CHAPTER 23- HE'S JUST A PAST

1192 Words
*ASHLEY* Hapon na nang magsimula ang party ng kambal at nakakatuwa lang dahil kahit hindi naman kami taga rito sa Zambales ay sobrang daming tao parin ang pumunta sa selebrasyon ng aking kambal. Hindi ma ampat ang saya ni Blue at Sky habang nakikitawa sa mga batang kasama nila habang inaabot ang mga pabitin. Nakakatuwa lang dahil kahit minsan nahuhusgahan na ang kataohan ng aking mga anak hindi sila nag papatinag bagkus sinasarili nalang nila at saka nila tinatanong sa akin at kay Mama ang tungkol sa Ama nila. Alam ko naman na hanggang lumalaki silang magkapatid ay hindi talaga maiiwasan na itago at ilihim sa kanila ang tunay. Lalo na at parehas silang mulat sa mundong ginagalawan nila. And I admitted that the two of them are genius. Lalo na si Blue. Sa likod ng aking pag-iisip habang naka-upo dito malapit sa pintuan habang tinatanaw ang masasayang mukha ng aking kambal hindi ko naman mapigilan na mapabaling sa aking tagiliran ng makitang biglang sumulpot si Riki! May pagtataka ko siyang tinignan dahil hindi ko aakalain na paaunlakan niya ang imbitasyon ko. Simula kasi no'ng umalis ako papuntang England wala na akong balita sa kanya at saka we have a small interaction back then kaya hindi rin kami masyadong close. Sumilay sa akin ang sobrang singkit niyang mga mata habang umupo ng pasandal. Nakahalukipkip ang mga kamay habang tuwid na nakatingin sa mga bata. “A-akala ko hindi ka pupunta.” untag ko sa kanya. Ngumisi lang siya bago hinawi pataas ang malago niyang buhok na may mga highlights pa ang ibang bahagi ng mga iyon. “Ako hindi pupunta?” naiiling niyang tugon pero agad akong napatingin kay Mama ng bigla siyang tumabi sa amin. Bakas sa hitsura nito ang tila problemado kaya mas lalo akong nagtaka. “Nako, Hijo. Wala na talaga kaming paglalagyan ng mga dala mong mga laruan para sa dalawang bata. Jusko! Parang magiging bodega na ang kabilang kuwarto nina Ate dahil sa mga laruan na dinadala mo dito araw-araw.” diretsong bungad niya kay Riki na ngayon ay napakamot nalang sa ulo habang natatawa. Mga laruan? Curiousity hit me kaya hinarap ko si Mama. “Mga anong laruan, Ma?” takang tanong ko at napatingin nalang siya kay Riki. Si Riki naman ay patay malisya lang din nakatingin sa akin habang pinapasingkit na naman ang kanyang singkit na mga mata! “Ito kasing batang 'to. Bawat punta dito araw-araw ay wala ng ibang dala kundi mga laruan para sa dalawa. Parang hindi nanghihinayang sa pera,” bulgar ni Mama. “Dalawang taon kang araw-araw na pumupunta dito sa amin?” bulalas ko kay Riki na ikinatango niya. Wala si Mama dahil tinawag ni Tiya kung kaya't hindi ko talaga alam ang totoong nangyari. Kagabi lang din naman kasi ako dumating kaya hindi ko pa talaga magawang mang-usisa sa mga bagay-bagay dahil dala ng pagod at ngayon nga ay birthday pa kambal. “Ganyan ka ba ka yaman para hindi mag hanap-buhay at araw-araw na pumupunta dito sa amin? Tapos...—” “Hinay-hinay lang. Pwedi? Hear me out first, okay?” putol niya sa sasabihin ko kaya natahimik din agad ako. Inayos niya ang kanyang inuupuan bago hinarap sa'kin. Kumamot pa siya sa kanyang ulo dahil parang hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Kung dalawang taon ba naman siyang araw-araw na nandito aba, nakakapagtaka talaga 'yon! Ano siya pensyunadong tao? “Honestly, si Janessa naman talaga ang naki-usap sa akin na pumunta dito araw-araw. I can't say no to her because she's like a sister to me. Quinn also is my childhood brother. Gusto nila na palagi kong dalawin ang mga apo nila dahil hindi nila alam kung hanggang kailan mo daw itatago sa mundo ang kambal.” simula niya na ikinamangha ko naman. So sa mga nagdaang dalawang taon wala akong ka alam-alam na sinusustentuhan din pala nila ang kambal? For me, It's not a big deal naman dahil sa totoo lang ikinakatuwa ko pa dahil hindi ko aakalain na gano'n pala kabuti ang mga magulang ni...basta! Para tanggapin ang mga anak ko ng wala man lang panghuhusga kung totoong apo ba talaga nila ang kambal. “Tapos binabayaran ka nila dahil sa araw-araw na pagpunta mo dito para paglaan ng oras ang kambal?” kuryuso kong tanong sa kanya dahil nagtataka lang talaga ako. Wala ba siyang pamilya? Lovelife? O pinagkakaabalahan sa buhay? “No?!” bulas niya at hindi makapaniwala akong tinignan. “I can sustain myself with my own money kahit habang buhay pa akong hindi mag trabaho, no.” mayabang niyang sagot sa akin kaya tipid akong napatawa dahil sa kayabangan niya. Pero dala parin ng kuryusidad kaya hindi ko mapigilan na hindi parin mag tanong sa kanya. “Ano bang trabaho mo? Ganyan kana ba kayaman?” tanong ko. Agad siyang napangisi habang tumatayo at biglang hinugot sa bulsa niya sa likuran ng kanyang pantalon ang kanyang wallet. Umupo siya at binuklat iyon sabay pakita sa'kin ng kanyang licensed ID. Napa-o shape bigla ang bibig dahil sa nakita. Kahit nga hindi na siya mag trabaho habang buhay dahil doble-doble pa sa sahod ko ang kinikita niya. “Uncle, Riki!” malakas na sigaw ni Blue ang narinig ko kaya sabay kami ni Riki na napatingin kay Blue na patakbong patungo sa puwesto namin. Tuwa ang makikita ko sa mukha ni Blue kung kaya't napa-isip ako na naging close na ito sa mga bata. Napansin kong biglang tumayo si Riki bago sinalubong si Blue para kargahin. “Happy birthday, buddy.” bati nito kay Blue sabay untog ng kanilang mga kamao. “Thanks, Uncle! I thought you would never come,” nakangusong saad ni Blue. Wala na akong nagawa kundi ang mapatitig sa dalawa. “Sus, pwedi ba 'yon? Have you seen your Grandma and Grandpa's gift?” umiling-iling naman si Blue kung kaya't itinuro din agad ni Riki ang kotse niyang bahagyang naka-awang ang compartment. Nangislap ang mga mata niya ng maaninaw ang isang mini car na halos kasya ang dalawang bata kapag pinasakay. Meron pang isang malaking bagay na kulay pink naman ang ribbon pero hindi ko alam kung ano iyon. Siguro ay para naman kay Sky iyon. “Really? Woah!” hindi mapakapaniwalang bulalas ni Blue. Dahil do'n ibinaba na siya ni Riki at patakbong nag punta sa kotse nito. Nakakatampo tuloy dahil hindi man lang ako pinansin. Naghalukipkip ako pero hindi ko alam na napansin pala iyon ni Riki. “He's like his Father.” mahinang imik nito. Gulat ako na napatingin sa kanya. Hindi ko inaasahang i-open up niya ang gano'ng bagay. “Alam niya ba?” tanong ko na hindi nakatingin sa kanya. “Maybe not,” aniya sabay buntong hininga. Pagkatapos no'n hindi na ako nag tanong ng kung ano-ano pa. Hindi sa bitter ako. I just want to consider it in the past. Basta ang pagkakaalam ko nasabi ko sa kanya noon ang tungkol sa dalawa and choice niya 'yon kung hindi niya ako papaniwalaan. Wala na akong pakialam kung ano man ang buhay na meron siya ngayon. Kung masaya siya then I am too. He is just a part of my past.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD