♕CHAPTER 7♕

2791 Words
CAMILLA's POV ♛♕♛ Nakatingin ako sa labas nang malaking bintana sa loob ng aking opisina, tanaw-tanaw ko si Lev na sakay ng itim kaniya kabayo at paalis na upang pumunta sa royal palace. Hindi niya na nais na ihatid ko siya dahil babalik din naman daw siya pagtapos ng pagtitipon, na iwan ako sa loob ng opisna habang pinapanood ko siyang umalis kasabay nang paglubog ng araw. Tumingin ako sa malaking orasan na nasa loob ng aking opisina, ilang oras na lang ay magsisimula na ang kapistahan sa capital kaya nais ko sanang tapusin na ang iba ko pang trabaho bago ko ayain si Amon na lumabas. "Ed, pwede pakikuha mo ako ng dalawang malalaking coat na mayroon hood sa ulo? Iyong matatakpan ang aking mukha at pagkakakilanlan," utos ko sa kaniya at agad naman siyang tumango sa aking harapan. "Masusunod my lady," sagot niya at mabilis na lumabas sa aking opisana para sundin ang aking inuutos sa kaniya. Agad naman akong umupo sa harap ng aking lamesa at sinumulan na gawin ang mga trabaho na aking kailangan tapusin. Mga dapit hapon, kalat na ang dilim sa buong paligid at isa-isa nang binubuksan ang mga ilaw sa loob ng manor. Naghikab ako at inunat ang aking likod sabay tayo at lakad palabas ng opisina, tinignan ko si Ed na mukhang may nais tanungin sa 'kin kaya bago ako tuluyan na makalabas ng opisina ay tinignan ko muna siya at nagtanong. "May nais ka bang sabihin?" Tanong ko at umiling naman siya. "Wala po my lady," tugon niya na medyo pinagtaka ko pero hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at agad na nagtungo papunta sa dinning area upang kumain. Pangalawang hapunan ko na ito sa mansyon at wala man lang ako kasabay kumain, ang dalawang kapatid ko ay umalis pa palabas ng Leonheart at iniwan ako rito mag-isa. Ganito ba nila ako balak salubungin? Pagtapos ng sampung taon na hindi namin pagkikita ay iiwan na agad nila ako sa manor na ito? Nakakatampo! Pero kailangan ko rin silang intindihin dahil alam ko naman na hindi kami tunay na magkakapatid at hindi nila responsibilidad na ituring ako bilang kadugo nila. Napasimangot na lang ako habang kumakain at pinagsisilbihan ng mga katulong sa tabi ko, nais ko rin sana silang ayain na kumain kasabay ko ngunit tila mailap sila at hindi na nais na magkaroon pa ng ibang usapan sa pagitan ko. Parang hindi ko ramdam na parte sila ng Leonheart, parang pumunta lang talaga sila rito para magtrabaho at hindi maging parte ng pamilyang ito. Sabagay, ni isa naman sa kanila ay hindi lumaki sa household namin, lahat sila ay bago lamang dito dahil ang mga luma naming katulong na halos ituring ko nang parte ng pamilyang ito ay nakasama sa malagim na trahedyang iyon. *Blugh* "Ayos lang po kayo my lady?" Tanong ng isang katulong nang makita niya kong mapaduwal, hindi ko kasi maiwasang masuka nang maalala ko ang kalunos-lunos na dinanas ng mga tauhan namin noon. Nagkalat ang mga katawan nila sa sahig habang naliligo sa kaniyang sariling dugo, may iba sa kanila na parang kinalmot nang mabangis na hayop o sinakmal nang mariin, dahilan para halos humiwalay na ang kanilang ulo sa kanilang leeg. Para silang nilapa ng isang malaking oso, o tigre na may malalaki at mababangis na pangil. Para silang pinaglaruan ng isang halimaw. "My lady, uminum po muna kayo ng tubig," sabi sa 'kin ni Annie at inabutan ako ng isang basong tubig. Tinanggal ko ang pagkakatakip ko ng aking kamay sa aking bibig at ininum naman ito. "Iligpit niyo na ito at na walan na ako ng ganang kumain," utos ko sa kanila at mukhang nanghinayang naman sila sa mga pagkain na masasayang lamang. "Pwede niyo kainin iyan, kayo na ang magsalo-salo sa piging at matutulog na ko nang maaga," saad ko at lahat naman sila ay yumuko at nagpasalamat sa 'kin. Naglakad ako palabas sa dinning area at dumaretsyo sa loob ng aking silid, dahil sa sinabi kong matutulog na ko ay paniguradong wala nang kakatok o iistorbo sa 'kin. Pwede ko nang ayain si Amon na lumabas ng manor, napangiti ako at madaling kinuha ang inutos ko kay Ed na mga talakbong upang walang makakita sa aming dalawa ni Amon mamaya. Agad kong kinuha ang lampara saka binitbit ang isang lalagyan ng cookies at damit para sa kaniya, bago pa man ako pumanhik sa lagusan ay kinandado ko nang maige ang aking silid at pinuntahan siya. Nang makita niya ang liwanag sa aking lampara ay agad siyang tumakbo papunta sa pwesto ko at niyakap ako. Napangiti ako sa hindi ko malaman na dahilan, para bang bumibilis ang t***k ng puso ko kada makikita ko ang mga ngiti niya. "Kanina pa kita iniintay, akala ko hindi mo na ko babalikan," saad niya at natawa naman ako sabay abot sa kaniya ng lalagyan ng cookies. "Ano ito Camilla?" Tanong niya sa 'kin habang sinisindihan ko naman ang mga sulo na nakasabit sa bawat pader ng lagusan. "Cookies ang tawag d'yan, masarap 'yan at matamis," sabi ko sa kaniya at binuksan namin ito saka sabay na tinikman. Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya nang maisubo niya ang mga ito sa kaniyang bibig, tila ba ngayon lang nakatikim nang masarap na pagkain sa tanang buhay niya. "Ang sarap nito Camilla! Pwede pa ba ko kumuha ng isa?" Tanong niya at tumango naman ako. Sabi ko na nga ba't magugustuhan niya ito dahil ayon sa libro na kanina lang ay binabasa ko sa opsina, mahilig daw ang mga bampira sa matatamis na pagkain. Na pagnakahanap sila ng matamis na dugo ng isang mortal ay hindi nila ito titigilan. Hindi na ko nagtataka na nagustuhan niya ang lasa ng dugo ko dahil siya na rin ang nagsabing matamis ito. Pero pano naging matamis ang dugo ko sa panlasa niya? Samantalang hindi naman ito magamis sa panlasa ko. "Sayo na lahat iyan, dinala ko 'yan para may makain ka kapag hindi kita nabibigyan ng dugo ko," saad ko sa kaniya at mukha na naman siyang na lungkot. Agad na bumaliktad ang mga ngiti niya sa labi at parang nasaktan sa mga sinabi ko. Ang bilis magbago ng emosyon niya at mabilis ko rin nababasa ang mga ito sa kaniyang mukha. "Hahaha, nalulungkot ka ba dahil hindi kita mapapainum ng dugo ko?" Tanong ko sa kaniya at inaya siya maglakad papunta sa lihim na hardin. "Hindi sa ganun, tingin ko kasi hindi mo na ko dadalawin dito kung hindi mo ko papainumin ng dugo mo," sagot niya at natawa lang ako sabay iling. Inabot ko sa kaniya ang damit na aming susuotin at tumingin sa mga mata niya, "kung hindi man ako makapunta o makadalaw sayo, paniguradong may nangyari na sa 'kin na kailangan kong unahin, pero lilinawin ko lang sayo na hindi kita pwedneg bigyan ng dugo ko araw-araw dahil baka mamatay ako pagnagkataon," sagot ko sa kaniya na kinagulat niya at agad niyang hinawakan ang dalawa kong balikat. "Kahit hindi mo na ko painumin ng dugo mo, basta wag mo lang ako iiwan!" Sabi niya sa aking harapan at kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot na mawala ako. Bakit ganito? Bakit tingin ko sobrang importante ko sa lalaking ito? "Hindi pwede na hindi kita mabigyan ng dugo, siguro ay isang beses sa isang linggo? Ayos lang ba 'yun sa iyo?" Tanong ko at agad siyang tumango sabay yakap sa 'kin na kinabigla ko. Parang sobra siyang na saktan sa ideya na mamamatay ako at iiwan ko siya, siguro dahil ako ang unang mortal na nakasama niya pagtapos ng ilang taon na pagkakakulong niya. Ako lang ang nakikita niyang kakamampi at sandalan niya, kaya naman dapat hindi ako mag-isip ng iba tungkol sa mga inaakto niya. Normal lang na maramdaman niya ang takot pag na wala ako, dahil ako lang ang unang tumulong sa kaniya at nakakasama niya ngayon. Umiling ako at pilit na inaayos ang takbo ng isip ko, sinuot ko rin ang mahabang damit at sinukbit ang hood nito sa bawat ulo naming dalawa. "Tara na, pupunta tayo sa capital para magsaya," sabi ko sa kaniya na pinagtaka niya. "Lalabas tayo? Sa maraming tao?" Tanong niya at tumango naman ako sabay ngiti nang bungisngis sa harapan niya. "Oo, nang walang nakakakilala sa 'tin," saad ko sa kaniya at parang kabado siya sa mga nais kong gawin pero na gawa niya pa ring magtiwala at sumang-ayon sa akin. Naglakad kami papunta sa harap nang mataas na pader na harang sa hardin para maitago ito sa iba. Pinapalibutan kami nang matatas na pader na mayroong nagkalat na halaman. Puno ito nang gumagapang at matinik na halaman, dahilan para hindi mo ito maakyat nang ayos gamit ng iyong mga paa. "Kaya mong talunin ito hindi ba?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya bilang sagot, bigla niya kong binuhat sa kaniyang bisig at mabilis na tinalon ang mataas na pader sa harapan naming dalawa. Pakiramdam ko lumilipad ako sa himpapawid sa mga sandaling iyon, parang lumulutang ang buo kong katawan sa kaniyang pagtalon. Napasinghap na lang ako nang matapos niyang bumaba sa lupa ay muli siyang tumalon papasok ng kakahuyan at mabilis na sumapa sa mga sangga ng puno. Mahigpit akong kumapit sa kaniyang leeg habang buhat-buhat niya ko at walang kung anu-ano ay nasa tapat na kami ng capital kung saan kitang-kitang mo ang nagliliwanag na mga ilaw sa paligid ng plaza. Maraming tao sa lugar at nagkakasiyahan ang mga ito, sari-sari rin ang mga paninda sa daan at ang mga naglalako ng mga pagkain. Maraming tao sa labas, hindi lang mga commoner ang na rito pati na rin ang mga noble. Sa pagkamangha ko sa kapistahan, hindi ko namamalayan na nanginginig na pala ang buong katawan ni Amon sa takot. Agad siyang bumaba sa puno at takot na takot na tinitignan ang kasiyahan sa kaniyang harapan, mabuti na lang at madilim sa parteng ito ng plaza at balot kami nang makakapal na mga halaman at puno para hindi nila maobserbahan. Napatingin ako kay Amon at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay na siyang nagpabalik sa kaniyang ulirat. "Wag ka mag-alala, hindi ka nila kilala at walang makakapanakit sayo," saad ko sa kaniya at pilit siyang pinapakalma, pareho kaming nakatago sa makapal na halaman sa aming harapan habang nakaluhod at tinitignan ang kapistahan. "Pero pano pag nalaman nilang halimaw ako?" Tanong niya sa 'kin at agad akong umiling. "Sa kagwapuhan mong iyan? Walang mag-aakala, at isa pa hindi ka halimaw sa paningin ko," sagot ko kahit na hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko. Alam kong delikado si Amon, alam ko ring delikado ang mga tao sa paligid namin kung malaman nila kung ano siya, pero totoo naman ang sinabi ko na hindi siya isang halimaw sa paningin ko. Dahil mas may halimaw pa nga na nagkakayong tao. "Wag kang aalis dito, bibili lang ako ng panyapak mo at pangako kong babalik ako," utos ko sa kaniya at parang nagdadalawang isip pa siyang paalisin ako. Hinawakan ko ang kaniyang buhok at hinalikan ito saka lumabas sa pinagtataguan namin at nagtungo sa isang bilihan ng sapatos pang lalaki. Buti na lang at kasukat niya ng paa si kuya Augustus kaya madali ko lang siyang mahahanapan ng kakasya sa kaniya. "Nais niyo po bang bilhin ang sapatos na 'yan para sa inyong nobyo my lady?" Tanong ng nagtitinda at para naman akong na mula dahil sa ideya na 'yun. Nobyo? Parang hindi babagay sa katulad ko ang maamo at inosenteng si Amon. "Hahaha, hindi ito para sa nobyo ko pero nais ko sanang bilhin ito," turo ko sa kaniya ng napili ko at agad naman siyang tumango para ibalot ito at mabayaran ko na. Nang makabili ako ay agad kong binalikan si Amon sa pinagtataguan niya at nakita ko lamang siya doon na nakayuko at tahimik na iniintay ako, hindi pa ako ganung nakakalapit ay alam kong na amoy niya na ang amoy ko. "Camilla Akala ko tuluyan mo na kong iniwan dito," nag-aalala niyang paliwanag habang pilit na nakangiti, siguro habang namimili ako ay iniisip niyang hindi ko na siya babalikan. "Sabi ko naman sayo na saglit lang ako hindi ba? Ito oh, nakabili na ko ng panyapak mo sa paa," sabi ko sabay abot sa kaniya ng binili kong itim na sapatos. Agad niyang binuksan ang kahon at masayang makita ang pinili ko para sa kaniya, agad niya 'tong sinuot at masayang tinignan nang paulit-ulit. Sobrang saya niya na sa simpleng bagay na 'to, ano pa kaya kung bilhan ko siya ng mga bagong damit. "Ano, handa ka na bang magsaya ngayong gabi?" Tanong ko sa kaniya at parang nagdadalawang isip pa, inintay ko muna siyang maging handa saka ko inilahad ang kamay ko sa kaniyang harapan at kinuha niya naman ito at pilit na tinatapanagan ang kaniyang sarili. "Kung kasama kita Camilla, magiging masaya ako kahit sa bagay na aking kinakatakutan," sagot niya sa 'kin na nagpabilis na naman nang t***k ng puso ko. Determinado siyang nakatingin sa 'kin at napailing na lang ako dahil pakiramdam ko namumula na ng mga pisngi ko dahil sa kagandahan ng mga mata niya. Tumango ako at hinila siya palabas sa madilim na sulok ng plaza at nagsimula na kaming magsaya. Una ay kabadong-kabado pa siya umapak sa paligid ng maraming tao ngunit nung naramdaman niyang may kani-kanila itong ganap at masayang nagdaraos ng kapistahan ay unti-unting bumaba ang takot niya sa katawan. Una ko siyang sinamahan sa isang pamilihan ng damit, binilhan ko siya ng kaniyang pang araw-araw na masusuot at ng iba niya pang kailangan. Hindi mapaglagyan ang saya niya sa bawat damit na pinapasukat ko sa kaniya at tila ba hindi niya alam pano niya ko mababayaran sa mga ito. Kada sukat niya ng mga damit at tuwing ipapakita niya ito sa 'kin ay hindi ko rin mapigilan na mahulog sa kaniyang mukha. Halos lahat ng damit ay nais ko nang bilhin dahil lahat ito ay bagay na bagay sa kaniya. "Sino ang binata na iyon? Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang mukha para sa isang lalaki," rinig kong bulungan ng ibang binibini na namimili rin ng kanilang mga damit. Buti na lang at nakataklob ang aking mukha at hindi nila makikita kung sinong noble lady ang kasama ni Amon ngayong gabi "Hindi ba't masyadong masikip ito?" Tanong ni Amon sa 'kin at napatakip naman ako sa aking bibig dahil sa masikip ang suot niyang pantalon. Bakat na bakat ang kaniyang p*********i at pwetan doon, hindi ko tuloy maiwasan na mamula at mapaiwas ng tingin. "Excuse me, may ibang sukat pa ba kayo para sa kaniya?" Tanong ko sa babaeng nagsusukat at tumutulong kay Amon sa kaniyang pagpapalit. "Hmm, ipapasadya na po namin ang sukat niya my lady," saad ng babae at tumango naman ako. "Mas maige pa nga na ipasadya na lang para sukat at tama sa kaniyang katawan, pakibalot na ang lahat ng iyan at pakidala sa adres na ito, itago niyo ang laman nito at sabihin na pinag-uutos kong huwag bubuksan," utos ko sa kaniya at tumango naman siya sabay bigay ko ng adres at bayad ng tseke sa kaniya. "Tara na Amon," tawag ko sa kaniya habang suot niya na ang kaniyang bagong damit na talaga namang bagay sa kaniyang magandang mukha. Agad kong tinakpan ang kaniyang ulo ng hood dahil hindi ko mapigilan mainis sa mga babaeng kanina pa siya pinagnanasaan. "Camilla, ayos lang ba talaga na tumanggap ako ng mga damit at regalo galing sayo?" Tanong niya at tumingin naman ako sa kaniya nang medyo na aasar. "Oo, at sa susunod hindi na kita isasama sa pagsusukat dahil pinagpipyestahan ka ng mga linta sa paligid," saad ko at halatang nagtaka siya sa inakto ko. "Galit ka ba sa 'kin dahil sa gumastos ka?" Tanong niya at agad akong umiling, kung alam niya lang na wala pang isang pursyento ng allowance ko ang na gastos ko para sa mga damit niya. "Wag ka mag-alala, kailangan mo ang lahat ng iyan para sa pagtakas mo," saad ko sa kaniya at pansin kong nakasimangot siya habang nakasunod sa 'kin. Medyo na kunsensya naman ako, bakit nga ba sa kaniya ako na pipikon samantalang hindi niya naman kasalanan na pagtinginan siya ng ibang babae? Sa paglalakad namin sa hindi ganong mataong parte ng iskinita ay tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya sa pagsunod sa akin. Humarap ako sa kaniya at agad na inabot ang kaniyang mukha sabay halik sa kaniyang labi na dahilan nang pagkabigla niya. Hindi ko rin alam bakit ganito ang kinikilos ko, basta ang gusto ko lang ay ako lang ang babaeng makakakita ng kagandahan ng kaniyang mukha at katawan. Nais ko lang, na ako lang din ang babaeng kaniyang titignan. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD