♕CHAPTER 1♕

2207 Words
♛♕♛ CAMILLA's POV TAON 1645 LUMIRE EMPIRE Tinupi at inilagay ko sa bagahe ang huling damit na aking babaunin sa pag-uwi ko sa Leonheart Estate. Sinarado ko ang bagahe at saka pinagpag ang dalawang palad ko sa isa't isa. "'Yun nakatapos din ng pag-aayos," bulong ko at tumayo na para ayusin naman ang itsura ko. Humarap ako sa salamin at sinuot ang bonnet sa aking ulo saka itinali ang mga ribbon nito sa ilalim ng aking baba. Tinignan ko ang bawat angulo ng aking mukha at sinuri kung kaaya-aya na ba akong tignan. Muli kong sinuklay ang mahaba at itim kong buhok saka ko itinago ang iilang hibla na kumakawala sa likod ng aking tenga. "Hmmm, parang may kulang?" Tanong ko sa sarili ko at kinuha ang isang maliit na box na may nakalagay na pulang kolorete na para sa labi, inilagy ko ito sa ibabaw ng aking labi para pumula ang kulay at bumagay sa maputi kong balat. "Hmm? Ayos na siguro 'to hindi na siguro ako aasarin ni Lev na nene," sabi ko at napangiti sabay suot ng guwantes at kuha ng bagahe na aking dadalhin. Paglabas ko ng pintuan ay may katulong na nag-aabang na para sa'king paglabas, kinuha niya ang bagaheng hawak ko at naglakad na kami palabas ng dormitoryo. Napangiti ako nang malungkot habang pinagmamasdan ko ang buong pasilidad, dito ako tumira ng sampung taon at halos ito na ang tinuring kong tahanan pero ngayon oras na para umalis ako rito at harapin ang kailangan kong gampanan. "Camilla!" Napalingon ako at agad na sinalubong si Lily. "Sumulat ka ah, bisitahin mo ko rito wala na kong kausap!" Malungkot at nagmamaktol nitong sabi kaya na tawa ako, siya ang matalik kong kaibigan sa loob ng dormitoryo na 'to sa lumipas na panahon. "Hahahaha kung pwede lang ako bumalik ng isang taon pa sa pag-aaral para makasama kang grumaduate ay bakit hindi, pero wala eh dalaga na kasi ako," mapang-asar kong sabi sa kaniya at napanguso na lang siya sabay yakap sa'kin. "Basta mag-iingat ka, sumulat ka kung nais mo ng kausap at susubukan ko ring dalawin ka pagbakasyon," sabi niya sa'kin at napangiti ako. Alam ko naman na nag-aalala siya sa pag-alis ko pero kailangan ko nang gampanan ang gampanin ko. "Oo tatakbo ako rito pag hindi ko kinaya hahaha," sagot ko at tumawa na lang din siya sabay kaway ko sa kaniya at muling bumalik sa silong nang malaking payong na hawak ng aking katulong. "Milady, andito na po ang karwahe at ang sundo niyo na si young master Lev," sabi ng kutsero at tumango ako saka ko nakita ang aking kababata na si Lev, gwapong-gwapo na nag-iintay sa'kin sa labas ng gate. Napangiti ako at hindi ko pa siya tinatawag ay agad na siyang napalingon sa direksyon ko at binigyan agad ako nang bungisngis niyang ngiti. "Nene! Wahahaha!" Tawag nito sa'kin na kinapula ko at hindi naman mapigilan ng aking katulong na mapatawa rin. "Rose tinatawanan mo ba ko? Mukha ba talaga akong nene hanggang ngayon?" Tanong ko sa kaniya at agad niyang pinigilan ang kaniyang pagtawa at umiling. "Hindi po milady, sa katunayan ay napakaganda niyo pong binibini, siguro po ay hindi lang nagbago ang tingin sa inyo ng young master," tugon niya at napanguso na lang ako sabay lapit kay Lev. Agad niyang kinuha ang aking kamay at hinalikan ito habang nakatungo. "Greetings my lady, o mabuting tawagin na kita na Viscountess Camilla?" Tanong niya at medyo na mula ako sa ginawa niyang pagbati sa'kin, bakit hindi pa ko na sanay sa mapang-asar niyang tingin? "Nene na lang tutal sinigaw mo na naman hindi ba?" Tanong ko at asar na binawi ang kamay ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako at inalalayan akong makasakay sa loob ng karwahe. "I'm sorry my lady, na sanay lang pero ang laki ng itinagkad mo ah," asar niya na hindi nagbabago, kahit noon ganito niya na ko kausapin kahit na mas mataas ang ranggo ko sa kaniya at scholar siya ng aking ama ay tinuturing niya kong kaibigan niya na dahilan bakit ko siya ns gustuhan. "Well, lumipas din naman ang taon at naging dalaga na ko no, ano tingin mo sa'kin 'yung batang iyakin pa rin?" Tanong ko at umiling siya sabay ngiti sa harap ko na medyo nagpabilis sa t***k ng puso ko. Hindi maikakaila na kahit lumipas ang taon na hindi ko nakikita si Lev ay may paghanga pa rin ako sa kaniya. "Hindi, sa katunayan nga ay sobrang ganda mo ngayon, sinong mag-aakala na 'yung batang tulo ang uhog noon ay ganap nang binibini ng Lumire Empire ngayon." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at napangiti na lang sa harap niya, sana nga ganap na binibini na ako na kayang harapin ang trahedyang tinakasan ko noon. "Kamusta si kuya Augustus?" Tanong ko sa kaniya at nagbikit-balikat lang siya sabay sabing, "Hindi ko alam. Sa katunayan ay kakauwi ko lang sa emperyo para masundo ka." Tumaas naman ang kilay ko sa pagtataka. "Kung ganoon ay mag isang pinamamalakad ni kuya ang Leonheart Estate at saan ka naman galing?" Nagtataka kong tanong at ngumisi lang siya sa'king harapan habang hinihimas ang balikat niya na puno ng mga medalya at badge. "Woah knight ka na ng Empire?" Tanong ko at umubo pa siya. "Ehem, fist rank knight ng Lumire my lady," pagmamayabang niya sa harap ko ngunit hindi ko naman maiwasan na maging masaya sa mga na abot niya, tumaas na ang ranggo niya at first knight ng empire? Woah malaking titulo iyon. "Ang galing naman ng kapatid ko! Nabebenta ba 'yan?" Turo ko sa mga badge na nakasabit sa damit niya, halatang sinabit niya ang lahat ng ito para lang ipagmayabang sa'kin, pano kaya kung mawala ang isa dito? "Milady, young master Lev andito na po tayo sa Leonheart Estate," pag-aanunsyo ng kutsero kaya na tigil ang biruan namin at napalitan naman ng kaba ang aking dibdib. Nang makita ko ang malawak na lupain na patuloy naming binabaybay ngayon ay unti-unti rin akong kinakain ng kaba at takot sa kinauupuan ko. Napalunok ako at pilit na tinitignan ang daan papasok sa manor kung saan ako lumaki at kung saan ako totoong nakatira. "Ayos ka lang ba Camilla?" Tanong niya at tumango ako kahit na tinatago ko ang panginginig ng mga kamay ko. Tumigil ang karwahe sa tapat ng mansion at pakiramdam ko ay tumigil na rin ang pagtibok ng puso ko, para akong papasok sa bangungot na tinakasan ko. "Greetings my lady," pagbukas ng pinto ay agad akong sinalubong ni kuya Augustus nang nakangiti, unti-unting na wala ang takot ko nang hawakan niya ang kamay ko at alalayan bumaba sa karwahe. "Greetings my lord," bati ko sa kaniya at kinuha ang dalawang dulo ng aking palda saka yumuko at nagbigay galang sa kaniya. "Ang bilis ng panahon, dati binabakay lang kita ngayon ay dalagang-dalaga ka na," sabi niya at napangiti naman ako sabay sukbit ng kamay ko sa braso niya. "Parang ako lang ang tumanda rito ah? Ikaw din kuya August binatang-binata ka na," sabi ko sa kaniya at masaya kaming nagkwentuhan papasok ng mansion dahil ilang taon din kaming hindi nakapag-usap ni kuya August pero 'yung pakiramdam ko ay parang kahapon lamang nung huli ko siyang nakasama. "Iiwan niyo lang talaga ako rito?" Rinig naming habol ni Lev kaya na patawa kaming dalawa. Si kuya August at Lev na lang ang natitirang pamilya ko sa Leonheart Estate, sa katotohanan hindi ko pa nga sila tunay na kadugo dahil scholar lang sila noon ng aking yumaong na ama. Dito na sila lumaki kasabay ko at itinuring ko ng mga kapatid kong lalaki, alam kong ganoon din sila sa'kin kaya naman kahit papano ay hindi ko naramdaman 'yung lungkot sa pag-uwi ko sa manor na 'to. Simula kasi nung atakihin kami ng kung anong trahedya nang gabing iyon ay ako na lang ang na tirang buhay sa loob ng buong manor. Nasa training ground sa royal palace si Lev ng gabing iyon at si kuya Augustus naman ay nasa dormitoryo at nag-aaral. Natira kami ng aking mga magulang, lahat ng mga katulong at mga nagtatrabaho dito sa loob ng estate. Masaya naman kami at maayos na pinapamalakad ng aking ama ang manor na ito. Ngunit isang gabi nangyari ang isang trahedya na nagpabago sa buong buhay ko, matapos akong itago ng aking ama para malayo sa trahedya na 'yun ay ako na lang at ang dalawa kong kuya ang natirang buhay matapos silang paslangin at walang awang patayin ng kung ano mang halimaw ang gumawa sa kanila noon. Tanda ko pa noon, naglalakad ako sa daan na puno ng mga dugo at nakahandusay na katawan. Hindi ako magawang buhatin ni kuya August noon dahil sa nanlalambot din ang mga tuhod niya at halos sampung taong gulang lamang siya ng panahon na iyon habang ako naman ay pito. Wala kaming kamalay-malay sa mga nangyayari at puro katanungan lang ang tumatakbo sa isip naming dalawa noon hanggang sa dumating ang aking tiyuhin at tinulungan kaming dalawa. Nalaman kong wala ng buhay ang mga magulang ko at halos maubos ang dugo nila sa katawan, hindi sila na bigyan nang maayos na burol dahil sabi nila kailangan mailibing agad ang mga katawan nito dahil magdudulot daw ito ng sumpa sa buong angkan. Panay lang ang sunod ko sa kung anong nais nilang gawin samin noon, wala akong kaalam-alam na 'yung libing na 'yun na pala ang huling pagkakataon na makikita ko ang mga magulang ko. Pagtapos noon ay pinapasok ako ng aking tiyuhin sa isang prehisteryosong paaralan upang malaman ko lahat ng bagay na kailangan kong magamit sa paghahawak ng manor. Dahil pagdating ko sa tamang edad ay ako na raw ang maghahawak nito, sinunod namin ang plano niya at sinubukan ko naman makabangon sa bangungot na iyon at ginawa iyong adhikain upang mahanap kung sino o ano ang pumatay sa'king mga magulang. Lumipas ang mga taon at sunod na pumanaw ang aking tiyuhin na hindi ko man lang nagawang pasalamatan, pansamantalang pumalit sa kaniya si kuya Augustus at ngayon na nakatapos na ko sa pag-aaral ay ako na ang hahawak sa buong Leonheart Estate. "Camilla, ayos lang ba talaga sayo na rito matulog? Pwede ko naman ipaayos ang main room kung gusto mong matulog doon," tanong sa'kin ni kuya Augustus na halatang pagod at walang tulog, mukhang naging abala sila para sa pag-uwi ko. "Ayos na ko rito at saka ito naman talaga ang kwarto ko," sagot ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge. "Matulog ka na kuya, nais ko na rin sana magpahinga at pwede ka nang bumaba sa pagiging Viscount mo at gawin ang nais mong gawin," sabi ko sa kaniya habang hawak ang dalawa niyang kamay. Alam kong hindi ito ang pangarap niya sa buhay ngunit napilitan siyang gawin 'to dahil sa responsibilidad at utang na loob niya sa pamilya namin. "Totoo bang ayos ka lang? Totoo bang pwede na kitang iwan?" seryoso niyang tanong na medyong nagpasikip sa dibdib ko. Ngumiti na lang ako at tumango sa harap niya kahit medyo nag-aalangan ako. Bakit ba kasi parang tunog na iiwan niya na ko at hindi ko na siya pwedeng ituring na kuya ko? "Hehehe dalaga na ko oh," sabi ko sa kaniya sabay pilit na ngumiti sa harap niya, ginulo niya ang buhok ko at lumapit sa'kin kaunti na kinabigla ko. "Totoo ngang dalaga ka na, parang gusto tuloy kitang itakas at isama sa pupuntahan ko," bulong niya na medyo kinakaba ko. Namula ang tenga ko at napaurong ng hakbang sa kaniya, ngumiti lang siya sa harap ko at naglakad na palabas ng pinto. "Sabihin mo sa'kin kung hindi ka makatulog, good night my lady." Tumango ako at isinara niya na ang pinto. Nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa kama ko, kailan pa naging ganoon kalalim ang boses ni kuya Augustus? Napalunok ako at napahawak sa dibdib ko. "Hindi lang ako ang malaki ang pinagbago, pati sila ay sobrang laki ng pinag-iba sa mga batang kilala ko noon." Napahiga ako habang ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit ba na tila ang init ng mga pisnge ko? "Ay naku! Camilla mabuti pa magbasa ka na lang ng libro para makatulog ka," pagkausap ko sa'king sarili at tumayo para kumuha ng libro sa malaking bookshelf na nakadikit sa dingding ng aking kwarto ngunit sa pagtitingin ko ay napako ang mga mata ko sa malaking painting na nakadikit sa dingding. "Tanda ko ang painting na 'to," bulong ko at para bang nais kong makita muli ang taguan sa likod nito, kaya agad kong kinuha ang lampara sa gilid ng kama at inurong ang painting na nasa harapan ko. Maliit man ang taguan pero mukhang kakasya pa rin ako rito, hinawakan ko ang tablang nasa harap ko at ramdam kong umurong ito. Tama ang hinala ko noon, may lagusan sa likod ng taguan na 'to, kaya naman kahit maliit ang daan ay pinagkasya ko ang sarili ko at muling pumasok sa madilim na lugar na 'to. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa gabing 'yun, kung saan huli kong nakita ang mukha ng aking ama. Ngunit kinakain talaga ako ng kuryusidad ko na tahakin ang lagusan na 'to. Lagusan na hindi ko alam saan ako dadalhin. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD