CHAPTER 20- FIGHT FOR HIS WAY

1413 Words
*RYUKU* “Gago, tama na 'yan! May balak ka bang sunugin ang baga mo?” pasinghal na awat sa akin ni Sirius ng basta siya sumulpot dito sa inuupuan ko kung saan mag-isa lang akong naka-upo sa dilim na bahagi habang umiinom ng alak. “What are you doing here? Ang alam ko hindi ako nang-imbita.” saad ko habang hawak-hawak ang isang baso na may kalahating laman pa ng alak. Inisang lagok ko ang alak bago pabalang na ibinaba ang baso. Nag dulot 'yon ng ingay kung kaya pati ang aso ni Kai na nasa tabi ko lang ay napatayo at lumayo. Nakita kong umupo sa lamesa si Sirius but I don't mind him. Rather nag-iisip pa ulit ako na ubusin ang alak na natitira but he looked at me intently. Hindi man lang ako natakot! Ibarra siya at Salem ako pero minsan Ibarra din. Ngumisi ako sa kanya bago itinaas ang aking kilay at parang kinukursunada siyang hamunin. “Gago!” mariin niyang sambit bago lumagok din ng alak. Napangisi ulit ako. It's already past midnight pero heto ako, mag-isang nag-iinom ng alak dito sa tabi ng pool side habang iniisip ang mga nagawa kong mali at katarantaduhan kay Ashley. For the second time around kung kelan mahal na niya ako doon naman hindi sumang-ayon si kupido! Gago ang hayop na 'yon! Kung pwedi lang sa kanya ko ipana ang pana na ginagamit niya gagawin ko talaga! "Are you going to regret it?” untag ni Sirius habang titig na titig sa akin. Parang kinukumpas niya ang bawat hinga ko ng mabigat. Pina-ikot ko ang dila ko sa loob ng aking bibig bago siya sinagot. “Hindi naman siguro nakakababa ng dignidad kapag sinabi kong oo.” saad ko. Narinig ko siyang tumawa bago nakitang lumapit sa akin at tinapik ako sa braso ng dalawang beses. “Hindi, bro. Sige lang. Karapatan mo 'yan.” pag papaintindi niya sa akin na naging dahilan ng panglalabo ng mga mata ko. Fúck! Why I am being so stupid lately?! Tumaas baba ang aking magbilang balikat habang nayuko ako at nakatukod ang magkabila kong kamay sa inuupuan ko. Natatawang naiiyak na pala ako. Naririnig ko ang mabibigat na hinga ni Sirius pero hindi ko siya magawang tignan dahil sa emosyon na nararamdaman ko ngayon. All my life wala akong ginawa noon kundi ang mahalin si Ashley kahit hindi niya ako mahal. I loved her so much even if she doesn't care about my feelings for her. Iba ang nagagawa niya sa'kin noon kahit sinusupladahan niya ako. Iba ang dating sa'kin no'n dahil sa tuwing tinataboy niya ako palayo mas lalo ko lang siyang minamahal. “Sigurado ka bang ikaw ang Ama no'ng dinadala ni Gwen?” tanong ni Sirius. Natigilan ako. Alam kong kahit siya nagdududa din. Iniisip ko din kung ako nga ba at kahit anong gawin kong pag-alala mas pinipilit talaga ng utak ko na hindi ako ang Ama! Na wala talagang may nangyari sa amin no'ng gabi na lasing na lasing ako! Dahil kung lasing man ako, alam ko parin ang ginagawa ko! “No, but she always insists that I claimed her that night.” paliwanag ko. “Pero ikaw nga?” tanong niya ulit kaya tumayo na ako para harapin siya at kwelyuhan! “Hindi nga, Gago!” singhal ko habang nakahawak parin sa kwelyo niya. Nanggigil ako at gusto ko siyang suntukin dahil sa angkin niyang kulit but I was stopped and stared to Caelum and Kai ng basta nila kaming tig-isahang hinawakan para awatin. “Anong nangyayari sainyo? Para kayong mga gago!” anas ni Caelum bago hinila ang kamay kong nakahawak sa damit ni Sirius. Nakita kong napangisi siya bago pilyong pinalandas ang dila sa kanyang ibabang labi. Idinistansya ako ni Caelum at gano'n din si Kai kay Sirius. Agresibo akong kumawala sa pagkakahawak sa'kin ni Caelum bago nag hanap ng puno para suntukin at doon ibuntong ang galit kaya mas lalo kong naramdaman ang hapdi sa aking kamay. Sumigaw ako ng malakas habang paulit-ulit na sinusuntok ang puno hangang sa nag sawa ako. Hingal na naitukod ang mga kamay ko sa katawan ng puno habang dinadama ang bawat landas ng luha sa aking mukha. “Tama na 'yan!” awat sa'kin ni Kai habang hinihila ako palayo sa puno pero nag matigas ako. He heaved out a sigh before pulling me hard away from the tree. Tinignan ko siya ng nakakamatay pero malakas ang loob niya na salubungin ang mga tinginan kong iyon! “Kung wala kang magandang naiisip na sulusyon sa problema mo mas magaling pang itulog mo nalang 'yan! Hindi 'yong babaliin mo yang mga buto mo kakasuntok sa puno na wala namang kasalanan.” paninermon niya sa'kin habang pinapagitnaan siya ng mag kapatid. Pagak akong tumawa bago hinawi paitaas ang buhok kong nakakasagabal sa paningin ko. “Ikaw, baka may suhestiyun ka rin.” matapang kong hamon kay Caelum nang tignan ko siya. Ngumisi siya bago inikom ang isang kamao. Binali-bali pa ang leeg niya na para bang nagpapakondisyon. Hinahanda ko naman ang sarili ko dahil alam kong deserve ko naman ang gagawin niyang pagsuntok sa akin. Pero nainip na ako sa paghihintay hindi parin dumadapo ang kamao niya sa mukha ko kaya ako ang unang humakbang palapit sa kanilang tatlo. Hindi sila natinag kung kaya't pinantayan ko sila. Matapang nila akong hinarap hanggang sa hindi na nakatiis si Sirius. He push me hard! Tinulak niya ako ng tinulak hanggang sa dumikit ang likuran ko sa puno. Kinutusan niya ako bago nag salita ng mariin. “Ayusin mo yang sarili mo! Total mahal mo naman si Ashley why don't you fight your love to her? Hindi yo'ng gagampanan mo ang hindi naman sa'yo!” asik ni Sirius. “Akin daw 'yon.” sambit ko. Nakita kong napatawa si Sirius habang si Kai at Caelum ay madilim lang na nakatingin sa akin. “Daw, at hindi ka sure. Tarantado ka! Aangkinin mo ang hindi iyo!—” “Ayaw ko lang na maging bastardo tulad ko ang bata.—” “Then do it! Panindigan mo ang hindi naman sa'yo! Ang dami mong sat-sat . Kesyo sasabihin mong mahal na mahal mo si Ashley pero hindi mo naman kayang ipaglaban dahil lang sa dahilan mong wala naman katotohanan. ” pasigaw na saad ni Sirius. “Maybe he loves Gwen too,” sulpot na sabi ni Kai dahilan para maihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. “I don't love her!” kaila ko pero pagak na tumawa si Kai habang magkabilaang tinignan ang magkapatid bago ulit ibinalik ang paningin sa akin. “Hindi daw eh engage na nga kayo.” “Because she blockmail me Kai, that's why I agreed to her fúcking plan!” bulgar ko na ikinabigla nilang tatlo. Hindi nila alam kung ano ang pinagdadaanan kong problema para lamang maisalba ko si Ashley at ang pamilya niya. “What did you say?” ani ni Sirius na lumapit pa ng ilang dangkal sa akin para marinig lang ulit ang ssasabihin ko. “Hawak niya ang Kuya at Ama ni Ashley at lahat ng ito ginagawa ko para kay Ashley. I have no choice but to agree what she wants kahit ako mismo alam kong hindi ko anak ang batang dinadala niya.” “Pero bakit hindi mo agad sinabi sa amin? Bro, pamilya tayo! Malakas ang impluwensya ng grupo natin kumpara sa pamilya ni Gwen!” hindi makapaniwalang saad ni Caelum. Sabay silang lumapit ni Kai sa akin at ginaya akong naka-upo sa lupa. “I just want to protect our clan at sana hindi na makarating 'to kina Dad. Ibigay niyo na sa akin ang larong 'to dahil ako naman ang nag-umpisa.” mariin kong paki-usap sa tatlo. Mukhang makukumbinse ko din naman sila kahit hindi ako sigurado na ako lang ang haharap sa laban ko. I know them. Mangangati ang mga isip nila at kamay para samahan ako sa hinaharap ko. “Pero paano na 'yan?” sulpot na sabi ni Kai dahilan para mapatingin kami sa kanya. Tuwid din naman siyang nakatingin sa akin at sa amin. “Ashley is leaving tomorrow at hindi ko alam kung saang bansa siya pupunta—” “What?” bulalas ko kay Kai. “She said earlier that she accepted her friend's offer to continue training schooling abroad until she became a successful Architect.” sunod-sunod na bulgar ni Kai at ngayon palang dumoble na ang problema kong hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD