CHAPTER 10- BLUE AND SKY

1281 Words
*ASHLEY* “Anak, sapat na ba ang pahinga mo para sumabak ulit sa trabaho?” nag-aalalang tanong sa akin ni Mama ng bigla siyang pumasok dito sa aking kuwarto na inuukupa. Katatapos ko lang kasi maligo at nag-ayos na ako ng aking mga gamit na dadalhin pabalik sa Maynila. May isang linggo din akong namalagi dito za Zambales at sa para sa akin ay bitin na bitin talaga ang isang linggo kaso kailangan ko na ulit ng trabaho kaya kahit ayaw man nila ay mapipilitan talaga ako na umalis. “Sapat na po 'yon, Ma. Nakakahiya naman kina Tiya kung magtatagal pa ako dito. Ilan din kayong pinapakain niya at kahit hindi 'yon nagsasabi ay nararamdaman kong nagigipit din sila.” paliwanag ko kay Mama na ngayon ay maluha-luha na. Para pagaanin ang nararamdaman niya dinaluhan ko siya at niyakap ng mahigpit. Alam kong nahihirapan siya at gano'n din ako. Pasasaan ba at makakaraos din kami. “Ganda...” biglang sulpot ni Sky habang kampul ng luha ang mukha dahil sa kakaiyak. Napapasinok pa siya kung kaya't mabilis akong kumalas sa pagkakayakap kay Mama at pinuntahan agad si Sky. Niyakap ko siya bago tinapik-tapik ang kanyang likod para aluin. “Bakit umiiyak si Bunso. Sinong nag-away sa'yo, hmm?” Tanong ko sa kanya habang hinahaplos-haplos ang kanyang mahabang buhok. “Si-si... Rachelle po..kasi...” nasisinok niyang saad kung kaya't putol-putol ang pagkakasabi niya. Pinakalma ko muna siya dahil hindi talaga matapos-tapos ang pagsinok niya. “Painumin mo muna ng tubig, Anak.” ani ni Mama sabay abot sa akin ng isang basong tubig. Uhaw na uhaw si Sky dahil sa pagkakaiyak kaya halos mangalahati ang laman nito. “Bakit ka umiiyak, hmm?” Ayos na siya kaya tinanong ko na ulit. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko bago tutok na tutok ang paningin sa akin. Trabaho niya talaga 'to sa tuwing may sasabihin siya sa akin at sa lagay na 'yon lagi akong napapatitig sa kanyang singkit na mga mata. Ang hahaba ng kanyang mga pilik at sobrang tangos ng kanyang ilong at hindi ko maiitanggi na mag kambal talaga sila ni Blue. “Ang... sabi po kasi ni Rachelle, wala daw po akong Papa. Kami daw ni Blue ay ampon lang...” saad niya habang pahigpit ng pahigpit ang hawak sa pisngi ko. Namumuo na ulit ang luha sa kanyang mga mata kaya sa halip na tuluyang bumagsak ang mga 'yon ay inagapan ko na. Tipid akong ngumiti para gumaan ang nararamdaman niya. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “Hindi totoo 'yon. May Papa kayo at nasa abroad lang kaya hindi nila nakikita. Mahina ang koneksyon doon kaya hindi rin natin natatawagan.” paliwanag ko. Alam kong kasinungalingan 'yon pero parte 'yon ng puting kasinungalingan. Nagkaroon ng pag-asa ang mga mata niya dahil sa aking sinabi. “Asan nga pala si Blue?” takang tanong ni Mama dahil hindi ito kabuntot ni Sky. Sa tuwing umiiyak kasi 'tong kambal niya ay kabuntot narin siya pero ngayon ay hindi. “Ando'n po sa labas. Sinusuntok po kanina ang Kuya ni Rachelle dahil pati po 'yon pinapaiyak ako.” deritsong sumbong ni Sky. Na alaram kami bigla ni Mama kaya binuhat ko agad si Sky para lumabas ng bahay at nadatnan nga namin na naka-upo na sa lupa si Blue habang pinupunasan ang kanyang labi na may dugo gamit ang likod ng kanyang palad. Sa edad na limang taon hindi ko sukat akalain na magiging matapang siya ng ganito. Yo'ng parang hindi siya natatakot sa pweding mangyari sa kanya. Habang nakatayo ako sa labas ng bahay ay nakikita ko talaga ang galit sa mga mata ni Blue at kung anong kaya niyang gawin para sa kapatid niya. He is a hard child. A strong brother sa kapatid nito. Walang kinakakatukan kahit sabihin pang bubwit pa siya. Pinapasok ni Mama si Blue sa loob bahay at kasunod din ako habang buhat-buhat si Sky. Wala ngayon sina Tiya kung kaya't tahimik ang bahay. Kung nandito 'yon panigurado walang tahan na naman ang bibig no'n kaka-ngawa. Pinanoud ko ng tv si Sky para malibang bago ko pinuntahan si Blue na nasa kuwarto ni Mama. Tinanguan ako ni Mama bago ako pumasok ng kwarto. Nakita ko kung paano nagsasalubong ang makakapal na kilay ni Blue. Galit na galit siya. Tumikhim ako ng maisara ko ang pintuan dahilan para mapatingin siya sa akin. Yumuko siya habang nilalaro ng isang kamay niya ang naka-ikom niyang isang kamay. Napapailing nalang ako dahil kahit ang bata pa niya kitang-kita na ang ugali niya. Ayaw kong umalis na hindi siya nakaka-usap kaya kahit tanghali na para bumyahe pabalik sa Maynila mas pinili ko parin na magtagal. “Bakit mo sinuntok si Dylan.” malumanay kong tanong sa kanya habang ginugulo-gulo ang kanyang bagsak na mga buhok. Hindi niya ako tinitingnan pero nakikita ko parin kung paano siya nagagalit. Mas lalong umiigting ang pagkaka-ikom niya ng kanyang kamay. “Blue, kinakausap ka ni Ganda.” imik ko ulit. Pinaseryoso ko ang aking boses kaya nasindak siya. Ni minsan hindi ko sila pinapagilatan to the point na kaya ko silang pagbuhatan ng kamay. Hindi ko sila kinokonsente sa mga ginagawa nilang mali at lahat ng 'yon ay nadadaan sa sabi at sermon. Nagugulat lang ako dahil habang lumalaki si Blue hindi ko talaga maiitanggi na masiklab ang dugo niya. Kitang-kita ko kung saan siya nag mana at hindi maiitanggi na galing sa isang dugong matapang ang nananalaytay sa katawan niya. Sa katawan nila ni Sky na kambal niya. “Ayaw ko po na nakikitang inaapi si Sky. Ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Gusto ko ako lang ang nagpapa-iyak sa kapatid ko. Bad sila.” sunod-sunod at galit niyang saad sa akin. Huminga ako ng malalim dahil sa mga katagang pinagsasabi niya. Parang hindi siya limang taon kung mag-isip. Ang mature ng mga sinasabi niya at alam ko naman na dinidepensahan niya lang ang kapatid niya pero hindi tama na manakit siya ng pisikal. “Diba sabi ni Ganda kapag nilalait kayo huwag niyo nalang pansinin kasi hindi naman totoo 'yon. Ikaw ang matanda dapat ikaw ang nakakaalam ng tama at mali, Blue. Mali 'yong ginagawa mong pagsuntok kay Dylan—” “Nilalait niya po si Sky na walang Papa. Nagalit ako dahil nakita kong umiiyak na si Sky that's why I punch him. I hate him. I hate them! Lagi nalang nila kami nilalait dahil wala daw kami Papa.” Bigla akong nalungkot. Nadudurog ako na makita kong paano nasasaktan dahil sa galit ang mga anak ko dahil sa isang pagkakamali ko. Disgrasyada akong babae at kahit kailan nakatatak na sa mga mata ng mga tao kung gaano ako kadumi sa kanila pero hindi ko hahayaan na pati ang mga anak ko ay madamay. Hinding-hindi ako makakapayag. Di bale nang ako ang masaktan huwag lang sila kaya lihim akong nagagalit sa aking sarili dahil sa nararamdaman ngayon ni Blue. Karapatan niyang magalit at hindi ko pinagkakait ang karapatan na 'yon. Gusto niya lang protektahan ang kapatid niya dahil 'yon ang nararapat pero dahil dala ng galit kaya niya nagagawang manakit ng pisikal sa murang edad. Bago ako umalis kianusap ko ng maayos si Blue. Gumawa kami ng kasunduan at sumang-ayon naman siya. Kianusap ko din ang magulang ng batang nasuntok niya at humingi ako ng sagad na despensa dahil sa ginawa ni Blue. Mabuti nalang at mabait ang magulang ng bata kung kaya't tinanggap narin ang konteng halaga na binigay ko para sa danyos na ginawa ni Blue. Panalangin ko ay magiging maayos din sana ang lahat. Sana balang araw ay magkakalakas na ako ng loob na harapin ang kinakakatukan ko. At sana...panibagong pag-asa na ulit ang madadatnan ko sa Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD