CHAPTER 19- I LOVE YOU BUT I CAN'T

1617 Words
*ASHLEY* “A-Anong ginagawa mo dito?” bulas kong tanong kay Ryuku ng makita ko siyang naka-upo sa paanan ng aking kama. Alas dose palang ng naman ng madaling araw pero dahil nakaramdam ako ng pagsusuka kanina dala siguro ng matinding naramdaman kanina kaya umaatake paminsan-minsan ang sakit ko. Nag banyo lang ako sandali pero nagulat ako ng madatnan ko si Ryuku na naka-upo sa paanan ng kama habang naka-tukod ang dalawang kamay sa kanyang tuhod habang ang mga magkabilang palad ay nakasapo sa kanyang ulo na nakatungo. Nai-angat niya bigla ang kanyang paningin. Natigilan ako at hindi agad nakagalaw ng makitang may konteng dugo sa gilid ng kanyang labi bago hindi rin nakawala sa paningin ko ang mga kamao niyang tadtad ng sugat na para bang sinuntok sa kung saan! “Why? Hindi ba pweding bisitahin ko ang babaeng lihim kong kinakama, hmm?” walang emosyon niyang sabi pero nakikita ko kung paano siya ngumisi ng tipid bago pinag-isa ang kanyang mga kamay na namumula-mula dahil sa mga mumunting sugat. Hindi ako nakasagot bagkus tinapangan ko ang sarili na sagutin siya. “Bakit, sawa kana ba sa potaheng hinahayin ni Gwen kaya hinahanap-hanap mo ang potahe ko?” matibay kong tanong sa kanya. Hinarap niya ulit ako pero mas lalo lang naningkit ang mga mata niya at rinig na rinig ko kung paano mag ngalit ang kanyang mga ngipin! Hinilamos niya sa kanyang mukha ang dalawang palad niya bago siya nagmura ng mariin. “Ang tapang mo ngayon ah. But you know what, I like that attitude of yours. Gustong-gusto ko na nilalabanan mo ako. Gustong-gusto ko na sinasaktan mo ako.” tumayo siya pagkatapos niyang magsalita bago mabilis na hinagip ang aking isang kamay para isuntok sa kanyang malapad na dib-dib. Pinipigilan kong hindi mapadapo sa katawan niya ang bawat dala ng hampas niya kaso mas malakas siya kaysa sa'kin. He is drunk! Naka-inom siya at ramdam kong lasing lang siya! “Ano ba, Alon!” mariing sikmat ko sa kanya na naging dahilan naman ng pagtigil niya bigla. Nag-iba din bigla ang awra ng kanyang mukha. Mabigat siyang humugot ng hininga bago sinipa ang plastic na basurahan ko! Nasundan ko nalang ang pag talsik ng basurahan. “Ano bang problema mo?” asik ko sa kanya! “You! Ikaw ang problema ko! Ikaw!” sigaw niya dahilan para mapa-urong ako ng ilang hakbang palabas ng kuwarto ko. “Bakit ang lakas ng loob mo na magpakalunod sa swimming pool kanina, ha? 5 feet lang 'yon at kayang-kaya mo tingkayadin 'yon para maka-ahon pero you don't do it! Mag papakamatay ka ba?” mariing panunumbat niya sa akin at hindi makapaniwala na hinilamos ulit ang mga palad sa kanyang mukha. Napangisi ako ng mabilis bago bumuga ng hangin dahil iyon lang pala ang ikinagagalit niya! Umaaktibo na ang aking dib-dib dahil sa nararamdaman galit dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina! “Bakit mukhang pinapalabas mong affected ka eh kung tutuusin proud ka pa nga na makita akong mawalan ng hininga doon dahil sa pagkakalunod! Sana nga hindi nalang ako sinagip ni Kai—” “Tangina!” malutong niyang mura kaya napatigil agad ako! Kumakahog na sa galit ang aking dib-dib habang diretso siyang tinitingnan. Para siyang galit na galit na lion at gustong mangain ng buhay kaso nag aalangan dahil baka ma lason. Madiin kong kinagat ang aking ibabang labi at tumalikod sa kanya para pakawalan ang mga luhang kanina pang gustong kumawala. Matibay akong napahawak sa makinis na kahoy na nakaharang paikot sa hagdanan bago tuluyang umiyak ng tahimik. “I'm sorry,” mahinang sambit niya sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit humihingi siya ng pasensya na kung tutuusin ay kasalanan ko naman talaga. Bigla akong nakaramdam ng daan na panglalamig at panglalambot pero binalewala ko 'yon bagkus iniyak ko nalang ng tahimik. Ramdam ko ang sakit na tumutusok sa aking kalooban ng muli siyang magsalita at sabihin ulit ang salitang sorry. Dahil do'n matapang ko siyang hinarap. “U-Umalis ka nalang please. Hindi tayo magkakasundo kapag parehas tayong galit.” garalgal kong sabi pero nakita ko siyang umiling-iling. “Sorry.” ulit niya sa ikatlong pagkakataon. “Bakit ka ba humihingi ng sorry? Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to kaya dapat ako ang nagsasabi niyan! Pero dahil alam kong galit na galit ka sa akin kaya hindi na ako nagbabasakali na humingi ng tawad dahil useless lang naman, eh!” tuluan ang luha na saad ko. “Alam ko naman na hindi mo ako kayang patawarin dahil sa ginawa kong katangahan noon sa'yo kaya nga ganyan ka nalang ka galit sa'kin diba? Pinagsisihan ko naman na 'yon eh kaya dapat masaya kana dahil hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin! Doble-doble pa nga diba dahil kulang nalang tawagin mo akong bayarang babae!” galit na galit kong pagpapaintindi sa kanya. Napayuko ako bigla at doon umiyak ng umiyak. Halos mapunggal na ang mga balikat ko dahil sa walang humpay na pag yugyog dahil sa pag-iyak ko. “I love you,” bulgar niya dahilan para tignan ko siya. Hindi ako makapaniwala na sasambitin niya ang katagang iyon kung kelan pinapamukha niya sa akin kung gaano ako kaliit at kadungis! Nahihibang na talaga siya! “Mahal? Ako? Mahala mo?” natatawang balik tanong ko sa kanya. Nasuklay niya parehas sa kanyang buhok ang dalawa niyang kamay at doon pinanatiling nakasapo sa buhok niya. Napatawa ako bigla habang naiiyak. “Ang sakit mo naman pala mag mahal,” mapait akong ngumiti habang pinapalis ang mga luha sa aking pisngi. “Basta mahal kita pero hanggang doon lang 'yon. You don't understand me pero hayaan mo akong mahalin ka ng patago, Ash.” “Kabaliwan 'yan. Palibhasa ma impluwensya kang tao kaya hindi mo kayang ipangalandakan ang totoo mong nararamdaman! Duwag ka!” anas ko bago tuluyan siyang tinalikuran at dumiretso ako sa pagbaba ng hagdanan. “Ash!” tawag niya sa'kin pero hindi ko siya binalingan bagkus nag deritso ako sa pintuan para buksan ito. “Umalis kana, please. Kung hindi mo lang naman ako kayang araruhin ngayon mas maiging umalis ka nalang!” sikmat kong anas sa kanya ng halos mahingal-hingal siyang tumigil sa harapan ko at sa naka-bukas na pintuan. “Damn it! Your words!” “Anong masama do'n? Eh totoo namang pang kama lang ako diba? Kaya nga mahal mo ako dahil siguro nasasarapan kana sa akin—” “Tangina, tama na!” malakas na bulyaw niya dahilan para mapa-angat bigla ang dalawa kong balikat. “You are not like that and you will never be like that for me, Ash!” “Anong hindi, eh gano'n na nga ginagawa mo sa'kin! Palibhasa mayaman ka. Mapera ka kaya mo akong paikutin sa mga palad mo! Nakukuha mo akong utuin dahil sa kagustuhan kong mapabalik sa'kin ang lupa ko kaya parang binili mo narin ang halaga ko bilang babae! Madumi na ako at kahit kailan hindi na ako magiging malinis dahil una palang mas pinili kong dumihan mo ako at dinagdagan mo pa lalo! Tanga nga ako. Aminado naman ako, eh! Pero hindi ko alam na mas nakakatanga pala ang taong edukado kagaya mo—” “Gwen is 3 months pregnant!” Natigilan ako at tila naging tuod dahil sa ibinulgar niya! Agad akong napatitig sa kanyang mga mata ng makita kung paano kuminang ang mga iyon kaso dulot ng namumuong luha ang mga pagkinang niyon. Hindi gawa ng kasiyahan kundi gawa ng kalungkutan. Agad kong nabitawan ang door knob dahil sa panglalambot ng aking katawan. Oo, matapang ako pero hindi ko sukat akalain na biglang lalaho ang katapangan na 'yon dahilan para hindi ko sabihin ang matagal ko nang sekreto tungkol sa kambal. Plano ko na talagang ibulgar at sabihin sa kanya ang tungkol sa mga bata kaso paano pa kung ibinulgar niya rin ang pagbubuntis ng magiging asawa niya. “Iyon lang naman pala ang gusto mong sabihin pero pinahaba mo pa. Ang dami mo pang sinasabi na kung ano-ano! Edi congrats kung 'yon ang gusto mong marinig galing sa akin. Masayang-masaya ako dahil sa wakas magkaka-anak na kayo. Ano, sapat na ba 'yon para umalis kana ngayon?” sunod-sunod kong sabi pero natigilan ako ng basta niya abutin ang mga kamay ko. Madiin niyang hinahawakan ang mga ito at walang sabi na dinala sa kanyang labi at hinalik-halikan. Lihim akong napapikit habang dinadama ang maiinot niya labi kaso pandalian lang. Gusto ko lang siyang maramdam ngayon kahit sa huling pagkakataon na nakikita ko siya. “I'm so sorry. I love you but I can't love you,” Paos niyang pagkakasabi bago ulit inilapat sa kanyang labi ang aking dalawang kamay. Hinalikan niya ito ng tatlong beses dahilan para mahigit ko ang aking hininga habang unti-unting lumalandas ang aking mga luha. Nasasaktan ako dahil alam kong mahal ko narin siya. Mahal na mahal ko siya to the point na kaya kong gawin ang lahat kahit nasasaktan na ako! Pero ngayong sinabi niya na hindi niya ako kayang mahalin pabalik mas lalo akong nasasaktan. Tipid akong napalunok bago napagpasyahang higitin ang aking mga kamay na hawak niya pero mas lalo lang pala akong matitigilan ng makitang umiiyak siya! “Umalis kana. Baka hinahanap kana ni Gwen. Hayaan mo, hindi na ako manggugulo sa'yo at hinding-hindi mo na ako makikita simula bukas.” Mahinahong taboy ko sa kanya habang hinihila siya palabas ng pintuan. Masakit para sa akin na itaboy siya pero para sa kalayaan ko at kalayaan niya kahit ako ang dehado ipagtatabuyan ko siya. Hindi siya ng protesta pero ng sinubukan niyang pumasok ulit kung kaya isinara ko na ang pintuan at agad na kinandado. At doon tuluyan na akong napahagulgol ng iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD