CHAPTER 21- RIKI NISHIMURA

1173 Words
*ASHLEY* “Talaga po Ganda? Ipapakita niyo po ba sa amin ni Sky yo'ng snow kapag nag videocall kana sa amin?” bulalas na tanong ni Blue ng sabihin ko sa kanya na maraming snow sa pupuntahan ko. Tumalon-talon pa siya sa taas ng aming higaan dahil sa tuwa. Nag iimpake kasi ako ngayon dahil bukas makalawa ay posibleng makakaalis na kami ni Che. Sa wakas matutupad na rin ang pangarap kong maging isang ganap na Arkitekto. Kung...papalarin. “Oo naman. Hindi ko kaya matitiis na hindi kayo tawagan kapag nakikita ko nang pumapatak na ang snow sa harapan ko. Kung pwedi nga lang baunin ko 'yon pagbalik dito ay gagawin ko.” saad ko kay Blue habang ginugulo-gulo ang kanyang bagsak na buhok. Basang-basa narin siya ng pawis dahil sa kakatalon dito sa kama kahit naka number three naman ang lakas ng electricfan. Pawising bata talaga ito. Napatawa siya bigla kung kaya't awtomatikong naningkit ang kanyang mga matang singkit. “Matutunaw po agad 'yon, Ganda.” nakanguso niyang sabi. Parang dismayado pa tuloy sa akin. “Gano'n ba. Hayaan mo kapag naging Architect na si Ganda at nagkatrabaho ng stable, dadalhin ko kayo do'n ni Sky at Mama—” “Talaga po? Edi makikita na namin do'n si Papa namin? Yehey! Yehey!” masiglang bulalas niya at bakas na bakas ang kasiyahan sa mga mata niya dahil sa pag-asang naiisip. Hindi agad ako nakasagot pero dahil ayaw kong dismayahin sa imposibleng naiisip ng aking anak nagawa ko parin na tumango para sang-ayunan si Blue. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-asa ng makita ang pagtango ko. Dobleng sakit naman ang nararamdaman ko sa bawat pekeng kasiyahan na nakikita ko sa anak ko. Dahil kahit anong gawin kong pag-iisip sa mga posibleng mangyari sa kasalukuyan pilit paring sinisigaw ng isip ko na magiging imposible ang lahat ng mga 'yon. Lalo na at mag kakaanak na sa tunay na magiging asawa ang Ama nila. Kundi mabilis akong nagpunta sa banyo ng maramdaman ko ang pamumuo ng aking luha. Ayaw kong makita ni Blue kung bakit ako naiiyak dahil alam kong mas matalino sa'kin si Blue. Hindi ko maiitanggi na hinahangaan ko siya sa pagiging matalino niya dahil kahit tinatanggi kong nahihirapan na ako minsan nakukuha niya paring hulaan ang totoo. Na hindi ko na daw kaya. Na kailangan niya na daw lumaki para siya nalang ang magtatrabaho para sa amin. He is such a positive thinker child. “Ganda? Ganda po?” malakas na boses ni Sky ang narinig ko sa labas ng banyo kung kaya't mabilis akong nag hilamos at nag punas ng towel para maiwasan na hindi mahalata na umiyak ako. Tumikhim ako bago siya pinagbuksan ng pinto. Bumungad sa akin ang napakaganda niyang mukha. Nakangiti siya ng malapad habang hawak-hawak ang isang magazine kung saan makikita sa front cover ang kabuuan ni Ryuku! Nagulantang ako at na alarma kung kaya't walang sabi kong kinuha kay Sky ang magazine na hawak! Hindi ko alam kung saan niya nakuha ito! Bigla siyang nagtaka kung kaya't pasimple akong ngumiti sa kanya at kunyare binuklat-buklat ang mga pahina nito. “Ganda tignan niyo po yo'ng lalaki sa harapan niyan. Dali po! Parang....kamukha po kasi siya ni Kuya Blue? Parehas po silang singkit ang mga eyes tapos...matangos din po ang ilong no'n!” pamimilit na saad ni Sky sa akin habang inaabot sa akin ang hawak na magazine. Hindi siya tumitigil ng pamimilit kung kaya napapikit nalang ako habang unti-unting sinasarado ang magazine para ibalik sa kabuuan ni Ryuku. “Tignan mo po, Ganda...” hinila niya pa ako pababa dahilan para pumantay ako sa kanya at hindi pa siya nakontento dahil hinawakan niya pa ang ulo ko para itama ang paningin ko sa cover photo ni Ryuku. Mariin akong napapikit para hindi makita ang hitsura ni Ryuku kaso basta naman sumilip si Sky kaya naimulat ko rin agad ang mga mata ko at patay malisyang ngumiti sa kanya. “Saan mo 'to nakuha, Sky?” seryosong tanong ko sa kanya. Nailagay niya sa kanyang likuran ang kanyang dalawang kamay habang madiin na nakalapat ang mga bibig. “Ahm...” aniya na para bang nag-aalinlangan pang ibuka ang bibig. “Saan po?” tinig malambing ang ginawa ko para bumaba ang takot na nananalaytay sa kanya. Inilipat niya sa harapan niya ang mga kamay at doon napayuko siya at walang humpay na pinisil ang mga maliit niyang daliri. “Na...nakita ko pong nalaglag no'ng tao no'ng sumakay na po siya sa car niya kaya dinampot ko din no'ng umalis na siya, Ganda.” nakanguso niyang paliwanag habang nakayuko parin. Huminga ako ng malalim bago ibinaba pataob ang magazine. “Sa susunod huwag dampot ng dampot okay? Baka kasi biglang bumalik ang car tapos maurungan ka—” “Opo, Ganda namin. Sorry po, ha?” nakanguso parin siya habang humihingi ng sorry kung kaya't mabilis ko siyang niyakap at hinalik-halikan sa ulo para pang-alo. She hugged me tight and then hearing her sobbing kaya awtomatiko akong napatingin sa kanya. Bakas sa mukha ko ang pag-aalala dahil biglaan siyang napahikbi at kampul agad ng luha ang kanyang bilugang mga mata. “Bakit ka umiiyak, Sky? H-Hindi galit si Ganda—” “Gusto ko po makita ang Papa ko, Ganda.” nasisinok niyang saad. Natagilan ako at biglang nanlamig dahil sa sinabi ni Sky. Kanina si Blue naghahangad ngayon si Sky naman. Ngayon napapatunayan ko talaga na iisa ang nararamdaman ng mga kambal. Dahil kung malungkot ang isa awtomatikong kumokonekta din ito sa kakambal niya. Walang salita na lumabas sa bibig ko sa loob ng ilang segundo habang pinapatahan si Sky. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang kailan ko sila itatago kay Ryuku. Kung hanggang kailan ko kayang itago sa kanila na wala ng paraan para makita pa nila ang kanilang Ama dahil may magiging anak narin ito sa magiging asawa niya. Masakit lang dahil kung kelan handa na sana akong ibulgar sila doon naman hindi pumanig ang panahon. Tanghaling tapat ng makatapos akong makaligo ng biglang may isang lalaki na hindi ko kilala ang nakatayo sa sala namin at tila balais na nag lalakad pabalik-balik. Sa tingin ko matanda lang sakin ng ilang taon itong lalaki. Matangkad siya. Sobrang singkit ang mga mata at payatin na lalaki. Mukhang hapon kung tutuisin. Nakita ko si Mama na naka-upo habang hawak ang parehas na mga kamay at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. To get their attention tumikhim ako. Sabay silang napatingin sa akin. Si Mama tumayo agad at lumapit sa akin. “Anak, kailangan ka daw maka-usap.” mahinang imporma sa akin ni Mama. Isang beses ko pang tinignan ang lalaki bago ibinalik ang paningin kay Mama. Suminghap ako bago lumapit sa kinatatayuan ng lalaki. “Hi. I'm Riki Nishimura,” nahihiyang pakilala niya habang nakalahad ang isang kamay. Kahit may pagtataka ako nararamdaman inabot ko parin ang kamay niya at nakipag-shake hands. “A-Ashley. M-may kailangan ka ba?” pakilala ko at hindi na nag paligoy-ligoy na tanungin ang pakay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD