CHAPTER 17- INVITATION

1244 Words
*ASHLEY* Napansinghap ako at basta nalang bumangon ng magising ako na wala na sa tabi ko Ryuku. Gaya nga ng iniisip ko kagabi bago ako mawalan ng ulirat, isang pampalipas oras lang ako. Isang babae na buntunan ng galit at sama ng loob at higit sa lahat hindi kamahal-mahal. Pagkalabas ko ng banyo ng matapos akong maligo dumiretso narin ako sa baba para magluto ng almusal ko. Mga nakasara pa ang bintana at pintuan at tulad no'ng isang araw naka-kandado din ang gate. May spare key naman ako no'n kaya mabubuksan ko rin. Kakasalang ko lang ng kawali para sana mag prito ng itlog kaso mabilis ko muna na pinatay ang kalan dahil tumatawag si Kai. Sinipat ko pang tingnan ang kalendaryong nakabitin sa ding-ding para alamin na sabado ngayon at tama naman ako. Kaya may pagtataka kong sinagot ang tawag niya. “Kai?” untag ko sa kabilang linya ng marinig na parang kagigising lang din nito dahil naririnig kong humihikab pa siya. “Oh, Hi, Ash.” bati niya. “Hello. May kailangan ka ba kaya napatawag ka?” diretso kong tanong habang ang isang kamay ko ay dumadampot ng itlog sa tray. “Ahm, yeah. Pwedi ba makahingi ng favor later?” walang pakubli niyang sagot. Nababakas ko pa sa boses niya ang hisitasyon pero nakuha naman niyang sabihin agad ang gusto. “Ano ba 'yon?” “As always, invite lang kita to have dinner with my fam and friends. Sa bahay lang naman ulit.” sunod-sunod niyang sabi na naging dahilan ng pag tigil ko. “Girlfriend mo ulit ako?” “Hmmm....yes?” nahihiya niyang imik. Lihim akong napatawa pero sa kaloob-looban ko sandamakmak na kaba na ang naghahanda mamaya dahil hindi malabo na hindi kami magkikita do'n mamaya ni Ryuku. Tumikhim si Kai kaya binigyan ko siya agad ng atensyon. “Sige, gow ako. Same price ulit ha, boss Kai?” napahalakhak siya at parang tawang-tawa talaga dahil sa lakas ng kanyang boses. Napa-umis narin ako dahil nagiging mukhang pera na ako kapag alam kong may pabor na hihingin si Kai. “Yeah, drunk, girl. You can count on me and me too on you, right?” “Oo naman.” tipid kong sabi bago ulit naisipan na buksan ang kalan para isalang ang kawali. Narinig niya ang lagitik kung kaya't naitanong niya kung nagluluto ako. Nahiya tuloy ako dahil halatang-halata na pang mahirap lang talaga ang ganitong kalan. “See you later, then? Will fetch you 7 PM sharp.” “Okay, Boss. See you, boyfriend!” pamimilya ko sa kanya na sinang-ayunan naman niya. Parehas kaming napatawa hanggang sa natapos ang kanyang tawag. Isinabay ko na sa pagluluto sa itlog ang kanin na kaunti na nasa reef. Tinatamad akong mag saing dahil baka hindi ko rin maubos kahit isang cup lang ang isasaing ko. Sadya naman kasi na mahina talaga akong kumain at halata naman sa katawan ko kaya palagi akong nilalait ni Kai dahil mukhang pat-pat na daw ako. Pagkatapos kong kumain nilaan ko ang ilang oras sa paglilinis sa bahay. Sa kuwarto nina Mama naman ako nag umpisa. Habang mina-mop ang kabuuan ng kanilang kuwarto hindi ko maiwasan na isipin kung nasaan na kaya ngayon si Papa. Kahit ano naman kasi ang mangyari ay Ama ko parin siya. Minsan niya rin naman kaming binuhay at nagpapakahirap rin naman siya noon na sadyang responsibilidad din naman 'yon ng isang Ama. Malas lang namin dahil nag luko siya at dinamay pa ang Kuya. Nakaka-miss lang ang dating saya na meron kami noon pero lahat ng 'yon ay napawi na parang bula at napalitan ng sakit at pagkasuklam ang lahat-lahat. Hindi lang 'yon dahil makapal at malaking responsibilidad ang iniwan nila sa akin. Dumoble pa dahil may dalawa akong anak na umaasa sa akin. Agad kong naiwaksi ang mga iniisip ko ng mapalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang pagsarado ng pinto at nakita ko ang bulto ni Ryuku! Nakatayo lang siya sa likuran ng pintuan at parang walang gana na lumakad at pumunta kung saan kaya naisipan kong bitawan ang mop at nag madaling lumabas ng kuwarto nina Mama. Habang papalapit ako sa kanya hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa hawak niyang sobre na tila kwadrado ang sukat. Hindi ako sigurado kung sobre nga ba 'yon. Tumikhim ako para agawin ang atensyon niyang nakayuko lang habang titig na titig sa hawak niyang pinapaikot-ikot niya sa kanyang kamay. “M-May kailangan ka ba?” nag aalangan kong untag sa kanya. Inangat niya ang kanyang paningin pero hindi siya nakatingin sa akin bagkus sa hawak niya. Nasundan ko ang paningin niya at bumungad sa harapan ko ang nakalahad niyang kamay habang inaabot sa akin ang sobre---na invitation pala. Kumirot bigla ang aking dib-dib ng makita ang pangalan niya at pangalan ni Gwen na naka-imprinta sa invitations. Maganda ang pagkakalettering ng kanilang pangalan at may mga glitters pang kumikinang. Bagay na bagay sa katayuan nilang dalawa at hindi maiitanggi na pinagkagastusan talaga ng sobrang mahal dahil sa klase ng design nito. Napakurap ako ng basta niya galaw-galawin ang invitations dahilan para bumalik ang wisyo ko. Tiningnan ko pa siya bago ibinalik ang paningin sa inaabot niya. Tinanggap ko rin agad ang invitations. Pagkaabot ko namulsa siya at preskong tumingala at parang sinisipat ang bubong na may mga butas. Kitang-kita ko rin ang pag taas at pagbaba ng kanyang adams apple ng sundan ko siya ng aking paningin. “Be on time later kung gusto mo lang naman masaksihan 'yang espesyal na araw para sa akin. Hindi alam ni Mom at Dad na inimbitahan kita pero dahil naging empleyado naman kita kaya naisipan kong bigyan ka ng invitations.” Paiwas-iwas ang tingin niya habang sinasabi ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Hindi ako nakasagot at napayuko nalang ulit habang tinititigan ng maigi ang imbitasyon niyang binigay. Walang salita na lumabas sa aking bibig matapos niyang sambitin at pagdiinan ang salitang espesyal na araw para sa kanya bagkus nagulat nalang ako ng basta siya tumalikod sa akin at walang paalam na lumabas ng bahay. Ilang minuto akong nakatayo at basta lang nakatitig sa hawak kong invitation at paulit-ulit na binabasa ang pangalan nilang dalawa ni Gwen. Ang gara ng kanilang pangalan at bagay na bagay sa kulay ng kanilang invitation card. Mapait akong napangiti habang paulit-ulit na umi-echo sa aking isip ang mga sinabi niya. Awtomatiko din akong napa-iling ng makita ang isang maliit na butil ng aking luha na pumatak na sa invitation na hawak ko. Katangahan na nga talaga dahil basta nalang tumutulo ang luha ko! Tanga na nga ako pero mas lalo ko lang gagawing tanga ang sarili ko kung itatanggi ko na hindi ako nasasaktan ngayon. Aminado naman ako na sa nakalipas na limang taon at nang muli kaming magkita doon umangat ang lebel at porsyento ng pagkagusto ko sa kanya. Kung noon ako ang walang gusto sa kanya at siya meron sa akin at si Gwen ang habol ng habol sa kanya, ngayon kabaliktaran naman. Dahil ngayon, siya naman ang walang gusto sa akin at ako ang meron at kay Gwen naman siya habol ng habol. Nakakatawa diba dahil pinapamukha sa akin ng panahon kung gaano ako kaduwag noon para pagsisisihan ang mga kaduwagan na 'yon. “Pupunta ako hindi dahil inimbatahan mo ako kundi pupunta ako dahil inimbitahan ako ng kapatid mo.” mahinang sabi ko na para bang kaharap ko lang siya bago pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD