CHAPTER 8- MALANDI

1489 Words
*ASHLEY* Ngayong araw ang last day niya sa trabaho kung kaya't tahimik nalang siyang nag aayos ng kanyang mga gamit. Kanina pa siyang abala sa loob ng oipisina niya at hindi man lang nag papa-istorbo kahit naririnig niya kung paano nag aalburuto ngayon si Ryuku dahil sa mga kapalpakan na nagawa ng mga construction workers sa isang site na pinapa-ongoing nito. Kahit gusto niyang mangialam dahil pati ang bagong secretary nito ay nadadamay narin kaso mas pinili niyang tumahimik nalang at pag aksayahan ng oras ang pag liligpit niya. Kanina halos magkasabay silang dumating ni Ryuku pero ni isang imik sa pagitan nila ay walang nangahas na magsalita o batiin man lang ang isa't-isa. Minsan kapag napapagawi ang paningin niya sa opisina nito agad niya ring binabawi ang paningin dahil maya-maya lang ay napapatingin narin pala sa gawi niya si Ryuku. Nakakapanibago lang dahil may ilang oras narin naman siyang naka-in pero ni isang tawag sa kanya ni Ryuku ay hindi niya man lang naririnig. Siya rin naman ay gano'n din. Siguro dahil sa nagyari kahapon kung kaya't tila ilap na ilap sila sa isa't-isa. “Ash...” untag sa kanya ng isang empleyado na malapit sa kanya. Malungkot na nakasilip ito sa pintuan kung kaya't minustrahan niyang pumasok kaso no'ng akmang papasok na ito saka naman sumigaw ang Boss nila dahilan para mataranta ito. Napailing na lamang siya habang nakikimasid ng tahimik sa mga nangyayari sa loob ng kanilang department. “Bahala na sa'yo ang bago mong Amo.” aniya sa swivel chair niyang halos mag-iisang taon niya rin na inuupuan. Gano'n din sa laptop niya na may paghimas pang kasama dahil sa totoo lang mamimiss naman talaga niya ang mga gamit niya pero wala eh, kailangan niyang lumayo for a better. Masyadong toxic sa workplace niya at hindi na niya kinakaya na pakisamahan si Ryuku dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos wala na itong matinong sinasabi sa kanya kundi puro masasakit na salita without knowing na pagkalabas niya ng trabaho saka siya nag ta-tantrums. Dumagdag pa ang problema ng kanyang pamilya kaya kung magtatagal pa siya sa pagiging sekretarya ni Ryuku baka magiging luka na siya. Minsan iniisip niya kung ano ba ang matinding nagawa niyang kasalanan para tratuhin siya ng gano'n ni Ryuku. Kung bakit palagi nalang mainit ang dugo nito sa kanya gayong nagagawa naman niya ng maayos ang kanyang trabaho. Minsan nga sumusubra pa sa oras niya ang pagtatrabaho niya lalo na kapag may gusto siyang tapusin. She closed the door while carrying her stuffed palabas ng opisina niya pero bigla siyang natigilan nang bigla ding lumabas si Ryuku sa opisina nito habang may kausap sa cellphone nito. Ilang segundo silang nagkatingin pero siya ang unang nagbaba ng tingin sa hindi malamang dahilan. Walang imik siyang nilampasan ni Ryuku at hindi man lang siya nagawang pasalamatan dahil sa mga nagawa niyang paglingkod sa loob ng ilang buwan. She said good-bye to her co-workers. She hugged everyone. “Nakakalungkot na may isang mabait na secretary ang aalis ngayon.” biglang imik ng isang babae na pamilyar sa kanya. It's Gwen. Komportableng nakasandal sa pader habang aliw na aliw na nakatingin sa gawi niya habang namamaalam sa mga kapwa niyang empleyado. Umatake na naman ang pagiging suplada nito kaya sa halip na patulan nagawa niyang dedmahin nalang ito. Kaso talagang naghahamon ng away itong fiancee ng kanyang Boss kung kaya't hindi narin siya nakapagtimpi dahil sa mga pinagsasabi nito ngayon ukol sa kanya. “Bakit ba kasi hindi mo nalang diretsuhin. Ano ba kasi ang kasalanan ko para sabihan mo akong malandi at walang respeto?” asik niya habang nasa paligid lang ang mga katrabaho niya. Wala na siyang paki-alam kung i-back stab man siya ng mga marites sa kanyang trabaho dahil huling araw narin naman niya. Pinapaubaya na niya ang lahat sa mga chismosa na matindi ang galit at inggit sa kanya. “Oh, come on, Ash.” ani nito habang nakatingin sa mga kuko nitong mahahaba. “As if naman na hindi mo talaga alam ang mga nangyari kahapon.” suplada nitong panghuhuli sa kanya. She knows. Alam niya kung ano ang ginagalaite nito. “Ash, umalis kana. 'Wag mo nang patulan si Ma'am, Gwen.” “Mind your own business, Kath!” sikmat ni Gwen kay Kathy ng makitang bumulong ito sa kanya. Agad ding nagsi-alisan ang mga kapwa niyang empleyado dahil sa nakakamatay na tinginan sa kanila ni Gwen. “Akala mo hindi ko alam na inaakit mo si Alon. Ang landi-landi mong babae ka! Wala kang pinag-iba sa dati mong ugali. God, may fiancée na yo'ng tao pero nagawa mo parin sagutin ang mga halik niya sa'yo! Where's your shyness after all, huh?” marahas nitong akusa sa kanya na hindi naman niya itinatanggi. Oo, nadala siya sa sensasyon na nararamdaman pero kung despereda talaga siya edi sana ipinagpatuloy niya parin ang nangyari sa kanila. Kaso hindi siya gano'n! Oo nagkamali siya kaya hindi niya tinatanggi pero mali na tawagi siyang malandi dahil si Ryuku naman ang nag pakita mlng motibo. Isang marupok na nilalang lang talaga siya kaya pumatol siya kahit alam niyang mali! Alam niyang may mali siya kung kaya't hindi na niya nagawa pang depensahan ang sarili bagkus nanahimik nalang siya at basta nilampasan si Gwen but Gwen is so furious! Sinadya nitong iharang ang mga paa sa daraanan niya dahilan para mapatid siya! Nagkalat sa sahig ang laman ng kahon na dala niya at kasabay no'n ay napalupagi din siya sa sahig at malakas na napatili ang mga nakakita dahil tumama ang ulo niya sa isang malaking plant vase! Para sa kanya hindi niya pa ramdam ang epekto niyon kaya nagawa niya pang tingalain si Gwen at hindi man iniinda ang pagka-untog. Tila tuwang-tuwa pa ito sa kalagayan niya ngayon. Kumakahog sa galit ang dib-dib niya pero nagagawa niya parin na pigilan ang sarili para hindi ito patulan. She calm herself. Ni isa ay walang nangahas na tulungan siya dahil matalim parin na nakatingin si Gwen sa mga empleyado kaya yumuko nalang siya para pa ampatin ang galit na sumisilay ngayon sa sestema niya. She breathed in and then she breathed to ease the suffocation she feels right now kaso talagang di hamak na malakas ang porsyente ng kanyang panic attack! Napapahawak na siya sa kanyang dib-dib dahil unti-unti nang sumisikip ang kanyang paghinga. Umaatake ang kanyang panic attack at sa lagay na yo'n kailangan niya ng sariwang hangin but how kung sa paligid palang niya ay nasisikipan na siya. “What's going on here—” bulalas ni Ryuku ng makarating ito sa harapan niya pero agad na nag pa-awa si Gwen na tila nahihilo dahilan para daluhan ito ni Ryuku! Ni isa sa mga empleyado ay wala ding naglakas ng loob na mag sumbong dahil sa katakutan. Hindi naman siya nag i-expect na tulungan siya kaya kahit hirap na hirap na siyang huminga ay nagawa niya paring likumin ang mga gamit niya bago patakbong nag tungo sa staircase. Habang namumuo ang mga luha ay siya ding paghinga niya ng paulit-ulit sa isang papel na supot. Iniisip niya hindi pa siya pweding mamatay dahil madami pang umaasa sa kanya. Madami pa siyang pangarap na gustong makamit. Everytime na inaatake siya ng kanyang panic attack iyon lagi ang naiisip niya kaya mas lalo lang siyang naging tensyunado. “Are you okay?” biglang tanong sa kanya ni Ryuku na nasa likuran niya lang pala. Nagulat man siya pero hindi niya nalang pinahalata. Mabuti nalang din at hindi na siya naabutan kung paano niya pinapakalma ang sarili. Pinahid niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi bago humakbang pababa kaso agad din siyang pinigilan ni Ryuku. “I said if you are okay?” iritadong tanong nito sa kanya. As if naman na nag-aalala talaga ito. Humugot siya ng malalim na hininga bago ito binalingan. “Bakit, kapag sinabi kong hindi dadagdagan mo pa ang sakit na nararamdaman ko? Hindi pa ba sapat sa'yo na makita kung paano ako inaatake ng sakit ko?!” Pamimilosopo niya kay Ryuku. Hilaw siyang tumawa ng hindi man lang narinig na magsalita ito. “Siguro naman masaya kana. Babaunin kong isang aral ang mga masasakit na nararanasan ko dito sa kompanya mo at sana maging masaya kana dahil sa wakas sumuko na ang tanga mong sekretarya.” segunda niyang saad habang nakikipag-paligsahan ng masakit na tingin kay Ryuku. Nakikita niya kung paano nagtatagis ang magkabilang panga nito at bago paman siya atakehin ulit ng kanyang sakit tinalikuran na niya ito. Nag dirediretso siyang bumaba hanggang sa marating ang ground floor at saka palang niya inilabas ang mga luhang kanina pang gusto na kumawala sa mga mata niya. Nasasaktan siya dahil kinahahabagan niya ang kanyang sarili at mas lalong nasasaktan siya dahil iniisip niya kung saan siya pamsamantala kukuha ng gastusin nila habang naghahanap siya ng trabaho. Maliit lang ipon niya at hindi ito sasapat kung tetengga siya ng ilang linggo sa Zambales.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD