CHAPTER 13- FALSE FEELINGS

1118 Words
*ASHLEY* Gusto kong tumili dito sa loob ng banyo nang mahimasmasan ako dahil sa ginawa kong panghahalik sa kanya! Ako na naman ang umuna! Naalala ko tuloy no'ng minsan na pumunta ako sa bahay niya at... ahhh! Tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi habang kaharap ang aking bulto sa salamin. Namumula-mula na ito dahil sa walang tigil kong tapik dahil sa ginawa kong nakakahiya. “Kahit kailan nakakahiya ka talaga, Ashley! Nakakahiya ka!” mariin kong paninermon sa aking sarili habang nasa banyo parin. Nagdahilan akong magbibihis muna dahil basang-basa ako ng ulan. Wala akong ibang maisip na dahilan para makatakas panandalian sa kahihiyan na ginawa ko kaya kung ano nalang ang sumampa sa aking isip ay siya nalang ang sinabi ko. Paglabas ko ng banyo tanaw ko si Ryuku na sinisipat ang butas kung saan nanggagaling ang konteng patak ng tulo sa bubong. Malakas parin ang ulan at habang nandito parin ako nakatayo sa labas ng banyo pilit kong inaaninaw kong tumutulo pa nga ba pero ilang segundo na akong nakatitig walang tulo na pumatak galing sa bubong. Naramdaamn niya ako kaya patay malisya akong tumikhim para agawin ang atensyon niya. Agad din naman siyang bumaling sa akin. “Ano...ba kasi ang kailangan mo sa akin?” kunyare naiirita kong imik. Paraan ko lang talaga 'yon para mabawasan ang pagkailang sa kanya dahil sa ginawa ko kanina. Tuwid lang siyang nakatayo habang nakapamulsa ang dalawang kamay at walang emosyon man lang na makikita sa kanyang mga mata. Kinagat niya pa muna ang ibabang labi bago magsalita pero sa ginawa niyang 'yon agad kong naibaling kung saan ang aking paningin. Jusko! Hindi ako tatagal kapag si Ryuku ang kasama ko. “Hindi ko kasi ma-contact si Kai kaya I thought he was with you.” kumpirma niya. Napatawa ako ng konte dahil para sa akin ang babaw naman ng kanyang dahilan. Seryoso ba talaga siya? “Hindi ako lost and found para hanapan mo ng kung sino.” pagtataray ko sa kanya na naging dahilan ng pag taas ng kanyang isang kilay. Nakikita ko rin kung paano siya dahan-dahan na lumalapit sa akin kaya lumalayo din ako. “Why do you always philosophize me, huh?" Mariin niyang tanong sa akin. Mariin at nakakatakot na tingin ang pinupukol niya sa akin habang papalapit sa tayo ko. “B-Bakit, ikaw lang ba..ang may karapatan na pilosopohin ako at palaging pagsalitaan ng masasakit na salita?” despensa ko. Natigilan siya at hindi agad naituloy ang paghakbang dahil sa sinabi ko. Parang naisip niya rin kung paano niya ako pinapahiya palagi. “Because, indeed, you always panic when I order you—” “Paanong hindi eh palagi kang padabog kung mag-utos! Akala mo saknong mo lahat ng galit sa mundo para ibuntong mo sa'kin ang lahat ng 'yon! Akala mo kung sino kang perpekto na hindi nagkakamali! Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit mas lalong lumalala ang panic attack ko eh. Alam mong may sakit ako pero hindi mo parin magawang makipagmabutihan sa akin kahit pakitang-tao lang.” sunod-sunod kong panunumbat sa kanya. Mas lalo siyang natigilan at hindi nakagalaw ng ilang segundo dahil hindi niya inaasahan na makakapagsalita ako sa kanya ng gano'n at mismo sa harapan niya pa at ilang dangkal lang ang pagitan namin. Nahigit ko bigla ang aking hininga ng basta niya ako hawakan sa magkabila kong balikat at tila kahoy lang ako na basta niyang dalhin sa ding-ding at doon pinasandal at kinorner ng kanyang magkabilang kamay. Napalunok ako dahil sa kaba na nag uumpisang umangat sa aking sistema dahil sa klase ng kanyang mga titig sa'kin. “And that's the reason why you have to leave and resign without any strong reason?” mariin niyang tanong. Napayuko ako bigla dahil sobrang dilim ng mga titig niya sa'kin. Sobrang higpit ng mga hawak niya at kulang nalang parang lulusot na ako ako sa ding-ding dahil sa tindi ng kanyang pwersa na pagdiin sa akin. Pinipilit kong kumawala kaso di hamak na malakas siya kaysa sa'kin kaya napapasinghap na lamang ako. “Bakit, kapag sinabi ko ba na oo aalis kana dito? Hindi mo na ako ulit papakialaman? Matitigil na ba yang galit mo sa'kin na parang pang world war two na?!” asik ko sa kanya. Awtomatiko siyang natauhan at lumuwag din ang pagkakahawak niya sa aking magkabilang balikat. Nagulat ako ng ngumisi siya bigla kaya may pagtataka ko siyang tiningnan. “What if sasabihin kong matitigil lang ang galit ko sa'yo kapag bumalik ka ulit sa akin bilang secretary ko—” “Hinding-hindi mangyayari 'yan. Kahibangan kong babalik pa ako sa impyerno na minsan ko nang nilisan.” matapang kong sagot sa kanya. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita at tuluyan na nga na bumitaw ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat. Bigla niya akong tinalikuran at iritadong nag kamot sa kanyang ulo. Nakahinga ako ng maluwag ng makita siyang papalayo at tuluyang inisang hakbang ang pintuan para lumabas. “Lock your doors and never open if someone knocks.” seryoso at mariin niyang bilin sa akin bago tuluyan nang lumabas ng bahay. May pagtataka ko siyang tiningnan sa bintana habang papalabas ng gate. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin pero sinunod ko parin ang sinabi niya. Isinara ko lahat ang mga pinto. Kinandado ko ang lahat ng mga pweding ikandado. Halos mag a-alas tres na ng madaling araw at ilang oras nalang ay umaga na. Pagkatapos kong mai-lock ang mga pinto dito sa baba ng bahay mabigat akong umupo sa sofa at nakatulalang nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Ryuku. Minsan iniisip ko kung ano ba talaga ang mga pinupunto niya. Kung ano ba talaga ang dahilan ng galit niya sa'kin. Dahil kung ako ang tatanungin mababaw na dahilan ang kalimutan siya sa loob ng limang taon at baliwalain ang lahat ng nangyari sa aming nakaraan. Alam kong ako ang na agrabyado at mas lalong alam ko na kasalanan ko pero balit siya pa 'yong may ganang magalit. Parang siya pa 'yong biktima ng lahat. Kahit kailan ang hirap niya talagang tonohan at pakisamahan. Ryuku: “Be ready tomorrow. I'll fetch you around 9 to 10 AM. Huwag ka nang mag paalam kay Kai dahil alam na no'n. Biglang namilog ang mga mata ko dahil sa nabasa kong txt galing kay Ryuku. Hindi ko alam kong saan kami pupunta at hindi rin ako sigurado kung alam nga ba talaga ni Kai ang mga sinasabi niya kaya naisipan kong i-txt si Kai. Ryuku: Goodnight. Natigilan ulit ako dahil sa segunda niyang message. Awtomatikong kumalabog ng mabilis ang aking dib-dib at tipid na napangiti pero mabilis ko ding nabawi at in-off basta ang aking cellphone at nagbalot na ng kumot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD