CHAPTER 3- MAD AT YOU

2004 Words
*ASHLEY* Medyo madilim pa ng dumating siya sa opisina para mag impake ng mga gamit niya. Gusto na niyang maka-alis sa Boss niyang sobrang gaspang ng ugali. Kahit hindi pa man nito napipirmahan ang resignation letter na inabot niya no'ng isang araw pero useless narin 'yon. Bakit pa ito nag pahanap agad ng bagong sekretarya kung hindi naman siya nito papayagan. Kung ano ang suot niya kahapon ay gano'n parin hanggang ngayon. Hindi na niya nakuhang umuwi sa bahay nila dahil baka madatnan niya lang din ulit doon ang Ama niyang walang hiya! Saan siya natulog? Lihim siyang napatawa dahil naalala niya ngayon kung gaano siya nakikipagtawanan sa isang lalaki na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang pangalan! Parehas silang lasing na natulog sa kotse ng lalaki. Mabuti nalang din at may kabaitan ang lalaking nakilala niya kagabi dahil kung sa iba ay baka nagalaw na siya. Alam din naman niyang mabait iyon dahil una palang ay magaan na ang loob na. “Anong ginagawa mo?” napabaling agad siya sa kanyang likuran ng marinig ang bilog na boses ng kanyang Boss. Nakita niya kung paano siya tiningnan nito simula baba hanggang pataas at tila bakas sa hitsura nito ang pagtataka. Nag takip din ito ng ilong dahil siguro sa naaamoy nitong amoy alak. “Ganyan ka na ba ka pabaya sa sarili mo para hindi man lang makapag-palit ng suot at nangangamoy ka pa ng alak. Stk! Go out!” asik nito sa kanya. Hindi siya gumalaw. Hindi narin siya nasindak bagkus sinalubong niya ang mga tinginan nitong nakakamatay. Kung alam lang nito kung anong problema ang hinarap niya kagabi! “Inaayos ko lang ang mga gamit ko. Aalis narin ako pagkatapos nito.” walang galang niyang sagot sa Boss niya. Nagulat ito at naitaas ang isang kilay dahil sa ginawa niyang pananagot. “You can't leave.” tuwid nitong imporma. Naitigil niya ang kanyang ginagawa at basta na napatingin sa Boss niya. “You have to wait until your fifteen days extension is over. Remember my rules? You have to work on those you leave within fifteen days at kapag natapos mo 'yon you can freely leave.” tila natatamad nitong paliwanag sa kanya. Hindi siya makapaniwala na may gano'n palang rules ang kompanya nito! At kung hindi nga lang din siya aanga-anga at kung binasa niya man lang sana ang mga rules and regulations na iyon edi sana nalaman niya agad. Ang munting kalayaan na naghihintay sa kanya ay pansamantalang nadismaya dahil sa pagiging un-aware niya sa mga bagay-bagay. Laglag ang mga balikat niyang ibinalik ang mga gamit niyang kasalukuyang nasa loob ng kahon. Wala siyang nagawa kundi ibalik ang mga 'yon sa dating posisyon at kinalalagyan. Tiningnan niya madali ang kanyang sarili sa salamin at napangiwi siya dahil medyo hindi na ka-aya aya tignan ang kabuuan niya. Mabuti nalang at may mga naiiwan siyang ibang damit sa kanyang locker kaya iyon na ang susuotin niya. May ilang undies din siyang naroroon kaya solve na ngayon ang buong isang araw niyang susuotin. She has no choice but to wear the dress that she has in her locker. May kaiklian ito kaya medyo naiilang siyang lumabas. Saka lang naman kasi siya sumusuot ng mga gano'ng klaseng dress kapag may mga okasyon siyang dinadaluhan lalo na kapag related sa kompanya na pinagtatrabahuan niya. She fix her self. Inayos niya ang kanyang buhok na nakabuyangyang lang kanina. Doll shoes parin ang susuotin niyang pang paa dahil alam niyang hindi siya magaling mag balance sa mga matataas na takong. She applied liptint on her lips. Dalawang lapat lang na ga tuldok at saka niya nalang ikinalat gamit ang isang hinliliit. “Ash!” untag sa kanya ng isa niyang kasamahan sa building na iyon ng makalabas siya ng washroom. Alam niya agad kung ano ang ibigsabihin nito kaya nag madali na siyang tumungo sa opisina ng Boss niya. Kumatok muna siya ng dalawang beses bago pumasok. “Make an appointment to them.” agad na sabi ng kanyang Boss ng maramdaman nito na nakapasok na siya. Nakatutok ang atensyon nito sa laptop kung kaya't nakahinga siya ng maluwag. “And, isama mo yang bagong secretary para alam niya ang bawat kompanya na pupuntahan niya. Ilibot mo din siya sa mga sites na malimit kong puntahan.” segunda nitong utos sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa table nito para kuhanin ang envelope na may mga files na nakalagay. Agad na naitaas ni Ryuku ang paningin at dumiretso agad ang mga mata nito sa kabuuan niya. Nangunot ang noo nito at tila binabanas sa nakikita. Kinabahan siya bigla dahil baka masakit na naman sa mga mata nito ang nakikita nito ngayon. Naalala niya tuloy kung paano siya sinabihan noon ng masasakit na salita no'ng minsang nag suot siya ng backless na dress dahil nag attend siya sa isang party na related sa kompanya nila. “You may go now.” pagtaboy nito sa kanya na agaran niya ring sinunod. Halos malalaking hakbang pa ang ginawa niya para makarating agad sa pintuan para makalabas na. “Goodluck, Ashley Geagoni.” aniya sa kanyang sarili matapos lagyan ng ekis ang petsa na bente dos kung saan unang araw ng sinasabi nitong extension na fifteen days of working niya. Mukhang mahaba-haba ang araw na ito ngayon para sa kanya kaya tama lang na palakasin niya ang kanyang loob. Pagkatapos niyang makipag-appointment sa sampung katao ay nilaan naman niya ang ilang oras sa pagtuturo sa bagong sekretarya. Nasa isang store sila ngayon na may free wifi ng sa gano'n ay wagas niyang maituro online ang mga dapat nitong gagawin. Mabuti nalang din at medyo mabait naman yo'ng napili niya. Mabilis din mag catch up ng mga tinuturo. Ilang oras nalang din pala at mag a-alas singko na pero hindi parin tumatawag ang Boss niya. Kung babalik naman sila doon ay baka magagalit naman ito dahil walang pahintulot na bumalik na sila. Balak niya pa naman mamayang gabi ay umuwi ng Zambales pero paano niya gagawin iyon kung may remaining fifteen days pa siyang natitira para bunuin ang mga maiiwan niyang trabaho. Bigla siyang humugot ng malalim na hangin bago ibinuga ng mabilis dahil sa nabasa niyang message galing sa Boss niyang si Ryuku. “You can send here the new secretary. May ipapa-attend akong dinner meeting sa'yo now and make sure that you can close the deal even though Mister Takashi is a bit difficult to deal with.” Kahit sa txt message nito ay nakikita niya kung gaano nangungunot ang noo nito sa tuwing inuutusan siya. Wala na siyang nagawa kundi ang pabalikin sa Alon Engineering Firm ang bagong secretary at siya naman ay napagpasyahan nang pumunta sa address kung saan tatagpuin ang ka dinner meeting niya. Hindi na rin siya nag aksaya na sagutin ang txt niyon. “Don't worry Mr. Takashi because I'm making sure it gets to Boss Ryuku and you can count on tomorrow to start this project.” sunod-sunod niyang pagpapaliwanag at pagpapa-assure na hindi mabibigo ang hapon. For she knows, Mr. Takashi is one of their biggest clients kaya kahit nakakaramdam na siya ng pagod ay talaga namang ginawa parin niya ang best niya para mai-close ang deal na iyon. And as his Boss said, kaya nakikisama siya ng ayos kahit pakiramdam niya ay may kabastusan siyang tinitingnan ng hapon na kliyente. When she goes out to the restaurant saka lang siya nakahinga ng maluwag. Kasado na ang lahat. Napirmahan ang kontrata. Nagawa narin niyang makipag-transaction sa ibang meeting. Naituro narin niya ang lahat na dapat malaman ng bagong secretary. Ang tanging gagawin niya nalang ngayon ay bumalik sa Firm para isumite sa Boss niya ang papel para makapagpahinga narin siya but...she heard that her phone is ringing...again! “Pakibigay kay Mr. Alonzo ang isang file na para kay Toralba.” utos nito sa kabilang linya. Wala man lang pasalamat bago pinatay ang tawag. Naiinis na siya kung kaya't unti-unting namumutawi sa sestema niya ang yamot. Hindi ba nito naiisip na lampas na sa oras ng trabaho niya?! O baka talagang sinusulit lang nito ang mga araw na pahihirapan siya dahil sa pag-resign niya. Magalang niyang ini-abot ang envelope kay Mr. Alonzo. Akala niya makaka-alis na siya pero hindi parin pala dahil kung ano-ano pa ang tinatanong nito tungkol sa mga nakasaad sa papel na iyon. Kabastusan naman kung ititigil niya agad ang pag-uusap na iyon. Maya't-maya na rin siyang napapatingin sa relo niya at napasinghap nalang siya nang makita na halos mag a-alas diyes na pala ng gabi. Problema pa nga niya kung saan siya uuwi ngayon tapos ito pa ang nasasabana niya! Walang awa talaga itong Boss niya. Nang makatapos sa pakikipag-usap kay Mr. Alonzo, wala siyang sinayang na oras para makapunta sa condo unit ni Ryuku. Nang kanyang Boss na wala yatang puso! She's furious. Nayayamot, nagagalit, naiirita at higit sa lahat nahahabag sa sarili. Pagod na pagod na siya at gusto na sana niyang ilaaan ang natitirang oras kanina pagkatapos ng kanyang trabaho para makahanap ng apartment kaso walang awa ang Boss niya! Hindi niya alam kung naisipan niyang sa condo unit nito siya puounta para ibigay ang mga files. Dahil nga siguro ay alam niyang naroroon ang lintek na 'yon kapag ganitong oras na. Baka nga nagdidiwang pa 'yon sa saya dahil sa mga pinapagawa nito sa kanya. Agad niyang ini-abot ang envelope na hawak-hawak niya. Nagkukumahog sa galit ang dib-dib niya pero nakakaya pa naman niyang kontrolin ang emosyon. “May iuutos ka pa ba, Sir?” may diin niyang sambit sa salitang 'Sir'. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla ng makita siyang nakatayo sa harapan ng pintuan nito. Ang kaninang nakangiting labi nito ay pansamantalang nag lapat. Is he expecting someone? Naiirita na siya at nagagalit. Mukhang na gets agad ni Ryuku na nayayamot na siya pero mas lalo siyang nayamot ng nginisihan siya nito na para bang natutuwa pa sa kanya. Haggard na ang hitsura niya at masasakit na ang mga binti niya sa palakad-lakad kanina tapos ganito pa ang madadatnan niya! “Kung meron pa sagarin mo na hanggang bukas. Huwag mo na akong pahintulutan na mag pahinga dahil wala naman sa bokalbularyo mo ang gano'n! Diba? Natutuwa ka pa nga nakikita akong nahihirapan eh. Utusan mo pa ako!” sunod-sunod niyang sabi habang namumuo ang mga luha sa palibot ng kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na nasasabi niya ang mga gano'ng salita sa harapan mismo ng kanyang Boss. Na hahamunin niya ito! Hindi nakapagsalita si Ryuku ng makita kung paano pumatak ang isang butil na luha galing sa mga mata niya bagkus tinalikuran siya nito. Kumuha ito ng isang basong tubig. Walang imik na ibinigay sa kanya pero sa halip na tanggapin niya ay tinabig niya dahilan para pumatak sa sahig at mabasag ang baso habang kumakalat ang tubig. Nagulantang si Ryuku pero hindi parin nito nagawang magsalita o pagalitan man lang siya. “Hindi mo alam kung gaano ako nag titiis sa mga araw na palagi mo nalang ako pinagdidiskitahan! Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdadaanan ko pagkatapos kong saluhin lahat ng masasakit na salita na sinasabi mo sa'kin!” Nakagat niya ang kanyang ibabang labi para matigil ang panginginig ng kanyang mga labi. Ayaw niya sana na umabot sa ganitong punto kaso wala eh, she's full of anger and she needs it to burst out kung sa paraan na 'yon ay makakaluwag sa kanyang kasipan at dib-dib. “Konteng-konte nalang at makakalaya na ako sa'yo... K-Konte nalang...” at tuluyan na siyang napahagulhul but she was surprised ng bigla siyang yakapin ni Ryuku. Natigilan siya at hindi makagalaw dahil sa ginawa nitong ni minsan hindi niya ini-expect na gagawin sa kanya. “You can go. Baka marinig pa ng girlfriend ko ang ka-dramahan mo at baka makita niya tayong ganito isipin niya pa niluluko ko siya.” bulong nito sa kanya bago siya pinagsarhan ng pinto. Ni pasalamat ay wala! Ano pa nga ba ang ini-expect niyang magandang gawin sa kanya ng isang Ryuku Wave Salem!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD