CHAPTER 12-INSANE

1562 Words
*ASHLEY* Hindi ko na nagawa pang mag pasalamat kanina sa ginawang pagpapakalma sa akin kanina ni Ryuku dahil bigla nalang ako binuhat ni Kai ng makita ako na bahagya paring makahinga. Malaking bagay yo'ng naitulong ni Ryuku at hindi ko sukat akalain na magiging mabait siya sa'kin. Kahit paano naman pala ay sinasaniban din siya ng kabaitan sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi narin ako pinayagan ni Kai na mag trabaho muna kaya kahit hindi man ako pumayag ay hinatid niya parin ako dito sa aming bahay para makapagpahinga muna. Sobrang nahihiya ako dahil unang araw ko sa trabaho pero 'yon kaagad ang bungad sa akin. Hindi ba parang kamalasan agad ang pinapakita no'n? Napahinga ako ng malalim ng makita kong tumatawag si Mama. Ayaw kong malaman niya na inatake na naman ako ng aking sakit. “Hello, Ma?” untag ko sa kabilang linya habang naka-loud speaker ang cellphone ko dahil nag huhugas ako ng aking pinagkainan. “Ash, si Tin 'to.” may pagtataka kong tiningnan ang cellphone ko dahil si Kristine ang sumagot. Pinunas ko ng mabilis ang aking kamay sa aking damit para hawakan ang cellphone ko dahil ngayon palang ay kinakabahan na ako. Alam ko kapag masama ang pakiramdam ni Mama dahil ibang tao ang gumagamit ng kanyang cellphone para tumawag sa akin. Ano na naman kaya ang nangyari. “Nasa'n si Mama, Tin?” “Biglang sumama ang pakiramdam, Ash.” mahinang tugon ni Kristine at parang tinatansya pa kung may nakakarinig sa kanya. Mas lalo na akong ginapangan ng kung anong kaba. “Bakit?” ani ko. “Nalaman kasi ni Tita na sinangla daw ng Kuya mo ang lupa mo sa Batangas.” bulgar ni Kristine dahilan para maituptop ko ang aking isang kamay sa aking bibig. Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko pa agad maiproseso sa aking utak. Seryoso? Halos buong buhay ko nilaan ko ang lahat ng makakaya ko para lamang mabuwisan ang lupang iyon tapos isasangla lang ng walang hiya kong kapatid! Nangangatal sa galit ang katawan ko ngayon dahil sa nalaman ko. Kung hindi pa nagsalita si Kristine ay hindi ma ako matatauhan. “Kanino daw isinangla, Tin?” kahit walang kasiguraduhan na malaman nila kung kanino ay tinanong ko parin. Gusto kong bawiin ang para sa'kin kahit anong kapalit pa niyon! Kahit milyon pa 'yon gagawin ko ang lahat para mabawi ang lupang pinamana sa akin ng aking Lola. “Kay... Ryuku daw, Ash.” saad ni Kristine. Hindi kaagad ako nakagalaw at parang nanigas ako sa aking kina-uupuan ng marinig ang pangalan ni Ryuku. Hindi pa naman yata ako nabibingi para hindi 'yon marinig ng ayos. “Paanong kay Ryuku.? Pa'no niyo nalaman na sa kanya isinangla?” paninigurado kong tanong kay Kristine dahil hindi talaga ako makapaniwala. At hindi man lang sinabi sa akin ni Ryuku ang gano'ng bagay! Paano ba naman nga niya sasabihin kung simula palang mainit na palagi ang bait niya sa akin! Huminga muna ako ng malalim bago pinakalma ang sarili. Ayaw kong mai-stress ngayon dahil naapektuhan ang katawan ko. At kapag nangyari 'yon hindi ako makakapag-hanap buhay nito! “Umamin din ang Kuya mo. Sinabi niya ang lahat, na yo'ng mahigit isang milyon na halaga ng kabayaran sa sangla ay pinatalo lang ng iyong Papa at Kuya mo sa sugal.” sunod-sunod na kwento ni Kristine na naging dahilan ng pagbiglang panglalambot ko. Parang nanghina agad ako para mabitawan ko ng wala sa oras ang cellphone ko. Napayuko na lamang ako ng makita kong biglang namatay ang aking cellphone. Buong buhay ko inalaagan ko ang lupa na pinamana sa akin pero wa-walang hiyain lang pala ng aking Ama at Kuya! Ang gagaling nila! Mga wala silang awa! Dahil sa nabalitaan ko kanina at dala ng silakbo ng galit na namamahay sa aking sestema dito ko nalang natagpuan ang aking sarili sa isang convenience store. Ala una na ng madaling araw pero ako andito parin sa labas. Mag-isang naka-upo habang nag mumuni-muni. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin habang iniisip ang mga nangyayari sa aking buhay ngayon. Napabuntong hininga ako bago ininom ang tirang laman ng beer na nasa lata. Hindi naman talaga ako umiinom. Lalo na nang alak pero dahil gusto kong ikalma ang aking sarili kaya naiisipan kong uminom. Kung kakalma ba talaga ito. “Hindi ko naman hiniling na pahirapan ako ng ganito pero bakit ipinagkaloob parin?” sabi ko sa lata ng beer ng kaharap ko. Para akong tanga dito sa labas ng convenience store dahil sa paningin ng iba mukhang nasisiraan na ako ng ulo. May ilang napapatingin sa akin pero hindi ko sila pinapansin at patuloy parin ako sa pakikipag-usap sa lata! Iba pala talaga kapag hindi sanay uminom! Nakakawala ng katinuan. Ilang sandali ang lumipas ng namalayan kong pumapatak na pala ang ulan. Kung hindi pa nagsisitakbuhan ang ibang tao na nakikita ko ay hindi ko parin malalaman kung kaya kahit nahihilo pa ako tinibayan ko parin ang aking sarili na tumayo para umuwi na sa bahay. Maalala ko may tumutulo pala sa bandang likuran ng aming tv. Hindi ko pa 'yon nabibigyan ng oras para lagyan ng volcaseal ang butas sa yero kaya tumitiis muna ako sa pagsahod sa tabo. “Mamaya kana lumakas, awa mo na.” hiling ko habang tumatakbo. Wala rin akong dalang payong dahil ang plano ko lang naman talaga ay bibili lang sa seven eleven. Nasa labasan lang naman kaya malakas ang loob ko na umalis kahit madaling araw. Parang daig ko pa ang hindi naka-inom ng ilang lata ng beer dahil sa bilis ng takbo ko at pagkakabukas ng gate para makapasok agad. May kotse na kulay itim na nakaparada sa labas ng bahay kaso hindi ko na nagawa pang pagmasdan ng mabuti dahil sa pagmamadali ko pero... no'ng makarating ako sa tapat ng aming pintuan nagulat ako ng makita si Ryuku! Biglang kumalabog sa kaba ang aking dib-dib na parang pati ang kalasingan kong kaunti ay tuluyang lumayas sa aking katawan. Madilim siyang nakatingin sa akin. Kunot ang noo at salubong ang mga kilay habang nakatayo ng pasandal sa hamba ng pintuan. “A-anong ginagawa mo dito?” alanganin kong tanong sa kanya ng tuluyan na akong nasa tapat niya. Nakakapagtaka lang dahil mabibilang ang pagpunta niya dito sa bahay noon at kung may importanteng bagay lang na itatanong. At ano naman kaya ang importante niyang itatanong sa'kin eh hindi na naman ako nagtatrabaho sa kanya. Hindi siya umayos ng kanyang tayo bagkus tumuwid lang siya ng pagkakatayo. Inilipat niya lang sa magkabilang bulsa niya ang mga kamay niya para mamulsa. “Where have you been? May dalawang oras na akong naghihintay sa'yo dito. Tinatawagan kita hindi ka naman ma-contact. Tapos....amoy beer kapa?” Sunod-sunod niyang tanong sa'kin at parang nayayamot pa. Biglang nagsalubong ang aking nga kilay at naitigil ko bigla ang ginagawa kong pag pagpag ng aking mga kamay dahil sa sinabi niyang kala mo kung maka-asta ay boss ko parin! At ano naman ang paki-alam niya kung saan ako nag punta! “Sa pagkakaalam ko hindi na ikaw ang boss ko para tawagan mo ako at puntahan pa ako dito para lamang mag alburuto ka dahil hindi mo ako ma-contact!” huminga muna ako ng malalim dahil hiningal ako sa sunod-sunod kong pagkakasabi sa kanya. Akala niya matatakot pa ako sa kanya! Dahil sa sobrang lapit naaamoy ko rin ang alak sa kanya! Lasing din siya? “At saka...hindi mo talaga ako mako-contact dahil hindi naman ako cellphone para magka-signal. Tabi diyan!” segunda ko sa kanya sabay hawi ng katawan niya sa hamba ng pintuan dahil nakaharang siya mismo. Kaso...sa halip na umalis siya ako ang nahila niya ng bigla niyang hawakan ang aking isang kamay na ginamit sa paghawi sa kanya. Napalunok ako ng lihim ng bigla niya akong pinasandal sa hamba ng pintuan kapalit sa katawan niyang kanina lamang ay iyon ang nakasandal. “Don't philosophize on me, Ash. Hindi mo alam kung gaano ako nagtitimpi sa'yo para...” mariin niyang sabi habang papalapit ang kanyang mukha sa aking mukha kaso hindi ko alam kung bakit basta ko nalang siya sinunggaban ng halik! Nakita ko kung paano namilog ang kanyang mukha dahil sa gulat pero ng sinagot niya ang panghahalik ko doon napapikit na lamang ako at tuluyan ng pinaubaya sa kanya ang panghahalik. Awtomatikong nakalimutan ko na dapat galit pala ako sa kanya dahil sa lupa na isinangla sa kanya ng aking Kuya. At ngayon, heto ako. Patuloy na nag papaubaya sa mga halik niyang mainit at madiin habang ginagalugad ang loob ng aking bibig. Hindi ko rin magawang mag protesta dahil inaamin ko...nagugustuhan ko narin ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Kung gaano ito katamis at kalambot sa tuwing gumagalaw. Umiinit narin ang buong katawan ko kung kaya't hindi ko namamalayan na nagiging marahas na pala siya dahil kung saang parte narin ng katawan ko lumalakbay ang kanyang malalapad na kamay. Tila nahimasmasan kami ng sabay kung kaya't parehas namin habol ang aming hininga. Parang daig pa namin ang kakapusan ng hininga dahil sa mapusok na halikan. Mabigat niyang naipatong sa aking noo ang kanyang noo. Dahil do'n napapapikit ako dahil sa bawat hinga niyang palabas naaamoy ko ang mainit ngunit mabango niyang hininga na dumadampi sa aking ilong. “You're...driving me crazy, again.” mariin niyang sabi bago sinakop ulit ang aking labi para halikan ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD