CAMILLA's POV ♛♕♛ Pagkunot ng noo ang isinagot ko sa kaniyang tanong at kasabay nito ang pag-iling niya sabay sapo sa kaniyang noo. "Ang tanga ko rin talaga, pano ka nga ba makakalabas ng mansyon kung ganito ang kalagayan mo," saad niya at dahil doon ay nakahinga ako nang maluwag. Buti naman at hindi niya na isip na nagawa ko pang tumakas sa ganito kong kalagayan, ang hindi niya alam ay dahil sa pagtakas ko kaya ako nasa ganitong sitwasyon ngayon. "Kaya nga nagtataka ako sa tanong mo," iyon na lang ang isinagot ko sabay subo ng kutsarang sa aking bibig at nguya ng aking kinakain. Nakita ko siyang napakamot ng kaniyang batok habang bumubulong. "Pero kahawig mo talaga 'yung nakita ko eh," pagkausap niya sa kaniyang sarili at tila bang litong-lito sa mga nakita niya kagabi. "Baka kahawi