CHAPTER 4- IMPORTANTE

1751 Words
*ASHLEY* Maalala niya sabado pala ngayong araw kaya gano'n nalang pala kung utusan siya kahapon ng kanyang Boss. Gusto lang pala nito na matapos ang mga natitirang gawain bago ulit sumapit ang lunes pero dahil nakagawa na siya ng mali na para nga sa kanya ay mali kaya wala narin siyang magagawa. For her it's valid naman to burst out her anger lalo na kung may problema din siyang inaayos pagdating sa pamilya niya. Ngayong ay araw ay masasabi niyang nakabawi siya ng tulog. Nahihiya tuloy sumilip ang puyat dahil kahit sikat na ang araw ay nakahiga parin siya. Nasa kanilang bahay pala siya ngayon at sa kabilang kuwarto siya natulog. Halos mag alas-onse na ng gabi ng makarating siya sa kanilang bahay. Nag aalangan pa siyang pumasok no'ng una dahil baka naroroon parin ang kanyang Ama and she is thankful that even his father shadow she can't see it. Nag-inat siya ng kanyang mga kamay. Hindi muna siya bumangon dahil nag-iisip siya kung papasok siya ngayon sa trabaho para gawin ang ibang gawain na dapat pang lunes na kaso iniisip niya rin na mag linis ng kanilang buong kabahayan dahil hindi na tinatanggap ng ilong niya ang naaamoy nitong amoy ng sigarilyo at alak. “Hello? Sino 'to?” may pagtataka niyang sinagot ang isang tawag ng unregistered number. Napabangon pa siya dahil akala niya ay chuppy lang kaya hindi niya naririnig na sumagot ang nasa kabilang linya. “Hi! I thought hindi mo 'to sasagutin,” boses ng isang lalaki. Tiningnan niya madali ang kanyang cellphone at nakita niyang unregistered number nga! Ibinalik niya ulit sa tainga niya bago nagsalita. “Sino po sila? B-Baka wrong dial lang po—” “Hey, drunk girl with so many rants. Remember me?” napatutop siya sa kanyang bibig dahil naalala na niya! Yeah, yo'ng lalaking naka-office attire na nakainuman niya no'ng isang gabi! Yo'ng lalaki na guwapo na nilibre siya sa isang kilalang restaurant! “O-Oo..naalala na kita pero...paano mo nalaman ang numero ko?” hindi makapaniwala niyang tanong sa lalaki. Narinig niya kung paano ito tumawa. Nakikinita-kita niya tuloy kung gaano ito ka pogi sa tuwing tumatawa ng pahalakhak. “I have my ways drunk girl.” sagot nito sa kanya pero dahil gusto niya talaga malaman kung saan nito nakuha kaya pinipilit niyang patugain. “Saan nga kasi? Limited lang ang nakaka-alam ng number ko ha at sa mga tunay na kaibigan ko lang talaga binibigay ito.” “Then maybe I'm belong to those true friends of yours, drunk girl.” natatawang sabi nito. Napataas tuloy ang isa niyang kilay at pilit na inaalala ang nangyari no'ng isang gabi. “Shít!” anas niya ng maalalang binaybay niya pa isa-isa ang numero niya dahil hindi kaagad ma pick-up no'ng lalaki dahil sa bilis ng pagkakasabi niya. “See? You think it.” “Bakit ka tumawag? Sisingilin mo na ba ako? Wala pa akong pera, eh.” “Silly. I just want you to invite later.” “Invite saan? Mag tatrabaho ako mamaya, eh.” palusot niya. Totoo naman na balak niyang magtrabaho hanggang alas otso ng gabi para mabawasan ang trabaho niya sa lunes. “Are you that kind of a hard working woman? Mamayang gabi pa naman. Promise, ihahatid din kita mamaya kung saang lupalop ka pa nakatira.” “Kailangan kong kumayod para sa magiging future ko. Ako nalang at si Mama ang meron ako kaya hanggat kaya ko maghanap buhay ay gagawin ko.” paliwanag niya. Narinig niyang hindi nakapagsalita ang lalaking nasa kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa lalaki gayong isang beses palang nito nakilala. Ni pangalan nga nito ay hindi rin. “Okay, okay. I don't want to hear those dramas. I hate dramas in life but drunk girl, I need you. Kahit ngayong gabi lang. Babayaran kita if you want.” biglang nanginang ang kanyang mga mata dahil sa narinig. Biglang natuwa ang kanyang mga tainga dahil sa sinabi ng lalaki. Hindi naman sa mukhang pera siya pero sayang din kung pakikisamahan niya lang naman ang bawat trip ng lalaking hindi niya parin kilala. “Ano ba kasi 'yon? At saka....magpakilala ka nga muna.” humalakhak ng malakas ang lalaki na nasa kabilang linya. “I forgot to say my name. By the way, I'm Kai Reef. Kai nalang for short.” pakilala nito. Napatango-tango naman siya. Iniisip niyang pangalan palang mukhang mabait na. Kahit naman sa hitsura nito ay mapapagkatiwalaan kaya nga magaan agad ang loob niya kahit sabihin niyang hindi siya magaling makipagkaibigan sa mga lalaki. Iniisip niya kasi palagi na lahat ng lalaki ay katulad ng Kuya at Ama niya at idinagdag niya pa ang Boss niyang pangit ang ugali. “Ashley, Ashley Geagoni pala.” walang kubli niyang pakilala sa kabilang linya. “Pretty name, huh? Kasing ganda mo,” ani nito na ikinangiwi niya. “Bolero. Sige na nakakaistorbo kana kaya.” taboy niya. “W-wait... what's your answer then?” “Oo na, basta ha, babayaran mo ako. Sunduin mo ako sa Alon Engineering Firm. Siguro naman kilala mo yo'ng firm na 'yon—” “Are you working there? With who—” Bigla niyang tiningnan ang kanyang cellphone ng marinig ang biglang pag turn off niyon. Na lowbat ang kanyang cellphone kaya sa halip na malaman nito kung kanino siya nag tatrabaho ay hindi na nalaman. At saka...hindi rin naman niya pag aaksayahan na sabihin kung kanino. Wala siyang oras na ipagmayabang ang Boss niyang ubod ng sungit at gaspang ng ugali. Kai Reef. Naisip na naman niya muli ang unique na pangalan ng lalaki na hindi niya aakalain na maging kaibigan niya. Hanggang tanghali siyang naglinis ng kanilang bahay. Hindi man lang niya inabala ang kaisipan na isipin ang kanyang magaling na Ama at Kuya. Tanging ang kanyang Mama lamang ang kinamusta niya kanina sa pinsan niya. Okay naman daw doon sa Zambales at baka sa isang araw ay pupunta siya doon kapag natapos na ang problema niya. Napahalwat siya sa cabinet ng kayang Mama at agad niyang naisip ang titulo ng kanilang lupa doon sa Batangas. Siya ang bumubuwis niyon kaya marapat lang na alamin niya ang bawat detalye doon. Maalala niyang oalagi 'yon hinahanap ng kanyang magaling na Kuya. “Bakit wala? Baka dinala ni Mama.” tanong niya sa kanyang sarili pero agad ding naisipan na baka nga dinala ng kanyang Mama. Malapit ng mag ala-una kaya itinigil muna niya ang kasalukuyang ginagawa. Maayos narin naman ang lahat. Napalitan na niya ang mga kutson, kumot at mga punda. Idadaan nalang niya mamaya sa laundry shop para bukas ay makuha niya din. Napalitan narin niya ang mga kandado ng bawat pintuan para kung sakali ay hindi na makakapasok ang loko-loko niyang Ama at barumbadong Kuya. Pagkarating niya sa Alon Engineering Firm ay may ilan na empleyado siyang nakikita. Malimit din naman siyang mag trabaho kahit sabado. Sayang din naman kasi ang double pay. Binuksan niya kaagad ang router ng kanyang computer kaso hindi niya inaasahan na mapadako ang paningin sa opisina ni Ryuku. Bubog na ding-ding lang naman kasi pinaka-pader kung kaya't nakikita niya ang nasa loob. Bukas ang blinds kaya napatingin siya doon at hindi niya inaasahan na mag tama ang mga mata nila ni Ryuku. Pumasok din pala ito kahit sabado. Siguro nga ay tambak talaga ang trabaho nila kaya sa halip na mag pahinga ay hindi narin ginawa nito. Agad niyang ibinaling ang mga mata sa computer dahil ni kurap ay hindi man lang niya nakikitang kumurap ang Boss niya. Naalala niya tuloy ang nangyari kagabi kaya nagsimula na namang uminit ang kanyang ulo. Sa halip na isipin ang mga nangyari kagabi ay sa computer niya inilaan ang buong oras na bubunuin niya. Gusto niyang matapos ngayon ang mga importanteng gagawin niya para sa lunes ay iilan nalang ang tatrabahuin niya. Hindi rin siya iniistorbo ng Boss niya. Kapag kasi ganitong weekends naman at hindi na sakop ng office days niya wala silang pakialaman. Nasa rules iyon ng kompanya. Minsan napapaliga sa opisina niya ang Boss niya kapag may mga tinatanong itong importante lalo na kapag tamad itong mag paliwanag sa intercom. Sinasagot niya rin naman in a nice way. It's already seven o'clock at isang oras nalang ay alas otso na. Natapos narin naman niya ang mga gawain niya kaya nagsimula na siyang mag handa dahil baka maya-maya lang ay tatawag na si Kai. Inayos niya ang kanyang sarili. Ginawa niyang presentable ang simple niyang suot bago siya lumabas ng kanyang opisina. Nagulat siya at agad ding natigilan ng makita niyang sabay silang lumabas ni Ryuku sa kani-kanilang pintuan pero dahil ayaw niyang makasama ito sa elevator kaya nag madali siyang lumabas. “W-Wait.” habol sa kanya ni Ryuku. Bigla siyang napatigil dahil baka may importante itong sasabihin tungkol sa trabaho niya. Hindi niya ito hinarap bagkus nanatili lamang siyang nakatilod at hinihintay kung ano ang sasabihin nitong importante. “It's Mom birthday today at yo'ng ibang empleyado ay nasabihan ko na. Baka...gusto mong pumunta sa bahay alam mo naman ang address.” imporma nito sa kanya. Hindi niya alam kung gaano ito nag aalangan na kausapin siya. Siguro nga dahil kagabi kaya medyo alanganin itong lapitan siya but what he can do kung mismo ang Mommy nito ang nagsabi na imbitahan lahat ng empleyado nito. He has no choice but to set aside his damn attitude just to inform her. Just to invite her. Lihim niyang inikom ng mahigpit ang kanyang kamay na nakahawak sa lace ng kanyang sling bag. Sakal na sakal na itong lace dahil sa ginawa niyang pagpisil doon. Gustuhin niya mang pumunta dahil taon-taon naman talaga ay hindi siya nawawala sa imbistasyon na iyon but for personal reason hindi siya sumasang-ayon. He and she we're not even close kaya iniisip niyang ma a-out of place lang siya do'n at baka pag diskitahan lang siya nito. “Sorry, may pupun...” biglang naudlot ang sasabihin niya ng marinig na may tumatawag sa kanyang cellphone. Siguro si Kai na 'yon. “H-Hello? Sige, bababa na ako.” sagot niya sa tumawag. Binalingan niya si Ryuku na bahagyang nangungunot ang noo habang prenting nakapamulsa. “Sorry, may importanteng lakad ako. Pakisabi nalang kay Ma'am, J na happy birthday.” aniya bago walang galang na tinalikuran ito at nag madaling tumungo sa hagdanan para doon nalang dumaan. Hindi na niya ulit nakita kung paano nagsalubong ang mga kilay nito habang ang mga bagang ay nagtatagis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD