CHAPTER 18- ENGAGEMENT PARTY

2561 Words
*ASHLEY* Kai: I'm on my way, drunk girl. Pagkabasa ko sa txt ni Kai nataranta akong humarap sa malaking salamin para suriin ng paulit-ulit ang suot kong dress. Hindi naman mukhang magarbong dress ang napili kong suotin. Maging mukhang desente lang akong tignan ay ayos na 'yon. Nginitian ko pa ng mapait ang aking sarili habang inaayos ang aking buhok. Buo na ang aking desisyon at kung ano man ang mangyari mamaya at kung ano man ang matunghayan ko sa party na 'yon buong lakas kong hinahanda ang aking sarili. Haharapin ko ang lahat mg kahihiyan na pweding mangyari mamaya. Malay ko ba na baka may patibong na hinahanda si Ryuku bilang pag gante sa akin. “Dahan-dahan lang sa pag drive boyfriend!” naisipan kong replayan si Kai dahil ang totoo gusto ko lang naman malaman kung nasaan na siya. Alam kong bawal nang mag txt kapag nag mamaneho at tama nga ang hinala ko. He is calling right now! Napa-umis ako bago sinagot ang tawag niya. “I'm here.” aniya kaya napasilip ako bigla sa aking bintana. Tanaw ko na nga ang magara niyang kotse na nakaparada sa labas ng bahay at halos katapat na sa gate. “Hindi ka naman nag mamadali ano?” natatawa kong ani bago sinarado isa-isa ang mga jealousy. Hindi ko kasi alam kung anong oras ako makakabalik mamaya kaya para sigurado isinara ko na lahat. “Hindi naman obvious diba?” Pamimilyo niya na ikinatawa ko ng bahagya. “Hindi naman,” patay malisya kong sagot at sinabayan nalang ang kalokohan niya. “Labas kana,” “Sige, suot lang ako ng sandals.” Pagkatapos ng kanyang tawag minadali ko nang ilabas ang kahon ng aking sandals na nakalagay pa sa ilalim ng aking kama. Kailangan ko pang lumuhod para makita ng maayos ang kukunin kong kahon pero natigilan ako bigla ng makita ang isang bagay na sobrang pamilyar sa akin. Basta lang ito nakalapag sa sahig na nasa ilalim ng kama ko at kung hindi ako nagkakamali ay kay Ryuku galing ang bracelet na hawak-hawak ko! Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga panahon na iniregalo niya sa akin ang bracelet na ito pero dahil ayaw kong makatanggap ng kahit anong materyal na bagay noon na galing sa kanya kaya tinanggihan ko ang bagay na 'yon. Baka nga katulad lang talaga nito sa dati niyang ibibigay sa'kin at nag dedelusion lang ako na ito parin yo'ng kagaya noon. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang bracelet na 'yon kaya naisipan kong ilagay nalang sa clutch bag kong dala. Hindi ko na inabala pang dalhin ang invitations na binigay kanina ni Ryuku dahil alam ko naman na imbitado ako ng kapatid niya kahit hindi sinabi ni Kai na engagement party talaga ang event sa kanila. Isa pa hindi niya rin naman kasi alam na kilala ko ang kapatid niya. “Sorry natagalan ng konte.” bungad ko sa naka-awang na pinto. Tulala siyang napatingin sa akin at tila hindi makapaniwala sa postura ko. Baka hindi bagay sa akin kaya napapatulala nalang siya imbes na sabihin sa akin ang too! Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya. “Pangit ba?” pikang tanong ko kay Kai pero mabilis siyang umiling at parang tatalsik ang kanyang ulo dahil sa ginawang pag iling-iling. “No, Hindi. I-I mean...it suits you.” papuri niya sabay labas sa kina-uupuan niya at mabilis na umikot papunta sa pwesto ko para alalayan akong makasampa. Hindi ako sanay kaya paloko ko siyang pinuna. “Sus, nag abala ka pang bumaba eh kaya ko namang sumampa kahit ganito ang suot ko.” “Napaka-ungentleman ko naman kung hindi ko aalalayan ang babaeng maganda na katulad mo.” aniya bago ikinabit ang seatbelt ko saka isinara ang pintuan. Lihim nalang akong napa-umis bago inayos ang pagkaka-upo habang hinihintay siyang sumampa. Tinapunan pa niya ulit ako ng isang hindi makapaniwalang tinginan kaya mas lalo akong nailang sa kanya. Parehas kaming napatawa ng sawayin ko siya dahil sa mga paninitig niya sa akin. Sabado ngayon at hindi rush hour para maging dahilan ng traffic. Pati weekends kaya maluwag ang kalsada kaya mabilis kaming nakarating sa kanilang subdivision. Hindi paman kami tuluyang nakakarating sa labas ng kanilang bahay pero nanlalamig na ang aking mga kamay at parang kahit anong oras ay pweding umatake ang panic attack ko! “Are you, okay?” curios na tanong ni Kai nang makita niya akong panay-panay ang pag singhap ang pag pisil ng aking mga daliri. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya kaso mukhang hindi siya kumbinsido kaya mabilis niyang nai-park ang kanyang kotse bago pa ako hinawakan sa kamay. “Are you nervous? Ang lalamig ng kamay mo.” paano pa ako makakatanggi kong huli na ako sa akto. “Sorry, Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganitong klaseng ganap.” hinging paumanhin ko pero nanatili lamang na nakahawak si Kai sa mga kamay ko at pilit akong pinapakalma sa pamamagitan ng paghawak ng madiin sa aking mga kamay. Dahil sa ginagawa niya parang kumakalma ako dahil tila may enirheyang mainit na sumasanib sa akin dahilan para mawala ang panglalamig ng mga kamay ko. Pero yo'ng kaba? Andito parin at walang pag-asang masindak para umalis. “You always apologize even if you don't do anything wrong.” Napatiltik siya. “Don't get used to that kind of behavior, Ash. Ayaw ko nang gano'n.” paninermon niya sa'kin kaya natahimik ako bigla. Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit inuugali ko ang gano'n o baka sadyang way narin yo'n ng pananagot ko. At ngayon alam ko na medyo may pagka-seryoso pala sa buhay 'tong si Kai. Narinig namin na nagsimula nang tumunog ang mic na nasa loob ng kanilang bakuran kaya parehas kaming nagkatinginan ni Kai. “Engagement party ngayon ng Kuya ko kaya naisipan kong imbitahan ka kahit....hindi kayo okay.” bulgar niya na ikinabigla ko. “Alam mo?” tanong ko bigla at mabilis din siyang tumango. “Noon pa,” tipid niyang sagot bago bumaling sa harapan. Hindi ko alam na ganito pala siya ka misteryoso. Akala ko ako lang ang may sekreto sa kanya 'yon pala siya din. “Paano?” takang tanong ko. Ni minsan noon hindi ko nakikita si Kai sa tuwing pumupunta kami sa Mansion nila sa Batangas kapag may mga group project kaming ginagawa kaya nakakapagtaka talaga. “Naiikuwento lang noon ni Alon kung gaano ka kaganda at kung gaano siya nahuhumaling sa'yo.” bulgar niya. Mapait siyang tumawa bago kinalas ang kanyang seatbelt. Hindi ako nakagalaw kaya siya narin ang nag kalas ng seatbelt ko. “Forget it. Parte na 'yon ng nakaraan niyo at siguro naman ay kahit paano ay medyo okay na kayo—” “Edi alam mo din na dati niya akong secretary?” “Yup.” sambit niya bago ngumiti. Tuluyan na akong napahiya kung kaya't yumuko nalang ako. “Sorry,” Sambit ko. Nagmura siya ng mahina at bakas ang iritasyon sa boses niya. “Isa mo pang sabi ng sorry hahalikan na kita.” may diin niyang sabi na naging dahilan ng pamimilog ng aking mga mata habang diretso na nakatingin sa kanya. “Let's go.” biglang yakag niya bago tuluyang bumaba ng kotse at umikot ng mabilis para pagbuksan ako. Huminga ako ng malalim bago tuluyang humakbang papasok ng gate habang naka-alalay ang isang kamay ni Kai sa aking tagiliran. Kanina pa ako tumatanggi sa kanya pero mapilit siya kaya hinayaan ko nalang siya. Nakakahiya lang dahil nakikita kami ng iba niyang empleyado at ng mga kakilala ko rin sa building ni Ryuku. May mga nakikita akong mga kaklase ko noon at ilang ka batchmates namin na naririto din ngayon sa party kaya no'ng makarating kami sa karamihan ay pasimple lang akong ngumiti sa kanila bilang pagbati. “Hello, po. Good evening.” Magalang kong bati kay Ma'am Janessa at Sir Quinn. Tumango sa akin si Sir Quinn at si Ma'am Janessa naman ay kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka pero nagawa paring ngumiti sa akin nang makita kong lihim na pinisil ni Sir Quinn ang balikat niya. Nag beso sa'kin si Ma'am Janessa kaya nahihiyang tumugon din ako. “Kai invited you, right?” “Opo.” nakayuko kong sagot. Kinakabahan ako at unti-unti nang sumisilip ang takot at kung pananatilihin ko 'to baka mag suka nalang ako dito kahit hindi naman ako lasing. “Okay lang naman sa'yo diba?” Mahinahong tanong niya sa akin na naging dahilan ng pag tingin ko sa kanya. Tipid akong ngumiti at tumango. Alam ni Ma'am Janessa ang lahat. Silang mag-asawa ay alam ang nakaraan namin ni Ryuku. Alam na alam nila kung gaano ako ipinaglaban noon ni Ryuku na halos ibuwis na nito ang buhay niya para lamang masagip ako sa malalaking alon kaso lahat ng iyon ay dismaya ang naibalik ko sa kanila no'ng minsang tinanggihan ko ang panliligaw sa akin ni Ryuku. Alam kong natatandaan parin ni Ma'am Janessa kung paano siya naki-usap noon sa akin para layuan si Ryuku dahil sa hindi ko kayang ibalik ang matinding nararamdaman ng anak niya para sa akin. May personal akong dahilan noon at alam nila yo'n kaso para sa kanila mababaw parin na dahilan 'yon. Sinunod ko rin naman siya kaso huli na! Noon palang no'ng may nangyari na sa amin ni Ryuku at iyon lang ang hindi nila alam. Higit sa lahat hindi nila alam na may kambal silang apo! Nag paalam saglit si Kai para kumuha ng maiinom kaya nanatili akong naka-upo habang iniikot ang paningin dahil nakita ko kanina si Arvin. Sa sobrang dami ng mga bisita kaya hindi ko na ulit makita si Arvin. Sa malayuan na natatanaw ko si Gwen at Ryuku. Doon nagsimula na namang tumahip ang dib-dib ko pero hindi ko ininda ang sakit na bumabahay sa aking sistema. Dapat nga manhid na ako pero bakit biglang bumaliktad! Iniiwas ko aking paningin ng mag tama ang mga mata namin ni Ryuku kasabay no'n ang pagtingin din sa akin ni Gwen! Kabado akong tumayo at dumampot ng isang basong wine sa waiter na tumigil sa harapan ko. Dahil sa uhaw na biglang naramdaman ko kung kaya't naubos ko ng isang lagukan ang wine. Kumuha pa ulit ako ng isa pero hindi ko muna ininom dahil nararamdaman kong biglang ang-iinit ang aking mukha. Ladies and gentlemen, let's welcome this famous and powerful couple of the year...And soon-to-be married! Malakas na palakpakan ang namutawi sa loob ng magarbong bakuran ng mga Salem matapos magsalita ng MC. Kahit ako nakikisabay din kahit sa kaloob-looban ko tinutusok na ng sobrang pino ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Yo'ng ngiti ngayon ni Ryuku ay yo'n yo'ng matagal ko nang gusto kong ibahagi niya sa akin kaso sino ba naman ako para ibigay yo'ng kakapurat na ngiti na 'yon! Ilusyanada ako kaya mapait akong napangiti habang walang tigil na nakikisabay ng palakpak sa mga tao. Congratulations. Mahinang salita na lumabas sa aking bibig habang walang kurap kong tinitingnan kung gaano kasaya si Ryuku habang kasama si Gwen. Kasama ang babaeng mahal niya at papakasalan niya. May kung ano pang sinasabi ang MC ng kanilang party pero hindi ko nagawa pang pakinggan dahil nararamdaman kong nahihilo na ako dahil sa nainom kong wine! Nakadalawang shot glass narin ako ng mojito kaya siguro ganito nalang ang pagkahilo ko. Naka-isip akong pumunta ng wash room para basain ang mukha ko dahil pakiramdam ko sobrang namumula na ako kaya kahit medyo nahihilo ay nagawa ko pa rin na tumayo at lumakad. Nginingitian ko nalang ang bawat nakakasalubong ko kahit hindi ko naman kilala at ginagawa ko paring maayos ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa wash room. Mabuti nalang at walang katao-tao kung kaya't nailabas ko bigla ang sakit na nararamdaman ko na kanina ko pala pinipigilang ilabas. “Siguro naman masaya na siya dahil nasaksikahan ko ang espesyal na araw para sa kanya.” mahina kong sabi habang kaharap ko sa salamin ang aking sarili. Ilang minuto din akong nagkulong sa loob ng wash room at kung hindi ko pa narinig na may kumatok ay saka ko palang inayos ang aking sarili bago lumabas. Medyo nahimasmasan ako kaya umayos ng konte ang paglalakad kumpara kanina. Nakakaingganyong tugtog naman ang bumungad sa aking tainga ng makalabas ako ng wash room. Hindi pa agad ako naglakad bagkus tumigil pa ako sa tabi ng swimming pool para aninawin ang anino kong inaalon ng tubig. Naalala ko na naman tuloy si Ryuku! “Malakas din ang loob mo na paunlakan ang imbitasyon ko, ano?” Nagulat ako ng marinig ang boses ni Ryuku na nasa likuran ko lang pala. Nakita ko sa tubig na kasama niya si Gwen kaya bigla akong napabaling sa kanila! Tinignan ko muna ang ilang tao na malapit sa pwesto namin bago ko ulit sila tuwid na tinignan. “Syempre, kabastusan naman kung hindi ako pupunta sa espesyal na araw niyo.” may diin kong sabi habang matapang kong sinasalubong ang mga tinginan nila. Pekeng tumawa si Gwen habang si Ryuku naman ay bakas na mukha ang galit at pag igting ng panga. “Alam mong talo ka kaya nagpaubaya ka nalang.” mataray na saad ni Gwen pero peke ko siyang tinawanan. “Hindi ka sure,” matapang kong sabi ngunit naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking pisngi! Malakas na sampal ang sumalubong sa akin na naging dahilan ng pagtingin sa amin ng mga taong nakakita. Halos lahat sila nabigla samantalang ako parang kahoy lang na hindi maramdaman ang sakit na dulot ng sampal ni Gwen. Dapat lang 'yon dahil impokrita ako! Ilusyunada at walang hiya! Tanga at manhid! “ 'Yon lang ba?” tila nakukulangan ko pang tanong kay Gwen. Pagak siyang tumawa habang si Ryuku naman ay sobra na ang pag ngangalit ng kanyang mga panga pero wala akong pakialam! Para sa akin kulang pa 'yon para matauhan ako sa mga katangahan ko! Unti-unti nang dumadami ang mga tao na pumapaligid sa amin pero wala akong pakialam! Nakita ko si Arvin at sinisenyasan niya akong umalis na pero tiningnan ko lang siya. Nakita ko rin tumatakbo si Kai palapit sa amin pero hindi parin ako natinag! Sa pagbaling ko kay Gwen nakita ko kung paano pinigilan ni Ryuku si Gwen sa gagawin niyang pagsampal ulit sa akin. “Huwag mo nang dungisan ang mga kamay mo, babe.” saad ni Ryuku kay Gwen habang madilim parin siyang nakatingin sa akin. “Go away, Ash bago pa kita maitulak diyan sa swiming pool at hahayang makitang nalulunod hanggang sa mawalan ka ng hininga.” galit na pagkakasabi sa'kin ni Ryuku pero na agaw ang pansin ko ng basta ako hinawakan ni Kai sa palapulsuhan ko. “Let's go, Ash!” yakag sa'kin ni Kai pero tinanggihan ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya bago sinagot si Ryuku pero laking gulat ko ng basta ako itulak ni Gwen! Narinig ko nalang kung paano nag tilian ang mga tao hanggang sa pinipilit ko ang aking sarili na lumangoy kahit hindi ako marunong! Nagbabasakali din ako na hindi kayang panindigan ni Ryuku ang sinabi niya kanina kaya kahit nahihirapan na akong huminga ay pinipilit ko parin na lumangoy kahit hindi ko alam kung paano! Huli na nang makita kong tumalon ng sabay si Kai at Arvin para salbahin ako hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD