CHAPTER 24- PANICKED

1254 Words
*ASHLEY* Kinabukasan pagkatapos naming maglinis ng mga tirang imisin napagpasyahan kong ipasyal ang kambal. Tumanggi si Mama na sumama dahil maglilinis pa daw siya ng mga tirang kalat sa loob ng bahay. I just want to spend some time to my twins bago ako pumunta ng Maynila para bisitahin ang bahay namin doon. Naka-one month vacation ako at hindi muna ako tumatanggap ng project habang hindi pa natatapos na maayos ang iba kong papelis para sa pag transfer ko dito sa Pilipinas. May 1 month pa kasi akong natitira bago matapos ang kontrata ko sa England kaya hinihintay ko muna na matapos 'yon. “Ganda, saan po tayo pupunta?” tanong ni Sky sa akin habang hinihila ng ilang beses ang laylayan ng aking damit para matuon ang atensyon ko sa kanya. “Papasyal tayo sa Mall. Bibili tayo ng mga damit niyo at pagkain.” paliwanag ko sa kanya na ikinangisi naman niya ng malapad. “Talaga po? Yehey!” bulalas niya at parang hindi makapaniwala. Daig niya pa ang hindi nakakapunta ng Mall na kung tutuusin ay linggo-linggo sila palagi na pumapasyal ng Mall kasama si Mama at ang pinsan kong si Kristine. Napatingin ako kay Blue dahil napapansin kong kanina pa siya walang imik pero ng basta niya makita si Riki na bumusina agad lumiwanag ang busangot niyang mukha. “Ganda, Uncle Riki is here!” bulalas niyang imporma sa akin na para bang hindi ko nakikita ang pagdating ni Riki. “Siya sakay na kayo ni Sky. Dahan-dahan lang sa pagtakbo.” huli na ako sa pag bilin dahil mabilis na silang nag paunahan ni Sky ng pagtakbo. Napiling nalang ako habang naglalakad patungo sa kotse ni Riki. Nag prisenta kasi si Riki na sumama sa amin dahil may bibilhin din daw siya sa Mall bago pumunta ng Maynila mamayang gabi. Nalaman niyang bukas ay pupunta din ako ng Maynila at sinabi niyang pwedi niya daw akong hintayin para sabay na kami bukas pero tumanggi ako. Nakakahiya na at syempre nakaka-abala din. Mabilis kaming nakarating sa Mall dahil malapit lang naman dito sa ang branch ng Ace Mall. Ipinasyal ko ang kambal sa kung saan-saang mga play zone habang si Riki ay binili ang mga pasalubong na dadalhin bukas. Nakakatuwa dahil habang ang kambal ay masayang naglalaro ako naman ay walang hanggan ang ngiti dahil sa tuwa. Naalala ko lang kasi noon no'ng mga panahon na wala pa akong stable na trabaho. Mga tatlong taon palang sila at sa isang buwan merong time na hindi ko talaga sila naiipasyal dahil sakto lang palagi ang pera ko no'n. Pangbili lang ng gatas nila at diaper kaya sabik sila sa gala noon. Hindi katulad ngayon na sawang-sawa na sila. Ang thankful ako dahil sa lahat ng pagsubok na ibinigay sa akin ng diyos masasabi kong naging matapang ako dahil may dalawang bata akong nagpapatibay sa akin. May Ina akong nag papa-alala na naririyan siya palagi sa tuwing nahihirapan ako. At...may mga taong gumawa ng kalokohan at niloko ako at nagsilbing leksyon sila sa akin. Sa nagdaan na taon hindi ko na nabalitaan kung nasaan si Kuya at Papa. Hindi ko rin naman naiitanong kay Mama ang tungkol sa kanila. Wala na ang sama ng loob ko sa kanila at matagal ko na silang napatawad pero kung may pagkakataon man na makita ko sila nasa momentum parin ako na hindi ko pa kaya kahit absuwelto na sila. “Kain na tayo. Naka-order na ako at kayo nalang ang hinihintay. Let's go?” biglang sulpot ni Riki. Nakakagulat talaga ang lalaking ito sa totoo lang. Hindi na ako nakasagot dahil patakbo na siyang patungo sa pinaglalaruan ng kambal. Tinig-isa niya itong binuhat kung kaya't gustong-gusto din naman ng dalawa. “Grabe ka, ang mahal kaya dito. Ang expensive ng mga pagkain kahit kakapiranggot naman ang nakahayin.” saad ko habang sinusubuan si Sky. Si Blue naman ay siya na ang sumusubo ng kanya. Pihikan kasi si Sky kaya kailangan pang tutukan ng pagsubo. Umismid lang si Riki bilang sagot sa akin. “You know what, sabihin mo 'yan sa biyenan mo at siguradong tuturuan ka pa no'n ng pag pi-plating ng mga cuisine.” aniya sa pabirong tinig. Agad ko naman siyang inirapan dahil sa sinabi niyang kataga na hindi katanggap-tanggap ng aking pandinig. Hindi sa ayaw ko kay Ma'am Janessa. I know how kind and polite she is but to be Ryuku's other half? Imposible na. I'm happy now with my kids and that's all. “Shucks!” impit kong anas ng makita sa cellphone ni Riki ang pangalan ni Ryuku na nag appear sa incoming call niya! Bigla akong nataranta! Hindi ko alam ang gagawin kung kaya't mabilis kong binuhat si Blue paalis sa tabi ni Riki kahit sarap na sarap pa si Blue sa kanyang kinakain! Gano'n din ang ginawa ko kay Sky pero agad akong natigilan ng makitang biglang tumayo si Riki para pigilan ako. “Huy, kumalma ka nga.” natatawa niyang saway sa akin dahilan para tignan ko siya ng masakit! Para kasing wala lang sa kanya! “Paano ako kakalma? Paano kung makita niya ang kambal? Okay ka lang ba?” mariing anas ko sa kanya. Pigil na pigil kong hindi mahalata ng kambal na naiirita ako kung kaya't pabulong kong kinakausap si Riki. Hawak niya parin ang kanyang cellphone habang walang katapusang tumutunog dahil sa tawag ni Ryuku! “Masyado ka namang advance. Bawasan mo nga yang kakape mo. Matakaw ka siguro doon kaya nagiging matarantahin ka.” naiiling niyang sabi habang natatawa pa bago ako tinalikuran at lumabas ng restaurant saka pa sinagot ang tawag ni Ryuku. Awtomatiko namang naningkit ang aking mga mata dahil sa sinabi niya sa'kin. Ako? Nagkakape? Ni hindi nga ako mapasimsim sa kape dahil nagkaka-heart burn ako tapos mag kakape pa ako! Hindi makapaniwala ko siyang sinundan ng tingin dahil sa mga akusasyon niya sa'kin! Wala na ba akong karapatan mataranta? “Ganda uubusin ko po yo'ng chicken.” imporma sa akin ni Blue kaya bumalik ang paningin ko sa kanya at dali- dali ko silang dinala ulit ni Sky sa table kung saan kami kumakain kanina. Nilantakan niya ulit ang manok habang si Sky naman ay sinubuan ko ulit ng natitira niyang pagkain. Hindi parin mawala sa isip ko ang biglaang pagkataranta kanina. Paano nalang kung nakita ako ni Ryuku at nakita niya rin ang mga kambal! Dahil do'n napapaisip ako na hindi talaga pweding takasan ang nakaraan kahit pinipilit mong mamuhay ng tahimik sa kasalukuyan. Halos alas singko na ng hapon ng maka-uwi kami sa bahay. Sobrang saya ng dalawang bata habang patakbong pumapasok sa loob ng bahay bitbit ang kanilang mga laruan na binili ni Riki. Kahit anong awat ko kanina na huwag ng bilhan ang dalawa ay tila hangin lang ako dahil hindi niya man lang ako magawang sundin at pakinggan. Medyo may katigasan din pala ang ulo ng lalaking iyon. Stk. Pagkatapos kong maligpit ang mga pinamili ko saka ako kumuha ng towel para maligo pero agad akong natigilan ng biglang tumunog ang aking cellphone indikasyon na may nag txt. Tinignan ko kung sino ang nag txt kaso unknown number. “Manila is waiting for you, Architect, Drunk girl.” Napangiti ako dahil kahit unknown number pa 'yon kilalalng-kilala ko kung sino 'yon! Hindi narin ako magtataka kung saan niya nakuha ang number ko. He is an Architect and we are now in the same field kaya hindi na siya mahihirapan na hanapin ang numero ko dahil kahit pangalan ko palang ay kilala na niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD