CHAPTER 11- ELEVATOR TRAP

1815 Words
*ASHLEY* When the opportunity presents itself don't hesitate to grab it dahil minsan lang sumilay sa atin ang opurtunidad. Hindi ko inaasahan na tatawag ulit sa akin si Kai. Ang iniisip ko pa ay baka may ipapagawa na naman siya edi kako another hanap-buhay na naman pero mas higit pa pala sa iniisip ko ang iaalok niya. Alam ni Kai na nag resign na ako sa dati kong trabaho at never ko pa naiikuwento sa kanya kung sino ba talaga ang dati kong Boss. May balak naman ako na ishare sa kanya pero sa ngayon hindi ko pa naiisipan na gawin 'yon. May mga responsibilidad ako na dapat unahin at iyon ay ang mga pangangailangan ng aking mga anak at Ina. “Grabe naman talaga nakakahiya na kaya sa'yo.” Nahihiya kong sabi habang sumasampa sa kotse ni Kai nang bigla siyang tumawag sa akin na nasa labas na daw siya ng bahay. Oo, alam niya ang address ng bahay namin dahil kagabi ay hinatid niya ako dito matapos naming mag-usap. Kahapon aksidente kaming nagkita sa isang store kung saan mag a-apply sana ako bilang cashier. “Sus, wala 'yon. You're my lifesaver kaya araw-araw kitang pagsisilbihan.” Pamimilyo niya na alam ko naman na nagbibiro lang siya. Sinuot ko ang seatbelt bago inayos ang aking pagkaka-upo bago tumingin ulit sa kanya. “Lifesaver ka diyan. Para 'yon, parehas tayong may pinagdadaanan no'ng gabi na 'yon kaya patas lang tayo.” ani ko habang nakatingin parin sa kanya. Hindi maiitanggi na magkapatid talaga sila ni Ryuku. Base sa mga mata nilang masisingkit doon palang malalaman mo talaga. Pinagkaiba lang, mabait itong si Kai hindi tulad sa Kuya niyang ubod ng sama ng ugali at dinagdagan pa ng kagaspangan. “I don't think we're even. Mas lamang ang naitulong mo sa'kin kaya—” “Oo na. Mukhang hindi ka rin papatalo eh, ano?” natatawa kong putol sa kanya. Napatawa nalang din siya habang nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa building niya dahil ngayong araw ang simula ko bilang secretary niya. Oo, inalok niya ako na mag trabaho sa kanya bilang sekretary niya. Hindi narin ako nakatanggi dahil sino ba naman ako para tumanggi gayong higit na mas kailangan ko ng pera. Sa panahon ngayon kahit anong trabaho ay papatusin ko. Sa pahirap ang tinatahak ko ngayon kaya hindi ko na kailangan pang mag inarte dahil wala naman 'yon sa katawan ko. “Good luck Secretary, Ashley.” Napatawa nalang ako bago umupo sa bago kong swivel chair. Napaka-heart warming pa ng pag welcome sa'kin ng mga empleyado niya kaya hindi ma ampat ang tuwa na nararamdaman ko ngayon habang inuuli ang paningin sa palibot ng aking bagong opisina. Bagong workplace. Bagong surrounding at bagong mga katrabaho. Sana ibang-iba 'to sa dati. Alam ko naman na ibang-iba 'to at kini-claim ko na agad ang magandang opurtunidad na ito. Habang nasa meeting si Kai at wala parin naman akong gagawin kung kaya't nilaan ko muna ang oras ko sa pag-aayos dito sa loob ng aking opisina. May mga empleyado na panay-panay ang silip dito sa akin at tinatanong kung okay lang ba ako. Nakakatuwa lang dahil ang babait nila. May kalakihan din ang building ni Kai kaya hilong-hilo na ako kakahanap kung saan banda ang conference room. May ilang minuto na akong paikot-ikot pero hindi ko parin ma tyempuhan na makita. “Hey..” mahingal-hingal na tawag sa akin ni Kai na nasa kabilang hallway. Nakayuko siya at nakapatong ang dalawang kamay sa tuhod habang habol ang hininga. Siguradong napagod din siya sa kakahanap sa akin kaya nag kamot ako sa aking ulo dahil sa hiya. “Sorry, ang laki kasi nitong building mo hindi ko tuloy mahanap kung saan ang conference....” hindi ko na napatapos ang aking sasabihin ng sundan ko ang paningin ni Kai. Nakita kong halos nasa tapat ko na pala ang pintuan ng conference room pero hinding-hindi ko man lang nakita kanina. Binubulag yata ako ng aking mga mata. Nakakahiya tuloy dahil naabala ko pa siya. “It's okay. Madaming baguhan na naliligaw dito and I really don't know kung bakit eh hindi naman talaga kalakihan itong building ko.” aniya sabay kuha no'ng inaabot kong envelope sa kanya. “Thanks, Ash.” nakangiting saad niya na ikinatango ko naman. Binigyan ko siya ng daan para makapasok na sa loob ng conference room pero tiningnan niya lang ako ng may pagtataka. “Hindi ka papasok?” takang tanong niya sa'kin. Napalunok ako sabay turo ko sa aking sarili. “W-wala akong dalang notepad.” “It's not a big deal though. Come with me para maipakilala na rin kita sa mga partners ko.” aniya. Pagkasabi ni Kai ay sumunod narin ako sa kanya. Nahihiya pa akong pumasok no'ng una dahil kahit hindi ko paman nakikita kung marami na bang tao dahil pakiramdam ko kasi nasa akin lahat ang atensyon dahil bagong mukha ako. Nang maisara ko na ang pintuan nakayuko akong nag tungo sa upuan kung saan katabi ni Kai. Hindi ko magawang tingnan ang ibang naka-upo sa palibot ng mahabang mesa dahil nahihiya ako. Nakakapanibago talaga kapag bagong salta kalang sa bagong workplace mo. “Everyone, kindly meet my new secretary. She is Ashley.” pakilala ni Kai sa akin kung kaya't ini-angat ko na rin ang aking paningin. Isa-isa akong ngumiti sa mga tao bilang pagbati hanggang sa dumapo sa isang lalaki ang paningin ko! Madilim siyang nakatingin sa akin at tila hindi makapaniwala na nakita niya ako dito sa building ni Kai. Gano'n din si Sir, Sirius. Hindi rin makapaniwala ng makita ako. Simula na ang meeting pero and diwa ko ay nasa presenya ni Ryuku. Paano ba naman kasi ay isang tao lang ang pagitan namin kung kaya't rinig na rinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Kanina parin siya hindi sumasang-ayon sa mga sina-suggest ng kanyang kapatid dahilan para mag tagal ang meeting na'to. Napayuko nalang tuloy ako habang nagsusulat sa notepad na kaharap ko. “Bro, aren't you tired of the recently turned down of Kai's suggestions?” narinig ko ang mariing bulong ni Sir, Sirius kay Ryuku. Magkakatabi lang kaming tatlo kaya hindi malabong marinig ko ang usapan nila. Bumuntong hininga si Ryuku bago sinagot si Sir, Sirius. “Hindi ko lang talaga nagugustuhan ang mga suggestions niya about the designs you want, Ibarra. If you want ikaw ang mamili. Ikaw lang naman ang maligalig sa pagpili ng designs eh.” rinig kong pamimilosopo ni Ryuku kay Sir, Sirius dahilan para mapa-iling ako ng lihim. “You, okay?” nagulat ako dahil sa biglaang untag sa akin ni Kai. Kundi inayos ko ang aking sarili bago tumango bilang sagot. Agad naman akong napabaling sa direksyon nina Sir, Sirius ng marinig ko siyang tumayo para sang-ayunan ang mga suggestions ni Kai. The meeting is over at lahat ng mga dumalo ay nagsisialisan na pero nakita kong prenti paring naka-upo si Ryuku. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay niya kaya nag paalam na ako kay Kai na mauna na dahil kanina parin naman niya ako pinababalik sa opisina. May gagawin pa daw siya kaya naisipan kong bumalik na dahil medyo sumisikip na naman ang paghinga ko dahil sa walang katapusang pagtitig sa'kin ng madilim ni Ryuku. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang kinagagalit niya sa akin para tingnan na naman ako ng masama! Nakahinga ako ng malalim ng pagdating ko sa lift ay wala man lang ni isa na sasakay. Maso-solo ko ang elevator pero laking gulat ko ng may biglang humarang na kamay sa gitna ng pinto kung kelan pasara na itol! At sa klase palang ng mga daliri nito ay alam na alam kong kay Ryuku na kamay 'yon! Minadali ko pang dutdutin ang close button para kako hindi na siya tuluyang makapasok kaso di hamak na malakas ang pwersa niya kaysa sa pag dikit ng mga pinto kaya nakapasok din siya! Lihim akong napasinghap at yumuko bigla sabay urong sa pinakadulo ng tuluyan na siyang makapasok. “It's seems you don't want me to ride here, huh?” Parang nangangantyaw niyang sabi sa akin. Nanatili akong nakayuko dahil sa totoo lang hindi ko siya kayang tingnan ng diretsuhan lalo na at kaming dalawa lang dito sa loob ng lift. “Hindi naman sa gano'n. Nag mamadali lang talaga ako.” despensa ko matapos suminghap ng ilang beses. Ang awkward ng ganitong sitwasyon! “Liar.” tipid niyang tugon pero bakas sa boses niya ang yamot. Nangunot bigla ang aking noo dahil sa kanyang sinabi at naging dahilan din ng pag-angat ko ng paningin sa kanya pero parehas kaming nagulat ng biglang tumigil ang pag galaw ng elevator. “s**t!” mariing anas ni Ryuku habang pinipindot ang mga button ng elevator habang ako ay kabado na hinahawakan ang aking dib-dib dahil biglang umatake ang aking panic attack. Unti-unti akong kinakapos ng hininga! Sa lahat na pinaka-ayaw ko ay yoong ma trap sa loob elevator dahil doble agad ang nararamdaman kong kaba! “H-Hey...are you okay?” nag aalalang tanong sa akin ni Ryuku ng makita niya kung paano ko hinahabol ang aking paghinga. Hindi ko siya magawang sagutin dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko dahil mas lalo akong natataranta sa panay-panay niyang pag mumura ng malutong! “Fúck! Your getting pale and sweating!” Mariing anas niya ulit habang walang humpay na pinipindot ang emergency button. “Pwedi ba, huwag ka nga mag mura ng mag mura! Mas lalo akong natataranta.” saway ko sa kanya habang pilit na pinapakalma ang sarili. Awtomatiko siyang napatigil at hindi makapaniwalang tiningnan ako! Malayo parin ang distansya namin kaya sinusubukan niyang lumapit sa akin pero ako naman ay umuurong din. Malay ko ba baka sakalin niya ako dahil sa pananagot ko sa kanya! “Damn, bakit ka ba urong ng urong?” anas niya. Kahit nahihirapan akong huminga nagawa ko parin siyang sagutin dahil sa inaasta niya. “Eh bakit ba kasi lapit ka ng lapit?” pananagot ko habang nakahawak parin ang isang kamay ko sa aking dib-dib. “Oh, God. I can't believe her. Please give me the courage to calm down because of this woman's attitude.” Hindi makapaniwalang anas niya at tawag sa pangalan ng diyos. Mas lalo akong nayamot sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya! Ako pa ngayon ang nag a-attitude eh siya nga itong walang pahintulot para lumapit! “Kalma ka lang okay? Hayaan mo akong yakapin ka hanggang sa humupa yang panic attack mo. You can breath in and out slowly while hugging me, it's effective. Maniwala ka.” Sa lagay na 'yon walang paglagyan ang pagkagulat ko ng basta niya ako hilahin palapit sa kanya at basta niyakap ng mahigpit at pilit na pinapaklama. Pero sa halip yata na kumalma ako eh mas lalo pang dumagundong ng sobrang bilis at malakas itong aking dib-dib dahil sa biglaang pagyakap na ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD