CAMILLA's POV ♛♕♛ Dahil nasa gilid kami ng iskinita, sa daang madilim at hindi gaanong dinadaanan ng mga tao sa lugar, patuloy ko lang siyang hinahalikan hanggang sa pareho na kaming malunod sa mga halik na 'yun. Binuksan ko ang aking mga mata at ganun din siya, sabay naming pinaghiwalay ang aming mga labi habang nakatitig sa isa't isa. "Pakiramdam ko galit ka," sabi niya sa 'kin habang patuloy na nakatingin sa mga mata kong nahuhumaling sa kaniya. "May ginawa ba kong mali?" Tanong niya at doon ko na binawi ang tingin ko sa kaniya, sa katunayan ay hindi ko rin alam kung bakit ganito ang inaakto ko. Sa maliit na bagay ay naiirita ako. "Hindi, wala kang na gawang kasalanan. May mga salita lang akong narinig galing sa iba na medyo hindi ko na gustuhan," paliwanag ko sa kaniya at hinawa