CAMILLA's POV
♛♕♛
Agad akong umiwas nang tingin sa kaniya at bumalik sa aking trabaho, hindi mawala sa isip at pakiramdam ko ang pagkailang sa nga titig niyang iyon.
"Kung saan ka man dalhin ng mga pangarap mo ay susuportahan kita kuya Augustus, bumalik ka sana ng malusog at walang sakit," sabi ko habang sinusubsob ang sarili ko sa trabaho para lang hindi ko maisip ang pagkailang sa kaniya.
"Masusunod my lady," sagot niya at tumingin na ko sa kaniya dahil palabas na siya ng silid. Tumayo ako at sinundan siya para samahan siya sa huling araw niya sa Leonheart estate.
"Oh, akala ko abala ka sa trabaho? Parang kanina lang hindi ko mo matignan sa mata dahil sa trabaho mo," sagot niya at napatawa na lang ako, ayoko naman na dahil lang sa pagkailang ko sa mga tingin niya ay hahayaan ko na lang siya na umalis sa mansyon nang hindi ko man lang siya na ihahatid.
"May kailangan lang ako basahin maige kanina pero tapos ko na 'to, alanganin naman na hindi kita unahin sa iyong pag-alis," saad ko at sinukbit ang braso ko sa kaniya.
Sa paglalakad namin sa mahabang pasilyo ay nakasalubong namin si Lev na mukhang kakatapos lang sa kaniyang pag-eensayo, mukhang inaabangan niya rin ang pag-alis ni kuya August para maihatid ito.
"Sabi na nga ba't nasa opisina ka ni Camilla," sabi niya kay kuya sabay ngisi rito, na tawa naman ako nang malakas siyang hampasin ni kuya August sa balikat na kinaimpit niya.
"Eh, kanino pa ba ako unang magpapaalam? Edi, syempre sa Viscountess," sagot nito at tumawa lang si Lev.
"Ha, Viscountess? Itong nene na 'to?" Pang-aasar niya sa 'kin kaya malakas kong piningot ang kaniyang tenga at sinukbit din ang kamay ko sa braso niya.
"Aray! Iyan ba ang tinututro sa 'yo sa dormitoryo? Ang manakit?" reklamo niya at sabay kaming napatawa ni kuya Augustus na kinatawa niya rin naman.
Ngayon ay tatlo na kaming naglalakad habang nasa gitna nila akong dalawa, nag-aasaran lang kaming tatlo hanggang sa makarating na kami sa tapat ng mansyon kung saan nag-iintay ang isang puting karwahe na sasakyan ni kuya Augustus patungong piyer.
"Lev, habang wala ako rito sa mansion ay sayo ko pinagkakatiwala si Camilla, wag na wag kang gagawa ng kalokohan at intayin niyo ko pagtapos ng dalawa o tatlong buwan," paalala niya sa 'min ni Lev at tumango naman siya bilang sagot.
"Syempre ano pa bang trabaho ko kung hindi ang bantayan ang Leonheart pag wala ka rito," sagot niya at tumango naman si kuya Augustus nang may ngiti sa mukha.
"Dapat lang, at Camilla," tawag niya sa 'kin kaya napalingon ako sa kaniya.
"Intayin mo ko," paalala niya sabay lapit sa 'kin at halik sa aking noo. Napahawak lang ako sa noo ko habang siya naman ay umakyat na sa loob ng karwahe.
"Mag-iingat kayo, magkita na lang tayo pagtapos ng ilang buwan," pagpapaalam niya at kumaway naman kami sa kaniya kasabay nang pag-andar ng karwahe palabas ng main gate ng Leonheart.
Hindi ako tumigil sa pagkaway ng aking kamay hanggat hindi na wawala ang imahe ng karwahe sa aking paningin.
Parang ang bilis lang, akala ko kasi ay makakasama ko na silang dalawa sa pag-uwi ko sa mansion pero agad din akong iniwan ni kuya Augustus para gawin ang nais niya.
Pero hindi naman ako nagtatampo, dahil naiintindihan ko na may nais din naman siyang gawin at isa pa, halos ibuhos niya na ang buong buhay niya para sa pamilya namin na kumupkop sa kaniya.
"Tara na?" Tanong ni Lev at tumango naman ako sa kaniya, inihatid niya ko sa loob ng aking opisina at bumalik na rin sa training ground upang mag-ensayo.
Alam ko, kailangan din umalis ni Lev tuwing ikalawang araw sa isang linggo dahil sa isa siyang royal knight at kailangan niyang pagsilbihan ang royal family sa loob ng emperyo.
Ayos lang din sa 'kin ang bagay na 'yun, dahil hindi ko naman hawak ang buhay nila dalawa dahil lang sa may utang sila sa aking ama, malalaki na kami at simula nang tumuntong kami sa tamang edad, alam na naming tatlo na hindi na magiging katulad dati ang pagsasama namin.
Dahil may sari-sarili na kaming responsibilidad sa buhay at gampanin dito.
"Hays, kailangan ko pang intindihin ang ilang pagkukulang ng pamilya namin, kailangan ko pang ayusin ang tinatayong linya ng tubig sa bawat mansyon sa loob ng estate," bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa mga papeles at dokumento na kailangan kong asikasuhin.
Tinignan ko ang mga ito na nagkapatong-patong na sa ibabaw ng lamesa ko, na pukaw naman ng pansin ko ang isang libro na may nilalaman tungkol sa pamilya namin sa mga nag daang taon.
Inilapag na lang siguro ito ni Ed dahil sa wala na ako sa loob ng opisina nung pagbalik niya, binuklat ko ito at binasa lahat ng mga nakatala rito.
Pilit kong hinahanap kung mayroon bang impormasyon tungkol sa pamilya namin na magtuturo sa kasagutan bakit nakakulong si Amon sa lihim na lagusan na 'yun.
Hindi ko naman pwede tanungin ang mga tao sa loob ng mansyon dahil sa pagkakaalam ko ay wala rin silang kinalaman dito.
Dahil lahat ng taong nagtatrabaho sa Leonheart ay bago, lahat sila ay kakapasok lang dito dahil sa lahat ng taong nagtatrabaho sa 'min noon ay kasamang namatay ng mga magulang ko sa trahedyang iyon.
Kaya kung matagal nang nakakulong si Amon sa selda na iyon, paniguradong hindi rin alam ng mga tao sa mansyon ang tungkol sa kaniya.
Pero mabuti na ring nag-iingat, kaya susubukan ko magtanong-tanong nang hindi nila nahahalata.
Agad kong kinuha ang bell na nasa gilid ng aking lamesa at pinatunog ito, agad naman pumasok sa loob ng opisina ko si Ed at yumuko sa aking harapan bilang paggalang.
"Yes my lady?" Tanong niya at pinakita ko sa kaniya ang librong pinakuha ko sa kaniya.
"May alam ka bang kakaiba sa loob ng pamilya na 'to?" Tanong ko na medyo pinagtaka niya.
"My lady? Ano pong kakaiba?" Tanong niya at napaisip ako kung pano ko itatanong sa kaniya nang hindi siya naghihinala.
"Hmm, katulad na lang ng mga usapan na umiikot sa loob ng mansyon, o mga kababalaghan na hindi ko alam? You see, ang tagal kong wala sa pamilya na 'to kaya ayoko naman mahuli kung may mga usapan na tungkol sa loob ng mansyon," palusot ko at panay naman ang isip niya kung ano nga ba ang tinutukoy at nais kong malaman.
"Katulad na lang nang pagbukas ng daluyan ng tubig tuwing madaling araw kahit na walang natutulog sa inyong silid?" Tanong niya at kumunot ang noo ko.
"Bumubukas ang daluyan ng tubig kahit walang gumagamit?" Tanong ko dahil kagabi aminado akong ako 'yung nagbukas ngunit 'yung mga pangyayari noon ay hindi ko alam.
"Yes my lady, tubig na dumadaloy sa loob ng silid niyo ngunit nang tumawag si lord Augustus ng tubero ay wala naman siyang nakitang sira sa ano mang daluyan patungo sa inyong silid," paliwanag niya at bigla ko naman na aalala ang isang gripo doon sa selda ni Amon.
Baka si Amon ang gumagamit at hindi lang nila mahanap ang dayuan dahil nakatago ito.
"Hmm, ganoon ba? Madalas ba nagigsing ang mga katulong sa tunog ng tubig?" Tanong ko dahil sabi ng katulong kagabi ay narinig niya raw ang paggamit ko nito.
"Yes my lady, malapit po kasi ang tangke sa maids quarter," paliwanag niya at tumango naman ako.
"Kung ganoon, ilipat niyo sa north wing ang maids quarter at doon sila patulugin tutal wala naman gumagamit ng iilang kwarto doon," saad ko na kinagulat niya.
"Sigurado ba kayo Madam? Ngunit para sa mga lady in waiting at mataas na ranggo lang ng katulong ang lugar na 'yun," paliwanag niya at alam ko naman iyon, pero mas mabuti na 'yun kesa sa madaling araw sila na bubulabog ng ingay ng tubig.
"Sigurado ako, iyon ang una kong babaguhin sa mansyon na 'to para na rin maayos ang pagtulog nila, gawin na lang imbakan ng pagkain ang dating maids quarter para mas malapit sa kusina ang mga ito," utos ko sa kaniya at agad naman siyang tumango at lumabas.
Napasandal ako sa bangkuan ko at napaisip, kung hindi nila alam kung sino ang gumagamit ng tubig ay paniguradong hindi nila alam na nakakulong doon si Amon.
Isa pa, akala siguro nila ay isang kababalaghan ang daloy ng tubig sa aking kwarto kahit na matagal nang walang natutulog doon.
Kumpirmado, hindi nila alam na may nakakulong na bampira sa loob ng mansyon.
Agad akong tumayo at dire-diretsyong pumunta sa loob sa kwarto ni kuya Augustus, mabuti na lang at wala pa kong ina-assign na katulong para maging personal maid ko kaya naman walang nakakakita sa mga ginagawa ko.
Hindi nakakandado ito at agad kong hinalungkat ang drawer niya para maghanap ng mga damit na halatang hindi niya ginagamit.
Kumuha ako ng isang puting kamiseta at itim na pantalon, hindi muna ako kukuha ng sapatos dahil paniguradong bilang at ginagamit niya ang mga iyon kaya naman mag-uutos na lang ako na bumili ng sapatos o ako na mismo ang lalabas para bilhin ito.
Nang makapuslit ako sa kwarto ni kuya Augustus ay dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at kinandado ito.
Naglakad ako papunta sa harap ng painting habang bitbit-bitbit ko ang isang lampara at isang pares ng damit.
Pumanhik ako sa loob ng pader at naglakad na papunta sa selda kung na saan si Amon, habang naglalakad ako sa madilim na lagusan ay agad akong nakaramdam ng yakap mula sa aking likuran na dahilan para mapatili ako sa gulat.
"Ahhh!" Sigaw ko at agad na tinapat ang lampara sa likuran ko saka ko lang nakita si Amon na nakasimangot at parang hindi na gustuhan ang reaksyon ko.
"Ginulat mo ko! Akala ko kung ano na," sabi ko sa kaniya at mukha siyang hindi masaya sa pagsigaw ko sa kaniya.
Nagtatampo ba siya dahil na takot ako sa ginawa niya? Na gulat lang naman ako at wala naman akong ibang nais iparating sa reaksyon na 'yun.
"Na gulat lang ako Amon, bakit ka nakasimangot? May dala pa naman akong damit para sayo," saad ko sabay pakita ng damit sa kaniya at parang muling lumiwanag ang kaniyang mukha.
Seryoso, para siyang bata na mabilis mong mapapasaya.
"Tara na nga, doon tayo sa selda dahil doon ay may bintana at unting liwanag galing sa labas," paliwanag ko sa kaniya dahil sobrang dilim sa pwesto namin na papunta sa selda niya.
Agad naman siyang tumango at hinawakan ko ang kamay niya pabalik sa selda niya, nang makarating kami doon ay agad kong inabot sa kaniya ang mga damit.
"Iyan, pansamantala lang iyan at sa susunod ibibili kita ng mas maayos na damit," saad ko at napatingin sa mga paa niyang medyo marumi dahil nakayapak lamang siya.
"Bibilhin din kita ng sapatos para hindi ka malamigan," saad ko at tumango naman siya sabay hubad sa harapan ko na kinabigla ko.
Agad akong tumalikod sa kaniya habang nagbibihis siya ng damit. Para akong baliw na hindi malaman ang gagawin dahil sa bilis nang pagtibok ng puso ko.
Parang kagabi lang ay ang lakas ng loob ko na hubaran ang lalaking ito pero ngayon ay todo ilag ako ng tingin sa katawan niya.
"Ayos na Camilla," tawag niya sa pangalan ko na wala man lang honorific katulad ng tawag sa 'kin ng lahat.
Pero hindi ko naman ito kinaiinisan, bagkos pakiramdam ko nga ay isa lang akong normal na babae sa harap ni Amon.
Napangiti ako nang makita ko ang maayos niyang pustura ngayon, sobrang bagay sa kaniya ang simpleng damit na binigay ko kahit na medyo masikip bandang pwetan niya ay ayos lang.
"Iyan maaari ka nang lumabas," saad ko sa kaniya at napangiti naman siya sabay mahigpit na yakap sa 'kin na muli ko na naman kinagulat.
"Maraming salamat talaga Camilla," tugon niya sa 'kin at habang yakap niya ko ay nararamdaman ko naman ang isa niyang kamay na gumagala na sa likuran at bewang ko.
Napaikling ang ulo ko sa pagtatanong, ano na naman ba 'to? Baka mamaya ay may mangyari na sa 'min nang tuluyan sa lugar na 'to.
"Te-teka Amon, anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya at tinaas niya lang ang dalawa niyang kilay.
"Ginugusto ka?" Tanong niya na kinatawa ko nang malakas.
"Hahahaha!" Ano bang tingin niya sa p********k? Isang pasasalamat? Akala niya siguro pag gusto mo ang isang bagay o nararamdaman mong gusto mo 'yung tao ay kailangan mo na siyang romansahin.
"Simpleng pasasalamat lang ay ayos na, hindi mo kailangan na hawakan ang katawan ko para magpasalamat," paliwanag ko sa kaniya habang pinupunasan ang mga luha ko sa mata dahilan ng pagtawa.
"Akala ko pag gusto mo ang isang tao ay gagawin mo iyon," paliwanag niya at umiling naman ako.
"Hindi Amon, hindi lagi hahaha," paliwanag ko sa kaniya pero halatang nagtataka pa rin siya.
"Naku, wag mo na nga muna isipin ang bagay na 'yan, tara may papakita ako sayo," saad ko sa kaniya at inaya siyang lumabas sa selda na 'yun at pumunta sa kabilang lagusan papunta sa natatagong hardin.
Kanina nung nasa loob ako ng kwarto ay kinuha ko na rin ang bugkos ng susi na sama-samang nakatago sa loob ng drawer ko.
Hindi ko alam kung isa ba rito ang susi sa lagusan na 'to pero gusto ko na rin subukan dahil gusto kong puntahan ang sikretong hardin na 'to.
Nang makarating kami sa bakal na harang ay nilabas ko ang mga susi at isa-isang hinanap ang maaring kumasya sa padlock at makapagbukas ng lagusan.
Nakatitig lang sa 'kin si Amon habang hinahanap ko ang tamang susi na makakapagbukas ng harang ngunit mukhang aabutin ako ng siyam-siyam sa ginagawa ko.
"Kailangan mo bang buksan 'to?" Tanong niya at tumango ako.
"Oo para makapunta ka sa labas," sagot ko at walang anu-ano ay bigla niyang hinila ang padlock ng gate at nasira ito.
Gamit lang ang kaniyang isang kamay ay nabuksan niya ang malaki at matibay na harang.
"Bukas na, tara na sa hardin," saad niya pero ako parang hindi pa rin makapaniwala na kaya niyang gawin iyon.
Sobrang lakas niya na hindi normal para sa katulad kong tao.
"Buti na lang laging makulimlim," sabi niya sabay hawak ulit sa kamay ko na nagpabalik sa 'kin sa sarili ko.
Napatingala ako sa langit at balot ito nang makapal na ulap na siyang tumatakip sa sinag ng araw.
Kilala ang Lumire Empire sa mahamog at makulimlim na klima nito, dito ay mas mahaba ang gabi at maikli naman ang umaga, isang perpektong lugar para tirahan ng mga katulad ni Amon na isang bampira.
"Totoo bang nasusunog kayo sa liwanag ng araw?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa lumang gazebo na nasa gitna ng hardin.
"Pagtirik na tirik ang araw, mga bandang tanghali ang pinaka kahinaan namin," sagot niya at sinundan naman ako sa paglalakad.
Tumango lang ako at umupo sa hadgan ng lumang gazebo, binabalot na ito ng maraming halaman at puno na rin ng nagkalat na bulaklak.
Nilibot namin ang aming paningin sa lugar at nakitang may dalawang pader sa magpabilang dulo nito, tila ba tinatago ang lugar na 'to sa kahit sino.
"Amon, alam mo ba ang tungkol sa hardin na 'to?" Tanong ko sa kaniya, pero imbes na sagutin niya ang tanong na 'yun ay isang halik sa labi ang ibinigay niya sa'kin.
Nakapikit na siya habang nilalasap ang labi ko, habang ako naman ay hindi maipaliwanag bakit hindi ko ito tinatanggihan.
Pumikit na rin ako at dinama ang halik niya sa ilalim ng makulimlim na panahon na 'to, hinawakan ko ang batok niya at siya naman ay ang dalawang pisnge ko.
Muli, para akong malulunod sa mga halik na 'yun.
Pagputol niya ng halik ay tumingin siya sa mga mata ko, parang nang-aakit ang mga ito at tinatawag na naman ang init sa katawan ko.
Bahagyang bumaba ang tingin niya sa labi ko papunta sa leeg ko, sa mga tingin na 'yun alam kong uhaw na siya sa dugo kaya kusa kong inalis ang buhok ko na nakapatong sa balikat ko at nilihis ang damit na suot ko.
"Maaari ka ng uminom," sagot ko sa kaniya at walang anu-ano ay agad niyang sinakmal ang leeg ko.
Ramdam ko ang pagbaon ng mahahaba niyang pangil sa balat at laman ko, ramdam na ramdam ko rin ang pagsipsip niya sa mainit kong dugo na nagbibigay sa katawan ko ng kakaibang sensasyon.
Tumingala lang ako habang patuloy niyang ginagawa ang nais niya sa katawan ko, tumingin ako sa makapal na ulap saka ko pinikit ang mga mata ko.
TO BE CONTINUED