CAMILLA's POV
♛♕♛
'Yung pakiramdam nang pagbaon ng kaniyang matatalas na ngipin sa aking balat at laman ay hindi ko iniinda dahil sa kakaibang nararamdaman ng aking katawan.
Parang isang droga na nagpapahulog sa akin sa kawalan, 'yung utak ko ay puno lang ng sarap sa hindi ko malaman na dahilan. Ramdam kong unti-unting umiinit ang buo kong katawan at ito na naman, gusto ko na naman siyang hawakan.
Saglit akong napasilip ng tingin sa kaniya nang marahan niyang bunutin ang kaniyang pangil, pinagmamasdan ko kung pano niya dilaan ang sugat na siya mismo ang may gawa, pagtapos ay patuloy niyang sinisiil ang natitirang dugong kumakawal dito.
Ramdam kong marahan na naghihilom ang sugat ko, ngunit hindi pa rin na wawala ang init sa katawan ko.
Hindi kaya dulot ito ng kapangyarihan niya? Hindi kaya isa itong paraan ng mga bampira upang makakuha ng dugo sa kanilang biktima?
'Yung tipong papaikutin ka nila sa sensasyon na mararamdaman mo tuwing hahalikan o kakagatin ka nila, upang hindi ka na makapalag at manlaban pa.
Dahil ang nais mo na lang ay kagatin ka pa nila at kunin ang iyong dugo, nais mo na lang na hawakan niya ang katawan mo at angkinin ito nang todo.
Hindi kaya nahihipnostismo niya na talaga ako upang mabigyan ko sa kaniya ang kailangan niya?
Huminga ako nang malalim at pilit na inabot ang ulo niya na ngayon ay nakayuko na sa harapan ko at abalang pinaglalaruan ang itaas na parte ng dibdib ko.
Hindi niya kasi tuluyan mabuhad ang damit ko dahil sa masikip ang pagkakatali nito. Pilit akong umayos ng upo at hinawakan ng dalawa kong kamay ang kaniyang mukha saka siya tinignan sa mga mata.
Pilit akong lumalaban sa kagandahan ng kaniyang mukha na talaga namang nakakahumaling titigan.
"Teka Amon, ikaw ba ang nagdudulot ng init sa katawan ko? Bakit hindi ako makahindi sa iyo?" Tanong ko sa kaniya na pinagtaka niya.
Pansin ko ring 'yung mga pula niyang mata na galing sa pag-inum ng aking dugo ay unti-unting bumabalik sa pagkaginto ninto.
"Umiinit din ang katawan mo?" Inosente niyang tanong na nagpataas sa dalawang kilay ko. Ibig sabihin ay umiinit din ang katawan niya sa ginagawa namin na siyang normal naman talaga sa dalawang tao na gumagawa ng ganito.
"Ehem, hindi mo ba ko hinihipnotismo para makuha ang dugo ko?" Tanong ko rin sa kaniya at muli niya lang pinakita sa 'kin ang mukha niyang nagtataka.
Inikling niya ang kaniyang ulo at tinaas ang dalawa niyang balikat bilang sagot, napahawak naman ako sa aking baba at nag-isip.
Siguro hindi niya pa alam ang kakayahan niya dahil sa matagal siyang kinulong sa seldang iyon? Baka hindi niya alam pano gamitin ito at kusa lang na lumalabas dahil sa normal na katangian na ito ng mga bampira?
"Mukhang kailangan ko pang magbasa ng libro na tungkol sa mga uri mo," sagot ko sa kaniya dahil pareho kaming walang alam sa ano ang kaya niyang gawin.
"Ano ang pagbabasa?" Inosente niyang tanong na medyo nagbigay sa 'kin ng lungkot.
Para siyang isang peasant na hindi maaaring matuto magbasa o bumilang, maswerte pa ang mga commoner kesa sa sitwasyon niya ngayon.
"Isa 'tong paraan para maintindihan mo ang mga nakasulat na impormasyon sa libro," saad ko sa kaniya at parang nalilito pa rin siya.
"Hayaan mo, pag nagkaroon ng pagkakataon ay tuturuan kita magbasa," sagot ko sa kaniya at inayos na ang damit kong nakalihis sa aking balikat ngunit pinigilan niya ko at hinawakan ang aking kamay.
"Hmm, gutom ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya at tila ba namumula ang mga tenga niya sa hiya sabay iling.
"Gusto ko sana hawakan ang katawan mo," sagot niya na parang hindi isang malaking kaso ang mga sinabi niya.
Kulang din siguro ang kaalaman niya tungkol sa aristocracy, na hindi niya maaaring hawakan ang isang lady lalo na kung hindi mataas ang ranggo niya rito.
Kung tutuosin ay isa siyang vampire slave, at malayo ang agwat namin kung pagbabasihan ang high society.
Pero bakit ganito? Dahil sa mga inosente niyang tingin sa 'kin ay hindi ako makatanggi.
Napalunok ako nang makita ko ang kakaunting dugo ko na nasa labi niya, hinawakan ko ang pisnge niya at nilapit ang mukha ko para mahalikan ang labi niya.
Bahagya kong kinagat ang ibabang bahagi ninto upang makapasok ako sa kaniyang bibig, agad kong sinunggaban ang kaniyang dila na ngayon ay lasang dugo.
Napapikit ako nang mariniin nung maramdaman ko ang panlalaban niya sa 'kin, parang hinihigop niya ang buong pagkatao ko dahil sa paglalaro niya sa dila ko.
Hindi naman ako nagpatalo at nilabanan din siya rito, sa mainit na halik na iyon ay hindi ko na mamalayan na napahiga na pala ako sa lumang gazebo habang siya naman ay nakapwesto sa ibabaw ko.
Nakatukod ang dalawa niyang palad sa pagitan ng aking ulo at nakapaibabaw sa akin, abot na abot niya ang aking bibig at hindi ito hinahayaan na makawala sa kaniya.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko at agad na inabot ang lasong nakatali sa likuran ng damit ko.
Niluwagan ko ang tali nito para lang maibigay ang dibdib ko sa kaniyang mainit na labi. Tumambad sa harapan niya ang maputi kong balat at ang kulay rosas nitong korona.
Bahagyang natatakpan ito ng mga hibla ng aking buhok ngunit sa kaniyang posisyon ngayon ay alam kong kitang-kita niya pa rin ito.
Saglit siyang napatulala rito matapos naming putulin ang halik na 'yun, nakatuon lang ang kaniyang mga mata rito na alam kong nagnanasa nang hawakan at halikan ito.
Napalunok ako, hindi ko alam bakit parang lalo akong ginaganahan na gawin namin ang bagay na 'to. Siguro dahil na sa labas ako ng mansyon at bukas na bukas ang paligid?
Nasasabik ba ko dahil sa tingin kong may makakahuli sa 'ming dalawa sa lugar na 'to? O talagang nahihibang lang ako at nais na siyang maramdaman sa loob ko?
Bumabagal na ang paghinga ko at palalim na ito nang palalim, sa mga titig niya pa lang ay nakakaramdaman na ko nang kakaiba sa aking katawan.
Marahan niyang ibinaba ang kaniyang ulo at nilagay ang isa niyang kamay sa likuran ko, na gulat naman ako nang walang kahirap-hirap niya kong na iangat sa pagkakahiga ko at hayok na nilaro ang dibdib ko.
Sa pakiramdam na may sandalan dahil sa kaniyang matikas na braso ay hinayaan ko ang sarili ko na mapaliyad sa sarap sa kaniyang ginagawa.
Hindi ko mapigilan na maglabas ng unggol dahil sa mainit niyang dila na pumapalibot sa kulay rosas kong korona.
"A-mon, ahh saglit ba-baka may ma-makakita sa 'tin," pigil ko sa kaniya kahit na nais ko pang maramdaman ang paikot na galaw ng dila niya.
"Ugh, Amon saglit," awat ko pero hindi siya nakikinig kaya napapikit na lang ako at hindi mapigilan na mapaliyad sa ginagawa niya sa aking dibdib.
"Camilla," tawag niya sa aking pangalan na lalong nagpapaikot sa sistema ko. Kahit manhid na sa init ang katawan ko ay ramdam ko pa rin ang paggapang ng kaniyang kamay papasok sa bistida ko.
Napaangat ang isang kong binti, tila ba normal na reaksyon iyon ng katawan ko para imbitahan siya, para bang nais ko pang hawakan niya ko hanggang sa rurok ng p********e ko.
Hindi ko na rin na pigilan ang sarili ko at inabot ang kaniyang pantalon, inalis ko ang pagkakasara nito at inabot ang kailangan ko.
Sa pagpapapalit-palit niya ng paglalaro sa dalawa kong dibdib at sa paghawak niya sa aking p********e na tila ba ay basa na sa paglalaro niya, hindi ko na napigilan ang sarili kong maglabas ng unggol.
"Aaah!"
"May tao ba riyan!?" Pareho kaming napatingin sa direksyon ng pader at sa isang iglap ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng tarangkahan papasok sa hardin.
Halos mapaupo ako sa gulat dahil sobrang layo ng narating ko mula sa gazebo papunta sa lagusan.
Binuhat niya ba ko at tumalon mula sa gazebo papunta rito? Pero sobrang layo at hindi ko halos na ramdaman ang paglipat namin ng lugar dahil sa bilis ng kaniyang galaw.
Nilingon ko siya sa aking likuran at nakita ko ang pagbabago ng kaniyang mga mata, mula sa ginto ay naging pula ito at ang maamo niyang mukha ay naging mabangis, para bang isang hayop na nakakita ng kamatayan.
"Amon," bulong ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang pisnge, tumingala ako dahil mahigpit niya kong yakap-yakap habang nakatingin siya sa labas ng lagusan at pinagmamasdan ang pinagmula ng tinig na 'yun.
Makarinig lang siya ng boses ng ibang tao ay sobra na siyang natatakot at nakaangil, para bang sa tagal niyang kinulong sa seldang iyon ay malaki na rin ang takot niya sa paglabas niya rito.
"Amon, hindi nila tayo maririnig, ayos ka na," pagpapahinahon ko sa kaniya at humarap sa direksyon niya sabay abot ng kaniyang mukha at halik sa kaniyang labi.
Mabilis lang ito at agad din akong humiwalay at ngumiti sa kaniya. Tumingin siya sa 'kin at inayos ang damit kong nakababa na dahilan para lumuwa ang dibdib ko.
Hindi ko na mamalayan na nakabuhad pa rin pala ako habang nagtatago kami sa lagusan na 'to.
"Hindi ka nila mahahanap dito Amon, isang sikretong hardin ito at nais kong magtiwala ka sa 'kin," muli kong sabi sa kaniya at unti-unti naman bumalik sa pagiging ginto ang kulay ng kaniyang mata.
Inabot niya ang mukha ko at hinalikan din ako sabay mahigpit na niyakap ang katawan ko.
Naku Camilla, kung wala pang nakarinig sa malakas mong pag-ungol ay paniguradong nagawa mo na ang bagay na 'yun.
Napailing na lang ako at hindi ko rin alam sa sarili ko kung handa ko nga bang ibigay ang una ko kay Amon na hindi ko naman alam kung makakasama ko ba nang matagal o pipigilan ko na lang nang paulit-ulit ang pag-iinit ng aking katawan?
"Tara na, kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko at baka hinahanap na rin ako ni Ed," saad ko sa kaniya at pinigilan niya kong maglakad pabalik sa lagusan.
"Iiwan mo na ko?" Tanong niya at hinaplos ko lang ang kaniyang buhok.
"Babalik ako mamayang gabi, may naiisip akong paraan para makaalis tayo," sabi ko sa kaniya sabay ngiti.
Umaliwalas naman ang kaniyang mukha at mabilis na sumang-ayon sa akin, inayos ko ang itsura ko at inutusan siyang ayusin ang laso sa likuran ko.
Ang maganda rito kay Amon ay mabilis siyang matuto, mabilis din siyang makakuha ng inuutos ko at syempre mabilis niyang natatandaan ito.
Parang 'yung halik lang at 'yung ginagawa niyang paglalaro sa katawan ko na talaga namang hindi ko pagsasawaan.
Hindi ko alam saan niya natutunan ang galing niya sa larangan na 'yun pero hindi ko maikakaila na sobra kong gusto ang bawat galaw na 'yun.
Napatakip tuloy ako sa aking mukha habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko, agad akong humarap sa salamin at tinignan ang kagat ni Amon sa leeg ko.
Parang walang nangyari at wala ring bakas ng ano man ang balat ko, ang nararamdaman ko lang ngayon ay pagkahilo at hindi ko alam bakit na nanakit ang puson ko.
Sabi ng mga kaibigan ko sa dormitoryo, tuwing hindi raw natutuloy ang p********k ay kalimitan na sumasakit ang puson ng isang babae.
Ngayon, alam ko na natotoo iyon.
Agad akong uminum ng tubig at naglakad na pabalik sa aking opisina, nakita ko si Ed na nag-iintay sa 'kin sa loob habang may inaasikaso rin siya.
"Saan po kayo galing my lady?" Tanong niya at napaubo naman ako.
"Sa kwarto lang, medyo sumasama kasi ang pakiramdam ko," palusot ko at agad naman siyang lumapit sa 'kin upang tanungin ang kailangan ko.
"Nais niyo po ba magpatawag ng doktor?" Tanong niya at agad naman akong umiling.
"Magpatimpla ka na lang ng tsaa na makakatulong para maibsan ang sakit sa katawan," utos ko sa kaniya at agad siyang tumango sabay labas sa opisna ko, pagkabukas niya ng pinto ay niluwa naman nito si Lev na nakabihis na at mukhang may pupuntahan.
"Greeting master Lev," bati ni Ed at tumango naman si Lev sabay lakad ng matanda palabas ng opisna at sara ng pinto.
Si Lev naman ay naupo sa sofa at malakas na naghikab, pansin ko ang pagod sa mukha niya ngunit hindi ko maitatanggi na napakagwapo naman talaga ng lalaking ito.
May kulay tyokolate siyang buhok at pilak na kulay ng mata, makapal din ang kaniyang kilay at hindi naman kaputian ang kaniyang balat.
Nung bata ako, sobra kong hinahangaan si Lev. Hindi ko rin maitatanggi na malaki ang pagkagusto ko sa kaniya na ngayon ay medyo nababawasan na dahil na rin sa paglipas ng panahon at sa tagal naming hindi nagkikita.
"Saan ka pupunta? Tatambay ka lang ba sa opisina ko?" Tanong ko kahit halata sa pustura niya na aalis siya.
"Magpapaalam lang sana ako sa Viscountess na pupunta ako sa royal palace para bantayan ang banquet para sa kapistahan," sarkastiko niyang sagot at natawa naman ako.
"Ngayon na pala ang kapistahan, hindi ko alam," tugon ko at umupo sa kaharap niyang sofa. Sabay naman kaming napalingon nang kumatok si Ed at pumasok na may dalang tsaa.
Inilapag niya ito sa aming harapan at sinalinan ang dalawa teacup ng tsaa na kulay asul at may halong bulaklak.
"Salamat Ed, maaari mo na kaming iwan," utos ko sa kaniya at tumango naman siya sabay lakad palabas ng opisina.
"Hindi ka ba binigyan ng imbitasyon sa royal palace?" Tanong ni Lev at umiling ako.
"Hindi ko pa nga napapadalhan ang emperor ng liham na nakabalik na ko sa manor at ako na ang bagong may hawak ng titulo," paliwanag ko naman sa kaniya at kinuha sa lamesa ko ang sulat na ipapadala ko pa sana sa susunod na linggo para sa Imperial family.
"Tutal pupunta ka na naman roon, bakit hindi na lang ikaw ang magbigay ninto," saad ko sabay tawa at busangot niya.
"Tsk, sumama ka na lang kaya sa 'kin, maraming mga bilihin at konserto sa plaza mamayang gabi," pag-aaya niya pero iyon na nga ang na isip ko kanina.
Na isip ko na dalhin si Amon sa bayan upang mabawasan ang takot niya sa mga tao at sa kaniyang paligid, papakita ko sa kaniya na pwede pa siyang maging masaya kahit na ilang taon na siya pinagkaitan ninto.
"Hmmm, abala ako eh, at nais ko pa sana magpahinga, siguro sa susunod na lang," sagot ko at ininum niya naman ang kaniyang tsaa sabay tango sa 'kin.
Siguro kung ako pa rin ang dating Camilla, paniguradong sobra na kong kikiligin dahil inaya ako ni Lev sa kapistahan.
Pero maliit na ang paghanga na nararamdaman ko sa kaniya, hindi ko na nga alam kung may mahal pa ba kong iba.
Napasalumbaba ako sabay inum sa tsaa ko at tingin sa malayo. "Camilla, ayos ka lang ba?" Tanong niya at napalingon naman ako sa kaniya sabay tango.
"Oo naman, bakit mo natanong?" Tanong ko sa kaniya dahil medyo kinabahan ako na baka mahalata niyang may tinatago ako.
"Ah, wala lang. Parang ang laki lang kasi nang pagbabago sayo, noon pag-inaaya kita sa ano mang laro o pupuntahan natin ay sobrang saya at na nanabik ka na, pero ngayon parang na wala na ang sigla sa mga 'yung mata mo," sagot niya at malungkot akong ngumiti sa harapan niya.
Siguro nga, siguro nga nung nangyari ang trabedya na 'yun ay kasamang inilibing ng mga magulang ko ang saya at ngiti na mayroon ako.
Hindi ko na rin maramdaman na buhay ako, pakiramdam ko ay kahit anong mangyari sa 'kin ay ayos lang dahil sa huli ay mamamatay rin naman ako at mabubulok kasama ng mga magulang ko sa lupa.
Wala na kong pakialam pa sa ano mang mangyari sa 'kin, wala na kong pangarap sa buhay kung hindi ang magampanan nang ayos ang trabaho ko bilang Viscountess.
Iyon na lang at wala nang iba.
TO BE CONTINUED