CHAPTER 2- MASAKLAP

1523 Words
*ASHLEY* “Ma, andito na po ako.” untag niya ng makapasok na siya sa kanilang bahay. Nag tataka pa siya dahil bakit sobrang dilim sa kanila at hindi man lang nagawang mag buhay ng ilaw ang mga taong naroroon. “Ma?” tawag niya ulit sa kanyang Mama habang binubuksan ang flashlight ng kanyang cellphone. Tumungo siya sa kusina pero walang tao doon. Nag punta din siya sa kuwarto ng kanyang Mama at Papa kaso bigo ulit siya dahil wala rin doon. Hinarap niya ang liwanag ng kanyang cellphone sa bandang hagdanan bago pa nilakbay ng kanyang paningin ang kanyang kuwarto sa taas. Nakita niyang bahagyang naka-awang ang pintuan. Pero bago siya umakyat ay pinindot niya muna ang switch ng kanilang ilaw pero hindi man lang lumingas ang ilaw. Hindi man lumiwanag ang kabuuan ng kanilang bahay. “Putol na naman?” dismayado niyang bulong sa sarili bago napagpasyahang umakyat sa taas. “Ma? A-anong ginagawa mo dito....” napatigil siya sa kanyang sinasabi at hindi naituloy ang dapat na sasabihin dahil sa naaktuhan niyang nakapatong ang isang babae sa Ama niyang nakahiga sa kanyang kama! Parehas hubot hubat at tila parehas ding lango sa alak dahil sa naaamoy niya! Bigla siyang nanglambot sa kanyang nakita. Ayos lang sana kung ang kanyang Mama ang nakita niyang nakapatong sa taas ng kanyang walang hiya na Ama kaso hindi! At sa lagay na 'yon hindi niya alam kung nasaan ang kanyang Ina. “Mga walang hiya!” sigaw niya bago niya binato ng kanyang bag ang babaeng hindi man lang nasindak sa kanya kahit harap-harapan na niyang nakikita ang mga pinag-gagawa ng mga ito! Biglang nag tapis ng tuwalya ang kanyang Ama para sundan siyang kasalukuyang bumababa na ng hagdanan. “'Wag na 'wag kang magkakamali na sundan ako!” mangiyak-ngiyak niyang banta sa kanyang Ama habang ang isang hintuturo ay nakaduro sa ere. Awtomatiko din itong napatigil habang hawak-hawak ng mga kamay ang tuwalyang nakatapis sa bewang. “Wala kang konsensyang asawa! Walang hiya kang Ama! Nakuha mo pang gawin sa kuwarto ko at sa sariling kama ang....mga walang hiya kayo ng babae mo!” nag kukumahog sa galit na asik niya sa kanyang Ama! Walang alinlangan siyang lumabas ng kanilang bahay kahit tanging cellphone niya lang ang kanyang dala. Hindi narin niya nagawang balikan pa sa itaas ang bag niya kahit alam niyang naroroon ang kanyang wallet. Namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata pero masyado siyang malakas kumpara sa emosyon niya kaya hindi man lang magawa na pumatak ang luha. Oo, matapang siya lalo na kapag nagagalit siya. Ibang-iba ang kataohan niya kapag nasa trabaho siya. Doon kaya niyang baliwalain ang mga masasakit na salita na pinapataw sa kanya ng kanyang Boss. Pero kapag pagdating sa pamilya niya nakakaya niya rin pero kalaunan ay bumibigay din siya. Katulad nalang ngayon na hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kung saan niya hahagilapin ang kanyang Ina. May kaya sila buhay. Hindi niya masasabing naghihirap sila kaso noon 'yon. Noon no'ng hindi pa nalulong sa sugal at bisyo ang kanyang Ama. Ang Ama niyang kahit kailan hindi niya naiisip na magagawa nito sa kanila. Ngayon puro asa nalang sa kanya ang lahat. Pagkain kanya. Bayarin sa tubig at kuryente sa kanya din. Gamot na maintenance ng kanyang Mama ay sa kanya din pati ang buwan-buwan na pagbabayad sa renta ng kanilang bahay ay sa kanya din. Kung hindi lang kasi gago ang kanyang Kuya edi sana nasa kanila parin ang malaking bahay nila na nasa Batangas. Sila parin sana ang may-ari niyon! Ang lahat ng kahirapan na sinasabana niya ngayon ay dahil sa kanyang Ama na walang kwenta at sa kanyang Kuya na walang hiya at batugan. Kung tutuusin ay maging maalwan sana siya sa kanyang buhay dahil bunso siya. Kita niya kanya lang at kung meron mang tira ay para sana iyon sa kanyang Ina kaso masyadong malupit sa kanya ang mundo. Bunso siya pero sa kanya lahat naka-atang ang dapat ay responsibilidad ng kanyang walang hiya na Kuya! Amg kanyang Kuya na isang palamunin lamang. Asa narin sa lahat na meron siya. Hindi siya gano'n at kabaliktaran ang ugali niya kumpara sa kapatid niya. May didikasyon siya sa buhay. Pursigido siyang mag hanap-buhay kahit pa hindi maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang boss. Marunong siyang makisama. Marunong umintindi at magaling mag kimkim ng problema at higit sa lahat mahaba ang pasensya sa mga taong napapakinabangan niya dahil ang katwiran niya doon siya nagkakapera kaya wala siyang dahilan na umangal. “H-Hello, Tin? Andiyan ba si Mama?” nauutal niyang tanong sa pinsan niyang si Kristine na nasa kabilang linya. Malayo ang Zambales para makapunta do'n agad ang kanyang Mama pero dala ng pag babakasakali kaya naitanong niya. “Oo, Ash andito si Tita. Ang sabi niya kanina hindi na daw siya nakapunta sa pinagtatrabahuan mo dahil nagmamadali siyang umalis. Tinatawagan din kita kanina kaso cannot be reached ang number mo. Asan ka pala ngayon? Okay ka lang ba diyan?” mahabang paliwanag sa kanya ng kanyang pinsan. Tila nabunutan siya ng tinik nang malaman na naroroon na nga ang kanyang Mama. Lihim pa siyang nag pasalamat sa diyos dahil sa balitang narinig niya. “O-okay lang ako dito, Tin. Pakisabi kay Mama na baka bukas o makalawa ay pupunta ako diyan. Huwag niyo nang payagan na bumalik dito,” imporma niya. Pinipilit niyang pigilan ang luhang bumabadyang pumatak kaso huli na dahil nagsipatakan na ito. Wala siyang nagawa kundi ang kagatin ang kanyang ibabang labi at takpan nalang ng kanyang palad ang kanyang bibig para hindi marinig ng kanyang pinsan ang mga tahimik niyang hikbi. “Sige, Ash, mag-iingat ka diyan. Tumawag ka ulit kapag may kailangan ka. Madami akong kaibigan na naririyan sa Maynila at hindi ka pahihindian ng mga 'yon.” bilin nito sa kanya na ikina-ungot nalang niya bilang sagot bago tuluyang pinatay ang tawag. Tuluyan na siyang napaiyak. Hindi niya alam kung saan siya tutuloy ngayong gabi. Malayo na siya sa kanilang bahay at nasa bandang highway na siya. Nagugutom narin siya at ni pambili ng pagkain ay wala siyang maibili. Habag na habag siya ngayon sa kanyang sarili. Problema na nga ang sinasabana niya sa kanyang trabaho pero pagdating sa pamilya niya problema parin ang uuwian niya. Dahil lutang ang kaisipan niya ngayon at hindi alam ang gagawin naisipan nalang niyang umupo sa tabi ng kalsada. May mga tao parin namang mga dumadaan kaso lubhang dilikado para sa kanya kung mag papa-abot siya ng gabi doon. May hitsura siyang babae at hindi naman sa pag-aano ay angat ang kagandahan niya kahit simple lang siyang manamit. Ipinahinga niya muna ang kanyang sarili. Nag-iisip kung ano ang kanyang dapat na gagawin. Kung saan siya pupunta. Kung saan siya libreng makakain at makaka-inom. Kaso sobrang minamalas siya ngayong gabi dahil unti-unti nang pumapatak ang ulan. Naisaklob niya sa kanyang ulo ang dalawa niyang kamay bago naghanap ng masisilungan. “Tanginang buhay ito. Masaklap pa sa pulubi.” malutong na mura niya nang makarating siya sa labas ng isang sikat na restaurant. Napalunok siya ng kanyang laway ng makita ang ilang tao na sarap na sarap sa mga kinakain. Hanggat maaari ay titiisin niya muna ang gutom niya. Pahuhupain niya muna ang mga taong kumakain sa loob ng restaurant bago siya mag lakas loob na humingi ng mga tira-tira. Kahit ang kapalit pa ay maging dishwasher siya ay gagawin niya. “Ay, sorry po, Sir. Pasensya na talaga.” sunod-sunod niyang paghingi ng pasensya sa isang lalaki ng matalsikan ito ng mga tapon na tubig ulan dahil sa ginawa niyang pag gulo ng kanyang buhok dahil basang-basa ito. Hindi kaagad nakagalaw ang lalaki na nakatayo sa tabi niya. Tulala lang ito na nakatingin sa kanya at bakas pa sa hitsura nito na parang natutuwa pa sa kanya. Adik ba siya? Lihim niyang tanong sa kanyang sarili nang makita ang reaksyon ng lalaki. Sa halip kasi na magalit ito ay tila natatawa pa sa kanya. Palibhasa kasi nasanay siyang palaging napapagalitan ng kanyang Boss kaya kahit sa lalaking kaharap niya ngayon ay 'yon din ang ini-expect niyang itrato sa kanya. Pero...mukhang hindi naman eh! Ang gara ng mga suot nito at naka-office attire pa kaya malabong maging adik 'to! Sa guwapong iyan, Ashley?! Nako, malabo! Agad siyang napa-iling dahil sa mga konbersasyon niya sa kanyang isipan. “Are you okay? Do you need help or something?” dire-diretsong tanong sa kanya ng lalaki na naging dahilan ng paglayo niya. Iniisip niyang baka-scammer ito! Pero agad din siyang umabante dahil feeling niya mabait naman talaga. Tumunog ang tiyan niya dahil nangangalampag na ang kanyang mga alaga. “S-Sa totoo lang, nagugutom na po talaga ako, Sir.” walang pakubli at walang kuskos balungos niyang pag-amin. Napa 'O' shape naman kaagad ang bibig ng lalaki at saka pa tumingin sa loob ng restaurant. Tila tinitingnan kung may espasyo pa sa loob. “Come here, let's eat.” tila barkada lang ang inasta na pagyakag sa kanya ng isang lalaki na kahit pangalan nito ay hindi niya pa alam. Pero dala ng gutom at kasabikan na makakain ay walang hisitasyon siyang sumama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD