♕CHAPTER 2♕

2077 Words
CAMILLA's POV ♛♕♛ Sa paglalakad ko sa madilim na lagusan na 'to ay nakaramdam ako nang malamig na hangin sa paligid, parang daan palabas kaya naman ito ang sinundan kong tahakin at ginawang gabay ang mainit na liwanag galing sa lamparang aking hawak. Bawat hakbang na ginagawa ko ay siyang nagdudulot ng kaba at takot sa puso ko, sa sobrang dilim ng lagusan na 'to pakiramdam ko ay may hihila sa'kin sa ano mang sulok ng pader at lalamunin ako ng dilim. Tumatakbo sa isipan ko ang kung ano-anong bagay na pwede kong makita sa dilim na lalong nagbibigay ng takot sa'kin kaya naman tinapangan ko ang loob ko at pilit na pinuntahan ang dulo ng lagusan na 'to. Ngunit nung marating ko ang dulo ay tumambad naman sa'kin ang dalawang lagusan na magkahiwalay, may nakita akong mga sulo sa gilid ng bawat lagusan na 'yon kaya isa-isa ko itong sinindihan at mas lumiwanag ang kapaligiran. "Hmm, ano kaya ang susundan ko?" Tanong ko at napahawak sa baba ko habang pinapakiramdaman ang hangin sa paligid ko. Sa kaliwang bahagi ay malakas na dumadaloy ang malamig na hangin, mukhang ito ang daan papunta sa labas ng manor pero ang pinagtataka ko ay kung ano pa ang isang lagusan na 'to? "Saan kaya 'to papunta?" Napaisip na naman ako pero una ko munang tinahak ang kaliwang lagusan at halos ilang minuto rin ako naglakad sa kadiliman hanggang sa narating ko ang isang maliit at makipot na tarangkahan. Natatakpan ito ng kakaunting halaman na gumagapang sa pader at nang subukan kong buksan ito ay nakita kong nakakandado ang hawakan nito sa mismong bakal. "Ay sayang hindi ko mabuksan," bulong ko at sumilip na lang sa labas, balot ng mga halaman at puno ang paligid na nakikita ko ngayon pero ang nakakapagtaka ay bakit ngayon ko lang na laman ang parteng 'to ng manor? Alam ko nung mga bata kami ay paikot-ikot na kami sa lugar at madalas akong naliligaw sa laki nito ngunit may natatago pa palang hardin sa loob ng manor na 'to. Mukhang hindi rin ito naalagaan dahil kung titignan ang mga halaman ay sobrang lalago na nito at nagkalat na ang mga ito sa lumang mga upuan at halos balutin na ang gazebo na nakatayo sa gitna ng hardin. Siguro ay mag-uutos ako ng mga hardinero bukas para ayusin ito ngunit ang tanong mahahanap ba namin 'to bukas? Napailing na lang ako, mukhang wala rin naman akong oras bukas para intindihin ang lumang hardin na 'to dahil alam kong tambak ang gawain ko bilang bagong namamalakad sa Leonheart estate. Naglakad ako pabalik sa lagusan papunta sa kwarto ko at nang muli ko madaanan ang dalawang lagusan ay napatitig ako rito, kung puntahan ko na rin kaya ang parteng ito ng mansyon? Wala naman sigurong multo o halimaw na nakakulong dito tama? Tumango ako at sumang-ayon sa sarili ko na kinatawa ko, naglakad ako at parang wala na 'yung takot ko kanina dahil unti-unting na sasanay ang mata at pakiramdam ko sa dilim. Agad kong narating ang huling lagusan at tumambad sa'kin ang isang pintuan. "Nakakandado kaya 'to?" Tanong ko at sinubukan buksan ang pinto at matapos ang ilang pilit at tulak rito ay sa wakas na buksan ko rin 'to at biglang na gulat sa aking nakita. Muntikan ko nang mabitawan ang lampara na hawak ko dahil sa pagkagulat sa isang batang nakayuko sa sulok. Nangangatog ang kamay ko na itinapat sa kaniya ang lampara upang maliwanag kong makita ang itsura niya ngunit nakatalikod siya sa'kin at hindi ko alam kung buhay pa nga ba. "Ba-bata?" Nangangatog kong tanong dahil sa takot at miske ang mga kamay ko ay sobrang nanginginig sa kaba. Hindi siya sumagot sa'kin pero nakita kong gumalaw siya nang bahagya na kinagalak ko dahil buhay pa ito. Agad akong lumapit sa kaniya at tinanong siya, "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nakakulong?" Usisa ko at pagtataka. Nag-aalala ako sa kaniya dahil sobrang payat niya at hindi mo aakalain na buhay pa siya, medyo mabaho rin ang lugar na 'to at mukhang nilalamig siya dahil isang puting tela lang ang bumabalot sa katawan niya. Hindi ko malaman kung babae ba siya o lalaki dahil sa magulo niyang buhok at hindi siya humaharap sa'kin. Anong ginagawa ng isang bata sa loob ng kulungan at sa ganitong lugar? Bakit siya tinatago at kinukulong sa sikretong lagusan na 'to? Kumunot ang noo ko at agad na hinanap ang susi sa selda niya, napipikon ako dahil sino bang walang puso ang gumawa ng ganito sa isang batang walang kalaban-laban? Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar at nakita ang nakasabit na susi sa gilid ng pintuan malayo sa selda niya, agad ko 'tong kinuha at hinanap ang saktong susi na makakapagbukas sa kulungan na namamagitan sa'ming dalawa. "Saglit lang ilalabas kita riyan," sabi ko at mabilis na iniisa-isa ang bawat susi sa kamay ko at pagtapos ng limang subok sa sandamukal na susi ay tumunog rin ang kandado ng seldang. Maingay na tunog ang umugong sa pagbukas ko ng kulungan, halatang nangangalawang na at lumang-luma na ang selda na 'to ngunit dahil sa sobrang payat niya at walang lakas ay hindi rin niya magawang buksan at makatakas dito. Kahit kinakabahan ay marahan akong naglakad papasok sa selda kung saan siya kinulong, umupo ako sa gilid niya at hinawakan ang mga balikat niya ngunit bigla niyang sinakmal ang kamay ko at lumabas ang maraming dugo rito. "A-anong ginagawa mo?" Takot kong tanong sa kaniya ngunit hindi niya inaalis ang bibig niya sa kamay ko. Pakiramdam ko ay bumaon ng todo ang mga pangil niya sa laman ko na parang nagbibigay ng panlalambot sa mga tuhod ko. Kahit gusto kong sumigaw o tumakbo ay para akong na hihipnotismo at hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Naipikit ko ang mata ko at hindi ko alam bakit may kakaibang init na gumagapang sa buong katawan ko na nagbibigay sa'kin ng pagbigat nang paghinga. Parang sinisilaban ang buong kong katawan at nakakaramdam ako ng mga sensasyon na hindi ko pa nararanasan noon. Pero hindi maaari 'to! Kailangan kong labanan ang kakaibang pakiramdam na 'to at makaalis sa lugar na 'to. Kaya agad kong binuksan ang mga mata ko at itutulak na sana siya ngunit halos mahulog ang panga ko nang makita kong hindi na bata ang nasa harap ko. 'Yung payat niyang katawan kanina ay napalitan ng pangangatawan ng isang binata, nagkalaman ito at parang mahika na nagbago ang anyo niya sa harap ko. Wala akong masabi at ni isang salita ay wala akong mailabas galing sa bibig ko. Nakatulala lang ako sa kaniya at nang humarap siya sa'kin ay parang saglit na tumigil ang pagtibok ng puso ko. Habang patuloy niyang iniinum ang dugo ko ay nakatingin siya sa'kin gamit ang mga pula niyang mata na may mahahabang mga pilik mata, ang ilong niya ay matangos at ang mga labi niya ay pulang-pula dahil sa dugo ko ngunit ang balat niya ay sobrang putla na parang walang dugo. Parang isang malamig na bangkay. Napansin niyang hindi ako umiimik at patuloy na nakatingin sa mga mata niya, para kasi ako hinihipnotismo nito at inuutusan na wag gumalaw o mag-ingay. Napansin ko na lang na dinidilaan nang maiinit niyang dila ang balat ko at unti-unting naghihilum ang mga sugat nito na parang walang nangyari. Umupo siya sa harap ko at tahimik na tinitigan ako, parang isang batang walang muwang sa mundo at nag-iintay lang pagsabihan ng kaniyang ina. Napakurap ako ng ilang beses kasi parang hindi makuha ng utak ko ang lahat ng kaganapan na nangyari sa harap ko. Napatingin ako sa kamay ko at ginalaw-galaw ito, hinawakan ko pa 'to at tinaas upang makita nang ayos ngunit kahit isang bahid ng dugo o sugat ay wala kang makikita rito. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang labi niyang may marka ng dugo ko, kinagat niya ko alam ko 'yun pero bakit walang sugat 'to? Saka alam kong bata siya kanina ngunit bakit ngayon ay isang ganap na binata na siya sa harap ko? Napahilot na lang ako sa aking noo at sintido, ano bang nangyayari? Bakit hindi ako makasunod sa lahat ng mga na ganap sa loob ng selda na 'to. Napatingin ako sa kaniya at halatang nagtataka siya at mukhang nag-aalala sa inaakto ko kaya humarap ako sa kaniya at tinignan siyang mabuti. "Bata ka kanina hindi ba?" Tanong ko at inikling niya lang ang ulo niya. Teka, na iintindihan niya ba ko? Marunong ba siya magsalita? "Ah pano ba teka, kanina 'di ba ganito ka lang kaliit? Tapos payat ka eh, parang ganito," pagpapaliwanag ko sa kaniya habang inaakto ko lahat ng mga sinasabi ko sa harap niya. "Hindi ako bata," sagot niya na kinagulat ko dahil marunong pala siya magsalita at binatang-binata na ang boses niya, so pano siya naging bata sa paningin ko kanina? Inaantok na ba ako? Kulang ba ko sa tulog o pagod lang ako sa byahe? "Hindi ka bata? Eh ano ka? Bakit mo ko kinagat at ininum ang dugo ko? Tapos na saan na 'yung sugat ko?" Tanong ko sa kaniya at hindi siya sumasagot, nakatitig lang siya sa'kin kaya sumeryoso ako nang tingin sa kaniya. Kung ayaw niyang sabihin sa'kin edi ako ang hahanap ng sagot. Kinuha ko ang isang pin na nakasabit sa damit ko at sinugatan ang darili ko gamit nito, nang lumabas ang dugo sa daliri ko ay agad na umakto ang katawan niya sa amoy nito na kinagulat ko. "Gusto mo ng dugo ko? Sabihin mo sa'kin kung anong klaseng nilalang ka," tanong at utos ko sa kaniya kaya tumango siya sa harap ko at nilapit ko ang daliri ko sa kaniya. Tinitigan ko kung pano niya dilaan ang dugo sa aking daliri at hindi ko alam bakit bumibilis na naman ang pagtibok ng aking dibdib. Ilang beses niyang sinubo ang daliri ko at nilasap ang dugong lumalabas dito pero habang ginagawa niya 'yun ay unting-unti nagsasarado ang sugat ko. Tumigil siya nang tuluyan niyang magamot ang sugat ko at hinawakan ang mga kamay ko. Lumapit siya sa'kin na kinabigla ko ngunit hindi naman ako makapalag dahil hindi maalis ang tingin ko sa mga pula niyang mata. Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at marahan na hinawakan ang pisnge ko. "Sa lahat ng dugong na tikman ko, iyo ang pinakamatamis," bulong niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko at ako naman ay napalunok na lang sa maari niyang gawin. "Maaari pa ba kong makatikim?" Tanong niya at hindi naman ako makasagot, para akong nahuhulog sa isang malalim na panaginip habang tinititigan ko ang mga mata niya kaya pilit ko 'tong ipinikit. "Hi-hindi, sa-sabihin mo muna sa'kin kung anong klaseng nilalang ka!" Nauutal kong tanong sa kaniya at nakaramdam na lang ako nang mainit na halik sa aking leeg na dahilan para maitulak ko siya ngunit agad niya namang nahawakan ang kamay ko at napigilan ang mga 'to. "A-ano-o sa-sa ti-tingin mo a-ang ginagawa mo?" Nauutal kong tanong sa kaniya at muli niya lang inikling ang kaniyang ulo bilang pagtatanong. "Tinitikman ka," seryoso niyang sagot sa'kin na lalong nagbigay ng hiya sa buong sistema ko, pakiramdam ko ay sobrang init na ng mukha ko at pulang-pula na 'to. "Alam mo ba kung sino ako? Isang kasalanan ang ginagawa mo!" Hiyaw ko sa kaniya at hindi ko inaasahan na matatakot siya sa'kin at tatahimik habang unti-unting lumalayo sa pwesto ko. Para siyang bata na takot sa boses ko at nalungkot dahil sa pinagalitan ko siya, bahagya akong na konsensya dahil para siyang maliit na kuneho sa sulok na nakakita ng isang malaking lion sa harap niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. "Ah pasensya na, medyo na takot lang din ako sa ginawa mo sa'kin at hindi ako sanay na halikan ng lalaking hindi ko kilala," paliwanag ko sa kaniya at hindi ko rin alam sa sarili ko bakit ako nagpapaliwanag. "Masama ba ang ginawa ko?" Inosente niyang tanong at bakit ganito para akong nakokonsensya sa pagsigaw ko. Pakiramdam ko tuloy ay may pinagalitan akong bata sa harap ko, umiling ako sa kaniya at sinagot siya, "Mali kung alam mong mali pero ginawa mo pa rin, pero kung hindi mo naman alam na mali ay siguro pwede kitang mapatawad kung sasagutin mo ang kanina ko pang tinatanong sayo." seryoso kong sabi at humalukipkip sa harapan niya. Tumingin siya sa'kin ng diretsyo at seryoso saka ako sinagot sa mga katanungan ko. "Isa akong nilalang na tinatawag nilang bampira." TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD