♕CHAPTER 4♕

2624 Words
CAMILLA's POV ♛♕♛ Ngayon na natikman ko na kung ano ang halik at ang malalim na bersyon nito, ay parang gusto ko pa ng iba. Gusto ko pa maramdaman ang ibang sensasyon na tumatawag sa katawan ko. Habang nakaupo ako sa ibabaw ng drawer ay nilihis ko ang pantulog na suot ko saka tumambad sa kaniya ang makinis at maputi kong balikat. Saglit siyang napatitig dito at doon, nakita kong nagkulay pula ang mga mata niya. Napalunok ako at medyo gumagapang na ang takot sa katawan ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang kaya pa niyang gawin sa 'kin. Kaso may nag-uutos sa 'kin na ibigay ko ang buong katawan ko sa kaniya, kaya imbes na tumigil ako sa ginagawa naming dalawa ay lalo ko pang hinulog ang sarili ko sa kaniya. Inabot ko ang basa niyang buhok at nilapit ang ulo niya sa mukha ko, kusa naman siyang lumapit sa 'kin at parang hayok na hayok din na tikman ako. "Pwede mo kong tikman hanggat gusto mo," bulong ko gamit ang boses ko na hinihingal dahil sa kawalan ng hangin sa mga halik niya. "Masusunod," bulong niya at hinalikan ang leeg ko pababa sa collar bone, na ramdaman ko ang paglapat ng mainit niyang dila sa malamig kong balat at napapatingala na lang ako habang hindi na mamalayan na humihigpit na pala ang kapit ko sa ulo niya. Na gulat na lang ako nang maramdaman kong lalo niya pang binaba ang damit ko, dahilan para lumabas ang isa kong dibdib sa harapan niya. Napalunok ako habang tinititigan ko siyang nakatingin sa mala-rosas kong korona, nakatingin lang siya rito at ilang minuto bago niya pinikit ang kaniyang mata at siniil ito ng kaniyang halik. Agad akong napaungol sa ginawa niyang iyon dahil para bang alam na alam niya ang dapat niyang gawin at kung ano ang pwesto na dapat niyang laruin. Agad kong tinakpan ang bibig ko ng isa kong kamay at pinulupot ang mga binti ko sa bewang niya habang siya ay nakayuko at pinaglalaruan ang dibdib ko. Para akong babaliwin ng pag-ikot ng kaniyang malambot na labi sa dibdib ko, at kung pano niya laruin ng kaniyang dila ang korona nito. Para siyang bata na gutom sa gatas ng kaniyang ina kung pano niya sipsipin at laruin ang korona ko. "Te-teka Amon," tawag at pigil ko sa kaniya dahil na raramdaman ko na ang p*********i niya na tumatama sa tiyan ko, ramdam ko na ang kalakihan nito na kinatatakot ko. Aabot ba talaga kami hangga doon? Ako na isang Viscountess ay ibibigay ang unang gabi ko sa isang lalaking kanina lang ay nakilala ko? Pero pano aawatin ng isip ko ang nag-iinit kong katawan para sa kaniya? Nais ko pang matikman siya at nais ko pang angkinin niya ko. "Ugh, te-teka," nanginginig ang boses ko dahil bukod sa dila niya ay ramdam ko pa ang isa niyang kamay na nilalaro ang kabila ko dibdib na lalong nagpapainit sa 'kin ngayon. Para akong mababaliw, sa sampung taon ko na pagtira sa dormitoryo ay puro babae lang ang kasama ko, hindi ko lubos maisip na pagkalabas na pagkalabas ko roon ay ito agad ang gagawin ko. Na makaktikim agad ako ng katawan ng isang lalaki, pero ayoko tumigil, gusto ko pa. "Amon, hindi ko na kaya," pagmamakaawa ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ko pag hindi ko pa na ramdaman ang p*********i niya sa loob ko. Kusa kong hinila ang tali sa bewang niya upang makita ko ang katawan niya, tumambad sa 'kin ang dibdib niya at ang p*********i niya. Napatulala ako rito dahil ngayon lang ako nakakita nito sa aking harapan, pakiramdam ko ay pumipintig ito at nais na rin akong maramdaman. Bahagya akong lumapit sa kaniya at marahan na hinawakan ang bagay na 'yun, sa pagdampi pa lang ng dulo ng mga daliri ko ay naramdaman kong napasinghap na siya. Nakita ko ang ekpresyon niya sa mukha na parang nagbibigay pa sa 'kin ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Napakagat ako sa labi at hinaplos ang alaga niya, hindi ito kayang hawakan nang buo ng maliit kong palad, kaya naman ginamit ko rin ang isa ko pang kamay para suportahan ang isa. Paghawak ko rito nang pataas ay nakita ko siyang napapikit sabay tingala, agad niyang tinukod ang dalawa niyang kamay sa drawer na inuupuan ko. Napapagitnaan ako ng mga braso niya habang nilalaro ko naman ang alaga niya, bawat haplos na ginawa ko ay hindi niya mapigilan na huminga nang malalim, napasandal pa siya sa balikat ko at tumungo rito habang nababaliw sa ginagawa ko. "Ba-bakit ganito? Hindi ko alam ang nararamdaman ko," tanong niya sa 'kin at kung hindi niya alam ay ganoon din ang nararamdaman ko. "Unang beses ko 'tong gawin, hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko," bulong ko sa kaniya. "Sabihin mo sa 'kin kung nasasaktan ka," muli kong sabi at umiling lang siya habang nakapatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. Bahagya akong napangiti nang hindi niya na magawang sumagot pa, para naman akong wala sa sarili dahil sa personalidad na pinapakita ko ngayon. Mahiyain ako, hindi ko alam kung pano makipagnobyo o ano pa man, pero ngayong gabi. Gusto ko lang mahawakan ang katawan ng lalaking ito, gusto ko lang siya bigyan ng kasiyahan at makasama siya. Parang hindi ako ito, pero parang ako rin. Siguro, ito talaga ako. Hindi ko lang mailabas dahil sa responsibilidad na nakaatang sa 'kin, kaya naman nang mahanap ko ang oportunidad na makasama ang lalaking ito ngayon gabi, ay hindi ko na pinaglagpas pa, kahit na hindi ko alam ang kahihinatnan ko pagtapos nito. "Gusto kong maramdaman ka sa loob ko," bulong ko sa kaniya at napasilip siya sa mukha ko, parang hindi niya alam kung ano 'yun o papaano. Miske ako rin naman ay walang alam pero alam kong magiging masakit iyon sa una. "Itong bagay na 'to, papasok sa 'kin," turo ko sa kaniya na pinagtaka niya pero ako na ang kumilos at bahagyang nilihis ang bistida na suot ko dahilan para tumambad sa kaniya ang maputi kong binti. Maharan ko ring inabot ang panloob ko at hinubad ito, pinagmamasdan niya lang ako, kung ano 'yung ginagawa ko at kahit na nahihiya ako sa mga titig niyang iyon ay lakas loob kong sinukbit ang mga binti ko sa bewang niya. Ramdam naming dalawa ang isa't isa, nakatingin siya sa 'kin at iniintay ang susunod kong gagawin dahil pakiramdam ko hindi na rin siya makapag-intay rito. Kaya marahan kong inabot ang kaniya at marahan itong ipinasok sa loob ng pantulog ko, kinapa ko ang lagusan at marahan itong pinusisyon. *tok tok* "Your grace? Ayos lang po ba kayo?" Sabay kaming napalingon sa pinto at para akong na buhusan nang malamig na tubig nang marinig ko ang tawag ng isang katulong sa labas ng kwarto ko. Agad akong bumaba sa kinauupuan ko at inayos ang damit ko sabay suot ng panloob ko at tingin sa kaniya. "Sssh— wag kang gagawa ng kahit ano mang ingay, magtago ka muna rito at wag na wag kang lalabas," bulong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango. Agad akong lumabas sa silid paliguan at nagtungo sa harap ng pintuan ng silid ko. Inayos ko muna ang istura ko saka ko pinihit ang seredula ng pinto. "Anong problema?" Tanong ko at nagkukunwari na kakagising lamang. "Ah, narinig ko po kasi na may nagbukas ng daluyan ng mainit na tubig sa silid niyo, baka nais niyo pong maligo at magpatulong sa pagligo?" Tanong niya saka ko lang na alala na malapit nga pala sa maids chamber ang mga daluyan ng tubig kaya rinig nila kung may gumagamit nito sa bawat kwarto sa loob ng mansyon. "Hindi ayos lang ako, kanina ay nagbanlaw lamang ako ng katawan at matutulog na rin, bumalik ka na sa kwarto mo at madaling araw na," utos ko sa kaniya at tumango naman siya sa aking harapan saka ko sinara ang pintuan at nakahinga nang maluwag. Muntikan na 'yun, baka sa unang araw ko bilang Viscountess ng Leonheart ay doon naman nila ako mahuhuli na nakikipagtalik sa isang bampira. Ano ba 'tong sumanib sa 'kin? Bakit ang lakas ng loob kong gawin ang bagay na 'yun. Nung mahimasmasan ako ay doon lang pumasok sa isip ko ang lahat ng bagay na pinaggagawa ko kay Amon kanina, hindi ko alam pano ko na gawang hawakan siya nang ganoon katapang. Ano bang nagbigay sa 'kin ng lakas ng loob para maging mapusok? Ako pa itong nagtuturo sa kaniya ng mga bagay na hindi niya alam! "Ay naku!" Nahilamos ko ang mukha ko at agad na naglakad pabalik sa silid paliguan at hinanap siya. Nakita ko siyang nagtatago sa madilim na sulok ng silid, nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Wala na siya," sagot ko at agad niya kong niyakap na kinabigla ko naman, para siyang takot na takot makakita o makarinig ng ibang tao sa paligid niya bukod sa 'kin. Hindi ko naman alam pano siya papakalmahin kaya niyakap ko na lang din siya at hinaplos ang kaniyang buhok na ngayon ay medyo tuyo na. Grabe, sa tagal ng paglalaro namin sa lugar na 'to ay natuyo na ang basa niyang buhok. Muli akong na mula nang maalala ko ang pinaggagawa naming dalawa kanina sabay tapik sa likod niya. "Tara na, matulog na tayo," aya ko sa kaniya pero patuloy pa rin siyang nakasubsob sa dibdib ko, hindi tuloy na wawala ang pamumula sa mukha ko lalo na't tanda na ng katawan ko kung gano kainit ang loob ng bibig niya, kung pano niya paglaruan ang korona ng dibdib ko at halikan ito. Napailing ako at pilit na hinihiwalay ang katawan ko sa kaniya dahil baka saniban na naman ako ng kung ano at maituloy ang bagay na 'yun. "Amon, tara na, papahiramin kita ng kumot at malinis na mahihigaan para makatulog ka nang ayos sa selda mo," paliwanag ko sa kaniya at lalo pa siyang napakapit sa bewang ko. Ramdam na ramdam ko ang takot sa katawan niya at kung pano manginig ang mga kamay niya na mahigpit na nakakapit sa damit ko. "Wag mo kong ibalik sa lugar na 'yun, wag mo kong ikulong," pagmamakaawa niya at agad akong umiling saka ko inabot ang mga pisnge niya para makita niya ang mga mata ko. "Hindi kita ikukulong doon ulit, nais lang kita itago saglit para maayos ko ang pagtakas mo o ang paglabas mo sa lugar na 'yun," saad ko dahil kailangan ko pa pag-isipan lahat ng hakbang na gagawin ko para sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung may kinalaman ba ang pamilya ko sa pagkakaulong niya sa lugar na 'yun o may alam ba ang mga tao rito sa loob ng estate tungkol sa kaniya. "Kailangan ko ang tulong mo para tuluyan kang mapalaya sa lugar na 'yun, hayaan mo tuwing gabi ay pupuntahan kita o pwede mo kong puntahan dito sa kwarto ko basta wala kang nakikitang iba na kasama ko, ayos ba sayo 'yun?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya sabay bitaw sa damit ko. Halata sa mukha niya ang lungkot kaya hindi ko maiwasan na malungkot din para sa kaniya. "Ganito na lang, pwede kang matulog sa sofa pero pagsapit ng umaga kailangan mong bumalik sa lugar na 'yun bago ka pa makita ng mga katulong," utos ko sa kaniya at agad naman nagliwanag ang mukha niya. Hindi ko alam kung nakahanap ba ko ng alaga o ano, dahil para siyang tutang kinakawag ang buntot niya sa saya dahil sa mga sinabi ko. Napangiti na lang ako at inabot ang buhok niya sabay gulo rito, agad siyang ngumiti sa harap ko na sobrang nagpabilis sa t***k ng puso ko. Ano ba 'tong lalaki na 'to? Masyadong delikado! "Ta-ta-tara na, matulog na tayo," utos ko sa kaniya sabay talikod at hawak sa dibdib ko na sobrang bilis nang pagkabog. Humiga ako sa kama ko at siya naman ay komportableng humiga rin sa sofa na nasa loob ng silid ko, binigyan ko siya ng unan at kumot para mas maging komportable ang tulog niya. Sinilip ko siya bago ako tuluyan na mahiga, "goodnight Amon," bati ko sa kaniya at tumango naman siya. "Salamat Camilla," sagot niya, hindi ko alam kung namalik mata ba ako o totoo kong nakita ang pagtakas ng luha sa mga mata niya. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang saya niya na dahil sa nakahiga siya sa isang komportableng higaan ngayon, o dahil sa nakahanap din siya ng masasandalan niya na walang iba kung hindi ako. Humiga ako sa kama at saglit na sinilip ang seredula ng pinto, kinandado ko ito bago ako mahiga para walang makapagbukas nito bukas ng umaga. Kailangan walang makakita kay Amon, dahil alam kong malalagot ako kay kuya Augustus. Sobrang daming nangyari sa loob lang ng isang araw na para bang na ubos lahat ng lakas ko at pagpikit ko ng aking mata ay agad akong nahulog sa aking panaginip. ♛♕♛ Nagising ako sa ingay ng mga ibon sa labas ng aking beranda, makulimlim ang panahon katulad ng araw-araw na nasisilayan ko sa Lumire Empire. Agad kong kinusot ang aking mga mata at nakitang wala na si Amon sa loob ng silid ko. Sarado ang mga bintana at mukhang bumalik na nga siya sa kulungan niya dahil bahagyang nakausli ang painting na naka-display sa dingding ng kwarto ko. Buti hindi niya naisipan na tumakas kahit na papayagan ko naman siya kung sakali. Kahit na alam kong delikado at hindi ko pa alam ang kaya niyang gawin ay hahayaan ko siyang umalis sa kulungan niyang ito. Naglakad ako papunta sa pintuan at agad na binuksan ito, nakita kong nag-iintay na ang lady in waiting ko sa labas ng pinto habang may dala-dalang umagahan para sa 'kin. Agad akong nag-ayos ng sarili ko at nagbihis ng presentableng damit upang simulan ang araw ko bilang bagong Viscountess ng Leonheart. "Nakahanda na ba ang karwahe ni kuya Augustus?" tanong ko kay Annie at agad naman siyang tumango. "Yes, my lady at ngayong tanghali na po siya aalis para sa isang negosasyon," sagot niya at tumango naman ako. Maaga naman nagpaalam sa 'kin si kuya Augustus na aalis na siya sa Leonheart para tuparin naman ang nais niyang gawin sa kaniyang buhay. Hindi ko alam kung ano ba ito o kung saan siya pupunta, basta sabi niya ay babalik lang daw siya pagtapos ng dalawa o tatlong buwan. Nang makatapos akong kumain ay agad akong pumunta sa aking opisina para tignan ang mga naiwan na trabaho na kailangan kong asikasuhin. "Ed, pakikuha naman lahat ng impormasyon tungkol sa Leonheart estate sa lumipas na tatlumpung taon," utos ko sa kaniya at wala naman siyang ibang tinanong tungkol rito at sinunod ang pinag-uutos ko. Nais kong makita kung may makukuha ba kong impormasyon o ideya kung saan galing si Amon o kung sino ang nagkulong sa kaniya sa loob ng selda na iyon. *tok tok* Agad akong napalingon sa pinto at agad din naman bumalik nang tingin sa mga trabaho ko. "Ang aga naman ng Camilla namin magtrabaho," sabi ni kuya Augustus na nagpatigil sa 'kin sa pagsusulat. Tumayo ako at lumapit sa kaniya para halikan ang kaniyang pisnge. "Magandang umaga my lord," bati ko sa kaniya at tumango naman siya, "magandang umaga rin your grace," saad niya at sabay kaming napangiti. "Totoo bang aalis ka na ngayon? Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas iyan?" Tanong ko sabay balik sa kinauupuan ko kanina. Nakita ko siyang sinundan ako nang tingin at umiling, "hindi maaari Camilla, kung nais kong manatili sa tabi mo ay kailangan kong umalis agad," sagot niya habang nakatingin sa 'kin ng kakaiba. Mga tingin na hindi ko nakita sa kaniya noon, mga tingin na iba ang nais sabihin. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD