CHAPTER 14-ONE CONDITION

1437 Words
*RYUKU* I can't believed that she will nag me without knowing na halos limang oras akong nakatambay kanina sa labas ng kanyang pintuan para lamang hindi ulit mag tangkang pumasok ang walang hiya niyang Kuya. Kung hindi niya lang ako sinumbatan ng sinumbatan kanina malamang do'n pa ako natulog para lamang bantayan siya! Binilisan ko pa kanina ang pag tatapal sa butas ng kanyang bubong para lamang hindi mabasa ang kanyang tv tapos sasabihan niya lang na nasa empyerno siya no'ng nasa firm ko siya? I can't believed her! Pasalamat siya she's the girl that I will never forget kahit limang taon na ang nakalipas. Ayaw ko pa naman sana umalis kaso nga lang nakikita kong medyo nayayamot na siya sa'kin kaya kahit ayaw ko ay napilitan nalang din ako. The purpose that I came to her house is that I will tell her the truth about the land na isinangla sa'kin ng gagó niyang kapatid. Nakokonsensya ako na hindi sabihin sa kanya kaya kahit alam kong galit siya sa'kin pumunta parin ako kaso nga lang doon naman ako naging iritado ng madatnan kong wala siya sa kanilang bahay tapos no'ng umuwi ay madaling araw na! Fúck! Paano nalang kung nakaabang lang pala do'n sa kanto ang kapatid niya? Ka babaeng tao ang galing-galing lumayas na siya lang mag-isa! “Shít!” iritado kong hinampas ang manibela ng makarating na ako parking lot ng condo. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya at ang dahilan ng pag-alis niya sa firm ko. It's a childish attitude! Kahit kailan hindi talaga siya nagbabago. Arvin: Hey, Engineer Salem! Biglang nag pop-up ang message ni Arvin sa gc namin. Iritado king dinedma 'yon kaso tumunog ulit ang messenger ko dahilan para tingnan ko ulit. Gwen: Ryuku is now sleeping, Arvin. Mas mabuting matulog kana. Arvin: He's online Gwen girl. Gwen: Whatever! Arvin: Feeling girlfriend, huh? Alam ang bawat galaw ni Salem? Gano'n? Gwen: Fúck you! Bigla akong narindi sa sagutan nila sa gc. Parang nadagdagan pa lalo ang yamot ko dahil nakikita kong online si Kai at online din si Ashley. Maybe they are talking right now? Fúck, no! Hindi kasali si Ashley sa gc namin. It's a group message for our batch when we're college. Ilang beses narin siyang in-add nina Arvin but I also always declined adding her. Me: Shút up, Vin! Ano ba kasi ang iniingay mo? Arvin: I'm reaching out to inform you that our Alumni event will be held tomorrow at our Alma mater. We would be delighted to have you join us for this special occasion, Engineer, Salem. Me: K. Tipid kong sagot pero hindi parin yata nakontento ang gagó dahil may pag videocall pang nalalaman. I hate it the most! Yo'ng ilalantad ang hitsura ko sa screen?! No way! Kaya sa halip na sagutin ay nag tipa ulit ako ng message but this time personal message na. Me: Bakit ba? Arvin: I can't contact Ashley, are you two friends? Napamura ako ng malutong nang makarating ako sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung dahilan niya lang ba 'yon para ipamukha sa'kin na close sila ni Ashley at kami hindi? Fúck you, Esguerra! Mariing anas ko sabay pabalang na binato ang cellphone ko sa kama. Ano tingin niya sa'kin signal para sabihan na hindi niya makontak si Ashley!? Pagkalabas ko ng banyo nag suot lang ako ng boxer shorts at tinuyo ng madali ang aking buhok. Ilang oras nalang at mag uumaga na kaya naisipan kong i-txt sinKai to tell something important. Bago din ako matulog para umidlip ay nag txt din ako kay Ashley na huwag nang pumasok bukas dahil aalis kami. Alam kong mag dududa na naman 'yon pero bahala na. Aagahan ko nalang ang pagpunta sa kanila para maabutan ko pa siya. Habang nakahiga sa aking kama parang nakailang tawag pa ako ng tahimik sa mga kung sino para hilahin ng ipikit ang aking mga mata dahil may kalahating oras na akong nakamulaga dito pero hinding-hindi parin ako inaantok! Kahit anong gawin kong pagulong-gulong ay walang silbi parin kaya sa halip na hintayin ang antok ko mas minabuti kong maligo nalang ulit at nag bihis na. Total alas kwatro narin naman ng umaga! Nakailang busina na ako dito sa labas ng kanyang bahay pero hindi parin siya lumalabas kaya naisipan kong pumasok sa loob ng kanilang bakuran. Maalala ko ako pala ang nag lock ng gate kagabi at mabuti nalang at nasa kotse ko din pala ang susi. Tumaas ang isang kilay ko ng biglang bumukas ang pintuan. Nakabihis narin siya at handa naring pumasok o umalis? “What's that behavior, huh?” sita ko sa kanya ng makitang nakakunot ang kanyang noo at salubong ang mga kilay. Naghalukipkip siya bago padabog na lumabas ng pintuan. Kundi mabilis akong tumabi dahil mukhang banggain niya talaga ako! “Hey...Bakit ba agang-aga ang suplada mo?” habol ko sa kanya. Mas lalong naningkit ang kanyang mga mata at kitang-kita ang iritasyon sa mukha niya. “Paanong hindi eh, kinandado mo pati ang gate! Kung ikaw man kaya siguradong mas matindi pa sa'kin ang init ng bait mo! Baka nga napagsalitaan mo na naman ako ng—” Natigil ang pagsasalita niya ng basta ko siya buhatin at mabilis na dinala sa loob ng kotse ko. Hindi agad siya nakapagsalita at basta namimilog ang mga mata ng halos wala ng isang dangkal ang pagitan ng mga mukha namin dahil sa pag kabit ko ng seat belt niya. Lihim akong napangisi dahil bakas sa hitsura niya ang kaba. I know how to stop her at alam na alam ko ang kahinaan niya pero ni minsan hindi niya alam na siya din pala ang kahinaan ko. Habang nasa byahe kami hindi siya masyadong nagsasalita. I know she's thinking something at naghihintay lang naman ako na tanungin niya bago ako mag paliwanag. We're almost to our destination at kung hindi ako nagkakamali ay mauuna pa naming madadaanan ang lupa niya na isinangla sa'kin ng magaling niyang kapatid. Huminga ako ng malalim nang maramdaman na tila nagiging pamilyar na sa kanya ang lugar dahil panay-panay na ang tingin niya sa'kin at parang hindi makapaniwala na nandito kami ngayon sa lupa niya. Balak ko talaga na puntahan ito dahil simula ng isangla 'to sa akin ng Kuya niya ay ang abogado ko palang ang nagpunta dito. And I was so amazed dahil hindi lang pala ito basta lupa lang. Madami rin palang mga puno na pweding pagkunan ng pagkain. Iba't-ibang klaseng puno ng mga prutas at karamihan ay mga gulay na ang nakatanim. Tahimik siyang bumaba at sumunod sa'kin papunta sa isang bench kung saan makikita ang kabuuan ng lupain. “So, pinapamukha mo na ba talaga sa'kin na hindi ko na 'to ngayon pag-aari?” biglang imik niya dahilan para mapatingin ako sa kanya ng walang emosyon. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Gusto ko lang naman makita 'tong lupain niya! Hindi ako nag pahalata at patay malisya akong namulsa sabay baling ulit sa harapan ko kung saan may ilan na mga tao na nag haharvest ng mga gulay at prutas. “Paano kapag sinabi kong gusto kong bawiin 'to sa'yo?” bulgar niya. Napangisi ako at nakita niya 'yon. “Then do it.” tipid kong sagot. Narinig ko siyang humakabang pero hindi ko akalain na haharap siya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata pero matapang niyang sinasalubong ang mga tingin ko. Tila nakikipag-paligsahan at hindi ko na nababakas ang takot ss kanyang hitsura and that kind of her attitude makes me proud. That's right, Ash. Labanan mo ako. Lumaban ka sa'kin. “Kung papayag ka uunti-untian ko ang paghuhulog hanggang sa matapos ko lahat ang kabuuang presyo.” singit niya ulit. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Matiim parin siyang nakatingin sa akin at gano'n din ako sa kanya. “Ang halagang isang daang libo na presyo ay mahihirapan ka nang bunuin 'yon na matapos Ms. Geagoni. Isang milyon at kalahati pa kaya? Baka patay kana no'n eh hindi kapa tapos ng paghuhulog.” sarkastiko kong saad sa kanya. Galit niya akong tiningnan at tinalikuran. “Basta, babawiin ko 'to sa'yo!” mariin niyang sabi at nagsimula nang humakbang papalayo. “On one condition.” sambit ko. Agad siyang tumigil at ilang segundo na hindi gumalaw bago humarap ulit sa'kin. Walang emosyon na makikita sa mga mata niya. Matapang niya parin na sinasalubong ang mga tinginan ko at gano'n din ang pinapakita ko ngayon. Tuwid akong tumayo habang nakapamulsa parin at humakbang ng palapit sa kanya. “Be my woman and I will give you everything that you own.” sunod kong bulgar sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD