♕CHAPTER 3♕

2566 Words
♛♕♛ CAMILLA's POV Isang nilalang na nabubuhay sa dilim at kumukuha ng lakas sa pag-inum ng dugo ng isang tao o mortal. May kakaiba silang lakas na hindi matutumbasan ng mga normal na tao, may kakayahan silang gamutin ang ano mang sugat na sa pamamagitin ng mga halik nila. Isang misteryosong nilalang na hindi ko alam kung totoo nga ba, ngunit ngayon na nakakita na ko isa hindi ko alam kung anong iisipin pa. Noon na babasa ko lang sa mga lumang libro ang mga kwentong tungkol sa kanila tuwing pupunta ako sa silid aklatan ng manor. Buong akala ko isang kwento lang iyon upang matakot ang mga batang katulad ko noon, isang fairytale at kwentong bata na kung saan sila ang mga halimaw na nais saktan ang prinsesa. Pero sa kalagayan niya ngayon ay tila baliktad ang kwento, hindi ko maiwasan na isiping isa siyang kawawang nilalang na kinulong sa maliit na seldang ito. Walang pagkain, walang matutulugan at ni hindi man lang pinayagan makalabas sa kulungan. Bakit siya na rito? Dahil ba sa isa siyang halimaw na tinuturing ng iba? Sino ang nagkulong sa kaniya rito at bakit may tinatagong ganitong sikreto ang Leonheart Estate? "Ilang taon ka na?" Tanong ko sa kaniya at muli niyang inikling ang kaniyang ulo bilang sagot, para bang hindi niya na rin alam kung kailan pa siya nakakita ng kalanedaryo. "Sige kung hindi mo alam, tingin mo kailan ka pa kinulong sa lugar na 'to?" Tanong ko at inosente naman siyang sumagot. "Noong sampung taon ako," sagot niya na kinagulat ko, sampung taon? Bata pa siya simula nang ikulong siya sa rehas na 'to? Napatakip ako ng aking bibig sa pagkagulat, tila ba hindi ko maatim ang ginawa nila sa lalaking ito. Pero bago ang lahat nais ko muna sana siyang tulungan at pakainin, kahit na gustong-gusto ko na siya tanungin tungkol sa kaniyang pagkatao. "Tara at lalabas tayo sa lugar na 'to," utos ko sa kaniya na kaniyang pinagtaka, umiling siya at muling pumunta sa sulok ng selda. Tila ba takot na takot sa ano mang parusa na makukuha niya paglumabas ang mga paa niya rito. "Hindi ako pwede lumabas, papahirapan nila ako," sagot niya na nagbigay sa 'kin ng kirot sa dibdib. Awang-awa ako sa sitwasyon niya pero hindi ko naman siya pwedeng hayaan lamang dito sa loob ng kulungan. Kahit na hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin. "Walang mananakit sayo, ako ang bahala kaya wag ka matakot," saad ko at parang nagdadalawang isip pa siya kung tutugunan niya ang pag-anyaya ko. Umupo ako sa harap niya at nilihis ang buhok ko upang makita niya ang aking leeg, agad siyang naging alerto na para bang nakakita ng pagkain sa harap niya pero hindi siya gumagawa ng ano mang kilos. "Kung gusto mo pang matikman ang dugo ko, sumunod ka sa utos ko," saad ko sa kaniya na kinabigla niya pero wala na siyang na gawa dahil alam kong gusto niyang inumin ang dugo ko. Una akong tumayo at nilahad ko ang kamay ko sa kaniya, saglit niya 'tong tinitigan at parang natatakot na hawakan. "Totoo bang pwede na kong lumabas sa silid na 'to matapos ang ilang taon na pagkakakulong dito?" Muli niyang tanong habang nakatitig sa 'king mga kamay at agad naman akong tumango at ako na mismo ang nag-abot ng kamay niya para mahawakan ko. Sa paghawak ko sa malamig niyang kamay ay naramdaman ko ang kalakihan nito, sakop na sakop niya ang maliit kong palad at halos manliit ako nang tumayo siya sa kinauupuan niya. Mukha siyang kaedad ni kuya Augustus pero mas mukha pa siyang bata rito, hindi rin gaanong kalakihan ang katawan niya o hindi siya maskulado ngunit aaminin ko na nakakaakit na ito. Hindi ko pa nga magawang suriin ang buong katawan niya dahil sa nakasuot lang siya ng isang manipis na puting damit, na ngayon ay bumabakat na sa kaniyang katawan. Napailing ako at pilit na tinutuon ang mata ko sa lagusan papunta sa kwarto ko, sigurado akong tulog na ang lahat ng tao sa mansyon kaya alam kong walang makakahuli sa pagpuslit ko sa kaniya. Nang makarating kami sa dulo ng lagusan patungo sa loob ng aking silid ay marahan kong inangat ang painting at sinilip ang paligid. Wala naman tao at maari ko na siyang palabasin mula rito, agad akong sumampa papasok sa loob ng aking silid at nang tignan ko siya ay tila naninibago pa siya sa kaniyang nakikita. Para bang ngayon lang siya nakakita ng ganitong lugar kung saan maaliwalas at preskong pumapasok ang hangin sa labas. Inaya ko siyang pumasok sa loob at inihanda ang isang mainit na paliguan para sa kaniya, naghanap rin ako ng kahit anong maaari niyang suotin pansamantala habang hindi pa ko nakakakuha ng damit na kakasya sa kaniya. "Maligo ka muna at maghahanda ako ng pagkain para sayo," utos ko sa kaniya pero parang hindi niya alam kung saan siya magsisimula kaya napataas ang isang kilay ko bilang pagtatanong. "Alam mo ba kung pano maligo?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. "Oh, bakit hindi ka pa gumalaw d'yan? Na paghandaan na kita ng mainit na paliguan," saad ko at parang takot na takot siyang gumawa ng hakbang kaya naman binaba ko ang bathrobe na nakuha ko na siyang pansamantala niyang susuotin at hinila siya papasok sa loob ng paliguan. "Wag kang matakot, hindi kita papatayin o sasaktan, nais ko lang na tulungan ka at alamin bakit ka nakakulong doon, pero bago ang lahat kailangan mo muna maging malinis at makakain ng ayos," utos ko sa kaniya habang hinihila ko ang damit niya. Tumingin naman siya sa 'kin na may pagtataka at tumungo para magtama ang mga tingin naming dalawa. "Pero nakakain na ko," sagot niya na kinakunot ng noo ko, sa pagkaaburido ko hindi ko na mamalayan na nakahubad na pala siya sa harapan ko. "Nakakain ka na? Eh, hindi naman kita dinalhan ng makakain sa selda na 'yun," sagot ko at umiling siya sabay lapit sa 'kin at doon ko lang na pagtanto na nasa harapan ko na pala ang malapad at matigas niyang dibdib. Tumingala ako dahil sa hiya nang tamaan ako ng reyalidad na lalaki nga pala ang nasa harapan ko. "Nakatikim na ko ng natamis mong dugo," sagot niya at muling humakbang papalapit sa 'kin kaya napalihis ako ng tingin at inawat siya sa paglapit. Ano ba 'tong ginagawa ko? Bakit hindi ko namamalayan ang mga desisyon na kinikilos ko? "Osige-osige, nakakain ka na pero maligo ka na rin dahil alam kong hindi ka komportable sa katawan mo ngayon," palusot ko sabay turo ng bathtub na may maligamgam na tubig at iba't ibang herbs at flower petals na nakakatulong upang mawala ang iba't ibang karamdaman. Tumango naman siya at lumoblob sa loob n'un at parang bata na masayang tumingin sa 'kin, "ngayon lang ulit ako nakalublob sa tubig," saad niya na medyo kinatawa ko. Siguro binubuhusan lang siya ng malamig na tubig para maibsan ang dumi niya sa katawan noong nasa selda siya, pansin ko kasing may gripo sa loob ng kulungan at isang kahoy na timba. Habang nakalublob siya at tahimik na dinadama ang paliligo niya ay pansin kong mahaba at magulo ang kaniyang buhok. Itim na itim ito at parang kumikinang tuwing natatamaan ng liwanag mula sa buwan. Agad akong humanap ng gunting sa drawer at lumapit sa kaniya, napatingin siya sa gagawin ko at pinakita ko naman ang gunti sa kaniya. "Wag ka matakot, babawasan ko lang ng kaunti ang buhok mo para makakita ka ng ayos," saad ko at tumango naman siya, lumuhod ako sa ulunan niya habang nakasandal naman siya sa paliguan, ginupit ko nang maingat ang buhok niya at pansin kong kabado siya rito. Siguro natatakot siya na baka may gawin ako sa kaniya, dahil sino nga ba ang agad na magtitiwala kung ngayon ka lang nakalabas sa seldang iyon. Nang matapos kong gupitan ang kaniyang buhok ay bahagya akong kumuha ng tubig sa loob ng paliguan at binuhos ito sa buhok niya gamit ang mga palad ko. Kumuha rin ako ng sabon na makakatulong upang malinis ang ulo at buhok niya, pinabula ko ito saka marahan at maingat na sinabon ang ulo niya. Ramdam ko na unti-unti niyang binababa ang kaba niya sa katawan, tila ba unti-unting nagtitiwala sa 'king kamay. Napangiti ako nang makita ko siyang nakapikit at nakatingala sa 'kin, sa pwestong ito, kitang-kita ko ang kagandahan ng kaniyang mukha. Para siyang isang prinsepe na hinugot sa loob ng isang libro para pagpantasyahan ko, ang gwapo niya at bawat parte ng mukha niya ay perpekto sa isa't isa. Hindi ko na mamalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya at siya naman din ay nakatingin na sa 'kin. Dahil sa nakaluhod ako para maabot ang kaniyang ulo, malapit din ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung anong sumanib sa 'kin o ano 'tong lakas ng loob sa katawan ko para gawin ang bagay na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Marahan akong lumapit sa mukha niya at pinikit ang aking mata, nilapat ko ang labi ko sa kaniya at na ramdaman ko ang malamig na tugon nito sa 'kin. Nang maramdaman kong hindi niya tinuguan ang halik na 'yun ay agad akong napaurong ng hakbang at napabitaw sa kaniyang buhok. Bumalikwas din siya ng pagkakahiga sa loob ng paliguan at napabangon mula rito. Parang gulat na gulat kaming dalawa sa mga kinikilos ko, pero may kakaiba sa mga mata niya ngayon na nagsasabing nagustuhan niya ang ginawa ko. Lumapit siya sa 'kin nang basa ang katawan kaya naman agad kong kinuha ang bathrobe at binalot ito sa kaniya, nahihiya man ako sa kinilos ko ay kailangan ko pa rin takpan ang katawan niya bago pa man siya makalapit sa 'kin. "Ano 'yung ginawa mo sa 'kin?" Inosente niyang tanong at tila ba hindi niya alam kung ano ang tawag sa halik. "Ha? Hindi mo alam?" Tanong ko at napaikling lang ulit ang kaniyang ulo bilang pagtatanong. Bahagya akong napatawa dahil sa may iilang bula pa sa kaniyang buhok at agad ko 'tong inabot para mapunasan nang tuyong basahan. "Halik ang tawag doon, hindi mo ba alam 'yun?" Tanong ko sabay lapat ng mga paa ko sa sahig dahil tumingkayad ako habang inaabot ang buhok niya. Umiling naman siya bilang sagot at doon ko lang na alala na bata pa nga pala siya nang ikulong sa lugar na 'yun. "Isa 'yung bagay na ginagawa mo sa isang tao, hayop o miske bagay na gusto mo," paliwanag ko naman sa kaniya at para bang namula siya sabay ngiti. "Gusto rin kita," sagot niya sa 'kin na kinabigla ko, hindi ko mapigilan matawa dahil iba ata ang pagkakaintindi niya sa salitang gusto. "Hahaha, aaminin ko na nagustuhan ko rin ang labi mo," sagot ko at hindi na pinakita pa ang pagkahiya ko dahil siya naman itong nasa harap ko. "Anong pangalan mo?" Tanong niya sa 'kin at doon ko kang na tandaan na hindi ko pa nga pala na sasabi ang pangalan ko sa kaniya o hindi man lang na gawang magpakilala. "Camilla Leonheart, ikaw?" Tanong ko at lumapit pa siya sa 'kin dahilan para mapasandal ako sa estante ng aparador sa likod ko. Napatitig ako muli sa mga mata niya na kanina ay kulay pula na ngayon ay kulay ginto, nilapit niya pa ang mukha niya sa 'kin na nagbibigay ng kakaibang pakiradam sa katawan ko. "Amon," maikli niyang pagpapakilala at bigla niyang hinalikan ang labi ko, nung una ay na gulat pa ko ngunit nung maramdaman ko ang kakulangan niya sa larangan ng paghalik at medyo na tawa ako. Hindi rin naman ako marunong humalik at sa katunayan ito pa nga ang unang beses na may mahumalik sa labi ko, ngunit hindi naman ako inosente o mangmang para hindi malaman pano ginagawa ang bagay na 'yun. Kaya katulad ng mga naririnig ko sa usapan namin magkakaibigan ay iginalaw ko ang aking labi sa kaniya, ramdam kong na gulat siya at hindi alam ang gagawin ngunit nung nilasap ko na ang ibabang parte ng kaniyang labi ay unti-unti naman siyang tumutugon dito. Hindi ko alam kung anong tawag sa halik na 'to o kung may tama bang paraan para gawin ito, basta ramdam ko lang ang sarap ng halik niya at kung gano kainit ang labi naming dalawa. Sa katunayan ay malamig ang katawan niya at ang labi niya nung una, pero siguro dahil sa init ko ay unti-unti na rin ito nagkakaroon ng buhay. Na ramdaman kong lalo niyang sinasakop ang labi ko kaya naman gumanti ako at pinasok ang bibig niya, naglaro kaming dalawa at hindi ko na mamalayan kung ano ba 'tong pinapasok kong gulo. Kung ano ba 'tong mapusok kong ginagawa sa lalaking kakakilala ko lang, at kung ano ang magiging kapalaran ko sa paglalaro ko sa kaniya. Napahinghap ako nang maramdaman ko ang kamay niya na umaakyat sa bewang ko. Akala ko ba hindi niya alam ang bagay na 'to? Pero kung tutuosin, lahat naman siguro ay may kaalaman sa larangang ito, nature na ng tao at kahit sino ay nakakaramdam ng ganito. Kusa kong pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya, hindi ko na raramdaman na buhat-buhat niya na pala ako. Napabitaw na lang ako ng halik n'ung maramdaman kong inupo niya ko sa ibabaw ng drawer sa loob ng silid na 'to. Nagkatinginan kaming dalawa at ito na naman ako, parang hinihipnotismo ng mga mata niya. Napalunok ako, may parte ng isip ko na nagsasabing wag ko nang ituloy ang pwede pang mangyari, pero may parte naman sa katawan ko na nagsasabing gawin ko pa. Hindi ako ganito, hindi ako mapusok at alam ko ang limitasyon ko. Ito rin ang unang beses ko na gagawin ito ngunit bakit ganito? Para akong napaloob sa isang mahika na ayaw akong tantanan hanggat hindi ko na bibigay ang nais niya. "Camilla?" Tawag niya sa 'kin at doon lang na putol ang pagtatanong ko sa 'king sarili. Umiwas ako ng tingin sa mga mata niya dahil pakiramdam ko iyon ang dahilan bakit umiikot ang ulo ko. Napalunok ako, gusto ko nang tumanggi pero sobrang init na ng katawan ko at gusto ko pa siyang maramdaman, gusto ko pa siyang matikman. "Camilla?" Muli niyang tawag sa pangalan ko kaya napatingin ako sa labi niyang pulang-pula at halatang kinagat ko. Napalunok ako at marahan na muling lumapit dito saka siniil ulit ng halik ang mga iyon. Wala na, nahuhulog na ko sa labi ng lalaking kanina lang ay kinatatakutan ko. Hindi kaya parte ito ng pagkatao niya o talagang isa itong hipnotismo para mapasakaniya ako? Hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali, basta nais ko na lang mawala ang init na 'to sa katawan ko at mapawi itong iniisip ko. "Hmmm," ungol ko nang maramdaman ko ang kamay niyang pumapasok sa loob ng damit ko, pinutol niya ang halik namin at habol hininga na tumingin sa 'kin. "Gusto pa kitang tikman, anong gagawin ko? Hindi ko mapigilan ang sarili ko?" Inosente niyang tanong na lalong nagpabuhay sa init na nararamdaman ko. Bahala na kung maging makasalanan akong babae ngayon, hindi ko rin naman maitatanggi na mahirap kalabanin ang ganitong nilalang sa harapan ko. "Wag mo nang pigilan, tikman mo ko kung gusto mo," bigay ko ng permiso at muli kong na ramdaman ang mainit niyang halik sa leeg ko. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD