CHAPTER 15-PARAUSAN

1605 Words
*ASHLEY* “I can't believed that after five years you're still tight like the first time I owned you.” paos niyang papuri habang walang hanggan na binabaon sa akin ang pagkalalakí niya. Hindi ako nakapagsalita at basta nalang din nakikisabay sa bawat galaw niya kahit sa kaloob-looban ko ay tripleng sakit ang nararamdaman ko. Bawat ulos niya ay siya ding pag daloy ng aking mga luha. Oo, ginusto ko 'to at hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko. May pinag-aralan ako at may sapat na talino para malaman ang tama at mali. Ang oo at hindi at lalong mas alam kong malapit na siyang maitali sa iba pero pumayag parin ako sa kasunduan niya. Alang-alang sa lupa na ipinamana sa'kin kaya nagpapakatanga ako ngayon. Ibinababa ko ang talino ko. Nadungisan ang dignidad ko na noon paman ay madungis na dahil siya rin mismo ang may gawa. At sa ikalawang pagkakataon siya parin ang dumungis sa madumi kong pagkatao. “Huwag mo na akong hintayin. May pupuntahan kami ngayon ni Gwen.” malamig niyang bilin sa'kin habang sinusuot ang kanyang pantalon. Hindi ako kumibo o sumagot sa kanya bagkus mahigpit kong hinila pataas sa aking katawan ang comforter para balutin ang katawan kong hubad. Napa-angat nalang ang magkabila kong balikat ng marinig ko ang malakas na kalabog ng pintuan. Umalis na siya. Umalis ng walang paalam. Alam kong wala akong karapatan na humangad na para bang totoong kasintahan niya para umasa sa mga gano'ng katangian niya dahil kahit ang kaluluwa ko sinisigaw kung ano akong klaseng babae! I'm his kept woman! Parausang babae! Pang kama lang at kahit kailan hanggang doon lang! “Patawarin niyo ako mga Anak. Kailangan gawin 'to ni Ganda dahil para din naman sainyo ang binabawi ko. 'Yon nalang ang tanging maiipamana ko sainyo, Sky at Blue.” garalgal kong saad habang luhaang pinagmamasdan sa salamin ang hubad kong katawan. Hindi ko kayang pa-ampatin ang mga luhang walang sawa na lumalandas sa aking pisngi habang madiin na hinahawakan ang mga namumula-mulang marka na iniwan ni Ryuku sa aking katawan. Hindi ko namalayan na halos isang oras din pala akong nakababad sa bath tub. Kung hindi ko pa narinig ang alarm ng aking cellphone ay hindi pa ako magigising dahil naka-idlip pala ako. Minadali ko ang pagbibihis dahil ilang minuto nalang ay mag a-alas singko na ng umaga. At iniiwasan ko lang na baka mabisto agad ako kung sakali na may makikita kung saan ako lumabas. Mapait akong ngumiti ng makitang wala pa rin sa kama si Ryuku. Hindi na siya bumalik pagkatapos ng nangyari sa amin. “Ang aga mo naman gumising Ash.” kabado akong napalingon sa aking likuran ng marinig ang boses ni Arvin! Napahawak pa ako sa aking dib-dib dahil baka kako ay kanina pa siya nakasunod sa akin at nakita niya kung saang kuwarto ako lumabas! “K-Kanina ka pa nakasunod?” kinakabahan kong tanong sa kanya pero sa halip na sagutin niya ako ay nasundan ko nalang ang paningin niya ng mag tama iyon sa katapat niya mismong pintuan na nakahawak pa ang kamay niya sa door knob. Maluwag akong nakahinga ng maintindihan ang ibig niyang sabihin. “S-Sorry.” tipid kong sabi. Parang naguguluhan parin siya dahil sa inasta ko pero mukhang hindi naman big deal sa kanya dahil halata namang kakalabas niya lang din sa kanyang inuukupang kuwarto. “Pabalik kana ba ng Maynila?” tanong niya ulit sa akin. Nakabihis na kasi ako ng pang-alis at kukunin ko nalang din naman ang bag ko sa kuwarto para maka-alis na. “Ahm..Oo. May tiningnan lang ako sa labas kaya naabutan mo ako dito pero paalis na rin naman ako.” napatango siya at tila kumbinsido pa sa aking sinabi. “Sumabay kana sa'kin. Paalis narin naman ako— “H-Hindi na, Vin. M-May dadaanan pa kasi ako.” dahilan ko pero umiling lang siya. Sakbit na niya ang bag niya at kahit anong oras ay aalis narin siya. “No worries, Ash. Kaya kitang hintayin at samahan kung may dadaanan ka pa dito sa Batangas.” “Pero kasi nakakahiya, Vin—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng basta niya hawakan ang palapulsuhan ko at hilahin ako papunta sa aking kuwarto na isang kuwarto lang ang pagitan sa kanyang tinulugan. “No buts, Ash. Sige na hihintayin kita dito sa labas.” suysuy niya sa akin. Napahinga nalang ako ng malalim bago napagpasyahang pumasok sa silid na inuukupa ko. Sling bag lang naman ang dala kong bag dahil hindi ko naman talaga alam na overnight pala ang pupuntahan naming event. Kung sinabi man lang sana ni Ryuku na Alumni pala namin edi sana hindi nalang ako sumama sa kanya. Hindi rin ako nag enjoy kahit napaka-approachable naman ng iba sa akin. Pakiramdam ko kasi na out of place lang ako do'n sa event dahil kitang-kita naman kung gaano ako liit sa paningin ng iba. Lalo sa paningin ni Gwen. Mga kilalang tao na sila ngayon. Mga asensado na at malalayo na ang narating hindi katulad sa akin na isang sekretarya lamang at lihim pang madungis at higit sa lahat may anak pero walang asawa. “Salamat, sa paghatid, Vin. Naabala kapa tuloy.” Nahihiya kong sabi kay Arvin nang tuluyan niyang buksan ang pintuan kung saan ako bababa. “Small things, Ash. At saka malapit lang dito ang route papunta sa condo ko kaya madali lang din akong makakauwi.” tugon niya na ikinatango ko naman. Sa katunayan medyo naiilang parin ako kay Arvin dahil isa na siyang kagalang-galang na tao kung kaya't hindi ako masyadong nakikipag-kuwentuhan sa kanya. Ewan ko ba pakiramdam ko ang liit-liit ko kumpara sa kanya at sa kanilang mga kaklase ko noon. “Ahm...Ash?” untag niya sa panandalian katahimikan na pagitan namin. Nai-angat ko rin naman agad ang aking paningin at diretso siyang tiningnan. Nagkamot pa siya sa ulo at parang pinipigilan pa siya ng kanyang hisitasyon para hindi agad masabi ang gustong sabihin o itanong. “Bakit, Vin?” diretso kong tanong sa kanya. “I-I just want to know kung...kayo ba ni Salem?” Napatawa ako bigla at mabilis na umiling. “Nako! Hindi, ah. Diba fiancée na niya si Gwen.” depensa ko. Alam kong alam niya ang balita tungkol sa dalawa kaya bakit niya pa naiitanong kung kami ba ni Ryuku. “I-I thought hindi 'yon totoo.” “Totoo 'yon.” nakangiti kong sabi. “Halos mag-iisang taon akong sekretarya ni Ryuku kaya kung nakita mo man kami na malimit magkasama 'yon lang talaga ang dahilan no'n.” paliwanag ko habang mahigpit na hinahawakan ang lace ng aking sling bag. Alam kong duda si Arvin dahil simula palang no'ng first year college kami ay alam na alam niya kung gaano ako kagusto noon ni Ryuku. Kung paano nagpapakahirap noon si Ryuku para mapasagot ako pero lahat ng iyon ay tanging hanggang hangin lang. Ni minsan hindi ko hinangad na gustuhin si Ryuku. Hindi dahil isa siyang bastardo kundi dahil ayaw kong magushagan ng ibang tao. Ang pamilya niya ay kilala bilang isa sa mga pinakamayaman sa Batangas noon at hangang ngayon. Mababait ang mga magulang niya pero dala ng kahirapan at sitwasyon namin sa buhay kaya itinatak ko sa aking sarili na kahit lamang ang porsyento ng pagkagusto ko sa kanya mas pinili kong ilamang ang porsyento ng hindi ko pagkagusto sa kanya dahil sa personal at makasarili kong rason. At ang lahat ng 'yon ay naging malaking dahilan kung bakit gano'n nalang ang galit sa akin si Ryuku. Lalo nang nadagdagan nang minsan na may nangyari sa amin dahil sa katangahan ko! Simula no'n limang taon akong hindi nag pakita at nag paramdaman sa kanya kahit alam kong nagbunga ang ginawa namin noon. Nang hindi ko na matanaw ang kotse ni Arvin saka ko pa naisipan na pumasok sa loob ng bahay. Mabigat kong inihiga sa sofa ang aking katawan habang nakatulala sa kisame at iniisip ang katangahan kong ginawa. Malakas na katok ang nagpabaling sa'kin patungo sa pintuan dahilan para tumahip ng malakas ang aking dib-dib. Hindi ko alam kung sino 'yon pero nagawa ko paring tumayo at pagbuksan kaso dumoble ang kaba ko ng makita si Ryuku! Nag ngangalit ang mga panga niya habang galit na galit siyang nakatayo sa harapan ko. “Bakit kailangan doon ka pa sa bwesit na lalaking 'yon sumabay pabalik dito, ha!?” mariin niyang anas habang mahigpit akong hinahawakan sa palapulsuhan. Ramdam ko ang sakit dahil sa mahigpit niyang paghawak sa kamay ko pero hindi ko iniinda bagkus nilalaban ko siya kaso mas malakas ang puwersa niya! “Kung sinabi mong hintayin kita, edi sana naghintay ako at hindi na sumabay kay Arvin— matapang kong sagot sa kanya pero agad siyang nag mura ng mariin. “Fúck! Don't mention his name!” malakas niyang asik dahilan para tumigil ako sa pagsasalita at hindi narin gumalaw para mag protesta. Para siyang mangangain ng buhay dahil sa klase ng mga tinginan niya sa'kin. Bigla akong kinabahan at unti-unting bumibilis ang paghinga ko dahil sa takot na nararamdaman. Nakita kong napatingin siya sa dib-dib ko at parang binibilang ang bawat pag-angat niyon at naramdaman ko nalang ang pagluwag ng pagkakahwak niya sa kamay ko. “Huwag mo akong subukan Ash, dahil bawat suway mo sa gusto ko dobleng hirap ang mararanasan mo sa akin.” banta niya sa akin bago tuluyan nang lumabas ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang mapa-umupo sa sahig habang tuluan ang luha at pilit na nilalabanan ang sakit ko at ang sakit na nararamdaman ko. Oo, ginusto ko 'to kaya paninindigan ko hanggang sa mabawi ko ang lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD