CHAPTER 1- PET PEEVE

1339 Words
*RYUKU* Maaga siyang pumasok sa kanyang opisina dahil kailangan na siya mismo ang humanap ng tipo niyang sekretarya. Yoong tipo na hindi natataranta sa trabaho lalo na kapag mainit ang kanyang ulo. 'Yong kapag alam niyang may kailangan siya ay idudulot na agad sa kanya ang hinahanap niya at hindi na niya kailangan pang mag burag. Ayaw niya sa lahat ay yoong mabagal pa sa pagong kung utusan. “Bakit ba kasi agang-aga ay ikaw agad ang bumungad sa'kin?” iritado niyang tanong sa kanyang sekretarya. Tila nandidiri pa siya kung tingnan ito kahit maaliwalas naman ang hitsura ni Ashley. Agad namang napayuko si Ashley dahil sa walang prenong niyang saad. Kasalanan ba nito kung ito agad ang bubungad sa kanya eh sekretarya niya naman ito! “Hayaan niyo po bukas na bukas ay iba na ang bubungad sainyo, Sir. Makakahinga kana ng maluwag bukas dahil hindi mo na makikita ang isang babae na walang modo at makupad pa sa pagong kung utusan mo.” diretso sa mga mata niya ang tingin ni Ashley habang dinidepensahan ang sarili. Tila may kung anong guhit ang lumakbay sa kanyang kaibuturan nang marinig ang sinabi ng kanyang sekretarya. Pero dahil gusto niyang baliwalain ang biglang naramdaman kaya siya napangisi na para bang nagdidiwang agad ang kanyang kataohan dahil sa wakas ay hindi na siya maii-stress. “That's good. At kung sino man ang malas na Boss ang mapupuntahan mo, goodluck nalang sa kanya. Sana hindi kasing iksi ng pasensya ko ang pasensya niya sa tuwing tatanga-tanga ka sa trabaho mo.” napa-iling siya ng kanyang ulo habang pinapalandas ng madali sa baba niya ang ilang daliri at tuwid na sinasalubong ng nakakamatay na tingin si Ashley. Natameme at hindi na nagawang magsalita ni Ashley dahil sa kanyang walang galang na mga sinabi. Hindi niya ba naiisip na nakakasakit na siya tao? Na nakakasakit na siya ng damdamin base sa mga malulutong niyang wika? Kunsabagay hindi siya magiging bastardo kung hindi gano'n ang kanyang ugali. Aminado naman siyang anak siya sa labas pero kahit na gano'n hindi ka aya-aya para sa kanya ang ugaliin ang gano'n ugali. Hindi siya pinalaki ng kanyang kinikilalang Ina para maging isang gago at walang galang sa mga kababaihan. Hindi niya ba naiisip na may dalawa din siyang kapatid na babae? Isang mabait at responsable ang kanyang Ama at gano'n din ang kanyang kanyang Mommy Janessa pero bakit siya ay ibang-iba!? Dahil nga ba bastardo siya kaya inugali niyang manakit ng damdamin ng iba? Pero hindi 'yon rason para tratuhin niya ng gano'n si Ashley dahil lamang sa mga kakupadan nitong galaw. Hindi niya naiisip na kaya naman nagkaka-gano'n ang sekretarya niya dahil rin sa kanya. Palaging padabog siya kung mag-utos at kala mo'y daig pa niya ang naglilihi dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos ay palagi niyang pinag-iinitan si Ashley. Kahit siya mismo ay hindi rin naman alam kung bakit gano'n na lamang ang init ng bait niya sa dalagang sekretarya niya. Halos mag-iisang taon narin naman niya itong katiwala pero simula pa lang ay gano'n na ang pakikitungo niya sa dalaga. “Now, what are you still doing here?” burag niya kay Ashley. Agad namang napataas ang magkabilang balikat nito dahil may kalakasan ang pagkakasabi niya. Nag kaka-trauma na yata si Ashley dahil palaging pagalit ang kanyang pagkakasabi. “Your work is waiting to you. Dapat matik na palagi ang mga kailangan ko, Stk!” naiiling reklamo niya dahil napaka-slow ng kanyang sekretarya. Naniningkit ang mga mata at nag tatagis ang kanyang bagang habang tinitingnan ang papalayong bulto ni Ashley. Walang preno ang kanyang bibig lalo na kapag nagagalit na siya. Kung tutuusin ay sanay na naman sa kanya si Ashley at ang ibang empleyado niya pero minsan hindi talaga maiiwasan na hindi mataranta dahil kung umasta siya ay parang isang tao na galit na galit sa mundo. Maayos naman ang buhay niya. Mayaman siya at tinitingala dahil sa angking galing sa larangan ng pagiging isang inhinyero. His talent came from to his father. A business tycoon and a well-known Engineer and owner of one of the most popular Engineering firm over the metro. Wala siyang galit o hinampo sa Ama niya dahil lamang sa pagiging isang anak niya sa labas. Minsan naiisip niya din kung bakit gano'n na lamang ang galit niya sa mga babaeng katulad ni Ashley gayong wala naman itong masamang ginagawa sa kanya. Gayong ang didikasyon naman nito sa trabaho ay maayos...sa paningin ng iba. Sa iba. Pero sa kanya ay lahat may puna. Lahat may kulang at lahat-lahat ay palaging mali. “Sir, ready na po ang mga aplikante. Kayo nalang ang hinihintay.” may pag-alinlangan at tila natatakot pa ang klase ng pagkaka-imporma ni Ashley sa kanya. Naningkit na naman muli ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Ashley na nakayuko lamang sa harapan niya. “Look at me straight if you have something to tell me or to inform. Hindi ba parang nakakabastos ang ganyang klaseng pakikitungo sa boss? Halos mag-iisang taon kana dito pero ganyan parin ang inaasta mo. Paalisin ka na nga pero wala ka paring pinag-bago.” mahabang wika niya. Agang-aga ay puro sermon agad ang naririnig sa kanya ni Ashley. Aalis nalang ito at lahat-lahat pero hindi niya paring magawa na pakibagayan ito ng maayos. “Noted po, Sir.” impit na sang-ayon sa kanya ni Ashley. Kitang-kita niya kung paano nito kinakagat ang ibabang labi sa tuwing napapagsabihan niya ito. And he hates it even more when Ashley doing a bit on her lips everytime he is scolding. For him, it's like his pet peeve to see that kind of manirsm. Agad siyang tumayo at niluwagan ang kanyang necktie. Isinara ang kanyang laptop at binitbit ito gamit ang isang kamay. Salubong ang kanyang mga kilay habang tinatapunan ng paningin si Ashley na naka-yuko lamang ulit. Hindi niya alam kung sumunod narin ba ito sa kanya pero dahil narinig niya ang mga yabag nito gawa ng suot nitong doll shoes kaya hindi na niya inabala pang lingunin. Pagkarating niya sa conference room kung saan gaganapin ang pag-iintetview niya sa mga aplikante mabilis niya ding ibinaba ang dala niyang laptop. Kailangan niyang maipasa sa mga tao niya ang mga projects na nakabinbin parin sa kanya hanggang ngayon. Minamadali na ang iba doon kaya dumoble lalo ang init ng kanyang ulo. Dumagdag pa itong ginagawa niya ngayon kaya sa halip na isantabi muna ang ginagawa kanina naisipan niyang ipag-sabay nalang dahil mamayang hapon ay mag bibisita siya sa mga sites. Limang aplikante na ang na-interview niya pero wala parin siyang natitipuhan. Puro pa sexy at pa kikay lamang ang limang babae na in-interview niya. Unti-unti na namang umaatake ang sakit niya. Sakit sa ulo dahil sa inip at pagkagusto na makakuha na ng bagong sekretarya. Wala man lang pasalamat na narinig si Ashley mula sa kanya ng dalhan agad siya ng malamig na tubig na nasa mineral bottle. “Ilan pang applicants ang naroroon sa labas?” medyo iritado niyang tanong kay Ashley nang akmang babalik na ito sa labas. Humarap ulit ito sa kanya bago tumingin ng tuwid at walang kurap na sinimulan ang pag tugon. “Mahigit pa po sa sampu, Sir.” agarang tugon ni Ashley sa kanya habang tutok na tutok ang paningin sa kanya. Medyo may pagka-ilang siyang yumuko at napahilot na lang sa kanyang magkabilang sentido. “Ikaw na ang bahala na pumili and make sure na hindi aanga-anga 'yon.” utos niya habang sinasara ang laptop at walang sabi na tumayo na para umalis. “Noted po, Sir.” narinig na lamang niya ang mahinang tugon nito nang makalayo na siya. Iritado parin siya dahil mukhang palyado ang lahat ng mga aplikante na sumabak sa interview. Bakit kasi kailangan pang umalis nito kung natitiis pa naman nito ang ugali niyang magaspang. But because his pride was so high, he couldn't talk to stop her from leaving her position. At sana hiling niya ang mapili ng aanga-anga niyang sekretarya ngayon ay hindi katulad nitong untag muna bago ang gawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD