may atraso din ang Kuya ko kay Che kaya alam nito kung saan ang lungga ng kapatid kong walang hiya. Simula't sapul naman kasi ay kilala na namin si Che at hindi malabong mangyari na lalapitan talaga siya ni Kuya dahil alam no'n na mapera si Che. Grabe lang talaga ang nagagawa ng druga! Nang makarating sa bahay na tinitirhan ni Kuya bigo kami ng malaman na matagal na daw siyang naka-alis doon. Di umano may mga lalaking kumuha daw sa kanya. Hindi masabi ng mga kapitbahay niya kung mga armadong lalaki ang kumuha dahil lahat daw ng suot ng mga iyon ay halos mga nakaitim lahat at naka-sumbrero lang. Nakakapag-isip tuloy ako na baka isa parin sa mga pinag-uutangan niya! Gabi na ng maihatid ako sa bahay ni Che. Hindi na siya bumaba ng kanyang kotse dahil may pupuntahan pa daw siyang dinner meeting kaya hindi ko narin siya pinilit na kumain muna. Nang makalayo na sila saka ko naman nakita hindi kalayuan sa gate ang kotse ni Ryuku. Kabado tuloy akong napalingon sa loob ng bahay pero sarado naman ang pintuan. Hindi ko alam kung nasa loob siya ng kanyang kotse o nasa loob ng bahay. “Where have you been?” Hindi na ako nagulat ng pag pihit ko ng door knob ay nakabukas iyon at ang mga tanungan niya agad ang bumungad sa akin. Nilapag ko sa lamesita ang tote bag ko bago hinubad ang suot kong cardigan. Halos katapat ko lang din siya at nakaharap ako sa kanya habang hinuhubad ko ang aking suot. Lihim siyang napalunok bago umiwas ng paningin dahilan para irapan ko siya at tugunin ang tanong niya. “Kasama ko si Che maghapon pagkalabas ko ng trabaho. Nag-usap kami. Nadismaya siya at nagalit dahil sa mga katangahan kong ginagawa ngayon.” sunod-sunod kong sagot sa kanya. Nabigla siya sa nga sinabi ko kaya napatingin siya ng sa akin na tanging madilim lamang ang hitsura. Kilala niya si Che at alam niya kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Nakita kong pasimple niyang inikom ang kanyang mga kamay na nakapatong sa arm rest ng sofa. “Baka may tanong kapa.” hamon ko sa kanya ng tuluyan ko nang mahubad ang mini-skirt kong palda. Naka cycling ako kaya malakas ang loob kong maghubad sa harapan niya. Tinitingnan ko lang kung kakagat siya sa pain ko pero nagkamali ako dahil basta siyang tumayo at walang paalam na umakyat sa taas. Takang nasundan ko nalang ang malapad niyang likod habang paakyat sa mga hagdanan. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng bigla siyang nagsalita. “Let's sleep.” tipid niyang sabi bago tuluyan nang humakbang papunta sa taas. Napalunok nalang ako ng wala sa oras dahil sa kakaibang inaasta niya ngayon. Bakas sa boses niya ang pagod at walang gana kaya hindi ko na rin siya nagawang yamutin dahil baka makatanggap lang ako ng mga salitang ayaw kong marinig galing sa kanya. Pagkatapos kong mag half bath pumasok narin ako sa kuwarto ko. Nakita kong nakadapa na siya at pikit narin ang mga mata. Baka nga pagod siya ngayon dahil sa mga tambak niyang trabaho. Buong araw ko siyang hindi nakita kanina sa firm kaya hindi ko rin alam ang nangyari sa maghapon niya. Pagkasampa ko sa kama akala ko gagalaw siya dahil bahagya kong hinila ang kumot na nadaganan niya pero mukhang tulog na nga siya. Tumalikod ako sa kanya bago inabot ang tali ng lampshade para patayin pero natigilan ako at hindi agad nakagalaw ng maramdaman ko siyang gumalaw at basta yumakap mula sa likuran ko. Nagsimulang tumahip ang aking dib-dib ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking balat. Kagat ang ibabang labi ng tuluyan ko ng patayin ang lampshade bago ulit humiga. Walang salita na lumalabas sa kanyang bibig at basta lang siya nakayakap sa akin ng tahimik kaya nakikiramdam lang din ako sa pwedi niyang gawin. "Remember to be home on time next time. I don't like waiting for you." inaantok niyang sabi bago ulit yumakap sa'kin ng sobrang higpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD