CHAPTER 9-DUDA

1245 Words
*RYUKU* “Gago, bakit mo hinayaang umalis sa kompanya mo si Ashley? Bro, she's your lucky charm don't you think of that? Sunod-sunod ang mga naging project mo sa Takashi's Enterprises na kung tutuusin ang hirap makipag deal kay Mr. Takashi.” Napa-angat ako ng tingin ng biglang pumasok si Sirius dito sa opisina ko at 'yon agad ang bungad sa akin! Seriously? Kakapasok niya lang dito sa opisina ko pero 'yon agad ang bungad niya sa'kin? Agang-agang! Parang narindi ako bigla kaya tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin pero tarantado ang gago dahil nakipag-tinginan din sa'kin ng nakakamatay. Sa halip na harapin ko ang mokong na 'to mas nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag drawing sa blueprint na nakalatag sa aking lamesa kaso hindi parin talaga siya makapag-move on sa pag resign ni Ashley. Walang tigil parin ang kakangawa niya. Alam ko naman kung gaano ka galing makipag close ng deal si Ashley pero ano ang gagawin ko kung ayaw na niya dito sa kompanya ko! Stk. . “Stop annoying me, bro. Kung nanghihinayang ka sa kanya you're free to make her as your secretary then.” inis kong sabi sa kanya. I leaned my back on my swivel chair para mas lalo kong makita ang reaksyon niya. Kung papatusin niya ba talaga ang sinabi ko. Nakita kong nag-iisip ang gago! Pinag-iisipan talaga ang sinabi ko na biro ko lang naman sana. “What do you think? Tatanggapin niya kaya? Tamang-tamang, malapit ng manganak si Raquel and I need a new secretary in exchange.” Paramg biglang nagka-idetlya ang gago. At talagang disidido nga siya! Fúck! Hindi ako makapaniwala na maglalakas ng loob siya seryososhin ang sinabi ko. Sirius and I are business partners for a long time. And also he is a friend of mine at iniisip ko palang na maging sekretarya niya si Ashley naiinis na ako! Napamura ako sa aking isip dahil sa kanyang bright idea! Tangina! Oo kaibigan ko si Sirius pero ayaw ko naman na yo'ng suwerte na minsan nang galing sa'kin ay mapapunta din sa kanya. I don't like that! It's ridiculous and I am a selfish man! Aminado ako diyan. “Go out, Ibarra. Hindi ako makapag-focus dito sa pag di-design ng gusto mong disenyo.” taboy ko sa kanya at hindi ko nalang sinagot ang tanong niya tungkol kay Ashley. I don't mind na tanggapin ni Ashley ang alok niya. At kung tanggapin man edi good luck nalang sa kanya! I sighed when he smirked at me. Talagang trip akong yamutin ng loko! “Sabihin mo muna sa'kin kung saan ang address ng bahay ni Ashley. I need to talk to her personally—” “Damn, bro. Hindi ko alam kung saang lupalup yo'n nakatira and if you want talaga na makahanap ng bagong sekretarya mo why don't you post a job posting in your building or anywhere in public area's can see it.” nanggagalaite kong suhestiyun sa kanya pero sa halip na mag pasalamat sa'kin dahil nag suggest ako ng easy way hiring eh tila nagtaka pa siya. Pero agad din siyang sumuko nang mangunot bigla ang noo ko ng subukan niya ulit na mangatwiran. Itinaas niya sa ere ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko habang paurong na naglakad papunta sa pintuan. “Kalma, bro. Kalma. See you later then?” aniya. Tumango ako bilang sagot saka pa niya ibinaba ang mga kamay at tuluyang lumabas ng aking opisina. Nawalan na tuloy ako ng gana sa pag drawing sa blueprint kung kaya iritado kong nirolyo ang blue print at inilagay sa isang tabi. Napasandal nalang ako ulit ako sa aking swivel chair bago hinilot ng bahagya ang aking magkabilang sentido. “I need coffee right now.” yamot kong sabi sa bagong secretary ko. Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya dahil agad ko ding tinanggal ang daliri ko sa pagkakadiin sa button ng intercom. Nakasara din naman ang blinds sa pagitan ng opisina namin kaya hindi ko rin nakikita kung sumunod din siya kaagad! Habang hinihintay ang kape binalikan ko ang message sa'kin ng Kuya ni Ashley. Naalala ko na nag txt pala siya kagabi at sinabing gusto niyang makipag-kita sa akin. I don't really know him personally pero may mga time na nakikita ko siya na malimit tumambay sa labas ng firm ko. At minsan nasabi nga ng driver ko na Kuya siya si Ashley. Wala din akong ideya kung saan ba nito nakuha ang personal number ko at mag lakas ng loob na mag txt sa akin. “What's your deal?” pagka-send ko ng message saka ako sumimsim ng kape. Hindi ko pa naiibaba ang tasa ng makita kong nag reply ito. I arch my one eyebrow dahil sa naiisip. Mukhang matindi din ang pangangailan ng loko dahil sa bilis ng reply nito. “May isasangla sana akong lupa sa'yo. Kailangan ko lang ng pera ngayon pare para sa pamilya ko.” sagot nito. Pamsamantala akong napatigil at hindi agad nakapag-reply. Is he serious? Kung may problema ang pamilya nila bakit nagawang umalis ni Ashley sa trabaho? Damn you! Bakit mo ba pino-problema ang problema ng ibang tao! Agad kong paninermon sa akin sarili! I don't mind the business of others! Kung isasangla niya edi papatusin ko! Kahit ilang milyon pa 'yon! Umalis ako saglit para makipagkita sa Kuya ni Ashley at pagkarating ko sa meeting place namin ay naroroon na siya pati ang abogado ko. It's personal stuff kaya dapat maging alerto ako. Hindi naman pwedi na oo lang ako ng oo. Hindi ganyan ang itinuro sa'kin ng mga magulang ko. Kailangan kong matalino sila mas maging matalino ako. Gano'n lang ka basic 'yon. Sila ang nag-usap ng abogado ko matapos kong pirmahan ang agreement. Mukhang nasa matinong pag-iisip pa naman ito kahit medyo duda na ako sa mga galawan niya. Kung mautak siya mas mautak ako. I need evidence kung saan talaga nito gagamitin ang pera. Kaya palihim ko din na sinabihan ang abogado ko na manmanan ang lalaking ito. Hindi sa hinihusgahan ko siya pero nakikita ko kasi na mukhang drug addict na siya dahil sa hitsura niya. He is very suspicious and I don't know kung alam ng pamilya niya o ni Ashley na isinagla niya ang lupa nila sa Batangas. Kay Ashley nakapangalan ang titulo ng lupa at nagtataka lang ako dahil sobrang maingat yo'n sa mga papelis na nasa opisina pero bakit itong importanteng papel na kanya mismo ay pinabayaan niya! “Mauna na ako boss. Salamat at sana huwag nalang makakarating kay Ashley ang bagay na'to.” paalala niya sa'kin. Tumaas bigla ang isa kong kilay habang prenti akong naka-upo at nakahalukipkip. Ngumisi siya at nag kamot sa ulo. “Ang totoo kasi niyan ay hindi na namin pinaalam ni Papa dahil ayaw namin na pati siya ay mamroblema pa.” paliwanag niya sa akin. Hindi ako kumbensido pero nagawa ko paring tumango sa kanya. “Sure.” tipid kong sagot. Sagad sa tenga ang ngisi niya ng marinig ang pag-sang ayon ko. Mabilis siyang lumabas sa coffee shop habang tatawa-tawa na tinitingnan ang cheque na hawak-hawak niya. He dared to mortgage land that the owner of the land did not know? Hanep! Tingnan ko nalang kung hindi mag alburuto sa galit si Ashley kapag nalaman ang totoo at 'wag na 'wag niya akong sisisihin kung bakit pinatos ko. Her brother needs money to his family to solve the problem and that's the reason why I agree.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD